Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, September 24, 2013

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier of Mine (Chapter 4)

CHAPTER 4:


“Ms. Janihim, sandali lang po. Ano po ba ang pwede naming gawin para po ma-compensate ang mga damage na nagawa ng staff namin? Or anything to make you stay?” may pagmamakaawang tanong ng manager kay Aann.
“Nothing, actually, cancel the person who’s going to help me pack. Ayaw kong pati ang bagahe ko ay masira dahil sa incompetent niyong staff,” sabi niya and press the elevator button. She wanted to get away from this hotel this instance. Ayaw na niyang mag-stay pa sa disaster prone, undecorated hotel na ito.
Sumakay na sila sa elevator and it’s a good thing dahil nakakakuha na nila ang attention ng iba pang guest sa lobby ng hotel. Napalakasan niya kasi ang mga salitang lumabas sa mga labi niya. She sighed and looked at the manager next to her.
“Please, Ms. Janihim,” sabi pa nito sa kanya.
“Please don’t. Yung pasensya ko paubos na ng paubos. Do you think I like being angry? This is the first time na nagalit ako ng ganito,” sabi niya dito and took a deep breath this time.
“Kung hindi po naming kayo mapipigilang umalis then is it okay for you to stay overnight? Alam naman po naming na lumabas kayo maghapon at pagod po kayo. Then, we will help you to look for another hotel accommodation,” sabi pa nito.
“Okay, I’ll stay for tonight,” sabi niya at napangiti naman ito kaagad. “But, you don’t have to help me look for another hotel. My secretary can do that,” dugtong niya sa sinabi niya. Another worried look was plastered on the female manager.
“Okay, Ms. Janihim, at sorry po talaga kung napapangit po naming ang stay niyo dito,” sabi nito then bumukas na ang elevator for her floor. Lumabas ito and even opened her door for her.
“Rest well, Ms. Janihim,” sabi nito bago isinara ang pinto for her.
She took out her phone and started dialling Sam’s number ng ito na mismo ang tumawag sa kanya.
“Sam, get me another room somewhere far from this hotel! Now!” naasar na turan niya dito.
“Hala! Ano ang nangyari sa iyo? And I thought magiging masaya ang araw mo because you planned on shopping and walking around Makati,” sabi nito sa kanya and a worried voice can be heard from her friend.
“This hotel has the most unprofessional staff I’ve ever met! Una, muntikan na akong mapa-ospital kung hindi ko lang napansin na ordinary pasta ang nai-serve sa akin and the next thing ay nasunog nila ang favourite dress ko na bigay sa akin ni Daddy,” napaiyak na niyang turan dito. She super duper loved that dress at nagagalit pa nga siya sa sarili niya kapag natatapunan niya ito ng kung anu-ano kapag suot ito.
“Oh no! Sige at hahanap na ako ng bagong hotel but please don’t do anything harsh specially at galit na galit ka ngayon,” sabi nito trying to calm her down.
“Harsh? Hindi ba dapat ay isinusulat ito for Louise Margaret! I am a guest right now and seriously, nakakatakot mag-stay dito if ganyan ang mga tao sa paligid mo. Dapat sa hotel na ito ipinapasara! I am defi—,” napahinto siya ng may kumatok sa pintuan niya. “Wait there, Sam,” utos nito sa kausap.
She went and walked towards her door at nagulat siya dahil may waiter na may hawak na champagne bottle in a ice bucket.
“I didn’t order any champagne,” nakakunot noong turan niya. it’s another negative point kung nagkamali ito ng kwartong pinagpuntahan.
“Ms. Janihim, alam po namin na hindi po macocompensate ng champagne ang mga nangyari sa inyo habang naandito po kayo sa Hotel na ito at dahil po doon ay napagpasyahan po ng Manager naming na ibigay po sa inyo ito as a token saying we are deeply sorry,” sabi nito sa kanya. She arched her very fine eyebrow pero ibinukas ng malaki ang pinto.
“Come in. Ilagay mo na lang iyan sa lamesa,” sabi niya and went back to talking to Sam. “As I was saying, Sam, I will definitely write something bad about this hotel. I just want to warn my fellow guest about this hotel. I might write it to Louise Margaret!” asar na turan niya pa rin.
“Friend, kalma lang please? Nasa harapan na ako ng laptop ko and now looking for another hotel so kalma lang.”
“Good dahil this will be my last night in this Hotel.”
“Ms. Janihim, binuksan ko na po ang champagne niyo. Aalis na po ako, enjoy your champagne,” yun lang at lumabas na ito.
“Sino yun?” takang tanong ni Sam na narinig pala ang nagsasalitang lalaki.
“A waiter, binigyan ako ng management ng champagne for compensation but it doesn’t mean na hindi pa rin ako aalis,” sabi niya and took the champagne and poured it in her glass.
“Fancy. Anong champagne?” tanong nito. Sam is a fan of any champagne at ito ang mas mahilig uminom nun kaysa sa kanya.
“Krug Vintage Champagne Clos D'Ambonnay 1998. A very expensive champagne, pwede bang ipamigay ito ng libre? It cost more than thousand of pounds,” napataas ang kilay niya.
“Preserve it! Dalhin mo sa ibang hotel mo! Doon ako susunod and I’ll drink that for you! I want it!”
“You sounded like an alchi! But I would never take this with me. Ayaw kong may makakapagpaalala sa akin sa stay ko dito sa hotel,” sabi niya and sipped the champagne. Napangisi siya sa naiisip. She wanted to tease Sam. “This champagne taste heavenly, Sam.”
“I get it! Ibababa ko na ang phone and look for another hotel, I’ll send it to your email, Aann, and stop torturing me! Bye!” sabi nito at binabaan na siya. She laughed, kahit papaano ay na-lift ang mood niya dahil sa pang-aasar niya kay Sam.
She took the champagne with her sa walk in dresser niya and started to pack. No one can change her mind sa pag-alis dito sa hotel…she just want a stressless vacation.

IT’s the usual time para magkita-kita sila Kiel at ang mga kabarkada nito sa Evergreen Café and Music lounge. Everyday kasing natugtog ang mga kaibigan at kababata niya doon at kasama rin ang pinsan niyang si Aaron, who is the lead vocalist and keyboardist ng bandang Alpha Stellar.
He was just watching to the craziness of his childhood friends na nagbabangayan, nag-aaway at nagkukulitan at the moment.
“Hindi ko nalang naririnig si Aaron. Nasaan na ang baliw na doctor at ang baliw na bestfriend nito?” sabi ni Art sa half brother nito dahil nag-aasaran na naman. He was so used to it dahil ito ang mga kasama niyang lumaki.
“BFF! Yung totoo... Adik ka ba?”
“Sa iyo? Oo naman. Sarap kayang magkaroon ng season mo habang nasa Pinas tayo, alam mo namang walang Autumn dito eh that's why I keep on FALL-ing for you,” banat naman ni Vicky sa bff nito. Siguro kung lalaki lang ang magandang dalaga ay marami ng ma-inlove dito sa mga ganitong banat nito.
“Speaking...” Napapa-rolleyes na sabi ni Art.
“Aarooooooon!” nagsitakbuhan ang mga ito ng makita ang kanina pa hinihintay. Nagkakaintindihan kasi ang mga ito dahil mukhang magkakapareho ng brainwaves.
“Nasaan na si Maurice?” tanong ni Art at pinabayaan na lang ang mga baliw na kaibigan.
“Oo nga pala. Mukhang naipit na naman iyon sa banyo. You better fetch her,” sabi naman niya when he remember na kanina pa sinabi ni Isaac na nasa banyo ito.
“Sinabi ko na kasing turuan ng self-defense e. I told Daddy Sean about this pero trip talagang ito ang mag-alaga,” naaasar na turan ni Art at umalis na para sunduin si Maurice. Si Art kasi ang pinaka-matanda sa mga kababaihan sa grupo kaya mas strikto ito sa lahat.
He was having fun just watching everyone ng tumunog ang cellphone niya. It was the number of the hotel. Never na bigyan siya ng good news ng mga ito kapag natawag ito sa leisure time niya. He sighed and prepared to get a bad news.
“Hello?”
“Mr. Cristobal, si Miss Janihim po nag-complain na naman,” boses iyon ng isa sa mga manager niya na on duty sa gabi.
“Siya na naman? Si Miss Complaint?”
“Yes, sir, pero kasi I think this is something worst.”
“Don’t worry. I’ll deal with her tomorrow,” Worst? I knew it! Sabi ko na nga ba siya ang trouble sa hotel eh.
“Paano yun, sir? Narinig ng waiter na nagdala ng champagne for the compensation sa nangyari sa kanya na she will write to Louise Margaret para malaman kung gaano daw po kapangit mag-stay sa JAC Hotels. We tried our best, Sir, pero she wanted to check out first thing in the morning.”
“What?! That woman! Don't let her check-out hanggat wala pa ako sa hotel tomorrow morning,” naasar na turan niya sa empleyado niya.
"Yes, sir," sabi nito bago niya mababa ang telepono.
“Arrgh! I knew it! She really is trouble!” naasar na turan niya at naihilamos ang kamay sa mukha in frustration. “Darn it!”
“Easy, Kiel,” kalmadong turan ni Noel sa kanya at umupo sa tabi niya. Ito ang isa sa mga taong makakaintindi sa kanya when it comes to business that is why alam niyang maasahan niya ito. “Problema ba sa hotel?”
“Yes! Naalala niyo ba yung kinukwento ko kahapon?” tanong niya. He knew na nakuha na niya ang atensyon ng mga kaibigan. “One of the waiters in the hotel heard her say na magsusulat siya kay Louise Margaret about how worst our hotel was.”
“Oh no! Mukhang malaki ang naging pinsala sa kanya for her to tell that. Ano bang nangyari?” tanong naman ni Art
“Hindi ko alam ang buong detalye but the Manager told me na mag-check out na ito first thing in the morning,” sabi niya at nanghihinang sumandal sa upuan. “She can’t leave the hotel while I am not there, kailangan ko siyang makausap and know the truth. Kung kinakailangan na ako mismo ang mag-serve sa kanya para lang di na ito mag-complaint, then I will do it!” desperate na siya. Never nagkaroon ng ganoong complain sa hotel nila at hind pwedeng mangyari iyon when his father’s planning to retire.
“Do what you think is best for the Hotel, Kiel, at kung kailangan mo ng tulong ay andito kami,” sabi naman ni Isaac sa kanya. Everyone nooded at doon naman siya napangiti. Somehow, he felt alright pero bukas pa kasi niya makakausap si Ms. Janihim.
“Yeah, I agree with your plan, Kiel. You have to handle that problem personally lalo na at si Louise Margaret ang pinag-uusapan,” sabi pa ni Noel.
“I definitely will pero for now may gathering tayo. I’ll handle her tomorrow.”
“Oh! Speaking of gathering…Aaron! Kayo na ang next na tutugtog,” sabi ni Noel sa pinsan. “Lahat naman kayo andito na, right?” nakangiting turan na nito.
“Ready na kami pero wala pa rin si Ericka,” pagsagot ni Isaac dahil busy pa si Aaron sa pakikipagkulitan sa mga kabanda. Kinuha na nito ang drumstick and stood up. Kung si Aaron ay nasa Keyboard, si Isaac naman ay nasa drums while Grant, L.A. and Vicky ang may hawak ng Lead, Rhythm and Bass guitars.
"Hayaan niyo siya lagi naman siyang la—," naputol ang sinabi ni Noel ng mabatukan ito ni Ericka.
"Hayaan? Papupuntahin mo na kaagad sila sa stage ng wala pa ako dito?" nakaasik na turan ni Ericka kay Noel.
"Hindi ikaw ang pini-please ng mga kababata at mga pinsan mo kundi ang mga guest ko," sabi naman ni Noel na walang emosyong makikita sa mga mukha nito.
"Okay! Stop na!" mabilis na putol ni Aaron sa magsisimulang away ng aso'tpusang sila Noel at Ericka. Noel sighed and signalled the band that was performing na iyon na ang last song nito at tumungo naman ang leader ng banda.
Cadmus band is one of the band na nagpeperform din lagi sa Evegreen at close din naman silang lahat sa bandang iyon but not as close as they are.
Natapos na ang banda sa pagkanta at umalis na ng stage. Yun ang naging signal ni Noel para pumunta at tumayo mismo sa harapan ng stage.
“Bakit ba lagi kayong nag-aaway ni Noel? As far as I remember, cr—.”
“Hep hep hep! Don’t say bad words, Kuya Kiel at baka marinig ka pa nung Noel na iyon at lumaki ang ulo,” sabi nito at tinitigan lang si Noel na nagsasalita na sa stage. Ericka sighed and smiled coyly.
“Let’s give another round of applause to Cadmus Band. Nag-eenjoy pa ba kayo, guys?” tanong ni Noel at naghiyawan na ang mga tao. Ang iba ay nag-cheer na para sa next band. “Well, I won’t make you all wait! Let me call the next band: Alpha Stellar!” sabi pa nito at lalong lumakas ang hiyawan. Una nang lumabas sa stage si Isaac at pumwesto na sa harapan ng drumset. Si LA at Vicky naman ay pumwesto na sa left side ng stage. Rhythm for LA while Bass for Vicky. Lumabas na rin si Grant na dala ang Lead Guitar at Aaron na pumwesto na sa Keyboards.
“Good Evening! Maraming salamat sa pagpunta niyo sa Evergreen at pagsubaybay sa amin at sa kapwa naming mga banda. Malaki rin ang pasasalamat ni Noel,” sabit ni Aaron at itinuro si Noel na ngayon ay katabi na niya. “Dahil pinapalago niyo daw lalo ang business niya!” tawanan ang narinig sa buong Evergreen.
“Siraulo talaga yang pinsan mo,” natatawang turan ni Noel sa kanya.
“I am not even sure kung paano kami naging mag-pinsan eh,” natatawang sagot naman niya dito.
“Now for our first song will be a rendition of For the first time of the Scripts.,” masayang announcement pa ni Aaron sa mga tao. Tumingin it okay Isaac to give signal at tumungo naman ito. Itinaas ni Isaac ang drumstick nito at malakas na pinag-umpog ng tatlong beses before they start playing.
Nagisimula na ang pagtugtog ng mga kaibigan but he, on the other hand, can’t even focus on the song. Ngumingiti siya but deep inside him ay troubled talaga siya. He bet it won’t be easy to settle this matter.


ITUTULOY...

No comments: