Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 15, 2013

JESTER Series Special - Chapter 1


Copyrights © 2012. All Rights Reserved.


TEASER:

Danica ‘Ayca’ Aranda. Graduate siya sa Lherino Exclusive School of Music and now working as one of the teacher doon dahil na rin sa ipinakita niyang husay when she was in that school. Mr. Val Lherino offered her work para daw mas ma-enhance pa niya ang talent niya and at the same time ay mai-share niya ang natutunan niya sa eskwelahan na nito. She’s an ordinary girl with an ordinary life when she met Ezekiel accidentally.

“Act with me!” Desperadong sabi ng isa sa mga hinahangaan niyang lalaki when it comes to face value at macho body. Dahil siguro sa salitang ‘act’ ay napa-act nga siya with the guy na hinihingal sa pagtakbo at mukhang may tinatakasan. She said ‘Yes’ and nooded pero teka. Bakit siya nito hinahalikan? Hala! Baka kapag nakasalubong niya ang asawa nito ay masasapak siya nito! Waaaaah!

Pero ang sarap eh. Sige, bahala na nga si Batman, Robin, Superman at ang mga Justice League. I-eenjoy niya muna itong halikang ito na pinagbabawal! Bakit masarap namang gawin ang bawal diba?



CHAPTER 1:


AND that’s the last JESTER single male... married. Kalokaaa! Wala na! Paubos na mga singles na fafable!” gusto nang maiyak ni Danica habang binabasa ang latest issue ng BACHELORS.


Danica was one of the biggest fan ng BACHELORS since she read the first issue ng JESTER na kompleto sila. She was mesmerized by their handsome faces and the fact na kayang-kaya pala silang abutin ng katulad niyang ordinaryong tao. Nangarap siyang sana ay makatagpo rin siya ng isang lalaking mag-aahon sa kanya sa hirap. Not that she’s a gold digger but she wished someone with a high status will be able to find her. Lahat naman ng babae ay may pangarap na ‘Prince charming’ nila diba? Kaya lang hindi na siya masyado pang naghangad ng makuha ni Miss Chloe Braganza-Aquino ang pinapangarap niyang lalaki. Yes, lahat ng magkakaibigan ay gwapo in their own ways pero mas maappeal sa kanya ang kagwapuhan ni Ezekiel Aquino.

Naglalakad na siya pabalik sa school kung saan siya nagtuturo habang bitbit niya ang magazine na sinadya niya pang bilhin sa National Bookstore para lang sure na makakabili nga siya at hind ‘out of stock’ katulad ng ibang mga bookstore na nagbebenta ng Bachelors. Nasa parking lot na siya at malapit na sa sasakyan ng may narinig siyang tilian. Dahil na rin sa kanyang angking ‘tsismosa genes’ na taglay ay hindi niya mapigilang tumigil muna at tignan ito sa malayo. Kung hindi siguro siya ma-late ay pupuntahan pa niya ito but she was at ang pagtingin niya nga lang ay isa sa mga magiging sanhi kaya siya ma-late.

Napakunot ang noo niya ng makita niyang nagsisitakbuhan ang mga nagtitiliang babae papunta sa gawi niya. Her eyes grew ng matignang mabuti kung sino ang hinahabol ng mga ito. Ang kanyang prince charming! Tumatakbo ito palapit sa kanya in his black shining shirt.


Haveeeeey! I lilly lilly like this day! Come here, my yummilicious Ezekiel!!!

“Miss! I need your help!” sabi pa ni Ezekiel sa kanya at hinila kamay niyang may hawak ng carkey at ito na mismo ang pumindot non para sa automatic open. Ito na rin ang dahilan kaya nalaman ni Ezekiel kung nasaan ang kotse niya at bago pa siya maka-react ay pinaupo na siya nito sa passenger seat at ito ay tumakbo patungo sa driver seat. Nakatanga lang siya sa dito hanggang sa kalampagin ng mga avid fan ng lalaki ang salamin ng sasakyan niya.

Hohemjii! Itatanan niya ba ako?! Wait! Di pa ako nakakapagpaalam kay Mr. Lherino! Paano ang asawa nitong si Chloe? Ngayon lang ata nito napagtanto na hindi talaga si Chloe ang mahal nito at ako talaga ang mahal nito! Danicaaaa! Ang hair mo! Ang habaaaaaa! Woooo! Wait! Kilala ba ako nito?!

Wala na siyang magawa ng pinaharurot na nito ang sasakyan niya palabas ng parking lot ng mall. “S-saan tayo pupunta?”

“Sorry, Miss kung nadamay ka pa dito. I was desperate to escape from those people who just randomly wanted my autograph. Saan ka nga pala papunta at doon na lang ako bababa? Ihahatid na lang kita doon.”

“Mga fans mo yun, Mr. Aquino. Isa rin ako sa mga fans niyo pero hindi naman ako ganoon ka-desperada...” Sinong niloloko mo, Danica?! Muntik mo na ngang pakulam si Ezekiel para lang mapunta sa iyo kahit na nga ba naikasal na ito. Makulit na tugon ng isip niyang maldita. “...atleast nakatulong ako sa inyo, Mr. Aquino. Sa Lherino Exclusive School of Music ang punta ko. Patapos na kasi ang break ko eh.”

“Thank you, Miss...?”

“Danica Aranda for long pero Ayca na lang,” pagpapakilala niya ng buong pangalan. Malay niya naman kung matandaan nito ang super unique niyang pangalan at sabihin nitong mahal na siya nito dahil tinulungan niya ito. Echozerang ito. Hoi! Wake up, girl! Hindi ka niyan papatulan.

"But seriously Ayca, I owe you big time. I’m go kill that guy for ruining my peaceful life.”

“Oh! You don’t owe me anything basta nakatulong ako sa iyo, Mr. Aquino.”

“Don’t be so formal, Ayca, kung ako nga Ayca na ang tawag sa iyo, why can’t you call me by my name right? I’m—.”

“Talaga?!” putol niya sa sasabihin pa nito. Excited na kasi siyang magkaroon sila ng first-name basis ng kanyang prinsepe. FC siya kung FC basta close na sila. Mga ilang centimeters nga lang. “Atleast ngayon di na ako katulad nila dahil naka first name basis na ako sa iyo, Zeke.”

“Huh?” nagtatakang tingin nito sa kanya.

“Ai! Andito na pala ako. Ihinto mo na lang at ako na ang magmamaneho papasok nito sa loob.”

“Dito ka nagtratrabaho?”

“Yes, I used to be a student in performing arts, major in drama at the same school. Ini-hire lang ako ni Mr. Lherino dito as a teacher and I think it wasn’t a bad offer. Gusto ko rin namang matuto pa ng husto habang nagtuturo ako.”

“Wow! You must be good kasi nakakuha ka ng offer mula sa nagmamay-ari dito.”

“You know Mr. Lherino?”

“Kind off.”

“Ai nakakatuwa naman. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan pero ma-late na ako sa work ko. Sorry, Zeke ha?”

“Huh? Ahhh, sure. Salamat ulit, Ayca,” sabi nito at inihinto na ang sasakyan sa gilid malapit sa gate ng school na pinapasukan niya. Lumabas na siya at lumakad sa may harapan ng sasakyan kung saan nakatayo si Zeke para iabot ang susi ng sasakyan. Nalungkot nga siya dahil hindi man lang siya nakapag-tsansing—beso pala dito bago man lang ito tumawid at sumakay ng taxi.

“Bye, Zeke my honey! I love you!” impit na sigaw niya bago pa siya nagpasyang pumasok na ulit sa sasakyan niya. Doon ay may nakita siyang wallet sa gilid ng sasakyan niya. It was a man’s wallet kaya sure siyang hindi sa kanya iyon. She wanted to check it pero hindi siya ang tipo ng tao na nangingialam sa gamit ng iba. Napangiti siya. Mukhang umaayon ang panginoon sa kanilang ‘hidden relationship’ ni Ezekiel.

Thank you, Lord!





OFF niya ngayon, buti na lang talaga at off niya kung hindi ay wala siyang time para ibalik kay Zeke ang wallet nito. She was now, in the Zeke Car Company na ito mismo ang nagmamay-ari. Nasa reception siya and currently being asked question kung meron ba siyang appointment sa boss ng mga ito.

“Wala akong appointment pero sabihin mo na meron akong bagay na ibibigay sa kanya at dapat ay personal dahil kahit nga ako ay hindi ko magawang buksan itong wallet niya eh.” Ai ang daldal mo talaga. Danica! Havey!

“Wallet?” Nakakunot noong tanong ng receptionist sa kanya.

“Yes, wallet, nakalimu—.”

“Ma’am Chloe! Hello po!” nakangiting bati ng receptionist sa kadarating lang na babae sa likuran niya. Chloe? As in Chloe Braganza-Aquino? Yun lang at nilingon niya ito. There she is, with her two loveable son and daughter. Hindi mo mahahalatang nanay na ito dahil mukha pa rin itong young looking and she’s still sexy. Sows, kung ganda lang naman ang labanan, di naman ako mahuhuli dyan. Kasi kung hindi ako napansin ni Zeke, edi sana wala akong wallet ngayon.

“Hello, Grace. Si Hubby ba andyan?”

“Yes, Ma’am, nasa opisina niya at busy po sa paper works pero sabi niya ay tinatapos na niya para makapag-lunch daw kasama po ang kanyang cute na mga anak at asawa.”

“Sows si Ezekiel talaga, talagang ipinasabi pa ang pambobola sa iyo? Salamat ha. Maghihintay na lang kami sa waiting area niya sa taas.”

“Uhhhmm.” Lakas loob na tawag niya sa may-bahay ni Zeke. “I’m, Danica from Lherino Exclusive School of Music. Pakisabi kay Zeke na ito na nga pala yung wallet na naiwan niya sa kotse ko kahapon nung nagkausap kami. Maraming salamat ha. Aalis na ako.” Yun lang at inilagay niya sa kamay ni Chloe ang wallet na nakuha niya kahapon. Doon ay nakangiting lumabas siya sa Zeke Car Company.

One – Zero! Woooooooo! Magiging akin ka rin, Zeke. BWAHAHAHAHH!



Hi, wifey! Wait lang, isang pirmahan na lang ito and then we can go eat—.”

“What’s with this wallet? Sino si Danica ng Lherino School? Magkasama kayo kahapon? Don’t tell me nambababae ka ulit?” turan ng asawa niyang si Chloe na gustong-gusto nang maiyak sa galit, asar, at pagkamuhi sa kanya. Napakunot noo siya. Anong pinagsasabi nito?

“Huh? What are you talking about, wifey? Wala akong kilalang ganon? And what’s with this?” hinablot niya ang pitakang nasa harapan niya at napakunot noo. Napamura siya ng wala sa oras at buti na lang at wala ang mga anak nila sa harap kundi baka matuto ito ng mga ganoong words. “I guess it’s time for you to know everything, wifey. Let me explain...” napabuntong hininga na turan niya. And he knew he have lots of explaining to do.

“You better have a good explanation dahil hindi ako mangingiming gawin ang dapat kong gawin,” nakatiimbagang na turan ng babaeng pinakamamahal niya. He wanted to tell the secret for a long time ago pero minabuti niyang wag muna sabihin dahil na rin sa request ng mga magulang niya.

“Mom! Dad! Nagugutom na ako,” nagmamarakulyong sabi ni Aaron sa kanila. Napatingin siya sa bata na nagbukas ng pintuan ng opisina niya and then sa mata ng asawa.

“I promise to tell you everything kapag nakauwi na tayo. One thing I am sure of, you will be my first and last love. Trust me on this one, hon,” yun lang at tumayo na siya sa kanyang upuan at nakangiti ng pinuntahan ang mga anak nila. Lumingon siya sa lugar kung saan nakatayo ang maganda niyang asawa. She sighed and smiled.

“I trust you, hon but please no secrets na. Tell me everything I needed to know. Ayaw kong mangyari na naman ang nakaraan.”

“I would never do anything that I will regret for the rest of my life. I was a fool and stupid in the past but I do learn from my mistakes. So right now, wag na muna tayong mag-emo.”

“Okay. Nagugutom na rin kasi ako.”






After Three Months...

Hindi na siya umasa pang tatawagan siya or pupuntahan man lang siya ni Ezekiel. Sinaniban lang yata siya ng masamang espiritu kaya niya nagawa ang masamang bagay na yun sa magandang asawa ni Ezekiel. She’s envious and jealous kaya niya siguro nagawa yun. Isa siya sa mga fans ng lalaki so she knew the love story that was posted in the Magazines na featured ang mga JESTER.

Well, atleast meron akong maipagmamalaki na nakilala at nakausap ko ng malapitan si Ezekiel. Naka-first name basis pa ako! O diva? Lumelevel up ang beauty ko as a fan!

Exam week nila ngayon kaya naman busy sila sa school and all she can do was to buy food outside at kainin iyon sa school. Marami pa kasi siyang mga test papers na kailangan i-check at mag-prepare pa siya para sa mahabaang oral test. She grabbed a couple of sandwiches and a bottled water at dumiretso na sa cashier. Yun lang naman ang mabilisan at medyo nakakabusog na pagkain sa lunch.

“Look, I am not him! Back off!” narinig niya ang naaasar at medyo malakas na sigaw ng binata. Malapit naman siya sa binatang napapalakas na ang boses sa iritasyon kaya lang dahil super preoccupied siya sa oral examination na kailangan niyang i-prepare ay hindi niya napansin ang kumpulan na malapit sa kanya.

“Sir Ezekiel naman! Pa-autograph lang naman eh. Kilala namin ang itsura mo. You don’t have to tell us na hindi ikaw si Sir Ezekiel! Paano namin makakalimutan ang gwapong katulad mo?! Homaygawd!”

“Darn!” naaasar na turan nito.

Ezekiel? De Javu ba ito?! Homaygawd! Kapag ako nilapitan nito wala na akong pakialam kung makalbo ako ng mga fans nito lalo na si Mrs. Aquino kapag inagaw ko talaga ang lalaking ito. Aba, si Lord na kaya ang nagbibigay daan para sa magiging love story namin!

Napatigil siya sa kinatatayuan at saktong-sakto na napabaling ang tingin ni Ezekiel sa kanya. Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito at hinawi nito ang daan at mabilis na pinuntahan siya and one moment, she was in the muscular body and arm of her prince, Ezekiel. She wanted to faint, as in now na! Agad agad para mas maganda ang effect ng drama kaya lang baka mawalan siya ng oras para sa kissing scene, if ever magkaroon man.

Waaaaaaaaaaa! I am being swept off of my feet! This is really is it! Lord, forgive me for I will be a sinner! Aagawin ko na talaga siya!

“Act with me, Ayca! I need your help,” sabi nito at walang sabi-sabing hinalikan siya nito.

Lord! Why?! Ayaw kong maging kabit! Ayaaaaaaw! Pero dahil sa pinagbibigayan niyo ako ngayon. I will be more obliged! Wooo!

She wholeheartedly kissed him back. Parang hindi makapaniwala ang binata nung una kaya nga napatigil ito sa paghalik sa kanya. Nakipagtitigan siya sa mga mata nitong na-shock sa ginawa niya but I guess the guy was okay for any challenges. Mas nilaliman nito ang paghalik sa kanya. His tongue made his way inside her mouth and kissed her senseless. The sensation is making her weak.

Actually wala siyang alam when it comes to halikan. Kahit na ba sabihing stage actress siya. Ayaw niyang may kissing scene sa eksena. Buti nga at never pa siyang nakakakuha ng role na may kissing scene.

Nasa kalagitnaan pa sila ng halikan ng makarinig siya ng singhap at mga camera click. Doon ay parang natauhan siya. Ezekiel’s a public figure at kilala ito ng lahat na may asawa. Kahit saang angulo tignan at kahit na ito ang humalik sa kanya ay siya pa rin ang masasabihang masamang tao, home wrecker, kabit at kung anu-ano pang masasakit na salita. Itinulak niya ito para maputol ang paghahalikan nila which is what happened pero niyakap ulit siya nito.

“Huwag kang magulo. The press are everywhere at kapag nakita nila ang mukha mo or even a shot of your face ay magkakaroon ng gulo. I just want to make someone to suffer... not you so let’s go!” bulong nito sa kanya.

Hindi na nga siya nagpumiglas at nagpahila na lang ulit dito. Paktay siya!



                                                                                     ITUTULOY...

No comments: