Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, June 23, 2012

At Your Service: Mister Sungit [Part 1] Revised Edition


Simple lang, ginagawang komplikado. Di masakyan ng simpleng tao. Wala na bang natitirang inosente? Lahat, lahat tinamaan na ng kuryente. Pag-ibig ng Barbie’s Craddle ang tugtuging nagmumula sa speaker na nakakabit sa iba’t-ibang sulok ng napakalaking Cafe ni Blu Dela Merced.

“Oi, Cain, buksan mo na kaya yang bar,” sabi ni Eloisa sa kanya. Nag-aayos na kasi ang babae sa café and lounge area ng naturang establishment. Ito ang nakatokang maglagay ng menu sa lamesa. Tahimik namang nag-aayos ng upuan si Paige habang si Jayne na ang nagcheck ng pera para sa pang-unang pera sa loob ng kaha nila.

“Ano bang ginagawa ko? Sinasara ko ba?” Sabi naman niya na binubuksan na ang bar bago pa man sabihin ni Eloisa na buksan ang bar. “Malamang na bubuksan ko e kakaumpisa natin e,” sabi pa niya dito na ikinatawa ng marami.

Kakamot-kamot na ngumiti si Eloisa sa kanya. “Kala ko kasi nagdadasal ka pa diyan o nag-oorasyon. Malapit na kasi tayong magbukas. Baka lang kako e makalimutan mong magbubukas tayo,” At tumawa na rin kasama ang iba

“Hindi naman ako tanga e,” sabi niya at tinanggal na ang mga bakal na nakaharang sa bar. Pumasok na siya at tinignan si Jayne na katatapos lang magbilang ng pera para sa dalawang kaha nila.

“Tama na nga yang sagutan sa umaga kayo talaga para kayong mga bata,” sabi naman ni Jayne sa mga ito at tinulungan na si Paige na ayusin ang upuan. “Tulungan na kita,” sabi pa nito kay Paige at ngumiti. Tumungo lang si Paige ditto at pinagpatuloy na ang ginagawa.

“Mukhang buhay na buhay ang umaga niyo ahh!” sabi ni Blu na kakarating lang sa cafe. Inilibot nito ang paningin sa buong cafe. “Sorry at na-late ako. Medyo may nangyari lang sa daan,” sabi pa nito at napangiti ng maalala ang nangyari dito kani-kanina lang.

“Hi boss!” Masayang bati ng lahat sa may-ari ng Cafe.

“Well, then let’s start our day with a prayer,” sabi nito at lumapit na ang lahat ng staff sa loob ng Cafe.


“Andito ka na naman, Ms. Weirdo,” sabi ni Cain na hindi man lang kakikitaan ng ngiti sa gwapo nitong mukha. Masarap kasing asarin ang Mr. Sungit ng Proso̱pikóti̱ta Cafe. “Anong gusto mo?” Sabi nito habang nagpupunas ito ng baso sa loob ng bar.

“Alam mo hindi naman masamang ngumiti. Grumpy much?” Sabi niya naman dito at natawa ang mga staff na nakakakilala sa kanya. “Ikaw na nga itong ini-entertain oh,” sabi pa niya.

“Ai naku, Cle, hindi mo yan mapapangiti no, iyan ang pinakaimposibleng task sa buong Cafe. Si Boss lang ang nakakapagpangiti diyan. Pinaglihi ata sa sama ng loob,” sabi ng kalog na si Vladimir na ikinatawa naman niya at ng iba pang staff na nakakarinig sa kanila.

Siya si Clementine Zenon at isang tambay sa Proso̱pikóti̱ta Cafe. Isa siya sa mga anak ng nagmamay-ari ng Zenon Cements at pinakabunso sa pamilya kaya marami siyang free time kaysa sa iba niyang kapatid.

“Edi ang gwapong sama ng loob naman ni Cain.” Turan naman niya sa joke ni Vlad. Nalaman niya ang lugar na ito dahil sa kaibigang si Blu. Susuportahan niya lang sana ito at dumating sa opening ng Cafe pero naging regular customer siya dahil sa serbisyo at dahil na rin sa pagkain at athmosphere ng lugar.

“Wow! Grabe lang makabanat si Cle,” sabi ulit ni Vlad sa kanya

“Syempre para lang kay Cain ang banat na iyon,” tatawa tawang turan niya bago siya tumingin kay Cain na walang pakialam kung pinag-uusapan ito. “Cain, yung lagi ko ngang inoorder,” sabi na lang niya dito. Pinanood niya ang swabeng galaw ni Cain sa loob ng bar. Lagi siyang naorder ng Latte machiatto dito. Masarap kasing gumawa ng kape si Cain or more like na alam ni Cain ang lasang hinahanap niya sa kape. Lahat ng tao ay na-serve-han na siya pero eto lang ang pinaka-paborito niyang gumawa ng kape.

“O, eto na, Latte machiatto el Proso̱pikóti̱ta,” yun lang ang sinabi nito at ibinigay na ang glass mug bago inabala ang sarili sa pag-aayos ng bar.

“Sarap!” sabi niya dito ng matikman niya ang kape nito.

“Ngek, lagi namang masarap lahat ng timplang kape sayo ni Cain e,” sabi Vlad na pumasok sa loob ng bar. Malapit na kasing dumating ang ‘busy time’ ng Proso̱pikóti̱ta Cafe na kakailanganin ang dalawang bartender/barista.

“Shhh. Sikreto lang natin yun ah!” sabi niya na nakikipagbiruan kay Vlad pero ang mata ay nakapako lang kay Cain.

“Oi pare! Dito ka pala.” Masayahing sabi ni Blu sa kanya at inilagay ang kamay sa balikat niya. “Papanoorin mo na naman si Cain? Pare, magbayad ka. Yung iba nagbabayad para mapanood lang si Mr. Sungit no. Walang kaibi-kaibigan,” sabi pa nito sa kanya na ikinatawa niya.

“Naku naman, binubuking ako ng mga tao ditto kaya hindi ako masyadong pinapansin ni Cain at tinatawag akong weird e,” sabi niya dito na kunwari ay nagagalit sa kanila.

“Weird ka naman talaga andami mong suitors at super friendly ka pero mas pinipili mong kausapin ang aming masungit na barista na si Cain,” sabi ni Blu sa kanya.

“Boss, maninigarilyo lang muna ako bago dumagsa ang tao,” paalam ni Cain kay Blu. Napatayo naman siya at kinindatan si Blu. Matagal ng alam ng tao na type niya ang lalaki at gusto niyang maging sila.

Sinundan niya ito papalabas sa likurang bahagi ng cafe. “Cain,” mahinang tawag niya dito. Hindi na ito lumingon kasi alam nitong siya lang naman ang humahabol dito.

“Bakit ba ako pa ang napagtripan mong sundan sundan at kulitin?” Sabi nitong nakabusangot ang mukha sa kanya.

“Curiousity, maybe?” Sabi niya at umupo na sa tabi ng lalake. “Ikaw pa lang kasi ang nang-snob sa akin, may itsura naman ako at friendly,” pagbebenta niya sa sarili bago binigyan ito ng matamis na ngiti.

“Curious ka? Saan? Bakit?” Tanong nito at umupo ito papalayo sa kanya.

“Curious kung bakit ka masungit at kung bakit ayaw mong may nakikipagkaibigan ako sayo?” sabi niya dito. Hindi siya nawawalan ng pag-asang mag-open up at maging magkaibigan sila ni Cain. Actually, nagtanong tanong na siya sa mga co-worker nito. Ganon siya ka-head-over-heels inlove sa lalake.

“Dahil ayaw ko sa mga katulad mo,” straight forward na sabi nito sa kanya. Sapol tuloy ang kanyang puso. Ouch yah know!

“Katulad kong ano?” pero hindi pa rin siya pwedeng sumuko dito. Ngayon lang kasi nakipag-usap ang lalake sa kanya ng mahaba. Kung hindi kasi ‘oo , hindi, ewan, tama, at mali’ ay isang sentence lang ang sagot nito sa kanya. Medyo napupuno na ata ito kaya medyo dumaldal. Ibig sabihin lang niyon ay napapansin din pala siya ng lalake.

“Mayaman, talkative, dense, makulit and a stalker,” sabi nito at inapakan na ang sigarilyo at tumayo.

“Wait!” hinawakan nito ang braso ni Cain na nagpatigil sa lalaki.

“Ano?” malamig na tanong ng binata sa kanya.

Napapasong tinanggal niyang tinanggal ang kamay na nakahawak sa lalake. Nakuryente kasi siya dito. “A-ah. Paano mo nalamang stalker mo ako?” sabi na lang niya at ngumiti dito.

“I’m not stupid here lady. Ano ba ang tawag mo sa pagpunta mo lagi dito at pangungulit sa akin kahit na ayaw kitang kausapin?” sabi nito sa kanya at lumakad na paalis sa harap niya. Sumunod na lang siya dito pabalik sa puwesto niya. Hindi nagtagal at nagpasya na muna siyang umuwi at bumisita sa pamilya. Hindi niya alam na sinundan na pala ng mga mata ni Cain ang pag-alis niya.


Tapos na ang shift ni Cain sa araw na iyon at dumating na rin ang kapalitan niyang si Seige. Naglalakad na siya pauwi ng may tumawag sa kanya.

“Cain!” Hingal na tawag ni Vlad sa kanya.

“Oi,” sabi niya dito pero hindi siya tumigil sa paglalakad pero binagalan na niya tanda na hihintayin niya ang lalaki.

“Grabe ka mang-snob ha! Kawawa yung si Clementine!” sabi ni Vlad nang makasabay na ito sa lakad niya.

“Ang kulit e,” sabi niya dito at bumuntong hininga. Cain’s half filipino and half spanish pero walang nakakaalam noon kundi ang boss niyang si Blu. Ipinangako rin ni Blu na hindi nito sasabihin kahit kanino, not even with Clementine, ang pagkatao niya. Iniwan siya mg nanay niyang spanish. Hindi daw kasi kaya ang buhay na kayang ibigay ng tatay niya, mahirap lang kasi ang tatay niya dahil doon ay lumaki siyang walang nanay. He just hated the fact that money made his life miserable. Alam niyang hindi ganon si Clementine pero he cannot help but to not like her status.

“Eto naman di sabihan mo na wag kang kulitin at ako na lang. Pare, si Clementine yun, andami kayang nagkandarapang lalaki don.”

“Matagal ko ng sinabi. Ikaw na lang magprisinta na kulitin ka.”

“Ai naku matagal na kaya akong nagprisinta. Ayaw e, lakas ng tama sayo. Nakulam mo yata,” sabi nito na humagikhik pa.

“Siraulo!” natatawang baling niya sa lalaki. “Hindi ako marunong nun ayaw ko lang talaga sa mga mayayaman.”  Hindi na lang nangulit pa si Vladimir at sumakay na sa jeepney kasama nito.



Uyy labas tayo minsan, Cain,” sabi ni Clementine kay Cain. Ito ang lagi niyang linya tuwing may pagkakataon na makulit si Cain, meaning lagi niya itong sinasabi sa kanya. “Mamaya pagtapos na yung work mo.”  Pilya ang ngiti niya dito.

Lumingon ito sa gawi niya at tinitigan siya sa mga mata na ikinagulat niya, bigla tuloy siyang nagbawi ng tingin. Ngayon lang kasi siya tinitigan ng lalaki, wala sa oras na napalunok pasilip silip lang dito. Nakatalikod na ito at inaabala na sa pag-stock sa bar fridge.

Napabuntong hininga muna ito bago magsalita “Sige ng matigil ka na sa kalokohan mo. Bumalik ka dito mamayang 5pm,” sabi nitong hindi pa rin siya ulit tinatapunan ng tingin at tumayo bago pumuntang likuran ng bar para kumuha ng mga stock na kailangan niya.

Napatanga siya at napatingin na lang sa pintuan kung saan pumasok si Cain dahil hindi siya makapaniwalang napa-Oo niya itong makipag-date sa kanya. Dahil na rin hindi naman matao ay narinig ng buong staff na ang pinag-usapan nila ni Cain. Napabalik na lang siya sa realidad ng magpalakpakan ang mga ito

“Nice, pare! Good Job!” Sabi ni Blu at tinapik-tapik pa ang balikat niya.

“Did I hear it right?” Sabi pa niya at sinampal-sampal niya ng mahina ang pisngi just to see kung nananaginip ba siya or hindi

“Yup, you did hear it right! Mam Cle, I am so happy for you!” Sabi ni Lilly sa kanya at niyakap pa siya.

It was just too good to be true kaya gusto na niyang umiyak sa tuwa. Napatayo siya and it was the first time na hindi niya alam ang gagawin next. “Oh my god! What should I do? Right, I need to go home and get change at bumalik dito before 5pm.”

Nagmamadali siyang umalis ng Café at rinig pa rin niyang nag-cheer sa kanya ang mga tao doon. It was a wonderful feeling na lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay masaya sa pangyayari. She needed to be beautiful dahil baka hindi na mangyari ulit ito. She look at her watch at nagulat, she got 3hours to get change and to look at her best para sa date nila ni Cain. She will make sure that it will be the best date ever.


Itutuloy...

No comments: