Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, February 14, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 10 [Finale]

Copyright © 2010. All Rights Reserved.



It was indeed the most hellish month of her life. Isang buwan na niyang hindi pinapansin ang mga text at calls ni Irvin. Laging may padala itong mga bulaklak sa bahay at opisina. May mga cards din itong pinapadala pero hindi pa niya iyon binubuksan. Sure siyang mga panloloko na naman at pambibilog nang ulo ang nakasulat doon. It’s enough na super haba na nang panahon na ginago siya nang lalake. Hindi na dapat siyang magpapaloko dito. 

Naging busy na rin siya dahil si Mam Chloe at Ezekiel ay napagpasyahang gawin na siyang Vice President. Mas lumaki na kasi ang HC at kailangan na nang matataas na posisyon. Presidente lang kasi ang meron sila noon. Si Mrs. Chloe Aquino iyon. Nagulat siya pero para sa kanya ay mabuti na rin iyon. Baka mas maging busy siya at mawala sa isip niya si Irvin. 

Papauwi na siya sa araw na iyon at may usapan pa sila nang Bossing niyang si Ezekiel. Finally ay makakabili na siya nang sasakyan niya at hindi na siya magtataxi. Napabuntong hininga siya. Napakasimple nang buhay niya at ni Irvin noon nang hindi pa niya nalalamang isa itong Imperial. 

Bakit? Ano ba ang pagkakaiba kung Imperial si Irvin o hindi? Sinabi na nga nito na mahal na mahal ka niya at walang halong kasinungalingan e. Patawarin mo na. Miserable tuloy ang beauty mo! Nakak-wrinkles ang super depression! Sabi nang kanyang konsensiya. 

Napaluha tuloy siya. Mahal na mahal niya talaga ang lalake at alam niya sa sarili niya na hindi na siya masaya katulad nang dati. Napaluha tuloy siya habang nasa may elevator. Tuwing naaalala niya si Irvin ay naaalala niya ang mga oras na kailangan niya ito at yung bigla-bigla na lang itong susulpot kahit na hindi niya ito tinatawagan. Yung mga funny moments nila at mga pag-bonding nila. Hai miss na miss na talaga si Irvin. 

Bumukas ang elevator sa first floor at palakad na siya papalabas nang building nang may tumayo sa harapan niya. Hindi naman niya iyon napansin kasi nangangalikot siya sa bag niya para kumuha nang panyo pangpunas nang mga luha niya kaya nabungo niya ito at alam niyang babagsak siya sa floor dahil matigas ang katawan ang nabunggo niya. 

Napapikit siya at naghintay na maglanding sa matigas na sahig nang building pero kahit anong hintay niya ay waley atang sahig na hahalik sa pang-upo niya. Imbes ay isang matipunong dibdib at matigas na braso ang dumikit sa kanyang katawan at likuran. Naamoy niya ang super duper bangong cologne nang nakabungo niya. Napamulat siya at na-speechless. Hindi niya alam kung nasilaw siya sa liwanag nang ilaw or talagang super glistening lang nang lalakeng nakasalo sa kanya. Si Irvin. 

“W-what are you doing here?” Nagtatakang tanong niya dito nang itayo siya nito nang ayos pero nakayakap parin ang pinansalo nitong braso sa beywang niya. 

“I needed to see you...” sabi nito at inilapit ang libreng kamay nito sa pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. Ang sweet parin talaga nito sa kanya. 

“Well, I don’t want to see you pero salamat sa pagbungo at pagsalo sa akin. Bye.” Sabi niya at hinawakan ang kamay at inialis sa beywang niya. 

“Have you read all my cards and messages?” Sabi nito sa kanya. Medyo nagulat pa nga siya dahil hindi niya ineexpect na susundan siya nang lalake. 

“Do I need to? As far as I know, hindi mo pwedeng diktahan ang buhay ko at lalong lalo na hindi kita kaano ano. I will read if I wanted to read it.” Sabi niya dito at naghintay na nang taxi para sa pag-uwi niya. Narinig niyang bumuntong hininga ito. 

“Alam ko na nagsinungaling ako sa iyo. Pero pangalan ko lang naman ang hindi ko sinabi sa iyo e. Lahat nang ipinakita kong ugali at mga emosyon... Yun ako. I am still Irvin that you used to know.” Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman nang lalake. Mas double siguro ang sakit na nararamdaman nito dahil na-guilty ito at nasasaktan na katulad nang nararamdaman niya. 

Napangiti siya. Yung nang uuyam. “The Irvin I used to know? Yung mahirap na Irvin na adopted nang mga Imperial at bestfriend nung nag-iisang anak ni Mr. Romano Imperial? As far as I know that Irvin doesn’t exist. It’s all just a lie. What? To make me fall for you? Kasi sobrang close ko kila Kuya Ezekiel at Ate Chloe? Tapos kapag nakuha mo na ako ano? Iiwan mo na ako once na mapatunayan mo kay Ezekiel na kaya mo ring makuha ang mga malalapit sa kanya at malamangan siya?” Hindi niya alam na tumutulo na naman pala ang luha niya. 

“So you really didn’t read all my messages and cards. All I asked you is to listen to my sincere apologies. Kahit man lang mapatawad mo ako ay okay na sa akin. Kahit na ba ang hanggad ko lang ay ang pagtitiwala at pag-ibig mo. I guess you hate me too much that you don’t even want to see or hear my voice. I am sorry for taking your time, Krissy.” 

Hindi na siya sumagot at pumara na nang taxi. Huminto naman ito kaagad sa tapat niya at sumakay na siya. Hindi na naman ito sumunod sa kanya. Instead ay pinanood na lang siya nitong makaupo nang maayos. He smiled to her. It’s a broken smile that she really hate to see in Irvin’s face. Napapikit tuloy siya para hindi niya makita ang mga ngiting humihiwa rin sa puso niya. 

“I love you...” Yun ang huling narinig niya bago makaalis ang taxi na sinasakyan. Hindi niya napigilan ang lumingon sa lalake. Nakita niyang nakatingin ito sa papalayo nang sasakyan niya. 

Ang tanga tanga mo talaga. Masokista karin minsan no? Mahal mo na papakawalan mo pa. Ayan. Saktan mo pa sarili mo. Sinasaktan mo nga lang siya nang super super. 

Nakarating naman siya sa bahay nilang safe. Namumugto nga lang ang mata niya at super exhausted na rin niya. 

“Andito na po ako. Hindi na po ako kakain. Nay! Nasaan po yung mga ipinatago ko sa inyong cards?” Sabi naman niya sa nanay niya habang nagtatanggal siya nang sapatos. 

“Ai wait lang anak. Kukunin ko lang! Now na!” sabi naman nito sa kanya at lumakad na sa cabinet na nasa sala. Inilabas nito ang isang plastick bag nang National bookstore. Medyo makapal iyon. 

“Buti naman at naisipan mo na ring basahin yan. Anak kung ano man ang pinag-awayan niyo nang future husband mo ay itigil na ang ek-ek mo. Okay? I know you anak. Minsan ay super tigas nang ulo mo katulad nang ama mo. Payo lang anak ha? Pero kung saan ka sasaya ay doon ka. Wag mong pigilan ang sarili mong magkaroon nang kasiyahan.” Sabi nito at niyakap siya. Napangiti naman siya at yumakap na rin. 

“Salamat, Nay. Sige po. Magpapahinga na po ako.” Sabi niya at lumakad na pataas sa kwarto niya. Ini-lock niya iyon at humiga na sa kama. Pinakatitigan niya ang plastick nang National Bookstore nang ilang minuto. Kinakabahan siya pero she doesn’t want to make a wrong decision. Ayaw niyang i-regret ang mga desisyon once na nalaman na niyang siraulo siya dahil napakawalan niya ang lalakeng super mahal pala siya. Inilabas na niya ang mga card na naka-sobre pa. May mga number ito sa labas na ikinapagtaka niya. Kinuha niya ang card sa loob and it was a picture of a sanitary napkin. Binuklat niya iyon at nakita niya ang hand-written message ni Irvin. 

“Hi Krissy. I know your still angry at me and doesn’t wanna see me so I went and send you my first card. I will send you more cards for the following days. Hindi ito para guluhin ka or asarin ka. I just wanted you to know who I really am. You’re probably thinking why the heck it was a sanitary covered card. Well, you just read and enjoy my not so short message. 

It was a nightmare for me when I heard what my father told me about Imperial’s family tradition exclusive for mens. Sabi nang daddy ay nagsimula ang mga Lalakeng Imperial na magtrabaho sa pinakaibaba. Ang maging taxi driver ito hanggang sa ma-promote ito bilang isang Vice President nang Imperial Motors. Alam mo naman ako diba, Krissy? Makasarili ako. Puro na lang sarili ko ang iniisip ko.” 

“That’s true. You’re very selfish or more like an Egoist but you already changed.” 

“Pero sinabi nang daddy na final na ang salita niya at hindi daw ako makakatakas sa tradisyong nagturo sa kanya kung papaano makisalamuha sa tao. I was in a very bad mood pero pinigil ko iyon when I saw a lady waving at me. Guess who was it? It was you. You are my first passenger. Sa dinami-dami niyong naghahantay nang taxi ay ikaw ang kumuha nang buo kong atensiyon. Isinakay kita at tinanong kung saan ka patungo. Sabi mo sa Heart Connected. Pagmamay-ari nang asawa ng karibal namin sa negosyo, si Ezekiel Aquino. Nasabi ko sa sarili ko namalas yata ang unang araw ko dahil ang unang pasahero ko ay konektado sa mokong na si Ezekiel na iyon so I started to annoy you. And you did get annoyed. It was cute.” 

“Baliw. Cute ka diyan? Sobrang naasar kaya ako noon sa iyo. Sobra ka kasi makapanlait nang trabaho.” 

“Umuusok ang tenga at ilong mo noon na hindi ko man lang inisip na sobrang magagalit ka sa konting asar. You wanted me to stop the car at niyugyog mo pa ako while I was driving. Doon ko napagtantong seryoso ka palang bumaba. Nagpanic naman ako kasi una kitang pasahero so nung huminto tayo sa gilid ay inilock ko ang taxi to explain things to you. Naghisterya ka at sinabing mamamatay tao ako at holdaper. Sobra ang tawa ko doon at tinanong ko pa kung mukha ba akong mamamatay tao. First time kong makarinig nang compliment na alam kong totoo kasi nasa panic state ka. It was indeed music to my ears. Ako kasi ang laging nagsasabing gwapo ako at mas ako sa ibang lalake. You gave me your bag para lang to spare you life. Hinalungkat ko iyon and I found the sanitary napkin. Nakita ko kung paano nagblush ang maganda mong mukha.” 

Doon na natapos ang sinulat nang lalake. Nabitin siya. Super ang emosyong nararamdaman niya. Puro galak at saya lang dahil naalala niya kung paano sila nagkakilala ni Irvin. Nagmamadali niyang hinanap ang kasunod na card na nasa sobre parin. Excited siyang binuksan ang sobre at napangiti siya. The cover was a Tazmanian devil band aid. 

“Hiya! I am here again. Binasa mo na ba yung first card na ibinigay ko?My twin sister was looking at me in a very weird way dahil habang sinusulat ko ito ay natawa ako at naiyak. Ayan, naamin ko na naman sa iyong naiyak ako habang sinusulat ito. Dapat nga ipapagawa kong cover sa ate ko ay ang bibig kong may sugat pero wala na yung sugat ko e. 

Ibinato mo sa mukha ko yung wallet mo dahil desperado ka nang makalabas sa taxing minamaneho ko. Hindi mo naman akalaing tatama iyon sa gilid nang labi ko at nasugatan ako. I was indeed O.A at the time. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatawa tuwing naaalala ko. Kahit na iniisip mong masamang tao ako ay tinulungan mo pa rin ako. We are so different that time. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo ay uupakan ko pa yung loko-lokong driver nang taxi at aalis. But you were different. You helped me put a cover in my wounded lips. That was the first time that my heart was beating real fast. Hindi ko alam kung bakit pero I had this urge to kiss you pero ang ilap ilap mo. I even ask your name pero ayaw mong sabihin. Pababa ka na sana noon pero nakalimutan mong kunin ang wallet mo. It was indeed a good oppurtunity nang kunin mo iyon. Hinila kita palapit para makuha ko ang halik mo. My first passenger. My first true laughter with a total stranger. My first fast heartbeat at my first sampal. You all gave me my first times. Hindi mo lang alam kung ano ang epekto sa akin nang mga first ko to be with you.” 

Napahawak siya sa dibdib niya. Sobra na ang nararamdaman niyang pagmamahal na napapaloob sa card na ito. Lumuluha na siya while looking for the third card. The card was covered ‘Jolibee’. Binuksan ulit niya ito at binasa. 

“You neither texted me back or phone me. Please... I am begging. I love you so much that I am going insane just thinking of you. Krissy...” 

“I-I’m so sorry, Irvin. Hindi ko alam na....” Sumisinghot-singhot na siyang pinagpatuloy ang pagbabasa sa ikatlong card-cum-letter-cum-journal. 

“You gave me another of my first when I saw you the second time na nagkita tayo. You took me to a fastfood restaurant na popular sa pilipinas pero never ko pang pinuntahan kahit pa noong bata pa ako. It was indeed an extraordinary experience. Pero hindi naman iyon ang tutukuyin ko dito. Nung mga panahon na iyon ay asar parin ako kay Ezekiel noon kaya naman nung super daldal mo at sobrang taas nang tingin mo sa kanya ay binigyan kita nang ating second kiss. Natahimik ka nga e pero dumaldal ka rin ulit nang ihinto kita sa mga restaurant na lagi kong kinakainan. You even called me addict dahil nga ang akala mo sa akin ay mahirap lang ako so you told me the way patungo sa Jollibee. You ordered a spicy chicken at nung tinulungan na kitang magbuhat nang tray ay tinawag kitang Wifey pero parang nagalit ka pa sa akin. Pero alam mo ba nung tinawag kitang Wifey ay iba ang dulot na kasiyahan sa puso ko? Call me cheesy or hopelessly romantic or corny pero sa tingin ko I feel in love with you the first time na nakuha mo ang atensiyon ko.” 

“Hindi ko alam na super korny at super romantic ka pala. Nakaka-asar ka! Bakit ngayon ko lang kasi ito nabasa e? Irvin, my loves! I hope ay hindi pa ako huli kapag nakapag-plano na ako kung paano kita huhulihin.” 

Kinuha niya na ang pang-apat na sulat nito sa kanya. Ang cover naman nito ay hindi picture kundi maraming salita at iba-iba ang font na ‘Mr. Gwapo’. Natawa na naman siya. 

“Four days without hearing your voice is making me lost my mind. I miss you so much, Krissy. 

Ilang linggo rin tayong hindi nagkita noon. Sana kung attraction parin lang ang nararamdaman ko sa iyo ngayon ay baka tumagal pa ako nang kahit dalawang buwan na wala ka sa piling ko. E paano yan? Super mahal na kita e. Nakakabaliw na ang hindi ka makita or marinig man lang ang boses mo. It was pure coincidence or more like fate is playing with us that past two weeks. Hindi ko talaga sinasadyang makita ka everyday sa mga lakad mo. I swear! Kaya mo lang ako laging nahuhuli ay dahil nag-sstay ako para masilayan at matitigan pa kita. Hindi naman talaga ako nagtatago sa iyo noon e. Mas gusto ko nga na nakita mo ako and when you finally saw me ay nilapitan mo ako at niyaya na namang kumain. Hindi mo na naman ako pinabayad at nahihiya talaga ako sa iyo noon. Hindi namn kasi ako yung inililibre nang mga ka-date ko kundi sila ang inililibre ko. Niyaya mo rin akong MOA noon. It was the first time na narinig ko na sinabi mo sa akin ang Mr. Gwapo. My heart was filled with happiness that time. Na-compliment mo na naman kasi ako kahit na hindi ko na ipinagsisiksikan at ipinagsisigawan sa buong mundo ang kagwapuhan ko. Hindi ko na nga ineexpect na maririnig pa ang katagal ‘gwapo’ dahil hindi ko na nga kasi sinasabihan ang sarili ko noon. "

"Sa sobrang pagod mo ay nakatulog ka sa lap ko nang ilang oras. Nangalay nga ang binti ko noon nung sabihin mong mag-shopping tayo para sa hapunan nating dalawa. Parang usapang mag-asawa lang. Umuwi tayo sa bahay niyo at doon ko nakilala sila Mang Antonio at Aling Karolina. Nakuha mo na naman ang isa kong first time experience. Yung subuan mo ako nang pagkain. Si Mommy lang ang nagsubo sa akin nung bata pa ako at hindi na rin naman ako nagpapasubo. Matanda na ako pero ewan ko ba at kinain ko ang isinusubo mong pagkain sa akin. Oh, By the way, did I mention how good the food was? Pwedeng-pwede ka nang asawa ko.” 

Hindi nagtagal at binasa na niya ang iba pang mga sulat. May 3 pang kakaiba ang cover. Isa ay yung picture nang gulong, tapos empanada at yung huli ay yung flower shop. Nakakalokong cover pero heart-warming message ang nasa loob. Marami ring mga letters na iba at hindi na rin iyon numbered. She did open all of it and some of them are the same message like ‘I love you’, ‘I miss you so much, Krissy! I love you!’, ‘Please contact me. I am dying. I love you so much, Krissy.’ 

Major major ang pagka-guilty at pagkaasar niya sa sarili. She needed to get her man back! Hindi niya pwedeng hayaan na lang itong mawala sa buhay niya dahil lang sa kagagahan. Nag-isip siya kung paano niya gagawin ang iyon na katulad nang pag-effort nitong magbigay at magsulat nang super cheesy lines na nasa mga cards. 

Napangiti siya nang makaisip nang super gandang plano. She went to grab her phone and phoned people para makatulong sa kanya. She needed a uniform and a car! 



It was decided. Kinausap na niya ang daddy niya sa mga plano niya. He needed to go on a vacation para naman makalimutan na niya ang babaeng sobra niyang minahal at sobra din niyan nasaktan. He needed to go somewhere na mag-isa lang siya sa isang lugar kung saan hindi niya maaalala si Krissy. 

Nagmamaneho na siya patungo sa mabundok na lugar nang Benguet, Abra. Wala man siyang kilala doon ay atleast sure siya na mag-isa lang siya at malayo sa lugar na malapit kay Krissy. Dahil sobrang layo nang pupuntahan niya ay pina-check niya muna ang sasakyan niya sa mga mekaniko na nagtratrabaho sa Imperial Motors. Sabi ng mga ito na maayos naman ang sasakyan at kayang-kaya siya nitong dalhin sa lubak-lubak na daan patungong Abra. 

Nag-umpisa na siyang magbiyahe at his expecting na walang mangyayaring aberya sa kanya. All of the mechanic on the IM are well trained at lisensyado. Hindi pa man siya nakakalayo sa Maynila ay itinirik na siya nang sasakyan. Napabuntong hininga siya at lumabas. He needed to contact some men to fix his car. 

He dialled his phone at medyo matagal bago ito nasagot. “I am Irvin Imperial. Itinirik ako nang sasakyan ko sa may kahabaan nang Nueva Ecija. I needed someone to fix my car. ASAP.” 

“Yes boss! May isesend na po kaming pinakamalapit na mekaniko sa inyo.” Sabi naman nang babaeng nakasagot nang telepono. Umupo siya sa may sasakyan at naghintay nang sasakyang hihinto sa kanya. Nakita niyang may isang taxi ang nagpark sa di kalayuan sa kanyang kotse. Lumabas ang isang lalakeng naka-uniform nang IM uniform at may dalang tool box. Handang-handa ito kumbaga. 

“Someone checked my car bago ako umalis nang bahay. They told me that the car is totally fine at kayang kaya kong malagpasan ang lubak na dadaanan ko. I should get there names pagbalik ko sa trabaho.” Sabi niya sa mekanikong maliit na papalapit parin sa kanya. Huminto ang lalakeng naka-cap sa harapan niya at ibinaba ang tool box sa tabi niya. Napakunot man ang noo niya ay hinayaan na lang niyang diskartehan nang lalake ang sasakyan niya. 

Binuksan nito ang tool box pero nakita niyang wala itong laman kundi ang isang pirasong kahon sa loob. Naalarma siya. Mamamatay tao ba ito? Magnanakaw? Bomba ba ang nakalagay sa maliit na kahon na iyon? He wanted a peace of mind not to have eternal peace. Napaurong siya nang lumapit ang lalakeng naka-cap sa kanya at huminto sa harap niya. Inilahad nito ang kamay at naandoon na ang maliit na kahon. Lumuhod ito sa harapan niya. 

Napakunot ang noo niya. At pinanood lang ang lalake sa ginawa nito. Hinawakan nito ang dulo nang cap at tinanggal iyon, revealing the long shiny hair nang... Lalake? O Babae ito? Sino ba kasi ito? 

Hindi naman nagtagal at tumingala na ang lalake. Este babae pala. Si Krissy! Nakaluhod ito sa kanyang harapan at nakangiti. Binuksan nito ang box at naandoon ang dalawang singsing. It’s an engagement rings for both of them. Speechless pa rin niyang tinitigan lang ang babaeng laman lagi nang isip at puso niya. 

“I know na super duper nating nasaktan ang isa’t-isa at wala akong pakialam doon. Chever kasi ako. Chever na masokista. Mas gusto ko pang nasasaktan muna ako bago ko marealize na kailangan ko ang isang bagay. At ngayong nasaktan na ako ay narealize ko na iisa lang naman pala ang kailangan kong gawin.” 

“A-and what is it?” 

“To marry the guy who’s madly in love with me. Aba! Minsan lang makabulag nang isang wafung lalake ang beauty ko no! At sobrang swerte ko na kasi mahal na mahal ko siya at super mahal din ako nang nabulag nang aking beauty.” 

“Did you read my cards?” 

“Yup! All of them. Nainlove tuloy ako sa iyo all over again! I love you, Mr. Gwapo, Irvin Corneto Imperial.” 

“Cornelius.” Pagtatama niya sa maling pangalan na sinabi nito. Napangisi naman ito at nag-peace sign. 

“Sige, i-replay ko na lang.” Sabi nito at tumikhim-tikhim. “I, Miss Aerith Krissa Mendiola will ask Mr. Gwapo, Irvin Cornelius Imperial, to marry me. Mr. Irvin Imperial, will you marry me, my sexy body, my beautiful face and my krung-krung mind?” 

“Diba parang baliktad ito?” 

“Ahhh! Basta! Ano sagot mo?” 

“YES! I will marry you, Miss Aerith Krissa ‘Tse’ Mendiola! I love you so much!” Sabi niya dito at hinila na ito papayakap sa kanya. Mahigpit iyon at matagal. Oh God! How he misses her touch and her softness! Naramdaman niyang yumakap din ito sa kanya nang mahigpit. Inilayo niya ulit ito sa kanya at ngumisi. 

“Now, isn’t it supposed to end with a hot and steamy kiss, Miss Krissa?” 

“Ai, oo nga pala! Nakalimutan ko na e. Nalunod na ako sa masarap na sensasyong ibinigay nang iyong katawan at ang amoy mo. Medyo naliyo nga ako at—.” Hindi na niya ito pinatapos. Masyado na siya nitong pinaghintay. Miss na miss na rin kasi niya at mga halikan nila. 

Irvin gave the talkatvie lady his hot and steamy kisses. Salamat sa pagiging Taxi driver dahil nakilala na niya ang babaeng mapapang-asawa niya!




END

3 comments:

Anonymous said...

Gandaaaaa :)

Chiichoi/Sophia Victoria said...

Weeeeeeeeee! Maraming salamat po sa Pag-comment. :"> I really appreciate it! <3

Anonymous said...

Ganda ng story