Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Finale Chapter: Happiest Day

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


5 Years Later...


“Isaac Anak, wag ka nang lumapit sa dagat at baka mabasa ka na naman. Kapapalit mo lang ng damit.” Sigaw na tawag ni Vega sa halos limang taong gulang na anak niya. It’s been five years since namuhay sila sa Pagudpud, Ilocos Norte. Doon siya dumiretso nang mag-alsa balutan siya at magpasyang iwanan ang lahat para makapagsimula. Pinalitan niya agad ang sim card niya matapos niyang sagutin ang tawag ni Edna.

“Maaa! May starfish! Picture-picture!” Sabi pa nito sa kanya at kinawayan siya. Tamang-tama lang ang lugar na ito para sa kanya. Walang nakakakilala sa kanya sa Pagudpud, Ilocos Norte kaya mas safe siya dito. She even made herself be called Mae instead of Vega. Nakakuha siya ng mauupahan sa Barangay Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte kung saan ay isang tricycle lang ang distance sa Saud Beach.

Lumapit na siya sa anak at tinignan ang starfish na sinasabi nito. Pinulot na ni Isaac ang starfish at nakangiting nag-pose na na hawak ang starfish. Hinawakan niya ang kamerang nakasabit sa leeg niya at pinicturan ang anak niya. “Ai! Ang gwapo talaga ng anak ko. Manang-mana sa ama.”

“Si Daddy? Kelan po ba siya uuwi galing sa ibang bansa? Picture lang ang nakikita ko sa kanya e. “ Napatahimik siya saglit at umupo sa harapan nito para magkatinginan sila ng anak sa mata.

“Naikwento ko naman sa iyo ang tungkol sa ama mo diba? May picture ka rin na nakikita. Hindi pa kasi makakarating si Daddy mo dito. Pero wag kang mag-alala anak kasi malapit na kayong magkita.” Pagsisinungaling niya sa anak, hindi naman kasi niya alam kung magkikita pa nga ba sila ni Ran-ran at mapakilala ang anak nila. Habang lumalaki kasi ito ay lalong nagiging pala-tanong ang anak.

Hindi naman talaga niya balak na magpabuntis sa lalake e, ang balak lang niya ay ang maka-kolekta pa ng mga magagandang memories bago siya umalis and one of those memories ay ang gabing naging isa sila. Nalaman na lang niyang buntis siya ng magpa-check up siya dahil sa maaga niyang sukahan portion.

“Pero ni di ko nga po naririnig pa ang boses niya. Sobrang busy ba niya talaga na wala siyang time tumawag sa akin?” Malungkot na tugon ng batang lalake sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at iginaya na papaalis sa dagat. Magtatanghali na kasi at masakit na sa balat ang araw. Napabuntong hininga siya. Paano nga ba tatawag si Ran-ran sa kanya kung ni number niya ay pinalitan niya at wala siyang kinontak ni isa sa mga taong malalapit sa kanya?

“Boses ba ang gusto mo? Sige ipaparinig ko sa iyo ang boses niya. Don’t worry dahil sa tamang panahon ay tatawagan ka at kakausapin ka ng ama mo.” Wala naman talaga sa plano niya ang hindi ipakilala sa lalakeng minamahal ang anak nilang si Isaac ang ikinatatakot niya lang ay baka hindi ito matanggap ng lalake or more like baka isipin nitong hindi nito anak si Isaac kahit na nga ba magkamukhang-magkamukha ito specially yung batang picture na nakita niya sa condo nito. “Let’s go na. Ipagluluto kita ng omelette.”

“Wow! Nagutom ako bigla, Mommy. Let’s go!” Sabi nito at ito na ang humila sa kanya papaalis sa Saud Beach.

“Manang Mae!” Tawag sa kanya ng dalagang nagtratrabaho sa isang modelling agency sa Pagudpud. “May good news ako sa iyo, Manang. May darating kasing mga taong galing sa Maynila mamayang gabi. Mag-photoshoot daw sila dito bukas sa Saud Beach. Ang yaman siguro dahil buong beach ng Saud Beach pinarentahan kailangan kasi ng Photographer.”

“Hindi ba dapat ang mga taga-Maynila ang magdadala ng photographer?”

“Ay naku, Manag Mae, Nagkasakit yata ang photographer nila at siyempre si Baranggay Kapitan ay nagpapalapad yata ng papel para sa porsyento ayun at inirecommenda ka. Ipinakita pa nga ang mga kuha mong naidisplay sa isa sa mga resort sa Saud. Sabi nung nagrenta ng Saud Beach ay aprubado ka na.”

“Sakto pala ang dating ng work na ito. Maghahanap na nga sana ako ng bago kong raket e. Salamat sa pagsasabi sa akin, Anong oras daw ba ang photoshoot?”

“Mga hapon na, Manang Mae.” Alam ng mga taga-rito na hindi siya marunong mag-ilokano or makaintindi nito. Kahit yata siguro ilang years siyang nakatira dito ay wala siyang matututunan. Wala na rin kasi siyang oras dahil na rin sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Isaac.

“Mommy! Gutom na ako.” Sabi nito at hinihila na talaga siya palayo. Napangiti naman ang babaeng nagpahinto sa kanila sa paglalakad patungo sa tricycle.

“Nataraki na ubing daytoy, Manang Mae.”

“Anong sabi mo?”

“Ai sabi ko, ang gwapo nitong batang ito. Mana yata nanay at tatay e. Kapag ba lumaki ka pwedeng ako na lang or anak ko ang pakasalan mo?” Napatingin ng masama si Isaac sa babae at napadila ito.

“Never!”

“Isaac, that’s bad. Pasensya na ha. Nagta-tantrum na naman itong anak ko. Gutom na siguro, We better go. Pupunta na lang kami ni Isaac ng hapon.”

“Ai sige Manang. Ingat kayo sa daan.” Sabi nito at kumaway na sa kanilang mag-ina.

“Manang-mana ka talaga sa ama mo. Suplado at ma-tantrum.” Natatawang turan niya sa anak niyang nakalabi pa rin at nakapa-lobo ang dalawang pisngi. “At pareho din kayong napapatigil ko sa pagsusungit kapag nakakain na kayo. Let’s go na at baka pumangit pa ang anak kong gwapo dahil sa pagmamarakulyo.” 



I’LL be on my way to Saud Beach, Ma. Kailangan ko na ring tignan ang mga gawa ng photographer sa resort na inupahan ng mga staff ko. Hindi man lang kasi nila sinabi sa akin na missing in action si Suzette Imperial e.” Suzette Imperial ay dating scenematic photographer pero napakiusapan itong maging photographer para sa Magazine na hinahawakan ng Mommy Janine niya. Sabi ng nakararami ay may hinahabol daw itong lalakeng mahal na nito.

“Mag-ingat ka sa daan anak. Wala ka pa namang tulog dahil sa trabaho at araw-araw na paglipad patungo sa Cebu at pagtravel patungo sa Batangas. I told you, Anak, na hindi pupunta yun doon because she doesn’t know anyone there at nagtatago rin siya. I am sure na naisip na nitong baka puntahan natin ang mga lugar kung saan nakatira dati ang mga magulang.”

“But I still need to try, Mom. That lady ran away from me just because my of what my grandfather said. That old man! Tsk! Hindi na nasiyahan sa paghihiwalay sa inyo ni Dad and now me?” Nalaman na kasi nila ang katotohanan. Hindi naman talaga sinabi ni Vega sa kanila na ang Lolo mismo niya ang nagpaalis dito. Desisyon daw nito iyon dahil sa nalaman niya mula sa Lolo niya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi alalahanin ang mga nangyari nung araw na nagkita sila ng Mommy niya sa opisina kuno ni Vega.

Matapos ang madamdaming tagpo mula sa opisina ni Arjellyn ay umalis na kaagad ang mag-ina at nagmadali silang tumuloy sa Tagaytay. Na-curious mang basahin ang letter ni Vega dahil na rin sa iyak ng iyak ang Mommy niya habang binabasa ang sulat nito dito. Hindi naman nagtagal at nakarating sila sa Tagaytay yun nga lang ay nasa trabaho ang Daddy niya. Mas okay na siguro yun. Gusto niyang malinawan muna sa lahat ng mga nangyayari. Binasa niya ng malakas ang letter na ibinigay ni Vega sa kanya. He wanted his mom to hear it out too.

Dear Ran-ran,

Pasensya na ha at di na ako makikita ang reaksyon mo sa surprise na sinasabi ko sa iyo, di ko rin naman kasi maatim ang mga matatalim mong tingin sa akin once na malaman mong ang Mama na sinasabi ko ay ang tunay mong Nanay. Pasensya na talag ha? Kung di pa sinabi at nagmagandang loob ang Lolo mo para sabihin sa akin ang katotohanan ay baka hindi mo na nga talaga makita pang muli ang Mama mo ng dahil sa akin. Hindi ko kasi maisip na inagawan pala kita ng Nanay, na habang masaya ako dahil may Mama Janine na nag-aalaga sa akin ay may Ran-ran naman na namimiss na ang Mama Janine niya at dahil doon ay nakapagpasya na ako: ako ang magbibigay ng chance na magka-bonding ulit kayo ng Mama mo.

Oo nga pala. I resigned as an Editorial Chief the day that my Boss announced that I got the promotion. So yung pagpapaparty ko ay isang Thank You and Goodbye party. Thank you dahil napilit kitang magpa-interview at sa lahat ng tulong mo sa akin. Planado ko na nga talaga ang lahat until you confessed to me. Na-shock ako talaga at wala rin sa plano kong maging tayo. I just wanted to make more unforgettable memories together with you pero dahil na rin siguro sa matinding kasiyahan at pagmamahal ko sa iyo ay sinagot kita.

Masyado nang humahaba ang letter ko. Ingatan mo ang sarili mo at si Mama Janine ha. Mamimiss ko kayo ng sobra. Tandaan mo na hindi ako nagsinungalling when I said that I love you. Goodbye Ran-ran.


Biglang natahimik ang Mommy niya ng marinig ito at napatiim bagang. “Bakit ba kasi lagi na lang niyang minamanipula ang mga babaeng malapit sa inyo ng asawa ko? Akala ko ay nagbago na siya dahil napabalik ako ng walang naharang sa akin pati pala si Vega ay pinaikot niya sa palad niya.”

“What are you talking about, Mom?” Napakunot na ang noo niyang gustong malaman ang lahat-lahat.”

“My parents needed money to save our family business... and the only choice is to begged Dad to help me by one condition. I will leave both the guys I treasure the most. Hindi ko talaga dapat tatanggapin but nagka-heart attack si Papa. Akala ko ay ilang taon lang akong lalayo pero nung gusto ko nang bumalik... Dad didn’t let me. Pinapasundan niya ako sa mga lalake.” Iyon ang naging topic nila hanggang sa dumating ang Dad niya at nagulat na nasa harap na niya ang Mommy niya. Inilahad na ng Mommy niya lahat at pati na rin ang pag-ampon niya kay Vega at ituring na anak.

Nung malaman nilang mag-ama ang totoong nangyari ay nagpasya silang kausapin at balaan ang matandang lalake. Sinabihan din nila ito na wag nang gagawa ng ikakasira pa ng relasyon nilang tatlong lalake. His Grandfather admit everything pati ang pagpapa-guilty kay Vega that leads to leaving him.

“Okay anak. Pagudpud is a very nice place. Try to relax and chill out first. You needed it. Nag-aalala na ako sa iyo anak. It’s been five years. Nilibot mo na ang Visayas at Mindanao. I am sure na kaya mo natripang magpa-photoshoot dyan ay dahil na rin hahanapin mo siya dyan.”

“That is my second agenda, Mom. Don’t worry mag-rerelax din ako kahit papaano. I need to concentrate on my driving na. Bye Mom. I will get you some souveniers here.”

“Kahit wala na anak. Basta safe ka lang maka-uwi ay okay na ako. Bye anak. I love you.”

“I love you too, Mom. Bye.” Yun lang at tinapos na nila ang pag-uusap nilang mag-ina sa telepono. Mga hapon na ng makarating siya sa Saud Resort na pina-reserve niya. Buti na lang talaga at nagpareserve siya ng isang kwarto para mauuna nang tumingin sa resort.

Pumasok na siya sa elevator dala ang hindi kalakihang bagahe niya at napatingin sa picture na nakasabit mismo sa loob ng elevator. Curious na tiningnan niya ang pangalan. “Mae Plaza” ang nakalagay sa picture na nakasabit. “Eto ba ang pangalan ng photographer na inirecommenda ng Barangay Captain dito? It sounds very familiar.”

“Kayo po ba yung may photoshoot bukas?” Tanong ng Elevator girl.

“Yes.” Matipid niyang sagot dito.

“Si Manang Mae nga po ang tinitukoy ni Kapitan. Napakagaling na photographer ni Manang.”

“This picture looks okay.”

“Isa sa mga gawa niya lang po yan. Marami pa po sa mga kwarto at hallway.”

“Ok. I will make sure to check them out.” Yun lang at tinapos na niya ang conversation niya sa Elevator girl. Nasa 3rd floor siya kung saan ang pinaka-magaganda at pinaka-malalaking kwarto ang mga naandoon. Dumiretso na siya sa kwarto niya at nagpahinga. Maaga pa niyang titignan ang lokasyon. 



PWEDE pa sigurong pumunta sa Resort. Maaga pa naman e tsaka hapon ang photoshoot. Sure akong pwede pang maligo si Isaac.” Sabi niya sa sarili habang akay-akay ang excited na naman niyang anak. Since natuto itong lumangoy ay hindi na nito mapigilang hindi maligo araw-araw. Tan na rin ang maputi nitong balat.

“Ma.. Ma... Pwede na ba akong mag-swimming?” Hindi mapakali ang batang lalake habang hinihila na siya nito patungo sa dagat.

“Sige maligo ka na pero saglit lang tayo. Naka-reserve na kasi ang resort na ito para sa isang photoshoot. Sure ako na paalisin din tayo kaagad.”

“Ok po Mom.” Sabi nito at nagmamadaling tumakbo sa dagat. Akala mo ay magaling na itong lumangoy pero sa may malapit lang naman din ito maglalangoy. Pumunta na siya at pumwesto sa ilalim ng puno kung saan lagi niyang pinapanood at binabantayan ang kanyang anak.

Pinagmamasdan niya ang anak nang may tumapik sa balikat niya. Ang babaeng kausap niya kahapon. “Manang Mae, bakit kayo nandito? Bawal nang magpapasok ng tao dito e.”

“Mas maaga kaming nakapunta dito dahil alam kong pagbabawalan na kaming pumasok. Sinabihan ko naman si Isaac na saglit lang maligo.”

“Nasaan na nga ba ang anak mo?”

Tumingin siya sa pwestong alam niyang pinag-iwanan niya sa anak. Hindi na ito nag-iisa dahil may lalake nang lumapit dito. Isang guest siguro sa resort. “Ayun oh. Mukhang patitigilin na si Isaac sa paglalangoy.” Pinagmasdan niya ng mapatigil ang anak niya sa paglangoy at gulat na gulat na napatingin sa lalakeng nakatalikod sa kanila. Bigla nga lang nag-ring ang telepono niya. “Sagutin ko lang ito.”

“Okay, Manang.” Sabi naman ng babae at tumalikod na siya para kausapin ang tumatawag sa telepono. 


MAAGA siyang nagpunta sa beach para sa tatlong bagay: tignan ang kabuuan ng resort, magpahangin at silayan ang pagsikat ng araw. Hindi niya alam na may mas aaga pa pala sa kanya at walang iba kundi ang batang lumalangoy sa tubig-dagat. Nilapitan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niya itong kausapin. Ran never really like kids kasi nga makukulit ito pero for some strange reason ay gusto niyang makipaglapit sa bata.

“Hello. Good Morning sa iyo.” Bati niya sa batang nakatalikod sa kanya. Nakita niyang napatigil ito sa paglalangoy at unti-unting lumingon sa kanya. Ngiting-ngiti ito na para bang sabik na sabik itong makita siya
.
“Dad?”

“Huh?”

“Diba po ikaw si Randolph Archuetta?”

“Ako nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko? Tsaka bakit mo ako tinawag na daddy?”

“E kasi ang sabi ni Mommy na ang daddy ko daw ay si Randolph Archuetta. Kagabi nga ay pinarinig ni Mommy ang boses mo e. Umuwi ka na pala galing sa ibang bansa.” Masayang sabi ng bibong bata na nakatayo na sa harapan niya. Kung titignang mabuti ay magkamukhang-magkamukha nga sila ng batang lalake.

“Sino ba ang Mommy mo? And what’s your name?”

“Si Mommy Mae po. Isaac Victor po, Isaac po palayaw ko.”

Yung photographer ang Mommy niya? “So Isaac, ilang taon ka na?”

“Almost five po.”

“Nasaan na ang mommy mo?”

“Ayun oh!” Excited na itinuro nito ang ina. Napalingon siya at napatingin sa dalawang babae sa ilalim ng puno. Yung isa ay nakatalikod at mukhang may kausap sa telepono while the other one was waving. Eto siguro si Mae Plaza pero bakit di ko siya mamukhaan?

Nakita niyang tumakbo ang babae patungo sa kanila. Umupo ito para magpantay ang tingin nila sa isat-isa.“Isaac, sinabihan ka na ba ng lalake na wag ng maglangoy? Inireserve na kasi ito e.”

“Bakit ikaw ang lumapit? Di naman ikaw ang tinatawag ko e kundi si Mommy. Tsaka di ako paaalisin ni Daddy dito.”

“May kausap si Mommy mo sa telepono. Wala naman si Daddy mo dito e.”

“Eto kaya.” Sabi ng Batang lalake at kumapit ito sa kanya. Napatayo itong tumingin sa kanya. “Dad, kwentuhan niyo naman ako ng tungkol sa work niyo sa ibang bansa.” Sabi ng bata sa kanya at hinila na siya papalayo sa babae. Napalingon naman siya sa babaeng halatang gulat na gulat dahil nga sumama ang batang lalake sa kanya kahit na nga ba ngayon lang sila nagkakilala.

“Manang Mae!!!!” Narinig niya pang sigaw ng babae bago tumakbo patungo sa babaeng may kausap sa telepono. 


MANANG Mae!!!!” Nakakabinging tawag sa kanya ng babae. Kakatapos lang niyang makausap kapitan at nagsasabi na dumating na daw kagabi pa ang nagpareserve ng Saud Resort at approve na talaga siya bilang photographer para sa photoshoot.

“Ano yun?”

“Si...si...si Isaac!” Pagkasabi kaagad sa pangalan ng anak ay napatakbo siya patungo sa dagat ngunit di niya makita ang anak niya. Kinabahan siya at lumingon sa kaliwa at kanan niya ngunit di niya ito makita.

“Isaac!!! Anak!!!” Nasigaw na rin niyang sabi dito at tumakbo kung saan saan para hanapin ang anak. Nakasunod naman ang babae sa kanya. “Nasaan ang anak ko?”

“Manang kasi e. Hindi mo ako pinatapos kaa—.”

“Nasaan ang anak ko?!”

“Ayun sumama sa lalakeng lumapit sa kanya kanina. Sabi daddy niya daw. Nakita kong pumasok ito sa Hotel ng resort na ito. Mukhang naglalage ang lalake doon..” Hindi na niya iyon pinatapos pa at tinakbo niya ang Hotel.

“Manang Mae.” Nagulat na bati sa kanya ng mga taga-Hotel. Kilala kasi siya ng mga ito dahil nga siya ang residence photographer ng Hotel.

“Nasaan ang anak ko?”

“Ahhh. Si Isaac ba? Kasama si Mr. Archuetta sa Restaurant.”

“Salamat.” Sabi niya dito at tinakbo ang restaurant. Hayun at kumakain ang bata kasama ang lalakeng kumidnap dito.

“Mommy!” Masayang bati ng bata sa kanya at kumaway-kaway pa sa kanya. Madungis na ang mukha nito dahil nga kumakain ito ng breakfast. Tinakbo na lang niya anak at niyakap ng mahigpit.

“Diba sinabi ko na wag kang sasama sa mga di mo kilala?” Nag-aalala niyang turan sa bata na yumakap din naman sa kanya.

“Pero kilala ko naman siya e. Si Daddy kaya siya.”

“Wala ang daddy mo sa pinas. Nasa ibang bansa nga siya.” Hindi pa rin niya nililingon ang lalakeng kumidnap sa anak niya. Dahil siguro sa panic ay wala siyang naaalalang mga katagang ‘Daddy’ or ‘Mr. Archuetta’ na sinasabi ng iba. Basta si Isaac lang ang nasa isip niya at kailangan niyang makuha ito sa kidnapper.

“Kahit kailan di ako pumunta sa ibang bansa, Vega.” Doon na parang tinambol ang puso niya. Ang nananahimik na kidnapper ay nagsalita na at alam na alam niya kung kanino ang boses na iyon. Wala naman kasing nakakakilala sa kanya bilang Vega dito e dahil ang pakilala niya ay Mae Plaza Sandoval.

“R-ran-ran...” Nasabi na lang niya ng nagpasya siyang tignan ito. She can see a variety of emotions on the guys eyes. It’s mixed with Hurt, Happiness, Confusion, Anger and Love.

“Yes. It is me. Hindi ko alam na may anak na pala tayo.”

“Isaac, anak. Puntahan mo muna si Ate Sally mo.” Sabi niya na ang tinutukoy ay ang receptionist sa Hotel na ito.

“Pero Mommy...”

“Wala ng pero-pero anak. Mag-uusap lang kami ni... ng daddy mo.”It is useless na itanggi pa niya na mag-ama nga ang mga ito dahil kahit sino ay makikita ang pagkakahawig nito kahit na nga sa ugali.

“Ok po, Mom.” Sabi nito at malungkot na tumayo na pero pinigilan niya ito at humablot siya ng tissue at nilinis ang mukha at mga kamay ng anak.

“Wag kang makulit doon, ok? Babalikan ka ni Mommy.” Pahabol na paalala niya pa sa anak at tumungo-tungo naman ito.

“Ran-ran... K-kamusta ka na?” Pag-uumpisa niya ulit. “Kamusta kayo ni Mama Janine?”

“Mom’s very happy right now with Dad but I am worst.” Kinabahan siya doon. So ang pagsasakripisyo niya pala ay parang wala lang dahil di pa rin ito masaya.

“A-akala ko ay sasaya ka once na mabuo na ang pamilya mo?”

“I am happy but I can never be complete specially if you are not around.”

“Kapag naandoon ako ay mas gugulo ang buhay at pamilya mo.”

“Kaysa naman wala ka. Wala akong pakialam kung magulo man ang buhay ko dahil sa iyo. You never ruined my family. It was Grandfather.”

“What do you mean?” Nagtatakang tinanong niya ito. Sinabi na lahat ni Ran-ran ang ginawa ni Lolo Rafael nito. Ang kondisyon ng pagtulong nito sa Mama Janine niya at ang paglalayo nito sa pamilya ng dahil lang sa ayaw nito sa mga writer na katulad nito. Kahit gusto man nilang magsama-sama muli at magkamustahan ay pumunta si Ran-ran dito para sa trabaho niya at napili na siya nitong maging photographer.


NAGING busy na siya sa photoshoot while Ran-ran’s busy playing with Isaac. Napaka sarap panoorin na ang mag-ama ay nag-bobonding na at naghahabulan while she’s in the middle of photoshoot.

It was the last day of photoshoot at hindi niya makita man lang si Ran-ran na nakikipaglaro sa anak niya pero nakakapagtakang di ito nangungulit sa kanya at tahimik lang na nakatingin sa kanya tapos ay sa relo nitong niregalo ni Ran-ran. Lunch break na.

“Mom! Kain na tayo!” Sabi nito kaagad sa kanya ng matapos na ang photoshoot. Hinila na siya nito patungo sa hotel pero nagtaka siya ng hindi sila pumasok sa loon nito kundi sa gilid pa kung saan umakyat sila sa mataas na bahagi ng Saud Beach. Hindi niya alam na may nag-eexist palang lugar na ganito sa resort na ito. It was indeed breathakingly beautiful. Napasinghap siya ng pagtungtong nila doon ay nag-umpisa nang tumugtog ang violinist na nakatayo sa may silong.

Sa di kalayuan ay may nakatayong table at upuan doon and it was set romantically. Meron din itong napakalaking payong na nakatayo sa pinakagitna para hindi sila masyadong maarawan. Tanghaling tapat nga kasi. Kumalas si Isaac sa kamay niya at tumakbo ito patungo sa hotel kaya naman napalingon siya. Susundan sana niya ito kung di lang siya napasinghap dahil nakatayo si Ran at gwapung-gwapo na naka-sando ng black at naka-flower pattern na short with matching sunglasses pa.

“Kinasangkapan mo pa talaga ang anak natin ha.”

“Well, siya ang nagbigay sa akin ng idea na ito. Looks like that guy doesn’t only have my looks pati yata ang pagiging romantic ay nakuha niya sa akin. Shall we?” Sabi nito at nilapitan na siya. Tumungo lang siya at ikinawit na ang kamay sa braso nito.

“Paanong nasabi sa iyo ito ni Isaac? Napakabata pa non ha.”

“Hindi naman niya literally na sinabi sa akin e. We went to the place you were renting nung busy kang nag-phophotoshoot. Isaac ran towards his room to get a recorder. Akala ko nga ay iinterviewhin din ako e but I was shock ng iplay ni Isaac ang recorder. Hindi ko alam na napaka-sentimental mo pala.”

“Syempre. Yun na nga lang at ang mga pictures mo ang nadala ko e.”

“It was the record part of us in the middle of the interview. Doon ko naalala na you have this dream date for so long. Kung naalala ko siguro na gusto mo ang dream date sa beach ay nilibot ko na sana ang lahat ng may resort sa pinas.”

“So you planned all of this para lang matupad mo ang dream date ko?”

“Yun at may isa pa akong dahilan.”

“What is it?”

“For now kain muna tayo. Kawawa naman ang violinist natin e.” Sabi nito at tumawa na. Hiyang siguro itong maging daddy dahil mas nagiging parang nagiging si Mr. Ricky Archuetta na ito na may pagka-palabiro na at masiyahin. Kumain na lang muna sila ng main course. Hindi nagtagal at bumalik na ulit ang anak niyang si Isaac na may dala-dalang maliit na platito with Bibingka.

“Eto na po ang dessert niyo.” Sabi nito sa kanila at inilapag na ang dessert sa gilid ng lamesa. Hirap kasi ito dahil maliit pa ito at hindi masyadong abot ang lamesa.

“Thank you, little waiter.” Natatawa niyang turan sa anak at ginulo ang buhok nito.

“Dad, sabihin mo na. Mom, kainin mo na ang bibingka para makita mo na ang singsing.”

“Shhh!” Sita ni Ran-ran dito pero natatawa na. Nasabi na kasi ng anak ang surpresa nito. “Well, I wanted to surprise you... but looks like this talkative guy who happens to be my son and your son spill everything up.”

“Oops!” Sabi naman ni Isaac at itinakip pa ang dalawang kamay sa bibig nito. Doon naman siya natawa lalo at hinila ang anak para umupo sa kandungan niya. Doon naman tumayo si Ran-ran at lumapit sa harapan nilang mag-nanay at lumuhod ito ng makuha na ang singsing na nakadikit sa may bibingka.

“Vega Mae Plaza Sandoval, will you marry me?”

“Yes! Yes! Yes!” Sagot naman ng anak niya at hinila ang kamay ng ama na may hawak ng singsing at inilapit ang kamay nito sa kamay niya.

“So... Vega?” Natatawang tanong ulit nito.

“Iiyak si Isaac kapag di pa tayo kinasal. Sinabi na rin naman niya ang lahat e. Yes, Mr. Randolph John Apostol Archuetta, I will marry you.” Sabi niya dito. Doon lang isinuot ni Ran-ran ang sing-sing sa kamay niya at niyakap na silang dalawa ng anak.

“I love you so much, Vega. Wala akong pakialam kung ayaw ni Lolo ng mga writer na katulad niyo ni Mom. All I need for you to do is to love me, Isaac and be with us forever. Wag mo akong iiwan katulad ng ginawa ni Mom kay Dad. Kung si Dad nakayang maghintay, ako hindi. Baliktarin ko man ang pilipinas at saan mang lugar ka pumunta ay hahanapin kita.”

“Don’t worry. Hindi na kita iiwan lalo na at iyakin ka pala at ang anak mo.” Natatawang sabi niya dito.

“Hindi na ako makahinga. Mom! Dad!”

“Sorry Honey.” Sabi naman ni Ran at hinalikan ang anak sa noo. “Close your eyes anak.” Bulong nito sa anak habang nakatitig sa kanya. Pumikit naman ito.

“Just be quick on kissing guys.” Sabi naman ng bata na nakapikit. Natatawa silang naglapat ng mga labi ni Ran-ran. A kiss that both of them knew they will share for the rest of their life.





-END-

No comments: