Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 10: The Interview

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


WELL then, pupunta na ako sa work. I wanted this place clean. Every nook and crook. I’ll be back at dinner. Make sure to make me dinner before you left the place. I’ve got a key so you can take the spare one. I need to go.” Sabi nito sa kanya na napatungo lang siya. Wala siya sa mood para makipagtalo pa sa lalake. She kept on crying last night at buti na lang ay hindi namamaga ang mata niya kahit pa nagpupuyat or umiyak siya. Hindi naman kasi nahalata ni Ran-ran na matamlay siya. 

Lumabas na ang lalake at doo niya inilapag ang bag at nagsimula ng maglinis. Kung puyatan ang pag-uusapan ay kayang-kaya niya ito. Ilang beses na rin siyang naglamay ng mga susulatin everytime gahol siya sa oras at busy siya pero iba pala talaga kapag emotionally unstable ka, nakakawindang ng mundo. Napakatagal niyang inisip ang mga dapat gawin bago man niya gawin ang napagdesisyunan niya. 

Kailangan niyang interviewhin muna ang JESTER sa lalong madaling panahon. Malapit na rin kasi ang pasahan ng article. She took her phone out and start to dial JESTER’s number to ask kung kelan sila pwedeng interviewhin. Kailangan na niyang planuhin ang lahat-lahat. Nang malaman na niya ang day kung kelan sila pwedeng interviewhin ay inilagay na agad niya ito sa planner niya. Kailangan din kasi niyang tawagan si Edna for photoshoot. Matapos maayos ang mga schedule ng lalake ay nagsimula na siyang maglinis dahil wala naman siyang ganang kumain ay hindi na siya nag-almusal, mas maagang matatapos ang trabaho, mas okay. 

Inuna niyang linisin ang kusina nito. Kiniskis niya ang mga tiles sa dingding, lutuan para kumintab, hinugasan na rin niya ang kanina niyang pinaglutuan para sa lalake at nag-mop din siya ng sahig ng kusina. Nang maging makintab at kaaya-ayang tignan ang kusina ay lumakad na siya sa sala. Kinuha niya ang duster at nagsimulang tanggalin ang mga alikabok sa lahat ng sulok. Kumuha rin siya ng bahasahan para punasan at pakintabin ang mga gamit sa loob. Napahinto siya ng mapunta siya sa drawer kung saan nakalagay ang lahat ng picture na naka-frame. She saw a picture of the three men of Archuetta. Ang childhood picture ni Ran which is kamukhang-kamukha talaga ng picture na ipinakita ng Lolo nito sa kanya. She smiled heartbrokenly. Hindi pala talaga nagsisinungaling ang matanda. The album that she saw last night was too different to the picture she’s staring at. Kitang-kita kasi ang mga emosyon sa mata ng bata. It’s a very cold stare and there’s hurt in his eyes too. Hindi rin niya makita ang matamis na ngiting nakita niya sa mga picture kagabi kumpara sa picture na nasa frame. Kinuha niya iyon at hinaplos ang frame. 

Ilalapag na sana niya nang maramdaman niyang parang bukas ang frame. Itinalikod niya iyon at napansin ngang semi-bukas ito. Dahil sa curiosity ay binuksan niya iyon. Merong isang picture sa likuran nun. Kinuha niya at lalo siyang na-guilty. It’s a picture of Mom, Son and Dad tandem. Walang anu-ano ay napaluha siya. Inihara niya ulit ang frame to see the sad picture of Ran and the Happy family on the back. 

“Don’t worry... Malapit ka na ulit maging ganito kasaya... I will promise you that.” Sabi niya at nayakap ang dalawang picture. Lumuluha pa ring ibinalik niya ang picture sa likuran at ang frame sa tamang pwesto at itinuloy ang paglilinis. Gaya ng ginawa sa Kusina, ay nag-mop rin siya ng floor. Nang masiyahan sa paglilinis ay pumunta na siya sa kwarto nito. Doon pa lang sa pintuan ay napangiti na siya. She remembered the second and third time they kissed. Walang anu-ano ay nahawakan niya ang kanyang labi dahil namiss niya bigla ang ganoong tagpo. Kung mahal nga lang siya ng lalake ay mahaba na ang hair niya. She kick the thoughts away at nagsimula na ring mag-ayos. Nagpasya siyang palitan lahat ang kobre-kama, ang punda at ang kurtina. Maglalaba siya kasama ang used clothes na nakita niya kanina sa laundry area ng lalake. 

Natapos na lahat ang paglilinis at mag-uumpisa na siyang maglaba ng makita niya ang oras. It’s already past 3. Hindi pa pala siya kumakain pero di naman kasi siya nagugutom e. Inilagay niya ang kobre-kama, punda at kurtina. Nagpasya siyang labahan na lang gamit ng kamay ang mga damit at salawal ni Ran. Hindi naman siya nandidiri dahil alam naman niyang hindi nakakadiri ang lalake. She was used to do laundry anyways. Habang umiikot ang washing machine ay naglalaba siya. Natapos niya ang paglalaba at pagsasampay ng half 4 na. Papunta na siya sa kusina ng makaramdam siya ng sobrang hilo. Napahawak siya sa ulo at ang isang kamay ay napakapit sa lamesa. 

“M-maglu-luto pa... a-ko..” Sabi niya at palakad na ulit sa kusina at ininda ang sobran sakit ng ulo pero di na siya nakarating pa sa kusina dahil nahimatay na siya. 



SINUSIAN na niya ang pintuan ng condo niya. Medyo na late siya ng uwi. It’s already half past 7 at gutom na gutom na siya. Ran is expecting a nice dinner made by the best cooker for him, Vega. Pagpasok niya ay binuksan na niya ang ilaw dahil nga madilim na. Hindi na niya ineexpect na nasa condo pa niya si Vega. Napangiti siya ng makitang sobrang linis ng condo. He felt proud of her ng magawa nito ang pinapagawa. He walked in and put his shoes on the side when he saw Vega’s bag still on the side. 

“Nakalimutan niya kaya ito?” Nagtatakang usap niya sa sarili. He took out his phone, dialled Vega’s number and was shock ng marinig niya ang ringtone ng phone nito sa malapit. Nagmumula iyon sa kusina banda. Biglang may bumundol na kaba sa dibdib niya, di niya alam kung bakit pero kinakabahan siya. He doesn’t want to think about it pero iisa lang talaga ang naiisip niya. Ibinaba niya ang attachy-case sa gilid at naglakad na patungo sa kusina. He opened the lights there at napanga-nga sa nakita doon. Nakahandusay na katawan ni Vega at walang malay. 

Ran run towards Vega’s body at medyo pinulsuhan. Medyo mahina na ang pulso nito. Walang anu-ano ay binuhat niya ang dalaga. She was running a very high fever at putlang putla ito. His in a panic state, tinakbo niya ang kotse niya at mabilis na nag-drive sa pinaka-malapit na hospital. Si DK na ang tumingin sa babae. Good thing at naka-duty ang dalagang kaibigan. 

“Anong problema sa kanya, DK?” Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. 

“Over Fatigue lang, Ran. She needs a lot of rest. Siguro mga 2-3 days. Mukhang stress na stress at pagod ang dalagang ito.” Sabi ni DK sa kanya at pinagmasdan ang dalaga bago ulit siya tapunan ng tingin. Napangiti tuloy ito dahil napanatag ang loob niya at napaupo rin sa gilid upuang malapit sa kanya. “You’re that worried about this lady? Now, I am ver curious kung si Vega Sandoval sa buhay mo.” Nang-aasar na turan ng kaibigan. 

“She’s one of the writer in Batchelors at nagtratrabaho under me para makuha niya ang interview. She’s our highschool friend.” Sabi niya dito, wala naman kasi siyang maililihim sa dalaga dahil sasabihin rin naman ni Elliot ang nalalaman tungkol kay Vega. 

“Sya ba yung sinasabi ni Elliot na first lo—.” 

“Yes. She is. I’m gonna kill Elliot too.” Putol niya sa sasasbihin ng dalaga at napakunot ang noo. Napatayo ulit siya ng magmulat ng mata si Vega. 

“Nasaan ako? Hala! Di pa ako nagluluto ng hapunan ni Ran-ran.” Nag-aalalang bulaslas ni Vega at akmang tatayo buti na lang at napigilan ito ni DK. 

“Hi! I am Doctor Daphne, kaibigan ako ng mga highschool friends mong mokong. Nasa Hospital ka ngayon. I think you should rest a bit more. Bakit ka nga pala nahimatay?” Nag-uumpisa na itong interviewhin ang dalaga para malaman nito kung bakit ito na-over fatigue. Nananahimik lang siya sa isang gilid at mukhang di pa siya napapansin ni Vega. 

“Hindi kasi ako nakatulog kagabi, Doc e. T-tsaka hindi ako nakakain kasi napasarap ako sa paglilinis.” Napangiting sabi nito kay DK. 

“Well, na-over fatigue ka, Vega. I suggest na magpahinga ka ng 3 days. Inaapoy ka nga ng lagnat kanina e good thing at naisugod ka kaagad dito”. 

“Naku Doktora, ok na naman po ako e. Hindi po ako makakapagpahinga. Hindi ko makukuha ang interview kay Ran-ran e. Maraming salamat na lang po sa concern. Si-sino nga po pala ang nagsugod sa akin dito?” Inginuso siya ng kaibigan at napakunot na lumingon na ito sa kanya. Nagulat ang dalaga. 

“R-ran-ran. Ikaw ang nagsugod sa akin dito?” 

“Wala ng iba... Bakit mo pinapagod ang sarili mo? You even forget to eat breakfast lunch at pati na rin ang dinner. Do you really want to make me worried?” 

“H-hindi ko naman talaga sinasadyang makalimutan ang pagkain e kaya lang kasi hindi ako nagugutom nun at napasarap nga akong maglinis... tsaka di kita pinag-aalala no.” 

“O siya aalis na ako para maka-emote naman kayong dalawa. Magpapadala na lang ako ng pagkain para sa inyong dalawa.” Sabi naman ng nakangising si DK at sa kanya nakatingin. Lumabas na ito. He is sure na malalaman ito ng mga ka-brod niya. Daldalera at daldalero ang ‘mag-bestfriend’ kuno na sila Elliot at DK e. 

“Magpapahinga ka. Sa ayaw at sa gusto mo.” Sabi niya dito at lumapit na sa dalagang nagpa-panic sa kanya kani-kanina lang. 

“Pero paano ang usapan natin? Malapit na rin kasi ang pasahan ng article. Hindi ako makakapagpahinga no. Sabi mo kailangan kong maging alila mo para makuha ko ang matamis mong ‘oo’ sa interview.” 

“You’re still thinking of the interview kahit na nagkasakit ka? Kung ang ‘oo’ ko ang hinihintay mo at dahil doon ay ayaw mong magpahinga then fine. I will give you an interview as long na magpahinga ka. Doon ka na rin sa Condo ko magpapahinga so I can take care of you.” Na-guguilty talaga siya dahil sa nangyari at talagang mag-aalala siya kapag di niya nakikita itong nagpapahinga. Vega can be very hard-headed once she decided to be one. 

“Talaga?” Nagningning ang mga mata ni Vega na ikinangiti niya. 

“Do I look like a liar to you? Don’t worry may isang salita ako, makukuha mo ang interview ko.” Sabi niya at umupo na sa gilid ng kama. Doon naman may kumatok. It was one of the nurses. Nakita niyang ngumiti ito at nagpa-cute sa kanya. Napakunot tuloy ang noo niya. 

“Sir... Mam... Andito na po ang pagkain na ipinapadala ni Doc Daphne para sa inyo.” 

“Thank you. Ilapag mo na lang diyan.” Sabi niya at tumayo na para lapitan ang pagkain na inilapag na ng nurse. 

“Kung may kailangan pa kayo ay tawagan niyo lang po ang Nurse station.” Sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto. 

“Halatang nagpapa-cute sa iyo..” Natatawang turan ni Vega na nagpalingon sa kanya. 

“Well hindi siya cute katulad mo. You are way more cuter than that nurse.” Sabi niya at kumuha na ng pagkain. Napatahimik tuloy ang dalaga at ng lingunin niya ay pulang pula ang mukha nito. So beautiful...“Subuan na kita para di ka makatanggi sa akin at sa pagkain.” 

“A-ah.. ehh.. S-sure?” Naguguluhan na turan ni Vega sa kanya. 

“Say Ahhhh” Natatawang turan niya dito. Para siyang nag-aalaga ng bata 

“Ahhhh?” Dahil doon ay isinubo na kaagad niya ang kutsara sa bibig nito... Nahihiyang ngumuya ito sa harap niya. Nang makitang nginunguya na nito ang pagkain ay kumain na rin siya na gamit-gamit ang kutsarang isinubo sa dalaga. 

“Isa pa... Nga-nga.” Utos niya ulit pero ngumanga naman ang dalaga. Sinubuan niya ito hanggang sa maubos na nila ang pagkaing dinala sa kanila. Nagkakwentuhan na din sila at nagkatawanan. 



SIMULA ng magkasakit siya at mahimatay ay nag-iba na ang trato sa kanya ni Ran-ran. Mas naging sweet na ito sa kanya at maalaga. Hindi niya alam na marunong pala ito sa gawaing bahay. Ngayon niya lang nalaman na hindi pala ito nag-hire ng housekeeper para malinis ang bahay. Ito pala mismo ang naglilinis kapag off nito, echoz lang pala nito yung una nitong sinabi. Ito mismo talaga ang naglilinis ng condo nito. 

“Kain na, Vega...” sabi nito at may dala ng tray for breakfast. Talagang mapilit ang lalake na mag-bedrest siya kahit na nga ba hindi na kailangan na bedrest pa ang kalagayan niya. She sat down at umupo ito sa tabi niya. 

“Super ka mag-alaga sa akin, Ran-ran ha.. Baka maspoiled ako at hanap-hanapin ko ito.” Natatawang biro niya. 

“Well, I can be caring if I want too... saka pwede kitang i-spoiled ngayon kasi nagkasakit ka sa sobrang trabaho e.” 

Hindi naman sa sobrang trabaho... Sa sobrang kalungkutan... Gusto niyang sabihin iyon sa lalake pero kapag sinabi niya iyon ay maraming katanungan ang susunod na lalabas sa bibig ng lalake. “Hindi naman ganoon kahirap maglinis no. Ikaw na rin dapat ang nakakaalam nun no.. Laki ako sa hirap at ang Mama mo ay hindi pa marunong magluto at maglinis” Natatawa niyang sabi dito. 

“Ko? Mama ko? Are you crazy Vega? Kelan pa naging Mama ko ang Mama mo?” 

“Ai.. hahaha. Sorry lang ha, nagdedeliryo lang po.” Palusot na joke niya sa lalake. Buti na lang at nakalusot siya sa lalake. Muntikan na talaga siya doon. DI pa kasi time para malaman nito na ang Mama niya at ang Mama Janine niya ay iisa. 

“Why don’t we go to Tagaytay Resthouse again? Mas tahimik at mahangin doon.” Suggestion nito. Nasabi na rin kasi niya na naka-schedule na ang pag-iinterview niya sa mga magkaka-ibigan. “I don’t mind kung doon gaganapin ang photoshoot. Ikaw lang naman, yung photographer niyo at make-up artist. Kami na bahala sa wardrobe namin.” 

“Sure ka? Baka maraming makapunta sa resthouse kung saan prinepreserve mo ang ala-ala ng mga magulang mo. Let’s just go and find another place.” 

“Hmmmm... Baka nga ayaw ni Dad na ipa-feature ang resthouse namin. Try natin sa Bahay ko.” 

“Ai may isa ka pang bahay?” 

“Oo... Pinatayo ko kasi nga kinukulit ako ni Lolo. Sabi niya ay mag-asawa na daw ako. I went and ask Elliot to built a house for me and for the girl I will marry. Ayun nung nalaman ni Lolo na nagpatayo na ako ng bahay for the future ay tuwang-tuwa na. Wala pa namang nakakaalam ng bahay e. And I am sure na hindi mo naman ilalagay ang mga address namin doon. I can assure na safe ang magiging bahay ng magiging pamilya ko.” Sabi nito at nakatitig sa kanya na parang siya ang magiging maybahay nito. Napangiti siya pero gusto niyang mapaluha. She can’t be his wife nor girlfriend. She just can’t lalo na at ang konsensya niya ay inuusig siya. 

“Naks naman, ang Randolph na woman-hater na nakilala ko ay gusto ng magkaroon ng asawa at anak? Ang swerte ng magiging asawa mo basta wag ka lang masyadong masungit.” 

“Bakit masungit pa rin ba ako?” 

“Hindi na nga e. Ipagpatuloy mo yan. Magaling!” Natatawang sabi niya dito. “Kung hindi pa ako nagkasakit di ka pa magbabago e.” 

“Hindi dahil sa nagkasakit ka kaya ako nagbago. I just decided to be less bad.” Nakangiti na naman sabi nito at tinitigan na naman siya. 

“Ay ang mga titig mo ha. Nakakatunaw. Mamaya niyan ay mawala na ako sa paningin mo niyan dahil sa ginagawa mo.” Biro niya dito na may halong katotohanan. 

“Then I’m gonna hunt you down againd dahil alam kong tutubo ka lang sa kung saan.” 

“Ano ako damo?” Nakataas ang kilay na sita niya dito. 

“Hindi ako ang nagsabi niyan. Don’t put words on my mouth, Vega.” Pinakatitigan niya ito ng mabuti dahil sooner or later kapag natapos na ang pagpapahinga niya, ang interview at ang pagtitipa ng mga ininterview ay hindi na niya masisilayan pa ang nakangiting mukha nito. 

“Alam mo...” Nagseryosong turan niya dito. Napakunot noo naman ito pero wala itong sinabi at nakinig lang. “Mas gwapo ka kapag naka-ngiti or tumatawa ka.” Pagpapatuloy niya sa pagsasalita at hinaplos ang nakakunot-noong noo nito at iniunat. “...at wala itong kunot ng noo mo palage ay mas mapapadaling mahulog ang loob ng mga kababaihan sa iyo. Pwede ka ng magpakasal once the right lady comes for you.” 

“I don’t need any right lady when only one lady can make me happy and complete.” Seryoso na naman nitong turan at titig na titig ito sa kanya. 

Don’t worry... Magiging masaya ka na rin at kumpleto once na dumating na ulit si Mama Janine sa buhay mo... “Tama ka dyan but the only one that’s right for you is the one that can make you happy and complete, so you still need the right lady for you.” 

“It’s the same...” Nasabi na lang nito na napa-rolleyes pa pero nakangiti naman ang mga labi nito. 



DUMATING na ang oras na mag-iinterview siya. Everyday ay ibang JESTER ang kausap niya pero laging nakaalalay sa kanya si Randolph na akala mo ay may sakit pa rin siya. Binibigyan siya ng tubig or pagkain at lagi silang tinutukso ng mga kaibigan nila na para daw silang bagong kasal at ayaw ipaiwan ng asawang lalake ang asawang babae. Kinikilig siya. Inaamin niya iyon dahil ito na ang nag-alaga sa kanya. Ni hindi na nga siya nito inuutusan e. Ran even told her na he wanted her company at kahit yun na lang ang bayaran niya basta she’s beside him. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganoong banat? 

Ran and her always goes out, having dinner together at mag-bonding sa iba’t-ibang lugar or kahit sa condo lang nito. Ran never fails to make her feel very special. She knew that she is gradually falling in love with the guy at alam niyang delikado iyon dahil nga sa plano niya. She just sighed but then napangiti siya. Last interview na niya ito at si Ran na iyon. Nasa condo unit lang silang dalawa at hawak niya ang recorder at papel kung ano ang dapat niyang itanong. 

“Una sa lahat, Ran-ran, halos lahat ng tanong dito ay medyo alam ko na pero di naman alam ng mga readers so I still need to ask this. So are you ready? Ang mga unang tanong naman ay all about work and such at alam kong magaling ka naman sumagot e.” 

“Sure. Go ahead and ask.” Sabi nito na nakatingin lang sa mga mata niya. 

“Why did you not inherit your Grandfather and Father’s business and start a new one?” 

“When I was young, I never like to be a business man. I love art the most than anything so I told my dad and grandfather that I don’t like to inherit anything when it comes to business and they agreed to it. Pero siguro dahil na rin sa mga business minded people na nakapalibot sa akin at ang Lolo at ama ko ay napasubo ako sa Business but it is still about arts.” 

“Speaking of arts, All the designs in RA Jewelry were beautiful. Are you the one who made them?” 

“Not really all of them. I’ve hired men to design the jewelries. I only design some jewelried if I know the person.” 

“Have you ever gave any kind of jewelries to the lady that you date?” Sa tanong niyang iyon ay mas gusto pa niyang hindi marinig na lamang pero trabaho ang ginagawa nila at hindi kung anu-ano lang. 

“Nope. As far as I can remember, wala pa akong pinagbibigyan ng kahit na anong alahas na gawa ko or gawa ng mga tauhan ko para sa mga babae. I am not the sweet type of man.” 

“So kung may special someone ka nang nakilala at gusto mo na siyang mapakasalan, which do you prefer: You making your own engagement and wedding ring or you staff’s work?” 

“I prefer to do it. Minsan lang naman ako magpapakasal e and I want that to be special. I want everything to be special to the one I will marry at kung ang paggawa ko ng engagement ring at wedding ring ang makapagsasabing special siya sa akin ay gagawin ko kahit ilang beses pa, basta para sa kanya.” Sabi nito at seryosong nakatingin na naman sa kanya na parang siya ang tinutukoy nito na babaeng special dito. 

“Dahil sa napunta na tayo sa Special someone mo... Can you describe your ideal girl? Malay mo ay matulungan ka ng BACHELORS para mahanap mo ang Ideal girl mo.” 

“Hmmm. Let me think...My Ideal girl should be funny, never tires when I have tantrums or in a bad mode, good-looking at spontaneous.” 

“What’s the first thing you notice in a girl?” 

Nag-ayos ito at itinukod ang siko sa lamesa sa harap nilang dalawa at lalo pa siya nitong pinaka-titigan. “The expressive eyes and the lips...” Habang sinasabi nito iyon ay nakatingin ito sa mata niya at bumaba sa mga labi niya. Napapalunok siya, sineseduce ba siya ng lalake? Naku naman, wag ngayon! Nagtratrabaho siya. Hindi niya tuloy maiwasang ibaba ang tingin para hindi siya nito ma-seduced. 

“S-so if you ever met your ideal woman, Ano ang plano mo for a special date?” 

“Ano bang gusto mo para sa Special Date Vega?” Tanong nito pabalik sa kanya na nakapagpataas ng tingin niya dito. Nakangiti na ito sa kanya. 

“Hai naku ha. Hindi ako ang iniinterview dito. Ikaw.” 

“That is why I am asking you so that I can plan for a special date.” 

“Ano yun? Kokopyahin mo ang gusto kong maging special date?” 

“Kinda...” 

“Wala akong gusto sa special date pero may dream date ako... I want me and my special someone to dine out sa tabing dagat while the sun is setting. Gusto ko rin na bibigyan ako ng bulaklak kahit na nga ba hindi ako mahilig sa bulaklak. I want it to be very romantic at meron pang nag-play ng piano or violin as a background music... Hai kelan kaya ako magkakaroon ng ganoong date?” Nasabi niya habang nagkahawak na ang dalawan niyang kamay at nakatingin na siya sa kisame at nangangarap. 

“Got it. Next question...” Nakangisi pa nitong sabi. 

“Huh? Wala ka namang sinagot e. Pero fine... Next question na nga.” 

“Have you ever been in love?” 

“Once...” Nag-isip ito saglit habang nakatitig pa rin sa kanya... “Actually it’s twice..” 

“Did you court one of them? Naging kayo ba ng isa sa mga babaeng nainlove ka?” 

“It’s only one.” 

“Huh?” 

“Iisang tao lang ang nagpa-inlove sa akin ng todo...” 

“Ahhh. So naging kayo ba?” 

“Hindi pa but soon... I’ll do anything to get her and be mine.” 

“Wow. Goodluck!” Masayang sabi niya pero para sa kanya ay hindi. May babae na palang nagpatibok ng puso ng lalake, hindi lang isang beses kundi dalawang beses. He must have love her very much. “O siya.. hanggang dito na lang. Tayo. Siguro bukas ay tatawagan ko na si Edna to ask kung kelan siya pwede para sa photoshoot. I need to tell the other guys to be on the photoshoot.” 

“You won’t ask who’s my first, second and gonna be my last love?” 

“H-hindi na. Ayaw rin naman ng reader na malaman na may karibal sila e tsaka kawawa ang love mo kung malalaman at maraming magagalit sa kanya no.” Sabi niya dito pero di na makatingin sa mga mata nito. She can’t because if she looked at his eyes ay lalo lang siyang mahihirapan sa magiging desisyon niya. She took the recorder and put it in her bag at tumayo na. “Aalis na nga pala ako.” 

“I’ll see you on the photoshoot then... Take care, Vega.” 

Lumabas na siya ng condo nito at nakasakay na siya ng taxi ng maisipan niyang tawagan ang Mama Janine niya. Nakailang ring lang ito at sinagot kaagad ito ng Mama niya. “Ma... pwede bang lumuwas kayo ng Manila?” 

“Sure... Bakit anak?” 

“May ipapakilala lang ako sa iyo and I want to talk to you in person kaya lang busy kasi ako sa work ngayon at hindi ako makakaluwas diyan.” 

“Sige.. Kelan?”






ITUTULOY...

No comments: