Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, September 24, 2013

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 3)

CHAPTER 3:

“KYAA! Gwapo talaga, Aann? From one to ten, ten pinakamataas, saan siya nababagay?” kinikilig at excited na tanong ni Samantha sa kanya.
“Definitely a tenner!” natatawa niyang turan dito. As soon as matapos niya ang pagkain ng pasta, na infairness super sarap, ay tinawagan niya kaagad si Samantha sa mga nangyari sa kanya at sa pagkikita nila nung Kiel Cristobal na iyon. Sa sobrang pagka-mesmerize niya nga sa binata ay natagalan siyang makabawi sa shock at nakasagot sa binata. It was a good thing na on time ang pagkakabawi niya doon at nakausap pa ng medyo matagal ang binata. Actually, narinig pa lang niya ang boses ng binata ay may kung anong epekto na ito sa kanya na ikinapagtataka niya.
“Sabi ko na nga ba at tama ang gut feeling ko na i-book kita sa JAC Hotel eh! Narinig ko ngang napaka-gwapo ng anak ng may-ari! Wait lang, mag-eempake na ako! Iiwan ko na itong si Scott dito dahil gusto ko ring makita ang tenner na Kiel na iyan!” sabi pa nito sa kanya at tumili ulit. She literally needed to pull her ears out of her cell para lang ma minimize ang ingay sa kabilang linya at natatawang ibinalik niya ang cellphone sa tenga.
“Siraulo ka! Huwag ka na pumunta dito! Di kita kailangan dito para lang agawan ako ng pinapantasya!”
“Sows! Alangan namang aagawan kita eh I am so happy with Scott no! Ang gusto ko lang makita talaga yang gwapong may-ari na pinapantasya mo para makilatis,” sabi nito at bumungisngis.
“Sows, di ka ba naniniwala sa taste ko? Sinabi ko nan gang 10 out of 10 siya eh.”
“To see that handsome view is to believe, Aann! Nakakatampo ka ha! Nung magkakilala kami ni Scott, kinilatis mo siya, now, ako gusto kumilatis ayaw mo naman,” kunwari ay nagtatampong turan nito sa kanya.
“Ang arte mo, Sam, hindi bagay sa iyo! Yuck! Sige na at lumipad kayo dito ni Scott as soon as ma-arrange niyo ang flight niyo,” sabi niya dito. Miss na rin naman niya ang kaibigan-sister-assistant niya e.
“As soon as makakuha kami ng tickets, makikita mo kaagad ako diyan! O siya at mag-beauty rest ka na! Madaling araw dito eh ginising mo pa ako,” natatawang turan na nito bago humikab.
“Akala mo naman di ka na-excite sa ibinalita ko at nagrereklamo ka pa. Sige kapag may magandang nangyari sa akin dito with that Kiel ay di ko sasabihin sa iyo!”
“No! Kahit pa kakukuha ko lang ng tulog ko, sasagutin ko lahat ng tawag mo kapag tungkol sa Kiel na iyan ang pag-uusapan natin at hindi ang mga bad things na nakikita mo sa hotel na iyan.”
“Tse! Kapag may ikukwento ako, mapa-Kiel man or hotel, dapat sagutin mo!”
“Oo na po! Sige na at matutulog na ulit ako. Ciao,” sabi nito and ended the call.
Actually, kanina ay badtrip talaga siya doon sa Jasper, if she didn’t ask kung anong uri ng pasta and started eating it ay baka nasa hospital na siya. One of the things she hate ay ang mga incompetent food servers lalo na at may allergy siya. It’s a good thing at nagpunta ang manager to sort it out or malamang na magrereklamo siya simula sa under decorated na hotel mula sa incompetent staff ng mga ito. Naawa nga lang siya sa waiter na iyon dahil baka mawalan ng trabaho. She knew how hard to be a newbie dahil naging newbie rin naman siya before she reach her spot as Louise Margaret. Kapag may ,amgyaro
Napangiti siya dahil naalala na naman niya ang gwapong mukha ni Kiel Cristobal. Indeed, his a looker—a god-damn looker and one of the sexiest man she ever saw. Muntik na nga siyang maglaway kung hindi lang siya sanay na makakita ng mga gwapong mukha. Natawa siya dahil mukhang napadaldal siya ng husto, meaning, hindi niya talaga napigilan ang sarili niya dahil doon. Kaya pala napansin niyang mas marami ang mga babaeng employee sa hotel kaysa sa lalaki.
Kung ako man ay mamamasukan sa isang hotel, malamang papasok ako sa isang hotel na alam kong napakagwapo ang boss at mukhang single pa. It’s a good thing na hindi siya nagpadaig sa pagiging intimidating nito kung hindi ay tameme siya. She’s after all, Mar-Aann, hindi siya pwedeng tameme lang.
She giggled, mukhang napakataas ng defense ni Kiel and somehow, her playgirl side wanted to have a look inside his guarded heart.
Kaya siguro guarded sa mga babae dahil bading! AY sayang ang lahi! Halika at baka masayang ang lahi nating dalawa, let’s volt in! Pasaway na turan ng malokong bahagi ng isip niya. She can’t help but giggled again.

