Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 1: Conditions

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


TEASER:

Randolph’s trust was broken twice. Dalawang babae at pareho ang propesyon: Ang isang column writer. Since then ay inayawan na niya ang lahat ng may kinalaman sa dalawang babae. Ran hated reporters to the core na pinahihirapan niya ito or dinededma lang na parang hindi nakikita. But what if, one of those girl came back to give him headaches and heartaches again, kakayanin pa kaya ulit magtiwala ni Ran sa babaeng sumira ng pagtitiwala niya at ang puso niya? For the first time of his entire Bachelor’s life, ngayon lang siya natakot. Natatakot siyang lumapit, makipag-usap, snob-in, baliwalain at mahalin ang babaeng ito. Nababaliw na yata siya! Siya na ang nang-ssnob siya pa ang humamahanap at nang-aasar dito! Hindi yata mabubuo ang araw niya hanggat di niya nasasaktan, pinapakilig, napapaiyak, nayayamot ang babae. Ano ba talaga?!

CHAPTER 1: CONDITIONS



NAKANGISING lumalakad siya patungo sa opisina ng boss niya. Eto na ang araw na pinakahihintay niya! Excited na siya at hindi mapakali! Promotion na niya! Actually ay hindi pa talaga siya mapropromote. Ipinatawag lang siya para sabihin ang kondisyon or pagsubok para maging editor-in-chief siya. Kinatok niya ang pinto ng opisina ng boss niya.

“Good Morning, Sir Rod! Andito na ako.” Sabi ni Vega na nakangiting naghihintay para pahintulutan siyang makapasok sa loob ng opisina ng bossing niya.

“Go ahead, Vega. Bukas ang pintuan.” Sabi ng baritonong boses ng boss niya. Napaka-swabe ng boses ng bossing niya. Ang tsismis ay DJ ito sa isang kilalang radio network, pero kung siya ang tatanungin ay bagay naman ito sa bossing niya. Gwapo pa ito.

Nakangiti siyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Naandoon din pala ang isa sa mga ‘participant’ ng promotion na si Arjellyn Remulla, ang kanilang editorial assistant. Nawala tuloy ang magandang ngiti ni Vega sa labi.

“Pinatawag niyo daw ako, Sir?” Seryosong tanong niya.

“I talked to the President about the promotion and my resignation. He agreed but in one condition.”

“Condition?” Nagkasabay pa silang magsalita ni Arjellyn. Ang isa sa mga magagaling din na journalist ng Bachelors Magazine.

“Yes. Sabi ng Presidente ay dapat makakuha kayo ng article tungkol sa mga Bachelor na magpapakilig sa ating mga female reader for the month of February. Nag-agree na rin ako. I moved my leave on the first Saturday of February. Yun lang ang sasabihin ko sa inyo kaya ko kayo ipinatawag. I know both of you will give a very promising articles. Good luck for both of you.” Napakaagang pag-preprepare ang pwede nilang gawin. It’s only November lang kasi at mas makokondisyon sila para mas mapaganda pa ang gagawin nilang article.

Napatungo na lang silang dalawa ni Arjellyn at lumabas na nang opisina. Nagkatinginan sila ng babae at nagkangisian. Hindi sila magkalaban or anything. Super close nga sila ng babae e.

“Goodluck, Mars!” nakangiting sabi ni Vega sa kaibigan.

“Ikaw din, Mars!” sabi nito at nagyakapan pa sila. Halatang excited na sa gagawing mga article. Napunta siya dito dahil mahilig talaga siyang magsulat since nung highschool pa siya. Naimpluwensiyahan kasi siya ni Ate Donnie niya. Lumakad na sila sa magkabilang direksyon.

Habang naglalakad ay nag-isip na siya ng mga pwedeng ilagay sa article niya sa month of February. Napakaimportante sa kanya ang makuha ang promotion, she’ve done everything and gave up everything para lang marating ang puwesto na ito dahil nakapangako na siya sa taong napakahalaga nang role sa buhay niya. Ang Mentor niyang si Miss Janine Apostol, isang journalist na nag-alaga sa kanya nang maulila siya. Mentor ito ng pinsan niyang si Donnie pero naging mentor na rin niya ito nang palakihin siya nito na parang isang anak.

Naglalakad sila ng pinsang si Donnie sa kabuuan ng village nila. Pinahawak siya nito ng camera at sinabi na picturan ang sa alam niyang papatok para sa project nito sa mentor. Hindi naman nalalayo ang edad nila, limang taon lang ang pagitan nila at super close rin siya dito dahil eto lang naman talaga ang kilala niyang pinsan.

“Ayun, Mae! Picturan mo yun!”Sabi nito at kinakalabit pa siya. Walang certain subject ang hinahanap ni Mama Janine na project para kay Ate Donnie niya. Basta magbigay ito ng isang topic at i-check daw ito ni Mama Janine.

“Bilisan mo, Mae!” Sabi pa nito at niyugyog na siya. Napatulala pala siya sa pagrereminisce. May nag-aaway kasi na mag-asawa. Si Manang Saling at si Mang Ernesto. Mukhang naglasing na naman si Mang Ernesto at hindi nakauwi ng gabi. Ganoon na naman kasi ang routine ng mag-asawa. Hindi nagtagal at nag-click na siya. Isa lang.

“Lapit tayo, para mainterview mo na rin silang dalawa.” Suggestion niya. Nagtitipid kasi sila ng film. Mahal iyon para sa kanilang estudyante. Elementary siya at eto naman ay aalis na sa highschool.

“Tomo! Let’s go sago!” Sabi naman ni Ate Donnie sa kanya at lumakad na doon. Natigil naman ang pag-aaway ng mga ito ng marinig ang click ng camera na hawak niya. Natawa nga siya kasi nag-posing pa ang dalawa. Sabik masyado sa picture?

“Manang Saling, ano po ba ang kaguluhan?” Sabi ng lokaret din niyang pinsan at kinuha ang isang stick-o sa tindahan at itinapat sa bibig ni Manang Saling. Inilabas na rin nito ang notebook at ballpen nito.

“Eto kasing hinayupak na ito! Hindi na naman natulog sa bahay!” Galit na asik ni Manang Saling sa asawa pero nung tumingin sa kanya ay nagposing. Hindi niya tuloy napigilang hindi picturan ito dahil nagpapa-cute.

“Saling naman, alam mo naman ako e. Kapag nalalasing, tumba ako agad at kung saan na lang ako abutan e doon na lang ako nakakatulog.”

“E naabutan kita sa bahay ni Mareng Kora! Bakit doon ka nakipaglasingan?!”

“Huh? Kila Pareng Karding ako nakipag-inuman! Grabe ka, Saling! Tsismis yan ha!”

“Tsismiss your face! Si Mareng Kora ang nagsabi sa akin. Nagsuka ka daw sa harapan ng bahay nila! Nakakahiya ka, Ernesto!” Natawa silang mag-pinsan sa sinabi ni Manang Saling.

“Ai! Akala ko kasi CR ang bahay nila e. Sorry na, Mahal. Alam mong ikaw lang naman ang laging laman ng puso ko e.”

“Wala ka namang puso e! Tinapon ko na sa bintana! Letche! Lumayas ka na nga sa bahay natin!”

“Ai wag ganon, mahal. Sige, magtagay na lang tayo sa bahay. Para hindi na ako kailangan mag-stay kung saan-saan.”

“At para doon ka sumuka at mag-ingay? Sa kapitbahay ka na lang matulog! TSE!”

“Ahhh. Mawalang-galang na po, aalis na kami. Nakuha na namin lahat ng impormasyon na kailangan namin. Maraming salamat po sa time.” Sabi ni Ate Donnie niya dito at kumaway na sa dalawa.

“Aling saling, peace of advice. I think dapat ay sa bahay na lang maglasing para walang ganitong away. Manong Ernesto, kayo naman po, dapat ay hinay-hinay lang sa alak. Sige po.” Sabi niya at tumakbo na rin patungo sa nang-iwan sa kanyang pinsan. Nakangiti na ito. Satiesfied na sa nakuha para maipakita kay Mama Janine.

“Mamaaaaaaa! Andito na kami!” Nakangiting sigaw niya sa labas ng gate at papasok na.

“Oh anak, pasok ka na. Pinagpapawisan ka na naman. Ikaw talaga Donnie, hinatak mo na naman ang pinsan mo.”

“Sorry, Mentor.”

“Mentor ka dyan. Tita ang itawag mo sa akin. Natapos mo ba ang pag-iinterview?”

“Yes po! Isusulat ko lang sa bondpaper para mas mukhang report.” Nakangising sabi ni Donnie sa Mama Janine niya habang pinupunasan siya nito ng pawis sa likuran.

“Maligo ka na muna, Vega. Magluluto na ako ng kakainin nating tatlo.” Sabi nito at lumapit pumunta nang kusina. Pinagmasdan niya ito. Hindi ito marunong magluto pero nag-try itong magluto para sa kanilang magpinsan everytime na dadalaw ang pinsan. Makinis din ang balat nito at napaka-ganda. Ang alam niya ay kasal ito pero mukhang umalis ito sa tabi ng lalake dahil narin sa isang problemang hindi niya pa alam.

“Mama... Ako na lang ang mag-luluto. Kailangan ni Ate Donnie ang tulong niyo.” Magalang na sabi niya dito ang ngumiti.

“Hindi na anak, practise na rin ito.” Sabi nito at ngumiti sa kanya. “Maligo ka na lang.”

“Sige po. Bilisan ko na lang.” Sabi niya at nagkibit-balikat na pumasok na siya sa loob ng banyo. Hindi nagtagal at lumabas na siya sa banyo at tumakbo na sa taas. Doon ay nagbihis na si Vega at nagmamadaling bumaba. Basang-basa pa ang buhok at hindi pa nagpapatuyo. Nakita niyang binabasa na ni Mama Janine ang gawa ni Ate Donnie niya.

“Nice. Maganda ang pagkakadeliver mo sa mga salita. Alam mo rin ang side ng dalawang grupo. Magaling. May future ka, Donnie. Keep up the good work. Basta ang mga sinsabi ko sa iyong payo. Kailangan malaman ng readers ang katotohanan sa lahat ng sinusulat mo.”

“Yes, Mam. Salamat sa mga payo niyo.”

“Mama! Kapag lumaki ako, gusto ko rin maging katulad niyo ni ate Donnie! Magiging isang writer ako sa isa sa mga kilalang magazine sa pilipinas!” Pangako niya sa dalawang babae at tumawa na silang tatlo.


“Hoi!” Natatawang tapik sa kanyang balikat. Napapitlag tuloy siya at napalingon sa kung sino man ang baliw ang pumutol sa masayang araw niya kasama si Mama Janine.

“Ikaw talagang baklita ka!” Sabi niya dito at hinampas ang camera man este woman niyang si Edna or Eduardo kapag nakaharap sa tatay nito.

“Chever! Natulaley ka na dyan with matching drooling effect pa! Sino ba ang iniisip mo at super tulaley ka?”

“Baliw! Walang laway o!” Sabi niya at pinunasan pa ang gilid ng bibig. Napabunghalit naman ng tawa ang kaibigan niyang bakla.

“Asus, tsineck mo nga kung meron kang laway e. Pa-sigaw effect pa si mother!” Sabi nito at ngumisi.

“Tse! Iniisip ko kung kaya ko pa kayang ma-kontak ang mga kailangan kong interviewhin para makuha ko ang promotion.”

“Why not try mong kausapin si Mercy? Siya yung mas maraming contacts ng mga tao sa business society e.” Sabi ng kaibigan niya at kinalikot na naman ang mga gamit niya. Napatayo naman siya at napalapit kay Mercy.

“Ate Mercy... I need help!” nagmamakaawa niyang turan sa babaeng busy sa ginagawa.

“Ano yun?” Nakatungo nitong tanong, di pa rin maalis ang mata sa ginagawa.

“May contacts ka ba na ganito ang mga pangalan?” Tanong niya at inilahad na niya ang pangalan ng mga JESTER. Kung memory lang naman ang labanan ay panalo na siya dahil matalas talaga memorya niya.

Napakunot noong tinitigan nito ang mga pangalan, nakita niyang isa-isang nitong tinuturo ang mga pangalan ng mga dating kaibigan tapos ay hinatak ang drawer nito at inilabas ang makapal na notebook.

“Eto ang lahat ng contacts ko. As far as I remember ay lahat ng number nila ay naandiyan. I am not sure lang.” Sabi nito at ngumiti sa kanya. Super reliable talaga ang Ate Mercy nila.

“Maraming salamat talaga, Ate Mercy! I love you!” Sabi niya dito bago niyakap at hinalikan ang babae bago kinuha ang contact book nito.

“Walang anuman, Vega. Basta kapag kailangan ko ng tulong, tanungin kita ha. Wag mo lang ipamigay ang notebook na yan. Ikaw lang ang pinahiram ko niyan. Sige, balik work ako.” Sabi nito at yumuko na sa ginagawa ulit.

Inumpisahan na rin niya ang paghahanap sa mga pangalan ng kaibigan. Buti na lang at alphabetical ang contacts ni Ate Mercy sa first name nga lang.

“Elliot Rivera of Rivera’s Construction Company.” Pagbabasa niya sa Contacts! Wagi! Si Kuya El ito!

“Nakuha mo kaagad? Wagi!” Sabi ng katabi pa rin pala niyang si Edna.

“Oo. Wait at kokontakin ko na! Waaaaaaaaaa!” Sabi ni Vega sa kaibigan at hinatak na ang telepono. Vega dialled Elliot’s company number and waited for someone to answer it.

“Hello, Good afternoon. Rivera’s Construction Company, how may I help you?” Tanong kaagad ng receptionist ng masagot ang tawag niya.

“Hello, I am Vega Mae Sandoval of Batchelor’s Magazine. May I please speak to Mr. Elliot Rivera?”

“Just a moment, Mam. I’ll just ask Mr. Elliot’s assistant if his available.” Sabi nito at nawala na ito sa kabilang linya. Hindi naman nagtagal at bumalik na ito.

“Sorry for the wait, Mam. I’ll just connect you to Mr. Elliot’s Office.” Pagkasabi ng receptionist ay nagring na ulit ang telepono. Mga tatlong ring at sinagot na ang tawag niya.

“Elliot speaking.” Sabi ng baritonong boses ng kaibigan niya dati.

“Hi, Mr. Rivera. I’m—.”

“Mr. Rivera ka dyan. Masyado kang pormal sa akin, Vega.” Natatawang sati nito sa kanya. Napaka-bait pa rin talaga ng kuya El niya.

“Kuya El! Namiss kita! Kamusta ka na? Kayo?” Nakangiting saad niya at tinapunan ng tingin ang baklitang katabi niya. Nakita niyang napanganga ito dahil tinawag niyang kuya El si Mr. Rivera. Napatingin rin siya kay Ate Mercy na napatigil sa ginagawa at nagtatakang napatingin sa kanila.

Kuya El?! Ate Mercy mouthed to her na tumungo siya.

Kaibigan ko dati. Sabi naman niya dito.

“Vega? Are you still there?”

“Oo, andito pa ako. Sorry, marami kasing nagulat nung tinawag kitang kuya, El e. Musta na nga pala ulit, Kuya El?”

“I’m fine. Ganoon parin kami. E kamusta ka?”

“Mabuti pa rin ako, Kuya El. Maganda parin.”

Narinig niyang tumawa ang kaibigan. “Your still the same as always. I like that. So... Bakit ka napatawag?”

“I need everybody’s help, Kuya El.”

“Everybody? Do you mean all of us? Kaming mga brod?”

“Yup. Sila kuya James, kuya Ezekiel, Kuya Sean, Kuya Theo at si...” Hindi niya masabi ang isa pang kasamahan nila.

“Si Randolph... paano kami makakatulong?” Pagsabi pa lang ng pangalan ni Ran ay tumibok ulit ang puso niya.

“A-ahh. Oo, siya nga. Kayo. Please help me.”

“Ano nga?”

“I need an interview. All of you. Kuya, help mo naman ako. Please.”

“Ako, okay lang ako. I’ll try to pursue them pero mahihirapan ako kay Randolph.” Sabi nito.

“Basta Kuya, help me... I.. I’ll try to convince R-Randolph.” Matapang na sabi niya sa kaibigan.

“Wow. Ikaw pa rin talaga yan. Ang tapang mo pa rin. I remember na siya talaga ang una mong nilapitan noon kahit na nga ba aloof at hindi pala salita si Ran. Goodluck sa pag-convince sa kanya. I’ll tell it to my brods. I gotta go, I need to do something important.”

“Sige kuya. Kunin ko na ang cellphone number mo. Andami ko kasing napagdaanan bago kita nakausap e.”

“Sorry, protocol lang yun, Vega.Write my number down. O9xx-xxx-xxxx.” Sabi nito sa kanya at isinulat niya ang number nito.

“Salamat Kuya. I’ll contact you through your cellphone. Bye. Maraming salamat ulit!” Sabi niya dito at binaba na ni Elliot ang telepono.

“Ayan na! Meron na akong susulatin! Weeeeeeeeeeee!” Napatayo siya at napataas pa ang kamay sa sobrang saya.

“Sisterette! Kaibigan mo si fafa Elliot?!” Nakakabingi ang tili ng kaibigan niyang gwapa.

“Oo. Kaibigan ko ang JESTER! Now, all I need is to talk to that hard-headed guy named Randolph Archuetta.”

“Si Randolph ng R.A Jewelry?”

“Siya na nga... I’m gonna face the man that I had a problem with...”

“Ai ang drama! Wagi! Sama ako sa iyo lagi!” Sabi nito sa at inilabas na ang camera nito.

“Basta wag kukuha ng picture kapag ayaw ng mga iyon ha. Ayaw kong magalit sila e.” Sabi niya at napaisip kung anong strategy ang gagawin niya para kay Ran.



ITUTULOY...

No comments: