Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, March 20, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 7)

CHAPTER 7:

“If you needed help, just call me!” Ang sigaw ni Aann sa binatang kakapasok lamang sa kwarto nito. Hindi niya nga alam kung sino ang sumapi sa kanya at ngayon ay nagkakaganito siya. She was never like this. She flirted with people who flirted with her first pero never siyang nag-iniate ng pag-flirt kaya nga nagtataka rin siya sa kabaliwang nangyayari sa kanya but she can’t help it. Teasable kasi ang fafable na si Kiel and she knew well na kaya lang naman ito sumasakay sa mga banat niya ay dahil kailangan nitong mapasaya siya dahil sa kanya nakasalalay ang pag-complaint or not kay ‘Louise Margaret’.

You crazy, Aann! Makukulong ka sa ginagawa mo! Sexual harassment! Buska niya sa sarili pero bigla siyang napangisi ng may maisip na kalokohan na naman. Edi ipapakulong ko din siya! Illegal possesion of handsomely dangerous face and sexy body! Dahil sa kanya kaya andaming nagkakasalang babae! Kung makukulong ako, isasama ko siya! Pwede kaming dalawa sa bartolina!

Napabuntong hininga siya and walked towards her room at doon ay nagsimula na rin siyang mag-ayos. Yung damit na approve ng lalaki ang isinuot niya. Naglagay din siya ng light make-up dahil umaga pa at ayaw naman niyang masyadong makapal ang make-up just a face powder, lipstick and an eyeliner ay perfect na para sa kanya. The color of her lipstick were pink na ibinagay niya talaga sa suot niya. She then wore a pink open-toe wedge shoes at inilabas niya ang isa sa mga malalaking bag niya para ilagay doon ang mga pasalubong niya sa Tita niya.

She walked out of the room at nakita niyang may kinakausap si Kiel sa cellphone kaya naman di siya nito namalayan na ayos na siya.

“Yes, dad, everything is fine but I am currently solving the problem. Salamat po sa pagtingin sa Hotel kahit na nga ba I know na gustong-gusto niyo ng mag-retire. I am going to check the murals as soon as went down, may pupuntahan kasi si Aann and I told her na ako na ang mag-drive for her. Yes, dad, the training went well at pumasa naman po silang lahat. You should know better, dad, dahil yung mga complaint dati ay nabawasan na at nadagdagan na rin ang mga positive feedback,” sabi nito at saka lang lumingon sa kanya. She saw him mouthing that he will be right there in a sec. “Thanks, Dad, for the compliment pero di sa akin galing ang mga idea na iyon. Yes, I know that she’s brilliant. She’s a very special person. Okay, dad, just tell mom that I love her. Bye!” yun lang at ibinaba na nito ang telepono at ngumiti sa kanya.

Hindi lang ito super gwapo, super yummy at super fafalicious dahil napakagalang pa nito at wala itong pakialam kung may makakarinig man dito na mag-I love you sa magulang plus hindi ito ng aangkin ng suhestiyon ng iba. How can this man be so…perfect in my eyes?

“Mommy’s boy ka ba?” she teased, hiding her attraction to the wonderful man in front of her.

“Is it bad?” nakangiting turan nito. Infairness, proud pa ito na maging mommy’s boy! I like it!

“Nope, I am actually impressed. Not every man will admit that they are mommy’s boy and I admire you for that,” sabi niya and gave him a sincere smile.

“I am a mommy’s boy and I am proud of it dahil my mom is the best…well for me,” sabi nito and grins. She can see admiration in his eyes as he remembers his mom. “Anyways, shall we go?”

“Sure,” sabi nito at akmang lalakad na palabas ng maabutan siya nito and took her bag withouth her consent.

“I’ll take that, mukha kasing mabigat eh,” sabi nito at hinayaan na lang niya iyon.

“Gwapo, mayaman, matalino, loving and gentleman; Now, I know kung bakit andaming may crush sa iyo sa staff mo and I am sure na maraming tao ang nagkakagusto pa sa iyo out of work pero it seems na single ka,” sabi niya dito na nakakuha ng attention nito. “Can I ask why or is it too personal?”

“It’s too personal but I can answer that,” sabi nito with a serious face. “Let’s just say…I haven’t found a person na kukuha ng attention ko away from work,” sabi nito.

“Oh! I forgot to add that to your description, you know, the workaholic part.”

“You should add ‘very’ in front of the word workaholic,” he joked at pinindot na ang elevator at hinintay ito.

“So…I am qualified to be your girlfriend?” nakangising tukso niya dito.

“Why? This is all just work, Aann, after all you are my guest,” sabi nito and walked inside the elevator.

Naasar naman siya sa sinabi nito. She will make sure to punish him hanggang sa mawala sa isip nito na she’s just his work. Tumingin ulit siya sa katabi na ngayon ay tahimik at malalim ang iniisip. Sa tingin niya ay nagsinungaling ito sa last na tanong niya bago pa yung pagiging qualified girlfriend nito.



THEY arrived at Quezon City at doon ay pinuntahan nila ang bahay na malapit sa Fairview. Kinausap at kinamusta ni Aann ang tita at ibinigay rin ang pasalubong nito. She was happy dahil na-maintain ang bahay na naaalala niya noon bago pa siya umalis ng Pinas. She was emotional pero ganon lang naman talaga lalo na at napaka-close niya sa Tita niya at sobra niya itong namiss. Hindi naman sila nagtagal doon dahil nagyaya na siyang umuwi. On their way home ay may naalala siyang lugar kung saan siya laging dinadala ng tatay niya: Sa Ecopark.

“Kiel, pwede ba tayong sumaglit sa Ecopark?” tanong niya dito at tumungo naman ito. He made a U-turn at pumunta sila sa Ecopark. Napansin niyang tahimik pa rin ito. Nagsisisi tuloy siya na sana ay hindi na lang niya itinanong pa kung bakit wala itong girlfriend. Kung curiousity kills the cat, para sa kanya ay, curiousity kills their conversation. Hindi niya tuloy namalayan na nakarating na sila sa Ecopark.

She went out at lumakad patungo sa entrance. She was about to take her wallet out ng makita niyang mag-abot si Kiel sa babaeng nakatunganga dito. She went closer to him at doon siya napansin ng babae at ngumiti ng peke sa kanya. She just raised her eyebrows at the lady.

“Entrance for two, please,” sabi ni Kiel at ibinigay nito ang ticket. They went inside at naalala niya ang mga masasayang araw niya nung bata pa siya dito. She remembered na may swimming pool dito and she was happily walked towards it. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa pinaka-dulo iyon ng Ecopark. She was about to go to that part ng makita niya ang hagdan pataas kung saan makikita ang Lamesa Dam.

“Kiel! Punta tayo sa itaas!” excited na turan niya at tumakbo na papunta doon ng may maisip. Kung hindi siya nito kakausapin then she might as well annoy him para kausapin siya nito. “Wait lang, bibili lang ako ng tsi-tsirya, mauna ka na,” yun lang at tumalikod na siya papunta sa nadaanang tindahan. She smirked as she looked at the quiet guy na ngayon ay tumataas sa hagdanan. Nagmadali naman siyang bumili ng mga junkfood until she saw a chocolate bar named timtam. Kumuha rin siya ng dalawa saka tumakbo papunta sa hagdan. Tinawag niya ang binata na nasa kalagitnaan nan g hagdanan. “Kiel!”

“What?” sabi nito as he looked down at her.

“Nagbago na isip ko, doon tayo sa kabila pumunta,” sabi niya at ngumisi. He saw the guy gritting his teeth but didn’t argue at bumaba na. Hinintay naman niya itong makababa saka siya nag-umpisang maglakad ulit. Maraming tao sa Ecopark, some of them are with family, friends or girlfriend/boyfriend. Meron pa ngang mga nagpipictorial ng Pre-nup, nagpapractice ng play, picnic, naglalaro ng badminton, at kung anu-ano pa. Naglakad sila papunta sa taas ulit pero this time sa kabila na sila umakyat. Hindi rin naman sila nagtagal doon at bumaba na. “Pahinga muna tayo doon, Kiel,” sabi niya at itinuro ang mga upuan na nasa convenient store.

She was walking there ng biglang ay humarang sa kanya at bigyan siya ng flowers. She was confused and looked who was it just for her to smile widely. Nasaktuhan nila ang mime artist na nagpeperform sa Ecopark. Tinanggap niya ang flower at nag-act ito sa harap niya and even asked kung pwede ba niya itong i-kiss sa pisngi. Umiling siya dahil baka masira ang make-up ng mga ito at itinuro na lang ang pisngi niya. The guy hesitated a bit pero itinulak ito ng kaibigang mime artist din kaya naman ginawa na nito iyon. She gave them money at naglakad na siya papunta doon sa itinuro niya. Nagpapahinga sila hanggang sa umulan so almost everyone took shelter at ang mime artists ay pumunta doon sa kanila.

“Uyyy pare! Yung si Ate andito oh,” nanunuksong turan ng isang mime artist sa kaibigang nakahalik sa kanya sa pisngi. “Ate ang ganda mo daw sabi nitong si Ernie,” sabi pa nito na ikinatawa niya.

“Salamat, Ernie. Maitanong ko lang, araw-araw ba kayo dito?”

“Oo, ate, tapos napunta rin kami sa mga malls para mag-perform,”

“Aann na lang, kapag ate kasi ang tawag niyo sa akin feeling ko super tanda ko na,” nakangiting turan niya sa mga ito. “Ang alam ko mainit yang make-up na iyan ha, paano kayo nakakatagal lalo na at ang init ng panahon?” curious na tanong niya ulit.

“Kailangan kasi naming kumita ng pera, Aann, at saka bonus kapag nakakakita kami ng mga magagandang babae na katulad mo,” sabi naman nung Ernie.

“Bolero talaga kayo ano? Pero huwag na kayo masyadong mambola at alam ko namang may kagandahan ako,” pabirong turan niya dito. Narinig niyang tumikhim si Kiel at napansin niyang mas dumilim ang mukha nito. 

“Let’s go, Aann,” sabi nito at tumayo na.

“Ay nagselos yata si boyfriend, Ernie. Hindi na pala available si ate eh,” sabi ulit ng mga kaibigan nito.

“Ayaw kasi akong sagutin eh, ako na nga nanliligaw,” sabi niya dito na sinakyan ang joke ng mga ito.

“Kung ako ligawan mo, sure akong Oo ang isasagot ko sa iyo,” sabi ni Ernie pero bago pa siya makasagot ay nahila na siya ni Kiel patayo.

“Sorry ha! Aalis na kami! Bye!” sigaw niya sa mga ito. Nang makalayo na sa mga ito ay siya na mismo ang humatak sa pagkakahawak nito sa braso niya. “Bakit mo naman ginawa iyon?” naasar na turan na rin niya.

“I am just protecting you from them,” malamig na tugon nito. “And you shouldn’t talk to stranger, paano kung hindi mo ako kasama?”

“Nakikipagkwentuhan lang ako dahil yung kasama ko ni ayaw akong kausapin,” sabi niya dito at nilagpasan na ang binata. “Magpriprisintang ihatid ako dito di rin pala ako kakausapin, bwiset!” sabi niya pa at nilakasan niya talaga para marinig nito. Nakarating siya sa harapan ng kotse saka siya humarap sa daan na tinahak niya kanina. Andoon si Kiel at mukha namang guilty sa ginawa.

“I’m sorry, Aann, marami lang kasi akong iniisip and I was tired then all of a sudden ay may lumapit sa iyo at nagpahali—I mean, may kumausap pa sa iyong mga lalaki without even acknowledging my existence. That was rude,” sabi nito at yumuko. Lumapit naman siya dito at napangiti.

“Kung kiss lang naman pala ang gusto mo, edi sana sinabi mo,” sabi niya at inilapit ang labi sa pisngi nito pero napalingon ito sa kanya dahil nagulat itong nasa tabi na pala siya nito. Everything went too fast at hindi niya na nagawa pang bawiin ang mga labi niyang naka-ready ng humalik sa pisngi nito na maglanding sa mga labi nito. Both of their eyes grew wide pero ni isa sa kanila ay hindi gumalaw. She blinked twice dahil di siya makapaniwala sa nangyayari sa kanilang dalawa. She then heard a thud on the ground at naramdaman niyang hinapit siya nito that made her gasped. It was an opportunity for Kiel to deepen the kiss and she definitely will not let it go. She was about to kissed him back ng bitawan siya nito.

“L-let’s go?” sabi nito at ang tanging nagawa niya ay ang tumungo. The talkative Aann was rendered speechless for the first time of her life. She went to the passenger seat ng marinig niyang binuhay na ni Kiel ang makina ng sasakyan. Doon lang siya natauhan.



“WOW! Ang bilis ng progress niyo ah! Nakaka-isang linggo pa lang kayong magkasama may kissing scene na kaagad na nangyari! Nagbibinata na ulit si Kiel!” sabi ni Aaron at inakbayan pa siya. He didn’t know what got into him that time at hinatak niya papalapit si Aann then kissed her. Nagtama lang naman ang labi nila ng hindi sinasadya.

“Congratulation, Kiel! Akala ko magiging matandang binata ka na talaga dahil sa nangyari noon sa iyo with Fe—,” pinutol ng pagtakip ni Isaac ang mga labi ni Vicky ng muntikan na nitong sabihin ang pangalan ng ex-fiancee niyang si Feidna.

It was true, kaya nga siya single hanggang ngayon at never siyang tumingin ulit sa mga empleyado niya dahil na rin sa nangyari sa kaya noon. Fiedna Dela Rosa was a receptionist in their hotel. Una niyang nakita si Feidna ng isama siya ng Daddy niya sa branch hotel nila sa Cebu. Pinaniwalaan niya noon na it was love at first sight. Niligawan niya ito eventhough nasa Cebu ito, he even visited Cebu brance almost three times a week dahil doon. Little did he know na sinagot lang siya nito dahil na rin sa pera.

His dad heard about it at ito na mismo ang nagkwento ng story nito bago pa nito nakilala ang mommy niya. That time, he realized na magkaiba sila ng ama dahil ang ama niya ay nakikipag-date at lumalabas pa rin sa ibang babae but he stopped dating ng mangyari iyon. Wala siyang idinate for almost seven years at never siyang nagkainterest makipag-date hanggang sa dumating si Aann sa hotel niya at guluhin ang tahimik niyang mundo.

“Don’t worry, guys, dahil okay na ako. Feidna don’t matter to me anymore,” sabi niya at totoo naman iyon. Wala na siyang nararamdamang kirot sa puso tuwing naalala niya si Fiedna.

“Blessing talaga yang si Miss Complaint na iyon ano? It’s a good thing na nakahanap ka ng babae na makukuha ang interest mo,” sabi ni Isaac sa kanya.

“I don’t know, Isaac, if she’s really the one pero tama ka dahil nakukuha nga niya ang interest ko kahit wala itong ginagawa. I just…enjoy her company,” sabi niya naman dito.

“Why don’t you invite her in Alpha Stellar’s next gig para makilatis na rin naming siya just incase she’s like Feidna,” sabi naman ni Art while checking her nails.

“Ai bongga yan, Art, dahil matagal na rin kaming curious kay Aann na lagi mong ikinukwento,” sabi naman ni Apple.

“Uhmm, Kiel, mukhang di dumating dito si Ms. Arevallo. Sayang naman yung pinapaganda niyo pang hotel niyo,” sabi naman ni Maurice. Nawala na sa isip niya si Ms. Arevallo dahil inookupa na halos ng isip niya si Aann.

“Yeah, but hindi lang naman siya ang pini-please naming kundi ang mga regular at new guest naming sa hotel and Thanks to Aann, ay gumaganda na lalo ang feedback namin,” sabi niya dito.

“Isn’t it a little bit strange?” biglang turan ni Ericka.

“Huwag niyo ng pansinin yang negative na si Ericka,” sabi naman ni Noel. Naasar si Ericka at binato ito ng yelo na nasa bucket malapit dito.

“Tumahimik ka Noel kung ayaw mong tamaan ka sa akin,” sabi nito and looked at him. “Kuya Kiel, napansin niyo ba na dumating si Aann sa panahon na ine-expect niyo si Ms. Arevallo and she was now helping you by suggesting what to do para mas mapaganda ang hotel. Ano ba ang trabaho ni Aann and how the heck does she know anything about a hotel at kung paano pa mas mapapaganda ito?” sabi naman ni Ericka which made all of them stop talking at napaisip, maging si Noel.

“Naikwento kasi niya na lagi siyang nag-stay sa mga Hotel because she travels a lot kaya siguro marami rin siyang alam,” sabi na lang niya dito.

“Maybe,” sabi ni Ericka and shrugged. “Iyon ay napansin ko lang at wala akong sinasabi na you have to be careful in trusting someone,” sabi nito. “Anyways, just bring her. Knowing us, women, marunong kaming kumilatis sa kapwa namin,” sabi nito at nag-agree ang lahat except for Noel.



“Huwag kang magpanggap na babae, please lang,” sabi nito na ikinatawa ng lahat habang siya ay napaisip ng malalim.




ITUTULOY...

No comments: