Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, March 21, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 8)

CHAPTER 8:

“SO you are the infamous Aann Janihim,” sabi ng lalaking mahaba ang buhok, medyo singkit ang mata, naka-salamin pero wala namang lense, naka polo-shirt at tie pero naka-shorts at tsinelas lang. Kung hindi lang ito gwapo ay mapapangiwi talaga si Aann sa kanya. “I am Aaron, second cousin of Kiel. May request kang song mamaya? Kakantahin namin for you,” nakangiting turan nito sa kanya.

“Pleasure to meet you, Aaron, at sure ka na okay lang mag-request?” nakangiting turan niya. Nalaman niyang nasa banda pala ang ibang mga kaibigan at kababata ni Kiel. Mukhang masayahin at makukulit din ang iba sa kanila na lalong ipinagtataka niya. Bakit hindi nahawa sa pagiging adorable si Kiel?

“Oo naman! Kayang-kaya ni Aaron ang kumanta, mapa-Adele man or Bruno Mars!” natatawang joke ng babae na shoulder length ang haba ng buhok, may nunal sa itaas ng kilay ang cute kung maka-ngiti. She’s a looker too kahit na hindi ito masyadong nag-aayos. “By the way, I am Vicky at bassist nila ako,” sabi nito and took her hand and shook it.

“Sira-ulo ka talaga, Vicky ha! Autumn, pagsabihan mo nga ang jowa mo, baka ihampas ko ang keyboard ko diyan eh,” sabi ni Aaron pero halatang nagbibiro lang ito. “If pambabae ang kanta, yung dalawang babae sa grupo ang nakanta at kapag lalaki, depende yan kung sino makakaabot at kung sino ang bagay na kumanta,” pagpapaliwanag nito.

“I figured that out,” natatawang turan niya. “Do you want to punish them, Aaron?” tumungo ito sa kanya at ngumisi siya. “Then can I request ‘In the arms of an Angel’ ni Sarah Mclaughlin?” sabi niya at napa-No sila Vicky at si Autumn. Nag-peace sign naman siya but Aaron started to laugh.

“I like her, Kiel, aprobado na yan! Pwede mo na rin yang pakasalan kung gusto mo,” sabi nito at binatukan naman ito ni Isaac.

“Pasensya ka na kay Aaron ha? Baliw kasi yan eh, pre-mature baby kasi,” sabi ng gwapong lalaki na mahaba at medyo wavy ang buhok nito. Sexy rin ito kung makangiti at medyo payat pero sakto ito sa height nito.
“By the way, Ako nga pala si Isaac, drums naman ang hawak ko,” pagpapakilala nito.

“Alam kong nakilala mo na ako kasi isinigaw na ni Aaron ang pangalan ko pero let me introduce myself properly. I am Lovely Autumn but call me L.A or Autumn, I am a doctor at dahil si bff naman ang pinaparusahan mo, she will sing that song,” sabi nito at kinamayan siya.

“Nice meeting you, Vicky; Isaac and Autumn,” sabi niya dito at ngumiti.

“Wala pa yung iba dahil late pero ituturo ko sa iyo ang mga busy na tao sa loob ng Evergreen,” maya-maya ay sabi naman ni Kiel. “Pupuntahan nila tayo once na maasikaso na nila ang mga dapat asikasuhin,” pagpapaliwanag nito ulit.

“Oh…they are still working? Anong trabaho nila?”

“Noel is the owner of this Music Lounge, ka-partner nila sa business si Isaac at si Grant, na ka-banda rin ng mga iyon. They are currently doing some work,” sabi naman nito. “I’ll introduce them properly, for now, yung mga kadarating muna ang magpapakilala.”

“Sorry guys, na-traffic kasi ako dahil na-late ng labas sa Aphrodite eh. So is she Aann?” sabi naman ng matangkad at intimidating na babae. She’s really lovely with her natural tanned color and wavy hair, kung hindi nga lang ito nagsasalita ng tagalog ay mapagkakamalan niyang Mexican ang dalaga. “I’m Artemis but call me Art, ako ang disciplinarian ng mga sira-ulo kong kababata,” sabi nito but didn’t even smile kahit na nga ba friendly ang approach nito. “Para di ka na magulat, I am Aaron’s half-sister.”

“Wow! Nice meeting you, Art. Are you one of the designers of Aphrodite? I must say that I love your clothes, I got few of my dress in the cabinet, is it alright if I ask you to help me choose a new dress?”

“Sure, I heard na nadisgrasya ng empleyado ni Kiel ang favourite dress mo so I can help you with that.”

“Salamat ha!”

“I was about to call na hindi ako makakapunta when I remembered na ngayon mo nga pala ipapakilala si Aann sa amin, where is she?” tanong ng kadarating na lalaking nakasalamin with a very rugged looking man. Ito ang totoong malabo ang mata dahil kitang kita ang kapal ng salamin nito. Sayang nga dahil natatabingan nito ang gwapong muka nito.

“She’s in front of you, Sky,” natatawang turan naman ni Kiel at doon lang siya nakita nung sinasabing ‘Sky’ ni Kiel.

“Hi! Ako si Aann,” pagpapakilala niya.

“Sorry about that, I intend to not look properly lalo na kung distracted ako but I am Skyler,” sabi nito at kinamayan siya. “If you want to sue Kiel, you can phone me, I am the Lawyer of this group,” sabi nito at tipid na ngumiti sa kanya.

“Sky naman eh! Magkaibigan tayo at ako talaga ang hindi mo kakampihan?”

“Well, in Law, walang kaibi-kaibigan,” sabi nito pero nakitang napangiti ito ng malapad.

“Sorry, guys, at late kami!” sabi naman ng humahangos na babae. She’s got a long hair and she’s one of the loveliest face she had ever seen at ng ngumiti ito ay parang naging half-moon ang mga mata nito at may kasama rin itong babae na kung kumilos ay parang hindi makakabasag ng pinggan.

“Nothing new there, Ericka,” sabi ng kadarating na gwapong binata. “You must be Aann, I am Noel.”

“Oh! Ikaw ang owner ng lugar na ito?” tumungo ito sa kanya at saka siya napangiti ng maluwag. “I love the ambience of the place and it’s very welcoming and the chairs are comfortable. I am sure mas magiging malakas pa ang business niyo in the future,” sabi niya dito.

“Sana magdilang-anghel ka nga, Aann, and thanks for the compliment. I am happy na maganda ang feedback mo sa lugar ko,” sabi nito. She blushed, so lahat pala ng nangyayari sa kanilang dalawa ni Kiel ay sinasabi nito. Napatingin siya kay Kiel but he just shrugged and smiled at her.

“Meron akong magandang dahilan kung bakit ako late! Dinaanan ko pa kasi si Maurice eh,” sabi ni Ericka at binelatan si Noel. “Nasira kasi ang water pump sa lugar nila kaya ako ang tinawagan kasi mas malapit ako sa kanila.”

“Sorry ha? Dahil sa akin kaya na-late kami eh,” sabi ng nagngangalang Maurice.

“Huwag mo ng akuin ang pagka-late niyo, sanay naman yang si Ericka na late siya eh,” sabi ulit ni Noel na ikinapikon na ni Ericka kaya naman tinapakan nito ang paa ng binata.

“Ang kukulit pala talaga ng mga kaibigan mo ano? Bakit hindi ka nahawa ng kakulitan nila?”

“Marami na kasing baliw sa amin, hindi na kailangan pa ng isang baliw,” sabi nito at natawa dahil narinig iyon lahat ng mga kaibigan at ang iba ay may violent reaction.

“You know what, I am liking you as well,” sabi ni Art na hindi niya alam ya pinagmamasdan na pala siya. “Mahirap pangitiin at patawanin yang si Kiel but I can feel that his aura changed kapag kasama ka. I mean, he usually hangs out with us kaya lang puro depress aura lang nakikita ko,” pagbubuko nito sa kaibigan.

“Sinasabi ko na nga ba eh! Tama hinala ko, may crush ka sa akin,” sabi niya na ikinatawa ng lahat pagkatapos ay tinukso si Kiel.

“Crush is for kids, Aann,” sabi nito and shrugged.

“Then you like me!”

“If I do, what would you do?” pagkasabi ng binata ay naghiyawan ang mga ito ng ‘Woo! Kasalan na sunod niyan!’ at kung anu-ano pang mga tukso ng mga ito sa kanila. Some of them are clapping and grinning widely.

“Wala malamang, alangan namang ipalathala ko pa sa diyaryo yan?” defensive na sagot niya kahit na nga ba alam niyang namumula ang mukha niya.

“I can do that,” sabi naman ni Isaac at inilabas ang camera. “I am a photographer too at marami akong kilalang mga writers,” sabi pa nito habang hindi matanggal ang pagkakangisi.

“Do you want too?” dagdag pa ni Kiel na nakangisi na rin ng maluwag.

“Tse! Anong do I want? Kahit ipalathala natin na may gusto ka sa akin, bakit may gusto ba ako sa iyo?” sabi niya naman at siya naman ang ngumisi habang si Kiel naman ay nawala ang pagkakangisi.

“Ai hindi ka naman pala like, Kiel, sayang naman,” sabi naman ni Aaron at tumabi sa kanya. Hindi pa ito nasiyahan sa ginawa dahil inakbayan pa siya. “Will you like me instead if I court you?”

“It depends, Aaron. Hindi ako madaling kiligin,” sabi niya dito.

“The—,” hindi na natapos ni Aaron ang sasabihin dahil pinutol ni Kiel iyon sa pamamagitan ng pagtayo.

“Shut up, Aaron, I’ll be the only one who can court her,” sabi nito at ito na ang nag-alis ng pagkaka-akbay ni Aaron sa kanya.

“Seloso!” ang asar ng mga ito sa kaibigan pero hindi ito nagsalita.

“Ikaw lang talaga? Eh paano kung gusto ng ibang manligaw sa akin?”

“No one will dare do that kasi ipapa-spotlight kita mamaya at ipapa-announce ko na niliigawan kita,” sabi nito at ngumisi.

“Yeah right,” sabi niya at hindi sineseryoso ang mga sinasabi nito.

Hindi naman nagtagal at tinawag na ang bandang Alpha Stellar sa stage. Tumugtog ang mga ito ng ibang request na nagmumula sa audience. Ang akala nga niya ay hindi na tutugtugin ng mga ito ang request niya hanggang sa mag last song na ang mga ito.

“Last song na naming ito, guys and gels!” masayang turan ni Aaron habang nahingal ito. “Ang last song ay punishment for Vicky at syempre para sa importanteng babae ngayon sa buhay ng kaibigan naming si Kiel!” kumaway si kiel ng ituro ito ni Aaron. “Request niya kasi ito at saka nga pala, may announcement ang gwapong-gwapo kong kaibigan na si Kiel!”

“Nagbibiro lang si Aaron diba? Diba? Diba?” sabi niya at mahinang iniyuyugyog si Kiel pero tumingin lang ito sa kanya at ngumiti. Walang anu-ano ay inakbayan siya nito.

“Just enjoy the music, Aann, diba requested song mo ang susunod na kakantahin?”

“Mga lovebirds, I mean magiging lovebirds, pwede huwag muna kayo maging sweet! Ia-anounce ko pa ba o hindi na?”

“Announce it,” sabi ni Kiel at ng iba pang mga guest sa loob ng music lounge.

“Okay! Bawal na daw pong ligawan ang babaeng inaakbayan ni Kiel dahil officially siya na lang daw po ang manliligaw dito,” yun lang at hiyawan ang maririnig mo sa buong lugar. Pumapalakpak ang iba at ang iba naman ay makikitaan ng inggit. Hindi niya alam kung babatuhin ba si Aaron na nasa stage o ang katabi niyang ngising-ngisi.

“Siguraduhin mo lang na kikiligin ako, Kiel Andrew!” sabi niya na lang na mas nagpalakas ng hiyawan sa loob.

“Definitely, Aann.”

“Okay! Time for punishment! Vicky!” Naghiyawan na ang lahat ng tao at excited na sa last song ng mga ito. “Vicky, ready ka na ba?”

“Na-LBM yata ako! Pass muna!” sabi ni Vicky na mas lalong nakapagpatawa sa lahat.

“Bff, relax lang, sasabayan naman kita eh…sasabayan kitang tumugtog!” sabi nito at nag-peace sign.

“Actually po, duet po ang gagawin naming ng Bff ko!” biglang announce ni Vicky sa audience. “Oh, bff, excited na sila sa duet natin!”

“I hate you, bff!” sabi nito pero wala ng nagawa. Tumingin na ang mga it okay Isaac and the music starts.


Spend all your time waiting for that second chance 

for the break that will make it ok
there’s always some reason to feel not good enough 
and it's hard at the end of the day 



The first line of the song was sung beautifully by Vicky. Lahat ng lovers na nasa loob ng Evergreen ay nagyakapan o di kaya ay nagkatinginan habang ang iba ay nagbigay ng halik sa isa’t isa.

As soon as the song was sung ay na-relax siya. Naramdaman niyang inihilig ng binata ang ulo niya sa balikat nito and she smiled. Totoo namang di siya madaling kiligin pero pagdating sa binata ay parang lagi siyang kinikilig.


I need some distraction oh beautiful release 
Memories seep from my veins 
Let me be empty and weightless and maybe 
I'll find some peace tonight 



Sinundan naman ng pagkanta ni Autumn ang linyang kinanta ni Vicky. Akala mo ay nakapag-practise ang mga ito sa pagkanta nito dahil napakagaling ng duet ng dalawa. Magkasabay namang kinanta ng mga io ang chorus.


In the arms of the Angels fly away from here 
From this dark, cold hotel room, and the endlessness that you fear 
You were pulled from the wreckage of your silent reverie 
You're in the arms of the Angels; may you find some comfort here 



Somehow, the music fits them perfectly dahil feeling niya ay nasa bisig siya ng isang napaka-gwapong anghel. Ai heaven!





ITUTULOY...

No comments: