Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, May 15, 2013

KALMIA Series 1 - Kiel's Story: Hotelier Of Mine (Chapter 1)


TEASER:

Hotels worst enemy. Yan ang tawag sa propesyon ni Louise Margaret Aravello sa mundo ng hospitality business. She’s a well-known critique in the whole world kaya naman ng mabalitaan ni Kiel Andrew Cristobal ang pagdating ni Louise sa Pilipinas ay sinigurado nito na mapupuntahan ng dalaga ang hotel nila and have a positive feedback from her.

Everything was set and everything’s perfectly planned hanggang sa may mag-check in na dalaga sa main hotel nila. Mar-Aann Janihim, the worst guest you could ask for dahil masyado itong nag-co-complain sa kahit maliit na bagay. Kiel thought magiging ayos na ulit ang lahat ng mag-check out ang dalaga just to find out na nag-iwan ito ng malaking complaint and even told the Manager of the hotel na mag-post ito ng complaint sa internet.

Kiel’s entire plan is in danger because of that annoying lady na mag-check in na daw sa kalabang hotel nila! Hindi maaaring magkaroon sila ng negative feedback sa kahit na sino and he will do anything para maging maayos ang lahat!


CHAPTER 1:

“I have an important announcement to make that is why I called every staff that’s on today,” panimula ng binata na nakatayo sa stage ng isa sa mga conference room sa JAC Main Hotel. The man in front is one of the reason kung bakit napakaraming single female staff ang nagpupursigi sa pagtratrabaho dito. They all wanted to get his attention na napakahirap makuha dahil napaka-aloof nito and very intimidating. The man’s name is Kiel Andrew Cristobal and every female in the room can’t take their eyes off of him. Bakit naman hindi? The man was so masculine. All of them, except male staff, were drawn to the swell bulging muscles beneath his stuffed business suit that is well tailored on his attractive body.

While, Kiel roamed his eyes in the room, every female stupidly gazed upon his kissable sensuous lips and chiselled jaw. Ang iba ay gusto nang humugot ng panyo at punasan ang non-imaginary at imaginary na laway nila sa labi. The man itself was spelled H.O.T. That well defined nose and his eyes that when he stared at you even for a second ay manlalambot na ang mga tuhod niyo. Ganoon siya ka-gwapo.

“My sources say that Ms. Louise Margaret Arevallo will be arriving in the Philippines in a week. You do know kung sino siya right?” tanong nito sa kanila and the female specie unknowingly nodded kahit hindi naka-concentrate ang mga ito sa katanungan ni Kiel. “Good. She’s the world known Hotel critique. She’s that known na kapag nabasa ng mga tao around the world ang comment nito about sa hotel na pinag-stay-an niya ay mas nakikilala and we needed her positive comment about our hotel and you all know what to do, right?”

“Yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.

“I want all of you to take care of the guest as if they are family. Let them feel that they are in their own home and let them relax in our hotel. Remember, customers are always right and try not to argue with them kapag mainit ang ulo but make sure na hindi rin kayo basta-basta magpapabastos or magpapaapi sa kanila. That is why we hired managers para sila ang mag-handle ng mga customers na mahirap i-please,” matatag na turan nito sa lahat. “Is everything cleared?”

“Yes, Sir!” sagot ulit ng mga ito.

“Then, meeting adjourned,” yun lang at bumaba na si Kiel sa stage at dire-diretso itong lumabas ng conference room.

“Impressive, son,” nakangiting turan ni James sa anak. Nanonood kasi ito kung paano nito i-handle ang importanteng announcement sa mga staff sa main hotel. “…but I do hope na naintindihan nga ng mga tauhan natin ang mga sinabi mo,” natatawa pang dagdag nito.

“What do you mean, dad?” nakakunot noong tanong nito sa kanya.

“Well, I watched how all the female staff wanted to order rice at ikaw ang gawing ulam. I think we should hire a spokesperson,” joke na sabi niya dito.

Napatawa ito. He knew his son was aware of those stare but looks like he didn’t care. “Don’t worry, dad, kahit gawin pa nila akong dessert sa isip nila they needed to understand what I said dahil kung hindi, I will start hiring men in this hotel.”

“Hindi kaya maging host club ang hotel natin? Baka mga matrona ang mga pumunta dito,” nakangising turan pa nito sa anak. He knew his son will do fine in the business. “If mangyari yun baka mas matagalan pa ang pagreretiro ko.”

Napahinto ito at lumingon sa kanya. He smirked at his son and patted his shoulder. “No way! Magre-retire na kayo, dad?”

“Yes, kung makuha natin ang positive critique ni Ms. Arevallo.”

“And if not?” kabadong tanong nito na ikinangiti niya.

“If not, then we will survive. This company survived in every critique na nakuha nito and I watched you since day one, anak, I know you can manage.”

“So kahit hindi positibo ang sasabihin ni Ms. Arevallo ay magreretiro ka pa rin?”

“Yes, your mom keeps on nagging me. Mukhang gusto pang mag 25th honeymoon. I can’t even blame her because she fell from my charms,” natatawa niyang turan. Naramdaman niyang biglang may kumurot sa tagiliran niya.

“Ako pa talaga ang ginawa mong excuse kaya ka magreretiro, James. Don’t lie to our son at baka akalain niyang totoo ang mga sinasabi mo,” sabi ng esposa niyang hindi parin kumukupas ang kagandahan. “Hijo, your dad wanted to retire hindi dahil sa gusto pa rin naming magkaroon ng time magliwaliw, actually that’s the bonus of his retirement, pero ang tunay na dahilan is different.”

“What is it then?” hinalikan nito ang ina sa pisngi at yumakap dito. “You’re still beautiful as always mom. I knew dad’s lying na ikaw ang nahulog sa charms niya, I bet it’s the other way around,” panunukso nito sa kanya na ikinatawa niya lang.

“I know that your too clever to be fooled by your dad,” nakangising turan ng esposa sa anak. “Anyways, he wanted to retire dahil he knows you can handle the business.” Tumungo naman siya sa sinabi ng esposa ng mapatingin sa kanya ang anak.

“I have faith in you na mas mapapalaki mo pa ang business natin. You are, after all, my son.”

“Thanks for believing in me, dad!” sabi nito and gave him a hug.

“Everything for you, son…everything,” sabi niya dito.



“MS. AREVALLO, I booked a suite for your vacation in JAC Hotel under your real name,” sabi ni Samantha, Mar-Aann’s secretary. Louise Margaret Arevallo wasn’t really her real name because of business purposes. She knew well na maraming haters and bashers ang makukuha niya noong nagsisimula pa lang siya sa pagiging hotel critique kaya naman nagiba siya ng pangalan in public’s eyes. Hindi lang basta-basta ordinary haters and bashers ang makukuha niya dahil mga may-ari ng hotel ang nakakalaban niya and it’s really a very dangerous job. Mabibilang lamang sa kamay niya ang nakakaalam ng tunay niyang pangalan at never pang nailalathala sa pahayagan or magazine ang mga litrato niya dahil hindi siya mismo ang nag-send ng mga reports niya sa mga ito kundi ang company spokesperson nila na walang iba kundi si Samantha din.

“Thank you, Sam,” nakangiting sabi niya dito ng tapunan niya ito ng tingin. She’s in the middle of doing another report about the hotel na pinag-stay-an niya as of the moment. Knights Inn hotel was the best hotel she visited in Atlantic City and she really enjoyed her stay in here kaya naman masaya niyang sinusulat ang kanyang report. “Are you sure na hindi ka sasama sa pag-uwi sa lugar kung saan tayo ipinanganak?”

“Oo eh kasi si Scott hindi daw available that time. Miss na miss ko pa naman na ang Pilipinas at gusto kong kasama ko rin si Scott kapag umuwi na ako. I want him to see the place kung saan ako lumaki,” malungkot na sabi nito. Samantha is like her sister. May kapatid naman siya, it’s just that it’s an older brother kaya naman she wanted a sister at nagpapasalamat siya dahil nakilala niya at naging kaibigan si Samantha.

“Well, mabuti na rin pala na hindi kayo sasama sa akin. Kung hindi ay magmumukha akong pathetic dahil ako lang pala ang walang partner. Sumunod na lang kayo once na magkaroon na ng time yang, fiancé mo.”

Yes, she’s indeed single pero alam niya sa sarili niya na may taglay siyang kagandahANN. She’s taller than the average Pinays out there at hindi ikakaila ang sexy body niya na hinulma ng panahon at volleyball. She used to be a volleyball player kaya naman maganda talaga ang hubog ng katawan niya. She got a strong black long hair na umaabot hanggang balakang niya and a side bang na bumagay sa round-shape face niya. She got the most expressive beautiful eyes at hindi naman papatalo ang ilong niya sa ibang lahi dahil matangos-tangos ang ilong niya kumpara sa ibang pilipina. She also got kissable lips na pinapantasya ng mga kalalakihan na mahalikan plus the fact na may dimples siya sa magkabilang pisngi whenever she smiles. Hindi rin pahuhuli ang kilay niyang maganda ang pagkaka-ahit dahil na-master na niya ang pag-aahit ng kilay and her beauty mark sa right side ng eyebrows niya.

Kaya lang naman siya single ay masyado siyang natuwa sa trabaho niya kaya naman wala siyang panahon sa pagrerelasyon at yun ang problema niya. Her parents keep on asking her to date the people na pinapapunta pa ng mga ito sa lugar kung saan siya nakadestinasyon. Sad to say, she rejected them all that time. After all, she was still young that time kaya lang nung magkaroon ng fiancée si Samantha, thanks to her parents na rin, ay nagpasya siyang magbakasyon na muna. Nakikita niya kasi kung gaano kasaya si Samantha kay Scott at naiinggit siya. She somehow, wanted to feel that kind of feeling again. Matagal-tagal na kasi siyang hindi nagkakaboyfriend and the last one was still in college and that’s seven years ago. She’s turning twenty five this year at iyon ang sinabi niyang age sa mga magulang na mag-uumpisa ulit siyang makipag-date. Now, she can’t disappoint her parents again matapos niyang tanggihan ang lahat ng mga ipinakikilala ng mga ito kaya naman uuwi siya ng Pinas, to relax bago niya harapin ang mga lalaking irereto ng pamilya niya.

“Earth calling, Mar-Aann!” natatawang kalabit pa nito sa kanya. Hindi niya namalayan na nakatulala na pala siya at pinagpapantasyahan niya ang sarili.
“Oh sorry, na inlove kasi ako sa pagdedescribe ko sa sarili ko sa pamamagitan ng utak ko eh. Iniisip ko lang kung paano ako magkakaroon ng love life na katulad ng sa iyo,” nakangising turan niya.

“Sows! Ikaw? Naku, diba ultimate playgirl ka nga? Kulang na nga lang ay magpatayo ka ng playgirl mansion eh!”

“Grabe ka naman! Di naman ako play girl!”

“Anong hindi? Bago mo po tanggihan ang mga inirereto sa iyo ng mga magulang mo ay pina-inlove mo muna ang mga kawawang lalaki bago mo paalisin! So harsh, yah know? At ang iba pa sobrang gwapo at mga model pa! Ay naku! Kung ako ikaw, matagal na akong naging sugar mommy!”

“Yuck! Pangarap mo maging sugar mommy? At itong kagandahANN ko pang sugar mommy lang? huwag na lang no! Sayang ang lahi ko at kailangan ko pang magparami at maghasik ng kagandahANN sa mundo kasi dumadami na ang mga alagad ng not-so-kagandahan!” maarte at parang baklang turan niya dito na ikinatawa pa lalo ni Samantha.

“Magseryoso ka na kasi, Aann, para magkaroon ka ng magandang love life.”

“Paano ako magseseryoso kung di pa naman ako nai-inlove?”

“Mai-inlove ka rin and when that time comes, I am so sure na hindi ko na makikilala yang playgirl na si Mar-Aann at baka ikaw pa ang humabol sa kanya!”

“Hey! Don’t curse me! Baka mamaya nga niyan maging desperate ang beauty ko! Hindi bagay!”

“Arte mo!”

“Oi, we are still in the middle of the work, Ms. Kalinawan…so I am still your boss,” kunwa-kunwariang galit siya dito.

“Yes, Ma’am!” sabi naman nito at doon lang ulit siya natawa at binelatan pa ang dalaga. Ahhh! She can’t wait for her long vacation.




ITUTULOY...

2 comments:

Anonymous said...

ai bitin. .asan na po ung chapter 2?:)

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Ipost ko na po sooooooooon!