Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 12: The Plan and The Meeting

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


NAGSISIMULA na ang party para kuno sa ‘promotion’ niya. Naandoon si Arjellyn, si Sir Tan, si Sir Rodney at ang lahat ng mga ka-trabaho niya sa departamento. Lasing na ang iba lalong-lalo na si Edna at nakakatuwang tignan na nakikipag-flirt ito sa kanilang boss na si Rodney habang ang boss nila ay wala namang violent reaction tungkol dito. 

Wala siyang balak magpakalasing kaya naman puro non-alcoholic ang mga iniinom niya. She wanted to spend quality time with everyone. Sakto namang dumating ang mga magbabarkada. Mukhang nagkita-kita muna ang mga ito bago ito dumating and as usual lahat ng pansin ay napako sa mga naggwagwapuhang mga kaibigan. Kumaway siya sa mga ito nilapitan. 

“Buti at dumating kayo. Doon tayo sa gilid. Ipapakilala ko kayo sa mga kasamahan ko sa trabaho at pati na rin sa mga boss kong nakasama.” Sabi niya sa mga ito ng magkipag-beso-beso na siya sa mga ito. She turned aroung to lead the way. 

“Guys! Andito na ang mga tumulong sa akin para makuha ko ang promotion.” Pag-aanounce niya. Tumahimik ang lahat para naman maipakilala niya ito isa-isa. “Let’s start to the only married guy sa grupo: Si James Anthony Cristobal ng J.A.C Corporation; Si Ezekiel Martin Aquino ng Zeke Car Company; si Sean Micheal McConnel ng S.M.I.Airport; si Theodore De Guzman ng De Guzman Group of Companies and an Ex-General; Elliot Christopher Rivera ng Rivera Construction Company at higit sa lahat si Randolph John Archuetta ng R.A. Jewelry. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat dahil kung hindi dahil sa pag-approve niyo ng interview ko ay hindi ko makukuha ang promotion na naipangako ko para sa aking Mama. Itong maliit na salu-salong ito ang kaya ko lang ibigay sa inyo to let you know how thankful I am. Maraming salamat talaga!” Masayang sabi niya. Nagpalakpakan naman ang lahat sa maikli niyang speech pati na rin siguro sa mga naglalakihang business man na kaibigan. 

“You don’t really need to thank us. Gusto lang naman talaga naming tumulong. Wala sa amin ang interview no and in some ways ay tinulungan mo rin kami para makilala pang lalo ang business namin.” Sabi naman ni James sa kanya. 

“I agree. Walang kaso sa amin ang interview. Hindi nga namin na feel na iniinterview mo kami e. Parang nakikipagkwentuhan lang kami sa iyo.” Si Elliot naman ang bumanat sa kanya. 

“Actually, you should really thank Ran.” Biglang banat naman ni Theo na nakangisi na. “Kung hindi nagpainterview yang si Ran ay hindi buo ang interview mo sa amin. Buti na lang talaga at nahu—.” 

“You better shut up, Theo.” Tinignan naman ni Ran-ran ng masama ang matalik na kaibigan na nakapagpahinto sa dapat ay sasabihin sana ni Theo. Ikinatawa naman ng lahat ang nakitang tagpo. 

“Ai wait! Ipapakilala ko pala kayo sa mga boss ko. Dalawa sila dito e. Wait lang kukunin ko lang sila.” Sabi niya sa mga ito at mabilis na lumapit sa dalawang lalakeng may kanya-kanyang kausap. Iniexcuse niya ang mga ito sa kanya-kanyang kausap at hinila papunta sa mga kaibigan. 

“Guys, meet the two Bachelors sa Bachelors. Ai parang redundant ako? Anyways, Si Sir Rodney Logan, siya yung papaalis na ring Editor-in-chief kaya kami nagkaroon ng labanan about sa posisyon niya at si Sir Nathaniel Angelo Sebastian or mas kilala bilang si Sir Tan, anak ng may-ari ng Bachelors.” Nakipagkamay ang lahat kay Sir Rodney habang kay Sir Tan naman ay hindi nakipagkamay si Ran-ran. Parang wala naman iyon sa Sir Tan nila at hindi na lang iyon pinansin. Napataas na lang tuloy ang kilay niya. 

“Sorry, Sir Tan. Kausapin ko lang si Ran-ran. Excuse me lang, guys.” Sabi niya at hinila na papalayo si Ran-ran sa mga grupo ng mga lalake papunta sa labas. Malakas kasi ang ingay sa loob ng bar na inupahan nila. “Bakit ka naman ganon kay Sir Tan?” 

“Is he the guy you called Tan-tan?” 

“Yes. Sya nga pero alam naman niyang loko-loko lang yun. Hindi ko na rin kaya siya tinatawag na ganoon. Kaloka ka, Ran-ran ha. Bakit mo ginanon si Sir Tan?” 

“Wala lang. I just don’t like the guy.” Sabi nito sa kanya at pumasok na sa loob. 

“Sandali nga Ran-ran! Bakit ba ganyan ka umasta?” 

“I’m not in the mood. I wanna get inside and just drink to my hearts content. Can’t I not do that?” 

“Pwe—.” 

“Good. So I better go inside.” 

“Pero... Ran-ran naman e. Can’t you be happy for me?” 

Napabuntong hininga ito. “I am. So Happy. Nawala lang ang mood ko ng ipakilala mo ang mga Boss mo.” 

“Bakit nga?” Medyo napapangiti na siya. Para kasing nagtatampo ito na ewan na nagseselos e. 

“Basta. Let’s just go inside at baka isipin nilang sinosolo ko ang nagpapaparty.” Mas gusto ko ngang solohin ka e... kahit isang gabi lang bago mo ako kamuhian or kasuklaman... 

“Sige. Try ko kayong i-entertain lahat.” Sabi niya at isinukbit ang kamay sa braso ng lalake at hinila na ulit ito. Kahit yata anong gawin niya sa lalake ay ok lang ito dito. Nahihila niya kasi ito at napapatahimik. Napapagsalita niya rin kasi ito. 



NAKATINGIN lang siya sa dalagang busy sa pakikipag-usap sa lahat ng mga tao sa paligid. Nakaupo lang siya sa may Bar at doon nag-iisang umiinom. Nauna na si James dahil nga may pamilya na itong naghihintay sa kanya. Habang ang ibang mga ka-brod ay nakikitag mingle sa mga katrabaho ni Vega. Hindi niya alam kung nakakailan na siya pero inom na lang siya ng inom nang pagpasok ulit nila ni Vega kanina. Marami na ring nagtangkang makipag-usap sa kanya pero he rejected all of them. 

“Another Jack on the rocks please.” Sabi niya ulit sa bartender at ibinigay naman agad nito iyon. Hindi niya namalayang nakalapit na pala si Theo sa kanya. Mukhang kadarating lang galing sa banyo at medyo lasing narin ito. 

“Baka matunaw si Vega niyan, makita pa kitang umiyak.” Natatawang tapik nito sa kanya. 

“And I bet you’ll definitely love to see me crying.” Walang kabuhay-buhay na sabi niya sa lalake na ikinatawa lang nito. 

“Not really but I want to see Randolph John Archuetta, The Cold Blooded JESTER, to confess his feelings to that Lady.” Sabay turo kay Vega. Napaisip siya. He never confess to anybody. Paano nga ba naman siya mag-coconfess kung iisang babae lang naman ang nagpatibok ng puso niya. He was about to confess his love to Vega nung nag-iinterview ito sa kanya pero iniiwasan yatang malaman ng babae ang nararamdaman niya. Di niya alam kung napaparanoid lang siya or what pero nung araw na iyon talaga ay ganoon ang nararamdaman niya 

“And if I did? What will you do?” Nakakalokong ngumiti ito sa kanya. 

“Hmmmm. You can ask me anything in return. As in Anything.” Sabi naman nito. Wala rin naman kasing mawawala sa kanya kung mag-coconfess siya sa babae dahil mahal nga naman kasi talaga niya ito. 

“I’ll ask you anything when I really need it but right now... I might as well get some strength in the alcohol before confessing.” Sabi pa niya at inisang lagok ang Jack na inorder niya. “Give me another one.” Sabi niya ulit sa bartender at nagbigay ulit ito. 

“Good Luck then.” Nakangising umalis na si Theo at nakipagkwentuhan na ulit sa mga kababaihan. Magkaibigan man silang matalik ay magkaiba talaga sila ng ugali. Nakita na lang niyang tinapunan siya ng tingin ng dalagang kanikanina lang ay pinag-uusapan nila ni Theo. Ngumiti ito sa kanya at kumaway. Napakaway na lang rin siya dito. Nakita niyang nagpaalam ito sa kausap at naglakad patungo sa kanya. 

“Okay ka lang ba? Pasensya na ha. Hirap palang nagpapa-party no? Ang daming dapat kausapin at ientertain.” Sabi nito sa kanya at umupo na sa tabi niya at tumingin sa bartender. “Kuya isa ngang Sex on a beach dyan, wag pong masyadong malakas ang alak ha kasi mukhang may ihahatid akong lalake e.” Joke pa nito sa bartender bago bigyan siya ng tingin. 

“Give me another one of this.” Sabi niya ulit at inilapit na sa lalake ang isang basong wala na namang laman. 

“At talagang nagpapakalasing ka. Talagang gusto mong ihatid kita ha.” Natatawang turan ng dalaga sa kanya pero pinakatitigan niya lang ito. 

“Hindi sa nagpapakalasing ako. I am just borrowing some strength to the alcohol because I am thinking of doing some very very crazy things.” Mukhang nacurious naman ang dalaga at tumagilid at humarap pa sa kanya. 

“Ano yun? Mukhang andami mong gagawing kalokohan ha. May ‘S’ kasi sa things na sinabi mo.” Parang batang nakinang ang mga mata nitong nakatingin sa kanyang mga mata. Napabuntong hininga siya. At inilapit ang mukha sa babae. 

“Do you really wanna know what I wanted to do?” Tanong niya dito. Ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t-isa. Tumungu-tungo naman ang babae. 

“Kaya ko nga tinanong e. Ano nga?” Hindi na niya sinagot pa ang tanong nito dahil ipinakita na lang niya ang isa sa mga gusto niyang gawin. He moved his head towards Vega’s and landed on Vega’s half opened mouth and pull her towards him. Narinig niyang napasinghap ang dalaga pero di man lang ito nanlaban sa kanyang ginawa. Dahil sa wala namang pagtutol na namutawi sa bibig or sa kilos ng dalaga ay lalo pa niyang nilaliman ang uri ng halik na iginawad sa dalaga. Naramdaman niyang gumaganti ito ng halik sa kanya. Ran felt happy. So paranoid lang pala talaga siya nung parang iniiwasan ni Vega na malaman ang katotohanan. Dapat ay mas lalaliman pa nila ang halikan ng makarinig sila ng kantyawan, palakpakan at hiyawan sa paligid. Inihinto niya tuloy ang pakikipaghalikan sa dalaga at napilitang maghiwalay. 

Nakita niyang nakangisi ang mga ka-brod niyang nanonood pala sa ginagawa nilang dalawa. Automatikong hinapit niya ang dalaga palapit sa kanya. Nakita niyang napasipol si Theo at napapalakpak. He even saw the guy mouthed: What are you waiting for? Confess! Damn it! Napatungo na lang siya at tumingin ulit sa dalagang parang hindi pa nagigising sa pagpapantasya. 

“Vega... I love you.” Madamdamin niyang pagtatapat sa babae na nagpalakas pa ng hiyawan sa loob ng bar. 

“Ha?” Parang tanga lang itong nakamaang sa kanya. Parang hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. Naghihintay na ulitin niya ang sinabi. Hinanap niya ang kanang kamay ng dalaga at inilagay sa dibdib niyang kanina pa pala tumitibok ng sobrang bilis. Paano bang hindi? Matapos ang halikan nila ay heto siya at first time na mag-coconfess sa babae. 

“You heard me right, Vega.. Mahal kita. Ikaw ang tinutukoy ko na babaeng nagpainlove sa akin sa pangalawang pagkakataon. I thought that you betrayed my trust when we were in highschool. I was broken, Hard, dahil nga ang unang babaeng mahal ko ay inaakala kong katulad ng mama ko na isasakripisyo ang lahat para lang sa trabaho. I thought that I won’t love again nang mawala ka sa buhay ko. I only think girls as a play thing at lagi kong sinasabi sa mga babaeng nakakatagpo ko na ‘no strings attached’ dahil nga di ako nagseseryoso until you came... I was agitated, di ko alam kung ano ang gagawin ko. Kahit kasi anong gawin kong pagsusungit at pambabalewala sa iyo ay ok ka lang doon. So now that you have invaded my private and very quiet life and also my heart, you have to take responsibility and be my girl.” Mahabang litanya niya. Namula bigla ang magkabilang pisngi ng dalaga at napatitig na lang sa kanya. 

“Sagutin mo na kasi!” Narinig niyang nangantyaw sa mga viewers nila. Malamang ay si Theo ang sumigaw nun. 

“Oo nga! I love you na rin diyan!” May isa pang boses ang umalingawngaw at nagsigayahan na ang mga ito sa na sagutin na daw siya. 

“So whats your reaction? Any violent reaction?” Nakangisi nang turan niya dito. Napatingin ang dalaga sa viewers nila na para bang humihingi ito ng tulong kung ano ang sasagutin. 

“Sabihin mo na rin kasi ang totoo mong nararamdaman.” Sabi naman ng Sir Tan nito sa dalaga. Napatungo ito at tumingin sa kanya. 

“Nung unang kita ko pa lang sa iyo sa mga newspaper na galing sa Ate Donnie ko ay nagkainterest na ako sa iyo. I thought that you simple pick my interest dahil nga sa lahat ng newspaper ni Ate Donnie ay ikaw lang talaga ang walang masyadong sinasabi doon. So nung nakapasok na ako sa eskwelahan niyo ay ang unang ginawa ko ay ang maging stalker mo bonus na lang na naging kaibigan ko talaga ang prinsesa ng JESTER. Dahil doon ang interest ko ay napalitan sa super major crush at nasaktan talaga ako ng todo nung hindi mo ako binigyan ng chance na makapagpaliwanag. Ni hindi mo na ako pinapansin at feeling ko ay parang di ako nag-eexist sa mundo mo hanggang sa gumraduate kayo at hindi na tayo nagkita pang muli. Pero dahil na rin sa tulong ng promotion na ito at sa tulong ni Ate Mercy ay nakuha ko ang numero ni Kuya El and phoned him for help and the rest is history.” Mahabang litanya naman nito sa kanya. 

“So... in short?” Nakakunot noong tanong niya dito. 

“Sa tingin mo ba magpapakaalila ako at sasaluhin ko lahat ng mga tantrums mo kung hindi kita mahal? In short, Mr. Randolph John Archuetta, Mahal na mahal kita. Walang halong biro or flattery words. Totoo ako when it comes to feelings at kung ano ang lumalabas sa bibig ko. So you better trust what I am going to say and all the words na lalabas sa bi—.” Hindi na niya pinatapos pa ang mahaba na namang sermon nito sa kanya. He just grabbed the lady’s nape and kiss her senselessly. Wala na siyang pakialam pa kung kantyawan sila ng mga nakakakita na ‘Get a room’ basta siya masayang-masaya siya dahil pareho pala sila ng nararamdaman ng dalaga. 

“I love you too. Very much.” Sabi niya between the kisses. Tinapos niya rin naman ito dahil mga nasa Magazine pa rin naman ang mga taong nasa loob nito. Baka mamaya niyan ay nasa front page na sila ng tabloid. “Let’s go.” 

“Ha? E party ko ito e. Paano pa ang mga babayarin?” 

“Maiintindihan nila kung umalis man tayong dalawa. And about the bills, lemme handle it.” Sabi niya at akmang maglalabas ng wallet ng pigilan siya ng lalakeng nakalapit na pala sa kanila. 

“We can all handle the rest. You two should go ahead.” Nakangising turan ni Ezekiel at nilingon ang mga kaibigang nakatayo sa di kalayuan. Nag-approve sign ang mga ito para sabihing sumasang-ayon ang mga ito sa suhestiyon ni Ezekiel. 

“Pero ako kaya ang nagpa-party.” 

“Let’s just say that this is our gift for getting the promotion that you have been wishing for. Let us handle it and just go and have fun.” 

“You heard them. Let’s go.” Sabi niya dito at hinila na ang dalaga. Dinaanan na lang nila ang bag nito at lumabas na sa bar. Dahil siguro sa kaba kanina habang nag-coconfess ay nawala ang lasing niya. Nagdrive na siya patungo sa condo niya at hindi naman nagtagal at itinigil na niya ang sasakyan sa lagi niyang pinag-park-an. Pumasok na silang dalawa sa condo unit niya. 

“A-ahh. G-gusto mo ng... a-ahh ng kape?” Halata sa mukha ng dalaga na kinakabahan ito pero kahit na kabado ang nakarehistro sa mukha nito ay nakikita naman niya sa mata ng dalaga na handa na ito sa anu mang mangyayari sa kanila ngayong gabi. 

Pinakatitigan na naman niya ito at parang kunwari ay hindi nito nakikita ang mga titig niya. “I don’t really need anything right now but only you...” Sabi niya dito at hinaltak na ang babae papunta sa kanya at ikinulong sa mga bisig niya. Nagyakapan sila ng mahigpit at matagal na para bang sinasariwa nilang dalawa ang mga minutong magkasama sila. “I love you... Vega.” 

“I love you too.” Yun lang at hinalikan na niya ito. Masuyo at dahan-dahan sa una, tinugunan ito ng dalaga at hindi nagtagal at naging mapusok at masidhi na ang palitan nila ng halikan. Walang anu-ano ay binuhat na niya ang dalaga at medyo napasigaw pa nga ito dahil nga basta-basta niya itong binuhat. Dire-diretso silang dalawa sa kwarto at naghahalikan pa rin sila, huminto lang ng medyo mahirapan siyang buksan ang pintuan. 

“Wait... Help me open the door, Honey.” Sabi pa niya dito at kahit na medyo nadismaya ito dahil sa naputol na halikan ay nagmamadali naman itong binuksan ang pintuan. Lumakad siya sa patungosa kama at dahan-dahang inilapag ang babae. Doon nila ipinagpatuloy ang paghahalikan. 

He moved his hands towards the lady’s nape and slowly carressing it while kissing her passionately and lovingly. The lady kissed him back with the same intense and passion like they are a warrior both fighting. Fighting to get each others happiness and love. Hindi nagtagal at isa-isa na niyang tinanggal ang saplot ng dalaga habang nagpapalitan pa rin sila ng halikan. Nahantad ang pinaka-tatago-tago ng dalaga ay lalong sumidhi ang kanyang pagnanasang maangkin ng tuluyan ang babae; maging pisikal man ito, mental at emosyonal. 

Narinig niyang napaungol ang dalaga at isinabit nito ang mga kamay nito sa kanya at hinila pa siya lalong palapit. Hindi niya tuloy mapigilan ang kamay niyang maglakbay sa kalambutan ng katawan nito. Dinadama ang hugis ng dalaga. Pataas at pababa sa kabuuan nito. Hinihingal siyang humiwalay sa mga labi ng dalaga para lang mahabol ang hininga niya. Ibinaba niya lang din uli ang labi niya ngunit naglanding ito sa leeg ng babae. Hinalik-halikan niya ito mula sa leeg pababa hanggang sa paa nito and vice-versa at habang ginagawa niya ang mga ito ay napapaungol ang dalaga at alam niyang lunod na lunod na ito sa lahat ng sensasyong ipinagkakaloob niya sa dalaga. 

“R-ran-ran... Please... I need you..” Nagmamakaawang tugon ng babae sa kanya. Hindi naman niya pinaghintay pa ang dalaga at hinubad na niya ang kanyang saplot at ipinusisyon na niya ang babae at inihanda ito para sa kanilang pag-iisa. In one swift move ay ginawa na niya ang kailangan niyang gawin. He can hear the Vega screamed in pleasure in pain. He knew from the start na birhen pa ang babae kaya naman ay pinilit niyang maging marahan ang mga kilos para hindi ito masaktan pero hindi niya ito nagawa dahil na rin siguro sa kalakihan niya. 

“I’ll be gentle, hon. I promise.” Sabi pa niya bago unti-unting gumalaw na para ipagpatuloy nila ang pag-iisa. Silang dalawa ay nagsayaw sa saliw ng tugtuging silang dalawa lang ang nakakarinig. Both of them cried their love for each other as soon as they reached the climax. 



MAAGA siyang nagising. Marami siyang kailangang gawin para sa araw na ito. Tinitigan ni Vega ang binatang katabi niya sa kama at himbing na himbing ito. Napansin niyang nakahiga pala siya sa braso ng lalake. Napaluha siya. Napaka-sweet talaga ng binata sa kanya. She will miss every sweet gestures and tantrums of the guy. Hindi niya napigilang halikan ito sa noo. Matapos niyang halikan ang lalake ay maingat at dahan-dahan siyang umalis sa kama. Naligo at naghanap ng damit na pwede niyang suotin. 

Naglakad na siya palabas ng kwarto ng lalake at dumiretso sa kusina para ipagluto ang lalake ng agahan sa huling pagkakataon. Matapos niyang gawin iyon ay naghanap siya ng papel at ballpen at nagsulat ng note na magkita sila sa Opisina niya sa BACHELORS. 

Ran-ran, 

Good Morning! Nauna na akong nag-agahan sa iyo dahil may lakad pa ako patungo sa Bachelors. Puntahan mo na lang ako bandang 12, mga lunch time. May gusto sana akong gift na ibigay sa iyo. I love you so much and see you soon! 

-Vega 

Pagkasulat niya ay lumabas na siya ng condo. Doon ay pinalaya niya ang kanyang mga luha sa loob ng taxing inarkila niya sa pag-uwi ng bahay na tinutulugan ng Mama Janine niya. Pumasok na siya doon at napangiti. Mukhang napagod ang nanay niya sa Biyahe nito patungo dito sa Maynila at hindi pa ito gising. Nagmamadali siyang nag-empake at lumabas na ng kwarto niya. Pinag-antay na lang niya ang taxi na kanina ay inarkila niya. 

“Manong sa Aurora Blvd. nga po. Sa Partas Bus Station po.” Sabi niya dito. Tumungo ang matandang taxi driver at pinag-drive na siya patungo sa Bus Station. Medyo maaga siyang nakakuha ng mauupuan sa Bus patungo sa Ilocos Norte. Bago man lang siya nakasakay ay bumili din siya ng bago niyang sim card. Nakapagpasya na siya. 

Nakasakay na siya sa bus at nasa San Fernando, Pampanga nang makapagpasya siyang tawagan ang Lolo ni Ran-ran. 

“Mr. Archuetta... Aalis na po ako para sa ikaliligaya ni Mama Janine at ni Ran-ran. Maraming salamat po sa pagbibigay niyo pa ng maraming oras sa akin.” 

“It’s nothing, Hija. You made a right choice. Maraming maraming salamat. I am in the middle of the meeting right now. Seriously, Thank you very much, Hija.” Sabi nito at ibinaba tinapos na ang pag-uusap nila. 

Hindi naman nagtagal at nag-ring ulit ang cellphone niya. It’s Edna. “Sisterette! Where are you na? Bakit si Arjellyn pala ang nakakuha ng promotion pero ang article mo ang ipapa-print? Naandito rin ang Mama Janine mo at may nasagap akong balita na nasa reception ang boyfriend mo at patungo na rin sa opisina mo kuno. Nasaan ka na ba?” 

“Andami mong tanong ha. Grabe you! Well, yung tungkol sa promotion? Nakuha ko yun pero I gave up. Yung details? I will tell you when the time has come. I resigned para ipagpatuloy ko ang photography. Natupad ko na rin naman ang pangako ko kay Mama Janine. By the way, Meron akong dalawang letter sa drawer ko. Once na makarating na si Ran-ran sa loob ng Opisina ni Arjellyn ay ibigay mo ang mga letter sa kanila. Meron namang mga pangalan doon e. Pakisabi na Mahal na mahal ko sila at mag-ingat sila. Tawagan kita soon, Edna. Please do me this last favor.” Sabi niya pa. 

“Sisteretttttttteeeeeeeeeeeeee! Sasapakin kita e! Bakit ganito?! Bakit madalian? Ano ba ang napasok mo at tumatakbo ka? Kung pera ay pwede kaming mag-bigay ng donation sa iyo! Tutulungan ka namin.” 

“Ang O.A mo, Edna ha. Wala akong pinagtataguan. Nakapagdesisyon na ako bago ko pa makuha ang interview ng mga fafable na JESTER. Please wag ka na munang mag-tanong.” 

“O siya sige. Ako na bahala sa dalawang mahalagasa buhay mo. Mag-ingat ka kung saan ka man pupunta ha. Mamimiss kita! Baka mamaya niyang pagbalik mo dito ay mas magaling ka na sa akin sa photography.” 

“Sira! Ikaw pa rin Idol ko. O siya. Mag-ingat ka rin ha. Bye, Edna.” 

“Bye, Girl.” Malungkot na nagpaalam ito sa kanya. 



EXCITED na siya sa surprise ng dalaga sa kanya. Nasa reception na siya ng salubungin siya ng baklang photographer nila nung interview, Edna yata ang pangalan. 

“Hello, Mr. Archuetta. Hinihintay na niya kayo sa opisina.” Sabi ni Edna. Medyo nagtaka siya. Mukhang malaking surprise nga ito dahil nga si Edna pa ang sumalubong sa kanya. Hindi nagtagal ay naglalakad na sila sa hallway ng Bachelors at tumigil sila sa pintuan kung saan may nakalagay na ‘Editor-in-Chief’ sa pintuan. Doon na ang bagong opisina ni Vega. 

“Sige pasok ka lang at may kukunin lang ako para sa inyong dalawa.” 

“Saming dalawa?” Takang tanong niya pero di na ito sinagot pa ni Edna. Pumasok na lang siya at medyo nagulat pa siya ng may matandang babae na nakatalikod sa kanya at mukhang inaantay rin ang babaeng kaktagpuin. “Good Afternoon po, Mam.” Magalang na sabi niya dito at medyo lumapit pa sa kinatatayuan ng matanda. “Hinihintay niyo rin po ba si Vega?” 

Hindi niya alam pero parang slow motion na lumingon ang matandang babae sa kanya. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng matandang babae. Hindi niya ito masyadong mamukhaan pero ang matandang babae ay titig na titig sa kanya at medyo maluha-luha ito. 

“Ai nagkakilala na siguro kayo.” Sabi ni Edna na biglaan ang pagpasok sa loob ng opisina ni Vega. “Mama Janine at Mr. Archuetta, merong letter na ipinabibigay sa inyo si Vega. Sabi niya ay nandyan na daw lahat-lahat ang paliwanag. Aalis na ako, lunch time na kasi e.” 

“Wait, Edna! Where’s Vega? Bakit wala siya sa opisina niya? May meeting ba?” 

“Hindi mo ba alam? Nag-resign na siya. Ipinagkatiwala lang niya sa akin ang mga letters na yan para sa inyo ng Mama Janine niya.” Yun lang at umalis na si Edna. 

“A-anak... S-son... K-kamusta ka na?” 

“Son?” Nagtatakang pinakatitigan niya ang matandang babae. Bigla siyang napaatras. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Si Mrs. Janine Apostol Archuetta. Ang Nanay niya. “M-mom?” 

“Ako nga.... Anak.” Yun lang at tinakbo na siya ng nanay niya at niyakap siya ng mahigpit. Dahil na rin sa pagkagulat at labis na pangungulila sa ina ay hindi niya nakagalaw. Ang init ng yakap ng isang ina ang kumain sa lahat ng galit niya at niyakap pabalik ang inang matagal na niyang hinahanap. “I’m sorry for leaving you... I really am sorry.”






ITUTULOY...

No comments: