Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Monday, January 28, 2013

KALMIA Series - PROLOGUE


Copyright © 2013 Chiichoi. All rights reserved.



Kalmia is a genus of about 8 species of evergreen shrubs. It is also called sheep-killer because of it's poisonous foliage. Sheep are the one particularly prone to poisoning, though, the twigs and foliage of Kalmia is a toxic to human too.




KALMIA...lovely, yet dangerous. Walong magkakaibigan/magkababata na anak ng JESTER men. Once those eight got a hold of you and your heart...you will never be the same again.






21 Years Later... 

“Kuya Kiel! Wag mong dalhin yung sasakyang red ha. Gagamitin ko mamaya.” Sigaw ng kapatid niyang si Jenny. 

“Kuya Kiel! Ako gagamit nung black na sasakyan.” Sabi naman ng isa pa niyang kapatid na si Jellie. 

“Fine. I need to go. Meron pa kaming usapan ng mga tropa e.” Sabi niya sa mga kapatid at kinuha na ang puting sasakyan na nakaparada sa parking lot ng Cristobal Mansion. Ayaw niya ng late kaya naman maaga lagi siyang naalis sa bahay kapag may lakad siya. May tugtugan kasi ang Alpha Stellar sa ‘Evergreen Cafe and Music Lounge’, na pinamamahalaan ng isa sa mga malalapit nilang kaibigan na si Norwell Elner ‘Noel’ Sebastian na anak nina Mrs. Iris Catalina Imperial-Sebastian and Mr. Nathaniel Sebastian, sabi ni Isaac na isa sa mga kasosyo ni Noel kasama si Grant Owen Cassanova. 

Ang mga tropang sinasabi niya ay mga kababata niyang kasama na niyang lumaki. Sila Aaron Mitchell, Lauren Artemis, Skyler, Lovely Autumn aka LA, Maurice, at Isaac. Mga anak ng ka-brod ng ama niya. Magkakapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa kahit na nga ba may 3-5 years gap ang age nila. Meron pa rin naman silang mga ibang tropa na nakilala nila nung lumaki sila katulad nga nila Grant, Noel at isa pang gitarista sa Alpha Stellar na si Victoria. 

Pagkadating na pagkadating niya sa Evergreen ay kinawayan na siya ng mga kaibigang nasa banda. “Kuya Kiel!” Kaway ni LA sa kanya na napa-rolleyes siya. Sira-ulo talaga ang dalaga. Ilang beses na kasi niya itong sinabihan na wag na siyang kuyahin nito pero matigas nga siguro ang ulo nito or more like trip lang siyang pag-tripan nito. 

“Kuya ka dyan, Lovely Autumn.” 

“Sabi ko nga di na kuya e. Kiel naman. Walang buoan ng pangalan. Bff oh!” 

“Bakit Bff? Maganda kaya ang autumn na season? I love it kaya.” 

“Tibo!” Natatawang sita ni Isaac na kadarating lang pala at isinabit ng kamay sa balikat niya. 

“Bakla!” Sabi naman ni Vicky sa kanya na BFF ni L.A. at bassist ng Alpha Stellar. “Tibo daw ako bff? E kaganda ko nga e. Kanino ba ako magmamana ng kagandahan? Kay Bff lang.” 

“Apir tayo dyan Bff.” Natatawang nag-apir ang dalawang baliw ng grupo. 

“Kayo-kayo pa lang?” Tanong niya sa mga ito 

“Hindi. Kami-kami pa lang.” Nakakalokong turan ni LA sa kanya. 

“Si Grant kinakausap pa si Noel. Nasa opisina pa sila. Si Aaron na laging late ay wala pa dito. Baka napagkamalan na namang pulubi yun. Pagsabihan mo nga minsan. Idol ka nun dati ah. Si Skyler naman, kakatapos lang daw ng hearing kaya susunod na ito. Si Maurice nag-CR lang. Si Art mukhang pinapagalitan na naman yung napulot niyang ‘apprentice’, alam mo naman yung isang yun. Pagdating sa fashion ay naprapraning, di ko nga alam kung paanong na-totolerate ni Art si Aaron e.” Matinong sagot naman ni Isaac sa kanya. Umupo na ito sa tabi ni LA habang siya naman ay tumabi na kay Vicky. 

“Buti at nakakatagal ka pa sa dalawang yan.” 

“Naku! Baliw na baliw na nga yan sa amin e. Ikaw kaya ang mapalibutan ng kagandahan namin ni Bff.” Sagot na turan ni Vicky sa kanya. 

“BFF, kanina pa kita napapansin. Lagi mong prine-praise ang kagandahan natin. Wag masyadong ipahalatang alam na nating maganda tayo.” Natatawa namang sita ni LA sa kanya. 

“LA buti at di ka napagkakamalang baliw imbes na doctor doon sa ospital na pinapasukan mo.” Pan-ti-trip naman niya sa kababata. 

“Lagi kaya!” Pambubuko ni Vicky sa kanya. 

“Laglagan na? Ganyanan na BFF?” 

“Ai hindi, bff. Hindi kita nilalaglag, itinutulak lang kita sa kahihiyan.” 

“Tse!” Sabi naman ni LA at kunwari ay nagtatampong nag-walk out sa upuan nila. 

“BFF, Waiting! Vee-arr-vee guyz.” Sabi naman ni Vicky at hinabol na ang BFF. 

“Natahimik din tayo.” Natatawang saad ni Isaac dito. Sakto namang dumating si Aaron na nakasuot ng polo shirt na checkered na sarado ang butones at naka-bowtie, naka-pants itong sira-sira at nakasalamin itong pang-geek. Ngising-ngisi itong umupo sa tabi ni Isaac. 

“Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?” Nakakunot noong tanong ni Kiel kay Aaron. “At bakit ngising-ngisi ka dyan?” 

“Naiinitan.” Tinanggal na nito ang salaman na peke at walang grado, tinanggal ang bowtie at ibinuka tinanggal ang tatlong butones sa taas at nalalantad ang matipunong dibdib nito at ginulo ang ayus na ayos na buhok nito. Kung siya ay isang Perfectionist ito naman ang Disguise Man. Mahilig itong magsusuot ng mga disguise, nung una ay para asarin lang ang half-sister nitong si Art pero naging hobby na nito iyon. 

“E yung ngisi mo di mo pa iniaalis, di ka ba nangangalay?” tanong naman ni Grant na kadarating lang kasama si Noel. Mukhang tapos na ang meeting ng dalawa. 

“Hindi naman. May chicks kasing napagkamalan talaga akong geek. Sabi niya ay kailangan niya daw ng mga katulad ko at binigyan pa ako ng contact number.” Sabi nito at inilabas ang business card na ibinigay ng babae sa kanya. 

“De Toaute Beaute Modelling Agency: Kizza Anette Dela Cruz [OWNER]” Basa ni Grant sa Business Card. 

“Dela Cruz ba kamo? Kakilala yan ni Mom.” Sabi naman ng kadarating lang na totoong ‘unfashionable’ na si Skyler. Aanhin daw ba kasi nito ang pagiging fashionable e Lawyer naman ito at hindi Model. 

“Part-timer akong photographer dyan ahh.. Balita ko ang mga magulang daw niyang si Kizza ay mga ‘Fashion Icon’. Bakit ka kaya niya kailangan?” 

“Ewan ko pero isa lang ang sigurado ko, I will jump to this thing. Mukhang masaya e.” Sabi naman nito at pinaka-titigan ang business card. 

“As long na hindi madadawit ang pangalang ‘Aquino’ kung hindi ay sisipain kita. Remember that I am a designer at mga Fashionista ang mga magulang ni Kizza at maging siya. Wag mo akong ipahiya.” Nakataas ang kilay ni Artemis na pumasok kasama ang lalakeng ‘napulot’ nito at ginawang apprentice na si John Trevor 'JT' Lecarde. 

“Seriously, Art, I don’t really care about you being a designer. JT, buti at nakakatagal ka sa ate ko?” 

“She’s fun to be with,” matipid na salita ni JT dito. Hindi naman sa napulot talaga ito ni Artemis pero dahil nga sumasakit ang mata ni Artemis sa mga unfashionable people lalo na kung nagtratrabaho sa Aphrodite’s Fashion House na pinamamahalaan na niya sa tulong nga ng ni Tita Ara nito. 

“See?” 

“Bulag nga kasi si JT.” Buska naman ni Aaron dito. 

“Hindi ko nalang naririnig si Aaron. Nasaan na ang baliw na doctor at ang baliw na bestfriend nito?” 

“BFF! Yung totoo... Adik ka ba?” 

“Sa iyo? Oo naman. Sarap kayang magkaroon ng season mo habang nasa Pinas tayo by just being with you.” 

“Speaking...” Napapa-rolleyes na sabi ni Art. 

“Aarooooooon!” Nagsitakbuhan ang mga ito sa isa pang baliw na lalake at nagyakapan. Parang mga batang naglaro at nagharutan ang mga ito. 

“Nasaan na si Maurice?” tanong ulit ni Art. 

“Oo nga pala. Mukhang naipit na naman iyon sa banyo. You better fetch her.” 

“Sinabi ko na kasing turuan ng self-defense e. I told Daddy Sean about this pero trip talagang ito ang mag-alaga,” naaasar na turan ni Art at umalis na para sunduin si Maurice. Si Art kasi ang pinaka-matanda sa mga kababaihan sa grupo kaya mas strikto ito sa lahat. 

Bigla namang nag-ring ang telepono ni Kiel. “Hello?” 

“Mr. Cristobal, si Miss Janihim po nag-complain na naman.” 

“Siya na naman? Si Miss Complaint?” 

“Yes, sir.” 

“Don’t worry. I’ll deal with her tomorrow.” 

“Paano yun, sir?  Narinig ng waiter na nagdala ng champagne for the compensation sa nangyari sa kanya na she will write to Louise Margaret para malaman kung gaano daw po kapangit mag-stay sa JAC Hotels. We tried our best, Sir, pero she wanted to check out first thing in the morning.” 

“What?! That woman! Don't let her check out hanggat wala pa ako sa hotel tomorrow morning,” naasar na turan ni Kiel at ibinaba na ang telepono.

"Yes, sir," sabi nito bago niya mababa ang telepono.

“Problema sa Hotel?” Tanong naman ni Noel sa kanya. Mas nagkakaintindihan kasi silang dalawa dahil isa sila sa mga young Business Man 

“Siya na naman.” 

“I think you need to handle it personally.” 

“I guess I need to pero maghintay siya dahil may gathering tayo.” 

“Speaking of gathering. Kayo na susunod mag-jamming ha. Is everyone here already?” 

“Sure. Ready na kami pero wala pa rin si Ericka,” sabi ni Isaac na kinuha na ang drumstick nito. Ang mga kasamahan nito sa Alpha Stellar na sila LA, Vicky, Grant at Aaron ay naghanda na rin para sa performance. Hindi nagtagal at natapos na rin ang bandang nagpeperform. Lumapit na si Noel sa stage. 

"Hayaan niyo siya lagi naman siyang la—," naputol ang sinabi ni Noel ng mabatukan ito ni Ericka.

"Hayaan? Papupuntahin mo na kaagad sila sa stage ng wala pa ako dito?" nakaasik na turan ni Ericka kay Noel.

"Hindi ikaw ang pini-please ng mga kababata at mga pinsan mo kundi ang mga guest ko," sabi naman ni Noel na walang emosyong makikita sa mga mukha nito.

"Okay! Stop na!" mabilis na putol ni Aaron sa magsisimulang away ng aso't-pusang sila Noel at Ericka. Noel sighed and signalled the band that was performing na iyon na ang last song nito at tumungo naman ang leader ng banda.

“Let’s give another round of applause to Cadmus Band. Nag-eenjoy pa ba kayo?” tanong nito at naghiyawan na ang mga tao. Ang iba ay nag-cheer na para sa next band. 

“Well, I won’t make you all wait! Let me call the next band: Alpha Stellar!!!!” sabi nito at lalong lumakas ang hiyawan. Una nang lumabas sa stage si Isaac at pumwesto na sa drumset. Si LA at Vicky naman ay pumwesto na sa left side ng stage. Rhythm for LA while Bass for Vicky. Lumabas na rin si Grant na dala ang Lead Guitar at Aaron na pumwesto na sa Keyboards. 

“Good Evening!!! Maraming salamat sa paghihintay! Now for our first Song: For the First Time by The Scripts,” masayang bati ni Aaron na lead vocalist. Tumingin ito kay Isaac at tumungo ito. Itinaas ni Isaac ang drumsctick at pinag-umpog ang dalawang kahoy para bumilang nang 1...2...3... 

She's all laid up in bed with a broken heart
While i'm drinking jack all alone in my local bar
And we don't know how we got into this mad situation
Only doing things out of frustration
Trying to make it work but man these times are hard

She needs me now but I can't seem to find a time
I've got a new job now in the unemployment line
And we don't know how we got into this mess it's a gods test
Someone help us cause we're doing our best

Trying to make it work but man these times are hard
But we're gonna start by drinking old cheap bottles of wine
Sit talking up all night
Saying things we haven't for a while, a while yeah
We're smiling but we're close to tearsEven after all these years
We just now got the feeling that we're meeting
For the first time

She's in line at the door with her head held high
While I just lost my job but didn't lose my flight
But we both know how we're gonna make it work when it hurts
When you pick yourself up you get kicked in the dirt

Trying to make it work but man these times are hard
But we're gonna start by drinking old cheap bottles of wine
Sit talking up all night
Saying things we haven't for a while, a while yeah

Napatingin si Aaron sa crowd at may umagaw ng pansin niya. Ito ang babae na nagbigay sa kanya ng calling card. nagkatitigan sila na ikinangiti ni Aaron saka kinindatan ang dalaga. Tinaasan lang siya nito ng kilay na mas lalo pa nitong ikina-excite sa gagawing 'job' nito with the lady. 

We're smiling but we're close to tears
Even after all these years
We just now got the feeling that we're meeting
For the first time

Drinking old cheap bottles of wine
Saying things we haven't for a while, a while yeah
We're smiling but we're close to tears
Even after all these years, We just now got the feeling that we're meeting
For the first time, For the first time
Oh, for the first time
Yeah, for the first time

Oh these times are hard
Yeah they're making us crazy
Don't give up on me baby

Oh these times are hard
Yeah they're making us crazy
Don't give up on me baby

Oh these times are hard
Yeah they're making us crazy
Don't give up on me baby

Oh these times are hard
Yeah they're making us crazy
Don't give up on me baby... 



Maraming-Maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay sa JESTER Series 1-6. Sana po ay subaybayan niyo rin ang mga Kwento ng Anak ng Mga JESTER. Isang Series din po ito na kinabibilangan ng mga Sumusunod: [K]Iel, [A]Aron, [L]ovely, [M]aurice, [I]Saac, [A]rtemis, at ang special edition series na pinagbibidahan ni Ericka. 

KALMIAS SERIES COMING SOON!

6 comments:

charmaine llorca said...

NAKU!!!! OH EM GEEE! pakibilisan pooo sa pag update... I AM SO EXCITED! :D hindi ba halata? :P HEHE!

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Hindi nga halata! HAHAHAHA! Naku maraming salamat sa pagbabasa kaya lang po matatagalan ang update nito kasi di pa ako tapos sa 1st novel ng series na ito. :P

charmaine llorca said...

OYY! ang sama nito :( pina-excited mo pa ako, tingnan mo hinahanap ko na tung website nato.... ETOOO NAMMAN! nga pala, na basa ko na lahat ng i-pinost mong novels, kung di mo nahalata ey, hindi ako nag-cocoment... alam ko ma-aapreciate mo kung mag comment ako... kaya lng SILENT READER ako eii. :D big fan muna ako... as in NUMBER 0 fan :D simula pa nung internetserye... :) good luck and God Bless :D sana matapos mo na to para makabasa na ako :) HEHE! at sana may PHR novel ka... bibilhin ko talaga :)

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Masama na ako? :o :o :o Hindi po ako masama, kung masama po ako, hanggang prologue lang po talaga ang ipopost ko at papaasahin ko kayo sa series na ito! BWAHAHAHAHAHA! jkjk! Wala po akong PHR novel kasi di pa ako nagpapasa ni isang manuscript, pero meron po akong Kilig Republic. :P
Paano yan? may number 0 na fan ko eh, si Kembz(Melai). Pang number 1 ka na lang. hahahahaha. AYan may 2 na akong faaaaaaaan! Maraming salamat pa rin sa pagbabasa at oo kailangan ko nga ng comment para mas ganahan akong magsulat pero kung ayaw, di ko kayo pipilitin. ;) Maraming salamat ulit!

Rika said...

NEXXXXXXXXXXXXXXXTTT~!!! NEXT agads~! hahhah XD hanubeyyyyy~! excited na aketch sa KALMIAS~! sa internetserye ko pa ito inaabangan! UPDATE na agad'2!! haha kung maka demand ako sa writer parang ewan XD

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Demanding much ka, famangkin! Huwag ka magmadali, maganda lang ako! bwahahahahah! Yucks! Sige soooooooooon, ipost ko na ito! YEHEY!