Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, February 3, 2013

At Your Service: Internet Love [Part 1]


Copyright © 2011. All Rights Reserved.

═══════════════════════


Wala pala talagang imposible kay LORD. Aba tignan mo at nakita ko na ang Ideal man ko! Kelan kaya kami magkikita nang love ko? Wala na akong pakialam sa internet love ek ek basta love ko siya!


═══════════════════════

Ilang cup noodles na nakakalat sa gilid ng dalagang naka-pony tail ang buhok, naka-sando at nasa harapan nang kanyan netbook. Ilang araw na rin itong nasa harap nang netbook nito at busy na busy sa pagtipa. Ang mga oras lang na aalis ito sa harapan nang nasabing netbook ay mabibilang lang sa isang kamay. Ito ay tuwing maliligo ito, mag-stretch, kakain, iihi at kapag nag-nature calling na siya. 

Maririnig mo ang nagmamadaling pagbagsak nang daliri nito sa kawawang keyboard nang netbook. Nakangiti ang labi nito habang nagmamadali itong magtipa. Pinepressured na kasi siya nang nakabantay na Editor niya sa isang kilalang publishing company. 

Ako nga pala si Kana Valeria Apolinario, isang published writer na ako ngayon. Nakilala ako sa isang site kung saan nagpapublish ang admins nang mga istorya or nobela na gawa nang mga Amateur Writers. Doon ako naging kilala at dumami na rin ang mga Online fans ko. Happy ako na nakakapagbigay ako nang kaligayahan sa mga tao sa pamamagitan nang pagtitipa ko. 

I love writing Novels na kahit na anong genre. Isa lang ang weakest point ko, hindi ako mahilig bumasa ng mga nobela. Hindi ko kasi hilig yon. 

“Tapos naaaaaaaaaa! Weeeeeeeeeeee!” Napataas siya nang kamay at napa-stretch. Ilang araw din siyang all nighter. Pinepressure kasi siya nang Editor niya pero nakaka-excite naman ang feeling nang pinepressure. Mas lalong lumilikot ang utak ko kapag pressured ako. 

“Sige, i-sent mo sa email ko. I-check ko na lang sa Ipad ko. Aalis na ako,” sabi nito at nag-stretch na rin. Lagi kasing pabalik-balik ang editor para lang kulitin ako. 

“Sige, Boss, sent na. Makakatulog na rin!” sabi niya at ngumiting nag-bye siya sa editor niya. Tumayo siya at kinolekta na ang mga basura na nakakalat sa buong kwarto niya. 

Lumakad siya sa may banyo at nag-shower na. Hindi naman kasi siya makakatulog kapag hindi siya nakapagshower. It only took her 15 minutes to shower at umupo ulit siya sa harapan nang netbook niya. 

“Muntik ko nang kalimutang bumisita sa blog ko,” binuksan ni Kana ang kanyang blog at doon ay nakita niya ang mga comments nang mga naging online friend niya sa mga post niya. Huling na-post niya pala ay ang pagiging wala sa mga susunod na araw dahil tatapusin ang may deadline na niyang nobela. 


Hi Guys! 



I’m back! Sino nakamiss sa akin? Grabe si Mister Editor pressured ang kagandahan ko. Sana ay bilhin niyo ang susunod kong novel! Wee! I miss you guys. 

Pagkatipa nang message sa blog niya ay pinindot na ni Kana ang post button at nakapaskil na ito sa blog niya kung saan sila nagkukulitan nang kanyang kaibigan/fans. Nagulat siya nang biglang may magcomment kaagad. 


Namiss kita, Miss Kana! Kamumain ka na po ba? Welcome back nga po pala. - BeauMan 


Napangiti siya. BeauMan is one of her oldest friend sa Online site dati at ang avid fan niya. Ito ang nagsabi sa kanyang magpasa nang manuscript sa isang publishing company dahil na-move daw niya ang lalaki. Mag-rereply na sana siya nang tumunog ang chatbox na nasa gilid nang blog site niya. 


BeauMan: Miss Kana! :x 



KanaV: Weeeeeeee! Beau! Namiss kita! Ang lufet mo ahh! Kaka-post ko lang naka-comment ka na agad! How’s life? 

BeauMan: Eto, hindi masyadong maganda kasi wala ang pinakamagandang writer sa balat nang lupa. 

KanaV: Weeeeeeeeeeeee! Sige, bolahin mo pa ako! Yan ang namiss ko sa iyo, Beau. 

BeauMan: Asus, paanong bola yun e totoo naman o. *turo ang picture mo* Ayan ang proweba. 

KanaV: Paano mo nalaman kung ako nga iyon kung hindi mo pa naman ako nakita sa personal? Wala ka nga sa EB nang SFY e. Madugaaaa! L 

BeauMan: Sorry na po. May pasok kasi ako sa school non. Diba finals ko yun? 

KanaV: Oo nga e. Sayang talaga. Hindi mo tuloy nasilayan ang beautiness ko. Hahahaha *lol* zzzz 

BeauMan: Sayang nga e. Pero soon magkikita din tayo. 

BeauMan: Inaantok ka na Miss Kana? 

KanaV: Halos dalawang linggong walang tulog e. Kailangan kasing i-rush ang next novel ko. Zzzz 

BeauMan: Naku, matulog ka na. Wag mo nang paabutin pa ang eyebags mo sa eyebags ko. 


Natawa si Kana sa sinabi nito. Friends na sila sa FB at nakita na rin niya ang picture nito. Ang description nang ideal man ni Kana ay may pagkapareho kay BeauMan. Akala niya nga ay hindi siya makakakita nang taong swak na swak sa description ng ideal man niya. 

Hindi siya naniniwala sa love on the internet pero parang gusto na niyang maniwala. Nahuhulog na kasi ang loob niya sa lalaking laging nagpapatawa sa kanya, umaalalay, nagbibigay nang payo at laging sumusuporta sa kanya. Mas lalong nahulog ang loob niya sa lalaki nang makita niya ang larawan nito sa FB nito. 


BeauMan: Calling Miss Kana to earth. Naghihintay ang prinsipe mo. 



KanaV: Sinong prinsipe ko Beau? 

BeauMan: ai nakakatampo naman. Sige walk out na ako. ;( 

KanaV: *rolleyes* Hindi nga sino nga? 

BeauMan: Wala. Joke lang yun. Alis na ako. Inaantok na rin ako e. 

KanaV: ay may ganong drama ka na ngayon, Prinsipe Beau? 

BeauMan: *lol* Ayan naman ang gusto ko sa iyo Kana, my princess. 

KanaV: Parang my Precious lang ahh. Golum is that you? *lol* 

BeauMan: Ang gwapo ko namang Golum. 

KanaV: Sige ikaw na gwapo ako na maganda. 

BeauMan: kaya nga bagay tayo e. Weeeeeeeeeeee! I love you, Princess! 

KanaV: Ai pare walang ganyanan, baka mabading ako sa iyo. 

BeauMan: :o Homaygulay! Isa kang lalaki disguise na babae? 

KanaV: _shhh pare! *lol* walang nakakaalam nito. Ikaw lang. Secret lang natin. *lol* 

BeauMan: Ai sige, ako na ang babaeng disguise as lalaki. 

KanaV: Eeeeeeeeeeeeek! Sige, tayo na talaga ang bagay. *lol* 

BeauMan: Hindi tayo tao? Bagay tayo? Ganon ganon? 

KanaV: Ai hindi. Dyosa ako e. Ikaw na lang yung....... yung........... 

BeauMan: Ako na lang yung Greek God. 

KanaV: *rolleyes* Wala na akong sinabi. *lol* 

KanaV: zzzz Inaantok na ako. Ipag-hele mo ako, Beau. 

BeauMan: Sige ol ka sa YM. 

KanaV: Weeeeeeeeeeeeeee! 


Nagmamadali si Kana na mag-online sa YM. Maganda rin kasi ang boses nang kanyang super crush aka love niya. 


LarionBM is now online 



BUZZ! 

Kvaleria: LBM! Calling calling LBM! Ang bantot nang initial mo. :D 

LarionBM: Tse! Hindi kita ipag-hele dyan e 

Kvaleria: NOOOOOOOOOOOOOOOOO! :* 

LarionBM: Call mo ako. Wag na video call baka mainlove ako lalo sa sarili ko. =)) 

Kvaleria: ai talagang hindi Video Call kasi malaki eyebags ko ngayon. =)) Dyahe yun, baka ma-turnoff ako sa sarili ko hindi pa ako mainlove sa sarili ko. =)) 


Pinindot na ni Kana ang icon nang voice call. At nag-ring naman ito. Hindi nagtagal at nagkausap na lang sila gamit ang voice call. 

“Dali na LBM. Hinahantok na ko! Demanding masyado?” Sabi niya at tumawa na ikinatawa rin nang kausap. Narinig ni Kana na nag-clear throat si Beau. 

“Okay. Wag ka na maingay magsisimula na ako.” 

“Weeeeeeeeeeeee!” 

“Shhhh! Simulan na.” Narinig niyang nagstrum ito nang gitara. Napangiti tuloy lalo siya. Kinuha niya ang laptop niya at inilagay niya iyon sa kama nya. Ganito naman ang gawi nila ni Beau tuwing patulog na siya. 

“Ano kakantahin mo?” Hindi niya maiwasang itanong ito habang inaayos pa nito ang tono nang gitara nito. 

“You and Me by Lifehouse.” 

“Okay. Kapag hindi na ako nakasagot sa iyo meaning napag-hele mo na ako at himbing na sa pagtulog.” 

“Okay. Alam ko naman kung kelan ka nahihimbing sa pagtulog e. Naghihilik ka kasi,” sabi nito at tumawa pa. 

“Tse! Pagod at puyat ako kaya ako naghihilik. Kanta na! Now na!” 

“Demanding? Sige kantahan na kita.” 

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you

All of the things that I want to say just aren't coming out right
I'm tripping on words
You've got my head spinning
I don't know where to go from here

Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you 



Maganda talaga ang boses nang lalaki. Unti-unting kinakain na siya nang antok niya. Napapitkit na siya dahil sa swabe at magandang boses nang lalaki. 



There's something about you now
I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you
and me and all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why, I can't keep my eyes off of you

What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive 





Kana? Kana?” Mahinang tawag ni Larion Beau Manuben sa ka-chat na babae. Hindi naman talaga siya mahilig sa pagbabasa nang mga romance tagalog novels. 

Nahatak lang siya nang kaibigan niya na puntahan ang site na sfy.com or mas kilala bilang storiesforyou.com. Basahin daw niya ang gawa nito or kikitilin daw ang buhay niya. Alam ni Beau na nagloloko ang kaibigan pero wala namang mawawala sa kanya kung pagbigyan niya ito. Sinabi nang kaibigan niya ang pen name nito at nag-search na siya sa authors tab. “Ken Sanchez” ang pen name nang kaibigan. 


Napangiti siya nang makitang may mga picture ang mga authors sa site na iyon. Mula A-J ay nakangiti siya pero nang magsimula na ang K sa Kana Valeria (New Writer) [Photo] ay napatigil siya sa pag-scroll down nang page at napatitig sa maamong mukha nang babae. Hindi niya alam pero itinutok niya ang arrow ng mouse niya sa name nito at ni-click. Iisa palang ang nobela doon at On-going pa ito. 



Beau clicked the novel’s icon at lumabas ang isang pop-up page nang nobela. Nakalimutan na niya ang pakay sa site na ito at inumpisahan niyang basahin ang nobela. 

Napangiti siya sa pag-alala nang unang pagbasa niya nang nobela nang dalaga. Naging hook siya dito at naging fan siya nang babae. He never failed to give a comment and a good word of advice na tinangkilik naman nang babae. 


“Tulog na siguro. Sige, Goodnight na Kana. I love you... Walang halong biro,” sabi niya at nag-end call na. 

Inilapag na rin niya ang gitara sa gilid nang computer table niya at lumakad na sa kama niya at nagmuni muni. Hindi maiwasan ni Beau ang alalahanin ang unang pagkakita niya kay Kana nung EB nang sfy. 


Nasa venue na siya nang EB nang SFY kasama nga niya ang kaibigan niyang si Ken at papunta na sila. Medyo na-late sila dahil nga may test nga sila. Takbo-lakad-takbo ang drama nilang magbarkada. 



Nakita nilang marami nang tao at may isang pinalilibutan nang tao. Si Kana. Napatayo siya at napatigil. Kumakabog-kabog kasi ang dibdib niya. Hindi lang dahil sa pagtakbo at lakad nila kundi dahil sa nasilayan na niya ang babaeng na-“Love at first sight” siya. 

“K-Ken. Ikaw na lang ang magpakita. Sabihin mo sa kanila na magkaiba ang schedule nang exam natin at may exam pa ako. Hindi pa ako ready na magpakita kay Kana.” 

“Baliw ka ba pare? Diba eto na ang pinaka-hihintay mong panahon para magkita kayo?” 

“Oo nga , pare, pero inunahan ako nang pagkahiya at pagkatorpe e.” 

“Pagkatorpe? Bakit may balak kang ligawan? Grabe na yang kabaliwan mo ha.” 

“Baka kasi kapag lumapit ako sa kanya ay tumitig na lang ako sa babae at hindi na lang magsalita. Baka sabihin pa ni Kana na manyak ako. Ayaw ko nga yung ganon. Ayaw kong ma-turn off siya sa akin. Hindi ko kaya ang heartbreak.” 

“Ahhh! Ewan! Ipa-confine na kita sa doctor sa mental. Sige ako na lang ang bahalang gumawa nang kwento sa iyo. Uuwi ka na ba?” 

“Hindi. Gusto ko lang masilayan si Kana.” 

“Fine. Sige magpaka-tanga ka dyan. Bye!” Sabi ni Ken at tumakbo na ulit sa gathering place nang sfy sa foodcourt nang MOA. 

Nakita niyang kinausap ni Ken si Kana at biglang nalungkot ang mukha nito. Mukhang sinabi na nito na hindi sya makakarating. Naramdaman naman niyang nag-vibrate ang phone niya. Si Ken natawag. Sinagot naman niya ito pero hindi nagsalita. 

“Ay ganon ba? Goodluck na lang sa exam niya pa. Tsk. Siya pa naman pinakahihintay ko.” 

“Yun na nga Kana. Sorry daw talaga at hindi siya makakarating pero don’t worry. Akong bahalang magsabi na disappointed ka kasi hindi mo nakita si Beau.” 

“Sige, salamat ha.” Narinig niya pang bumuntong hininga ito bago na-end call ni Ken ang tawag. Nakita niyang tumingin ito sa gawi niya at nag-rolleyes. Fine siya na ang mali. 


Kasalanan nga naman niya kaya hindi siya nakita ni Kana nang personal. Medyo na-guilty siya kasi nagsinungaling siya dito na hindi nakarating. Kinuha niya tuloy ang phone niya at tumingin nang picture nito na naroroon. Mga picture ni Kana na nakuha niya sa FB at yung iba sinend ni Ken sa kanya via bluetooth. 

“Siguro panahon na talaga para magkita kami. Hindi ko na kaya ang 2 and a half year na patagong umiibig sa lokaret na iyon. Kailangan ko nang sabihin ang nararamdaman ko at ang katotohanan.” Buo na ang loob niyang magpakita sa babae. Bukas na bukas din ay magpaplano na siya kung paano ma-meet ang babae. Nakangiti siyang nakatulog dahil doon.




ITUTULOY...

No comments: