Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, March 22, 2014

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 9)

CHAPTER 9:

“MISS sleepy head, it’s time to wake up,” the soft yet masculine voice of Kiel made Aann smiles even if it was too early for her to wake up. Nag-inat siya kahit na nga ba sarado pa ang mga mata niya. She’s just not a morning person.

“As far as I know, wala akong plano ng ganitong kaaga, Kiel,” sabi niya at sinilip ang gwapong mukha ng binatang nakaupo sa gilid ng kama niya. Since kagabi, nung officially pinagsigawan nito sa buong Evergreen ang panliligaw sa kanya ay mas naging attentive ito at sweet sa kanya. Kung noon ay kinikilig na siya sa pagbibigay lang nito ng kahit konting pagtingin, ngayon ay parang na-overdose na siya at mas magpapa-overdose pa siya sa kilig sa ginagawa nito.

“I planned it for us, if you don’t mind. Actually full pack ang schedule mo ngayon since kasama mo ako,” nakangising turan nito sa kanya. Kung ito ba naman ang gigising sa kanya araw-araw, kahit full pack pa ang schedule niya, di siya mapapagod. I’ll even fire Sam kapag ito na ang magiging taga-gising at taga-puno ng schedule ko! Yummilicious eh!

“Can you postpone the early schedule then? You do know I am not a morning person at infairness, napuyat ako kagabi dahil sa sobrang kilig ko,” mahabang turan niya at tumalikod na sa binata at handa ng matulog ulit.

“You can’t sleep now, Aann, Kailangan tayong pumunta sa bahay namin. My parents want to meet you, narinig nila kay L.A na may nililigawan na ako and believe me when this happens, talagang ginigising ako ni Mommy kapag excited itong ma-meet ang nililigawan ko,” Kiel explained and as soon as marinig niya ang katagang parents at mommy ay napabalikwas siya at napaupo sa kama.

“What?”

“You heard me right, Aann, my parent’s wants to meet you.”

“Judgement day ko na kaagad? Di mo pa naman ako nililigawan ah! I mean, di pa nga nakakapagsimula ang ligawan,” nagpa-panic na turan niya dito.

“Don’t worry, Aann, my parents won’t eat you. Masyado silang mabait to eat you and I won’t let them do that to you. I think it’s a good idea to actually introduce you to my parents as a sign that I am serious on courting you,” sabi nito. It must be one of the sweetest lines na narinig niya sa mga lalaking nakilala niya.

She smiled and batted her eyelashed just to realize that she definitely looked horrible with he bed hair and morning stars. Walang anu-anong itinulak niya si Kiel sa kama that made the guy fell on the ground. “Sorry, Kiel, naalala ko na ang pangit ko pa pala ngayon! Why oh why did you see me at my worst?” pasigaw niyang turan dito at akmang itatalukbong ang kumot sa kanya when Kiel managed to stopped her.

“Saan ang pangit? Even with your bed hair, I still think this is one of the loveliest face I’ve ever seen since I met you, not that you are ugly or anything, Aann, it’s just that I find you more beautiful with your natural look,” Kiel manage to stand up and bend down to whisper something on her ears na ikina-blush niya ng sobra. “Well, I better go, you better get ready para makaalis na tayo kaagad. I’ll just prepare our breakfast.”

Ang tanging nagawa na lang ni Aann ay panoorin ang binatang lumakad palabas ng kwarto niya with a dreamy eyes. She can’t believe na sasabihin iyon ni Kiel sa kanya. If the man didn’t move at all pagkasabi non ay baka isipin niyang sine-seduce siya nito. Sabihan ba siyang, “I find you more beautiful with your natural look.” Kung hindi ka ba naman kiligin at ma-seduce talaga ng tuluyan ng mokong.

She decided to stand up at makapag-ayos na para ma-meet na niya ang parents ni Kiel. Kahit na nga ba kinakabahan siya the thought of meeting them on the first day of courting seems to be exciting dahil na rin sa sinabi ni Kiel na paraan para malaman niyang super seryoso ito sa kanya. She felt that she’s very special.

Nakangiti siyang lumabas ng kwarto niya at bihis na bihis na. Kiel was already waiting for him on the table with their breakfast. Nginitian siya nito as soon as makita siya ng binata na ginantihan rin niya ng isang matamis na ngiti. Umupo na siya sa tapat nito at masayang pinagsaluhan ang pagkaing inihanda ng binata. Hindi naman nagtagal at nag-aya na itong umalis para puntahan ang mga magulang nito. Bago pa makarating mismo sa bahay nila Kiel ay kabadong kabado na siya. It really feels na bibitayin siya dahil sa kaba niya. She never felt this way at all, dahil kahit sa work, never siyang kinabahan.

Nagulat na lang siya ng kunin ni Kiel ang mga kamay niya at mahigpit nitong ikinulong iyon sa mga kamay nito at marahang pinisil. She somehow felt safe kaya naman napangiti siya dito.

“Everything will be alright, trust me on this one, Aann,” Kiel said at tumungo-tungo naman siya. They arrived at his parent’s…mansion. Hindi ito house kasi masyado itong malaki kaysa sa ordinaryong bahay lang. Mansion talaga ito and there’s even a fountain in front of the house. Kahit na mayaman din silang pamilya, she never thought of wanting to live on a house as big as this.

“Wow! Mayaman talaga kayo ano?”

“Sila ang mayaman, hindi ako dahil nagsisimula pa lang naman akong magtrabaho eh,” sabi nito, as humble as ever. “Halika na at pumasok na tayo, sure akong hinihintay ka nang mga magulang at kapatid ko,” sabi pa nito at inalalayan siyang makapasok sa loob ng bahay ng mga magulang nito. Kumatok ito saglit at nakita niya ang isang unipormadong babae na medyo may ka-edaran na. She smiled gently to the old lady when her eyes met the others at binigyan rin naman siya ng isang ngiti which made her feel welcome kahit na nga ba alam niyang hindi ito ang magulang ng binata.

“Hi Manang Jem, kamusta na kayo? Okay na ba ang balikat niyo? Narinig ko kay Mommy na sumasakit ang balikat niyo nung isang araw ah,” masiglang bati ng katabi niya at hindi lang nito ito binate kundi niyakap pa.

“Ai naku, iyan talagang si Cassandra, sinabi ko ng huwag ng sabihin sa iyo at mag-aalala ka eh pero huwag kang mag-alala at okay na ako, Kiel,” natatawang sabi nito. “Tumulong kasi ako sa pagbubuhat nung isang araw, pinagalitan na ako ng mama mo kaya huwag mo na akong pagalitan,” sabi pa nito. Somehow, it looks like the workers here was treated as a family at sa pagkakarinig pa lang niya sa usapan ng mga ito ay nakadagdag ito ng pogi points ng lalaki. She then admiringly stared at Kiel’s back ng lumingon si Manang Jem.

“Siya na ba ang bisita na kanina pa hinihintay nila James at Cassandra, Kiel?”

“Opo, Manang Jem, si Aann po, nililigawan ko,” sabi niya at doon siya nito inakbayan. Binuksan naman ni Manag Jem ang pintuan at bumungad sa kanya ang maluwag na sala ng bahay ng magulang ng binata. Napapalamutian ang dingding ng mga makukulay na paintings at ang mga gilid ng hallway ay napapalibutan ng mga mahahaling porselana at mga pictures na nakalagay sa mga lamesa. The house felt so welcoming and very warm na nagpamiss sa kanya sa kanyang pamilya. It seems that growing up in this environment made Kiel who he is today.

“Tamang-tama ang dating niyo, nagpapahanda na si Cassandra ng merienda. Maghintay na lang kayo sa garden at tatawagin ko ang mag-asawa,” sabi nito at tumalikod na. Nag-umpisa na itong maglakad ng mukhang may maalalang sabihin ulit at lumingon sa kanila. “Oo nga pala, pati ang kambal andito, mukhang kasing excited ng mama mo. Mahahalata mo kung kanino kayo nagmana,” sabi pa nito at napailing pero may ngiti sa mga labi ito.

Medyo nakapagrelax siya saglit ng igaya siya ni Kiel sa magandang garden ng bahay ng mga magulang ng binata. The garden looks very beautiful and well maintained as she felt that the flowers was blooming really lovely.

“Huy, okay ka lang? Ang tahimik mo na kasi eh,” sabi ni Kiel sa kanya na ngayon niya lang namalayang nakatitig na pala sa kanya. She saw lots of emotion from his eyes that made her fell in love with him all over again. Wait! In love? Na-inlove na ako sa kanya? At again pa? Hohemjii! Seriously? Nagulat na turan niya sa sarili. She felt her face flushed at doon nadagdagan pa ilit ng isang emosyon sa mga mata ng binata na pinakatititigan niya pa rin. “Your face is red. Are you really okay?” sabi pa nito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. 

“Ahh..Ehh, Oo naman! Okay ako, sensitive ang skin ko eh kaya nung naarawan ay biglang namula. Ano, ahh, may iniisip lang ako kaya ako tahimik. Woo! Ang ganda dito ano?” sabi niya at medyo lumayo sa lalaki. She even stood up at lumapit sa pink rose na nasa malapit sa kanila.

She heard him standing up and walked towards her pero di man lang siya lumingon dito dahil nako-conscious siya sa itsura niya. Bigla kasing parang trip niyang mag-retouch ng makeup kahit na nga ba ang tanging nailagay niya lang sa mukha ay face powder at lip gloss. Masyado niya kasing isinapuso ang compliment nito na mas maganda siya sa natural looks niya.

“Kiel, my baby!” sabi ng boses na nanggaling sa di kalayuan. Sa pagkakarinig niyang yun ay bumangon naman ang kakaibang kaba sa dibdib niya. She closed her eyes and counted until ten bago siya lumingon sa pinanggalingan ng boses na may naka-plaster na ngiti sa labi niya. “Oh my! Siya na ba ang nililigawan mo? I like her already!” sabi pa nito bago binesohan ang anak.

The lady in front of her was still stunning and young looking kahit na nga ba alam niya ang edad nito dahil na rin sa sinabi ni Kiel sa kanya kanina. Kasama ng napakagandang nanay ni Kiel ang napakagwapong lalaki naman sa likuran nito at masayang pinagmamasdan lang ang mag-ina nito. Kamukhang-kamukha ito ni Kiel at mukhang alam na niya kung kanino ito nagmana. Kiel’s parents were made from heaven dahil pareho itong napaka-ganda at gwapo. Kaya pala pinagkakaguluhan ang binata kahit na naglalakad lang ito sa lobby ng hotel dahil namana nito ang karisma ng tatay nito.

“Mom, this is Mar-Aann Janihim, I met her in dad’s hotel,” he said at medyo nahiya tuloy siya. Kahit na nga ba bakasyon niya ito ay alam niya sa sarili niyang umakto siya as Louise Margaret. Louise Margaret? Wait! I think I did something really bad. She thought and brainstormed in front of the family without knowing that her face was getting pale.

“Hija, are you okay? Biglang nawalan ng kulay ang mukha mo. Nakakatakot ba kami?” natatawang sabi ng mommy ni Kiel na nakapagpabalik ng huwisyo niya. All of a sudden, nawala sa isip niya ang tungkol sa iniisip kani-kanina lang and composed herself.

“Naku, hindi po kayo nakakatakot, actually po super friendly kayo and bubbly di ko nga po alam kung kanino nagmana ng kasungitan ang anak niyo,” sabi niya and grins in front of Kiel’s Mom.

“Sorry about that, hija, at mukhang sa akin namana ng anak ko ang pagiging masungit,” sabi naman ng kaninang tahimik na daddy ni Kiel.

“Naku, sir, hindi po halata kasi sa pag-smile niyo pala nakakahawa na,” sabi naman niya at medyo nag-blush pa nga. Looking at Kiel’s father made her think kung ganitong version din ba si Kiel once they grew old together. Oh diba? Growing old together na ang peg niya eh nanliligaw pa lang ang stage nila. Oh yeah! Bangis!

Naramdaman niyang biglang inakbayan siya ng binata, like protecting her from something. “Mom, can you kindly stop dad from using his charms baka imbes na mapasagot koi tong si Aann, mainlove pa siya kay Dad,” natatawang biro ni Kiel but she thought of it as very sweet. It seems yung ‘masungit’ na attitude ni Kiel ay exterior lang ng isang napaka-sweet na lalaki. It seems namana nito iyon sa nanay.

Narinig niyang tumawa ng malutong ang daddy ni Kiel habang dinikitan naman ito ng asawa nito. “Honey, tandaan mong wala ka na sa JESTER days mo,” sabi nito na lalong ikinatawa ng esposo nito. Umakbay naman ito just to assure Mrs. Cristobal that he won’t do it.

“Sa tanda nating ito magseselos ka pa? Hon, you know na nakulam mo ako and stick to you until now,” tukso nito at dahil doon ay siniko ito ng esposa.

“Siraulo, ako pa ang nangulam? Hindi ko kailangan na kulamin ka kasi unang kita mo pa lang sa akin na-in love ka na,” sabi nito and grins.

“As far as I can remember, I am your ultimate dream guy that time,” sabi pa nito. Just watching the two made her envious of the relationship. Sana if ever makasal siya, that her relationship would last like that: still totally in love and happy with each other, katulad ng mga magulang ng binata. Nagpatuloy pa ang pag-aasaran ng mag-asawa at natigil lang ito ng dumating si Manang Jem, kasama ang iba pang kasambahay na may dala ng merienda nila. The twins: Jelli and Jenny came not too long ago to join them. Being with them just for half a day made her feel na part na siya ng pamilya nito kahit na nga ba di pa sila talaga nung binata. She felt honoured and happy to actually met the family of the handsome guy next to her.

Hindi pa doon nagtapos ang kanilang ‘schedule’ dahil pumunta muna ulit sila sa Evergreen dahil na rin sa ‘Coffee time’ ng magkakabarkada. It was her first time being with them on their barkada time pero she never felt left out. Nakakatuwang isipin na napapalibutan si Kiel ng masayahing tao at mga taong mahal ito and she’s so lucky na siya pa ang napili nitong ligawan when they just met several weeks ago, at hindi pa maganda ang first meeting nila.

When they finished meeting with Kiel’s friends and family, it was their time alone naman as they travelled from Evergreen to the Airport dahil may ipapakita daw siyang lugar na naging isang malaking bahagi sa love story ng magulang nito. Nagtataka man kung bakit sa Airport sila pumunta ay hindi na siya nagtanong pa dahil excited na rin siya. She wanted to know everything about the man and she won’t miss every single detail possible.

The travel lasted for fourty five minutes saka nag-land ang private jet na pag-aari mismo ng binata sa isang maliit na Airport. Hindi lang naman doon nagtatapos ang biyahe nila dahil dumiretso na sila sa yacht ng binata and finally arrived in their destination. It was an island at nakita niya kanina, bago pa sila dumaong, ang isang napakalaking bahay sa gitna noon dahil mas elevated ito ng kaunti sa isla. The house was lighted kaya naman kitang-kita din talaga ito kahit pa nga ba nasa laot pa sila. They travelled using the truck that was parked not too far from the shore, dahil na rin sa gabi na at madilim she can’t see the beauty of the island. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa destinasyon nila.

“Welcome to Isla Cristobal and this is our ancestral house. Actually, Vacation house ito ng lolo ko sa talampakan,” he said and grin childishly. “And this was the house where I was made,” he said and winked at her. Pinamulahan siya but she knew better na walang gagawin si Kiel na hindi niya gusto. She jokingly hit his shoulder habang namumula pa ang mga pisngi niya.

“Do you really need to include that part? Siraulo ka talaga,” sabi niya at ni hindi nga makatingin ng ayos sa mga mata ng mapanuksong binata.


“Well, you were the one who said that you want to know about me in detailed…so I was just doing what you want,” he still teased hanggang sa may nagbukas na ng pinto. She, once again, welcomed with happiness. Both of them dined and talked about their family and history before they met each other.




ITUTULOY...

No comments: