FINALE (CHAPTER 14)
ANG akala
niya na magigng ayos na ang lahat once the conference was finish. She said her
sorry to Kiel, they seperated for good and the press conference was finish but
she was so wrong. The next day ay may mga nagpadala ng mga threats sa kanya and
she knew well kung kanino nanggaling ang mga iyon: mga hotel owners na binigyan
niya ng hindi kagandahang comment dahil hindi naman talaga maganda ang
pakikitungo ng mga ito sa mga guest nila. Kahit na nga ba wala siyang sabihin
ay alam niyang sooner or later ay babagsak din ang hotel na iyon.
She
thought that she can manage those threats until pati ang mga magulang niya ay
naha-harrass na rin. It was too much too handle at nakikita iyon ng mga
magulang sa kanya. Wala pa nga siyang time para umiyak ulit dahil sa heartbreak
na nararamdaman niya ay ito na ang gagawin ng mga tao sa kanya. She didn’t do
anything bad...she was actually just being honest about what she writes. Kaya
naman napagpasyahan ng pamilya niya na umalis na siya sa L.A and live in the
Philippines for good. Ang mga ito na lang daw ang dadalaw sa kanya. She refuse
too many times dahil maaalala niya lang si Kiel at mas mapapalapit pa ang
distansya nila sa isa’t-isa. She’s trying to move on dahil alam niyang wala ng
mangyayari kaya nga this is the last place na gusto niyang puntahan.
Kaya lang
his brother got an accident at hindi pa nila alam kung aksidente nga ba iyon o
hindi kaya naman umuwi silang magkapatid sa Pilipinas. Gusto rin naman niyang
maging safe ang kapatid niya. Ngayong nasa Pilipinas na siya nagkaroon din siya
ng time para iyakan ang naging heartbreak niya.
“Mabuti
naman at lumabas na rin ang crying lady ng pamilya,” turan ng tita niya ng
lumabas siya sa kwarto niya para kumain. Nauna na ang mga ito sa pagkain dahil
wala pa siyang gana kanina at nagpapasalamat naman ang mga ito at hinahayaan
lang siyang mag-senti.
“Naku,
Aann, kapag nakita ko yung lalaki na iyon ay baka mabanatan ko pa siya”, sabi
naman ng Kuya niya kahit pa nga ba may benda pa ito sa kamay at may nakikita
pang galos sa mukha nito.
“Naku,
Kuya, gusto mo pa bang madagdagan ang galos mo sa katawan? Hindi pa nga
magaling yang mga sugat mo naghahanap ka na naman ng sakit ng katawan. I’m okay
and I think I won’t ever see him again,” sabi niya na muntik pa siyang pumiyok
sa last sentence niya. “Makakain na nga,” sabi na lang niya at ininit ang mga
pagkain sa microwave.