“KAMUSTA ang araw niyo, guys?” masayang tanong ng pinsan niyang si Aaron sa kanila. He took the glass of scotch at ininom ito.
“Mabuti naman! May nagamot akong fafable chef kanina!” at tumawa ng malandi ang lokaret nilang kababata na si Autumn. “Ang yummylicious ng abs at super sarap titigan ng blue eyes niya! I bet his a mixed blood!” kilig pang dagdag nito.
“Yun ba yung lalaking lumabas pagkadating ko? Mukhang na-trauma yata dahil namumutla siya! BFF, huwag mong gawan ng masama ang mga pasyente mo! It’s bad for my heart!” maarteng turan naman ni Vicky, bff ni Autumn at bassist sa banda na kasama ang mga kababata.
“Maghanap ka na kasi ng babaklain mo, bff, at ng magka-love life naman tayong dalawa!”
“Grabe ka naman! Nakakasakit ka na ng damdamin, bff! Itinataboy mo na ako at hindi lang yun tinulak at inapak-apakan mo pa ako! I hate you!” sabi nito at akmang tatakbo paalis ng mahawakan ito ni Art sa palapulsuhan.
“Don’t make a scene here, Vicky, and stop acting like you’re a child. We are far beyond that age now,” strikta pa ring turan nito.
“Grabe ka naman makapag-far beyond diyan! Feeling ko napaka-ancient na natin pakinggan! And infairness, mas bata talaga kami ni bff sa iyo, Ate Art!” sabi naman ni Vicky at binelatan ito bago ito lumayo sa dalagang muntik na itong batukan.
“Hep…hep! No violence here please, sis!” sabi naman ni Aaron at ipinagtanggol ang bassist ng mga ito. “Huwag ka namang KJ at minsan na nga lang tayo magkita-kita ng ganito.”
“Anong minsan-minsan ka diyan, Aaron? Araw-araw tayong nagkikita,” seryosong sabi niya naman. He still can’t get Ms. Janihim out of his mind and that…lovely smile. Ininnom niya na ang natitirang scotch sa glass niya at um-order ulit sa employee ng Evergreen. “Anyways, if you are asking kung kamusta ako then I will tell you na hindi maganda ang araw ko.”
“At bakit naman?” curious na tanong ni Isaac.
“Well, firstly, hindi pa dumadating ang hinihintay naming VVIP na Hotel Critique. I even ask your dad, Maurice, to double check. Second, muntikan ng makapagpa-ospital ang bago naming waiter kanina dahil sa mali ang order na ibinigay nito sa chef namin. Lastly, that very guest na muntikan ng ma-ospital seems to be trouble for the hotel. I can sense it,” mahabang litany niya at kinuha ang bagong order niyang scotch.
“Yeah, I heard that earlier. I’m sorry kung hindi maganda ang naging araw mo ngayon, Kiel,” malumanay na turan naman ni Maurice sa kanya.
“It’s fine, wala ka namang kasalanan na naging pangit lang ang araw ko. I just made sure na magiging okay ang lahat sa babaeng iyon. I told my managers to make that guest extra happy,” sabi nito and smiled quickly.
“Is she pretty?” nakangising turan naman ni Isaac. Hindi niya alam kung parang open book ba siya or talagang magaling lang magbasa ito ng iniisip dahil mukhang napansin nitong nasa isip niya nga ang guest na iyon.
“Oh! Nasa hot seat ngayon si Kuya Kiel?” nakangising turan ng late comer na si Ericka. “Ano maganda nga ba? At sino nga ba ang pinag-uusapan natin?” tanong nito ng makaupo.
“Shut up, Ericka, you are late as usual. Ang mga late comers dapat di muna nakikisabat hanggat di pa alam ang pinag-uusapan,” asar na turan naman ni Noel dito na inignore lang pinsan ng pinsan niya.
“No comment,” maikling sagot niya. Ayaw niya ng napag-iinitan siya lalo na ng mga kababata.
“Okay, let me rephrase my question, Kiel. One to ten, pinakamataas ang ten, how is she in terms of beauty?” nakangising turan pa rin ni Isaac. Mukhang di siya nito tatantanan hanggat di siya nasagot.
“Ten, happy now?” sabi niya at tinungga ulit ang natitirang inumin. “Now, go out there and play a damn song. Pagtritripan niyo lang naman ako, so instead of doing that, just play,” asar na turan na niya. Everyone was silent pero alam niya na deep in their crazy mind ay hindi pa natatapos mag-imagine.
“Cool lang, bro! Ang hot mo naman eh,” natatawang turan ni Aaron at inakbayan siya. “Kung ten, edi ten! Mas masaya, pwede ba kaming pumunta ng hotel kung saan siya natuloy?”
“No,” malamig na turan niya dito.
“Now, super cold ka naman! Hanep ang epekto nung guest mong iyon ah!” nakangising turan pa ni Aaron sa kanya.
“Shut it, guys,” putol ni Sky sa magiging malawakang pang-aasar sa kanya. “Let Kiel go at alam niyo namang nasa bad mood na. Sige na at kumanta na kayo,” sabi nito but all of his friend na nasa banda hesitated to stand up kasi nga gusto pang mang-asar.
“Thanks, Sky, you really saved Aaron there,” nakangising turan niya.
“So…it seems you are interested in her,” hindi niya alam na tutuksuhin din pala siya nito. Tinapunan niya ito ng mani na walang kahirap-hirap nitong nailagan.
“I’m not. I’m actually cautious of her. I told you that I don’t like her because she smells like trouble kahit pa maganda siya. She even winked at me at pinagbantaan pa ako na huwag ko daw siyang ngingitian kundi magsisisi daw ako. If I know na ganon ang magiging reaksiyon nun hindi ko n asana nginitiaan pa,” mahabang litany naman niya.
“Wooo! Nagbibinata na ulit si Kiel!” hindi niya alam na naandoon pa pala sa likuran niya ang mga kababata at nagulat na lang siya ng maghiyawan ang mga ito. Napatampal siya sa noo and sighed. Mukhang hindi siya nito tatantanan magdamag. He should have known na nung magbigay siya ng detalye tungkol kay Ms. Janihim ay magiging ganito ang lahat.

AANN left the hotel as soon as makapag-ayos ng sarili kinabukasan. She doesn’t want to see any thing wrong with the lovely hotel dahil gusto naman niyang mag-stay ng matagal dito. All in all naman maganda ang JAC Hotel, it’s just that masyado siyang mapanuri and she’s supposed to not do it too dahil nasa bakasyon siya. She doesn’t want to ruin her vacation kaya naman nag-decide siyang sumalis at mamili sa Makati.
Actually, she loves outdoor kaya naman natripan niyang mamili at magliwaliw sa labas than to stay on her room surrounded by walls. She felt like she’s contained. Kahit na nga ba allergy siya sa dust at alikabok, she doesn’t care as long as she can fell free. Hindi na nga niya namalayan ang oras dahil sa sobrang nag-enjoy siya sa paglilibot at pamimili. She even bought groceries for tomorrow dahil natripan niyang pumunta sa QC, sa old house na pagmamay-ari nila, at doon magluto ng tanghalian. She just wanted to reminisce her past on that house.
She arrived at the hotel at ready na i-check ang dress na ipina-laundry at iron niya kaninang umaga. She wants to use the dress kapag bibisita na siya sa dating tinitirhan. I-empake na rin niya ang mga pasalubong niya sa caretaker nila.
“Ms. Janihim, good evening,” medyo kabadong turan ng receptionist na bumati sa kanya para ibigay ang susi na iniwan niya dito.
“Good evening too,” medyo pagod na pagbati niya. She was about to walk towards the elevator when a Manager called her.
“Ms. Janihim, may I speak to you for a second?” seryoso at medyo worried na turan nito. Nagtataka na siya kung bakit parang dinedelay ng mga ito ang pagpunta sa kwarto.
“Sure, just lead the way,” sabi niya at sumunod na dito ng maglakad ito. Pinapasok siya nito sa Manager’s office and even closed the door.
“Ms. Janihim, so far, how’s your stay here?”
“Well, so far it’s okay, not too good and not too bad,” sabi niya dito and shrug. Sa sagot niya ay parang mas kinabahan ito but that nervousness went away as soon as she saw it.
“You see, Ms. Janihim, there was an accident earlier in the Laundry room,” pag-uumpisa nito pero mukhang alam na niya ang nangyari.
“Let me guess, new staff again at hindi alam ang ginagawa or nakatulala lang?” umiinit na ang ulo niya but a smile was still plastered on her face at alam.
“Actually, I can’t tell you the excuse of our housemaid because it was too personal. I wanted to give our deepest apology because we ruined your clothes,” sabi nito and bowed down. She inhaled and exhaled.
“I won’t ask for any excuse of that housemaid pero pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?”
“Nasunog po ng plantsa ang damit niyo,” sabi nito and turned around to grab the dress na nasunod ng housemaid. It was her favourite pink summer dress na regalo pa ng daddy niya sa kanya. It was the same dress na isusuot niya sana dapat. “We would like to offer a compensation by shouldering the payment of buying a new dress just like this.”
“No need,” malaamig na tugon niya dito and smiled at the manager. “Just send someone to help me pack my things.”
“Pack your things?”

“Yes, I want to leave this hotel as soon as possible,” sabi niya and walked out of the room. Raging.

ITUTULOY...

No comments: