Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, February 13, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 9: Secrets and Betrayal

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Hindi na nga sila nagtagal pa sa Vigan. Hindi lang dahil sa request ni Mae kundi tinawagan rin siya ni Bossing Chloe na kung tapos na ay umuwi na kasi may nalalapit na salu-salo na kailangang puntahan nilang mag-bossing. Mukhang gathering ito nang mga business people. Katulad nang 3 years ago.

Iniatas na lang niya kay Miss Sunshine ang lahat. Sinabihan na rin niya si Arnold at si Cynthia na hindi siya ang mag-hahandle kasi kailangan na niyang bumalik sa maynila. Mas nauna silang umalis at alam iyon nang kanyang fafable na si Irvin. Request na rin kasi iyon ni Mae sa kanilang dalawa. Mas mabuti na rin siguro iyon. Hindi naman kasi nasisiyahan ang kaibigan sa Vigan. Puro na lang sila ni Irvin ang nagsaya. Nalibot na rin naman halos lahat ang buong Vigan.

Pinagpahinga muna siya ni Miss Chloe bago siya ulit nito pinabalik sa trabaho. Mahaba-habang biyahe rin naman kasi iyon. Pagkadating kaagad niya nang bahay ay nakatulog na agad siya. Hinayaan na lang niyang halungkatin nang mga kapatid at magulang ang mga pasalubong niya tutal ay sa kanyang mga mahal sa buhay naman talaga iyon. Umaga na siya nang magising kaya naman ay naghanda na siya para pumasok.

“Good Morning, Anak.” Masayang bati nang kanyang amang si Antonio Mendiola.

“Hindi mo naman sinabi sa aming mag-aasawa ka na pala.” Sabi naman nang nanay niya na nanggaling sa kusina. Si Karolina Mendiola.

“Ha?”

“May dumaan dito. Gwapong lalake. Irvin ang pangalan. Wait lang kukunin ko yung ipinabibigay.” Sabi naman nang nanay niya at lumakad na ulit ito sa kusina. Pagbalik nito ay may bulaklak na siya.

“Flower’s daw for his beatiful passenger. Naks! Super kilig ka siguro anak kong maganda. Manang-mana sa akin. Ganyan din kami nang ama mo e. Li—.”

“Liligaw ligaw yang si Tonio sa akin, gumamela lang ang ibinigay niya sa akin. Inaraw-araw naman kaya nakita ko naman ang effort. Ayun sinagot ko, nagpakasal kaagad kami.” Pagtatapos niya sa sentence nang ina niyang gasgas na gasgas na ang ‘romantic comedy’ daw na love story nang magulang. Natatawa lang ang tatay niya sa pag-mimic niya sa nanay niya.

“Anong oras po siya dumatin?”

“ Naku mga 4am. Hindi naman siya nambulabog pero alam mo naman kami nang tatay mo. Gising na nang ganong oras. Nahuli tuloy namin. Dapat daw ay iiwan na lang nung lalake sa may pintuan. Galing yata sa biyahe. Mukhang pagod e. Pinagkape ko tuloy kasi baka mawala ang future hubby mo.” Sabi nito at nag-peace sign pa sa kanya.

“Naku! Sira ulo talaga yung si Irvin. Dumalaw muna dito bago umuwi at nagpahinga. Kakauwi lang po nun galing Ilocos Sur.” Sabi niya dito at ngumiti. Inamoy-amoy din ang mga roses na pulang-pula.

“O siya. Sige. Baka ma-late ka na naman sa trabaho mo. Malagot pa tayo sa boss mo.” Sabi naman nang tatay niya na ngayon na lang ulit nagsalita. Sa nanay niya ata siya nagmana nang kadaldalan, sana ay si Irvin na ang parang si tatay niya. Hindi na nagtagal at naligo, nag-ayos at nagmamadali nang lumabas nang bahay. Ayaw niyang ma-late na naman sa trabaho niya, katulad nung unang pagkakakilala niya kay Irvin, kaya lang ngayon ay wala nang Irvin na didistrak sa kanyan umaga. Hindi na kasi ito taxi driver. Isa na itong sales person. Napabuntong hininga siya. Sa Taxi na nga lang sila nagkikita e, dahil masyado siyang workaholic.

Sumakay na siya ulit nang taxi at nagpahatid na sa HC. Nagulat siya nung naghihintay si Niki sa Reception nang building nila. Kinawayan niya ito pero tulaley ito. Malalim ang iniisip nito. Nagdahan-dahan siyang lumakad sa lalake at ginulat niya ito.

“Booo!” Sabi niya at may matching konting tulak pa. Napatingin naman ito sa kanya at napangiti pero nawala naman din agad.

“Ai ganon? Iba expected mo? Sino? Si Mae ba? Yan kasi e.” Sabi niya at tumawa pa.

“Hindi ko pa nakikita si Mae e. Okay lang ba siya? Hindi niyo man lang kami hinintay sa pag-uwi sa maynila.” Sabi nito na may pagtatampo. Nakita naman niyang lumabas si Mae sa elevator.

“Well, as far as I know ay okay siya. Ayun o.” Sabi niya at itinuro si Mae na naglalakad. Agad naman itong napalingon at nang ma-confirm ay lumapit agad ito sa dalaga. Nakita niyang nagulat ang dalaga at akmang lalayuan ang lalake ngunit hinila na ni Niki ito palabas. Ay may ganong drama! Pa-sweep me off my feet effect pa. Napangiti siya. Siya kaya kelan siya i-sweep of my feet ni Irvin niya? Naks! May niya na! Inaangkin na niya ito! Winner!

Lumakad na siya sa elevator at pinindot ang top floor. Hindi naman nagtagal at nakarating na siya. Nakatayo si Miss Chloe sa desk niya na punong-puno nang bulaklak. Napakunot noo siya. May flower shop na sa top floor? Waley na siyang upuan? MA'AM CHLOE? I am fired?!

“Ma'am?” Kinakabahang tanong niya sa babae.

“Oh! Nice timing. Merong delivery nang flower shop sa iyo. Galing kay Irvin.” Sabi nito at ibinigay sa kanya ang sobre. Binuklat niya iyon at kinilig. Ai super duper mega haba na nang hair niya. Umabot yata sa Imperial Motors e! Winner!

“Ayaw naman niyang magbigay nang bulaklak sa iyo ano?” Nakangisi pang pang-aasar nang Bossing niya sa kanya.

Bigla namang nag-ring ang cellphone niya at agad hinalungkat ang bag niya. Si Irvin tumatawag. Kumabog ang kanyang precious heart nang super lakas at bilis.

“H-hello.” Sagot niya nang pumasok na lang si Chloe sa may opisina nito to give her privacy.

“Did you like it?”

“Hindi ka pa tulog?”

“Nakatulog naman ako. Masarap nga tulog ko dahil na-accomplish ko ang balak ko. Ang magpa-deliver nang mga bulaklak sa iyo.” Sabi nito sa kanya. “So did you like it?”

“Ai hindi! Ayaw na ayaw ko nga! Ayaw ko ngang ipatago na sa nanay ko lahat itong bulaklak para naman maalala ko ang super effort mo. Joking aside...” Sabi niya na nakangiti na nang maluwang. “I didn’t like it. I love it to death!” sabi niya at tumawa pa.

“It’s nothing, Sweetie. Anything for you.”

“Pero kahit na isang tangkay na rosas lang okay na sa akin. Hindi mo na kailangang maglustay nang ganito. Madali lang naman akong mapasaya e. Just your presence, your sweetness and your love! Naks! I am so makata na.” Sabi niya dito at tumawa pa.

“But I wanted to make you feel that I will do anything for you... Ganoon kita kamahal.”

“Ayeee! Sige! Kilig na kilig na ako. I’ll talk to you pagtapos na ang aking trabaho or pag-lunch. Salamat ulit, Mr. Gwapo.” Sabi niya dito at napanguso siya. She needed a hug and kiss ni Mr Gwapo niya. Naadik na pala siya doon. Homaygulay!

Nagpaalam na rin ito at sinabing susunduin siya nito mamaya. Kinilig na naman siya sa ganoong gesture nang lalake. It was the sweetest para sa kanya. Ngayon lang kasi niya naranasan ang maligawan dahil hindi naman niya ine-entertain ang mga ganoong ‘ligaw-ligaw’ noon.



Naging ganoon ang routine nila everyday. Nagpapadala parin ito nang flower sa bahay nila at sa opisina niya pero imbes na isang buong flower shop ang ibinigay nito ay isang flower arranged na lang na bulaklak. Mas trip naman niya iyon. Nakikinig talaga ang binata sa lahat nang request niya. She feel the love all over her body! Lagi rin siyang sinusundo pag-uwian na at laging magka-bonding si Irvin at mga magulang niya. Super nice at witty ang diskarte nito, nililigawan din nito at parents niya.

Hindi nagtagal at dumating na ang salu-salong sinasabi ni Mam Chloe niya. Handa naman siya lagi sa mga ganon ka-eleganteng salu-salo dahil marami na rin siyang dinaluhan lalo na at lagi siyang akay ni Miss Chloe sa mga ganoon. Para daw makakilala siya nang lalakeng mapangasawa. Dati ay oks lang sa kanya yun pero ngayon ay isa na lang ang itinitipok nang kanyang super inlababong heart. Iyon ay si Irvin.

Speaking of Irvin, nagtext itong hindi muna siya pwede nitong sunduin dahil may dadaluhan daw itong salu-salo. Buti na lang nga at may salu-salo din siyang pupuntahan kundi ay super disappointed siya sa lalake.

Simple lang naman ang ayos niya. She is wearing a Les Chiffoniers, Zigzag dress. A ruched gauze dress features a high neck and a sheer yoke. Vertical seam detailing, a hidden full-length side zip, serged edges, Sheer long sleeves, Double-layered and Semi-sheer. Hapit na hapit iyon sa kanya kaya naman reveal ang super sexy body niya. Naka-black high heels din siya at simpleng iniipit niya lang palikod ang kanyang buhok. Mas trip niya kasi ang katagang ‘Simplicity is Beauty’. Papasok na sila ni Miss Chloe sa loob nang makita niyang lumabas sa super garang sasakyan ang isang babaeng super ganda. Lahat yata nang attensiyon ay napunta sa kararating lang na babae.

Napanganga naman siya nang sumunod na lumabas sa sasakyan. Si Irvin ito wearing a tuxedo. He looks dashing in a white tux. Nakakainlove lalo. Ahhhhhhh! Heaven! Pupuntahan na sana niya ito at babatiin nang iniangkla nang magandang babae ang kamay sa braso nang lalake. Napahinto siya at napalunok. Ayaw man niyang pag-isipan ito nang masama ay masama na talaga ang iniisip niya.

Biglang sumagi agad sa isip niya ang karangyaang tinamasa ni Irvin sa maikling panahon. Kotseng super ganda, perang pambili nang super dami at halatang mamahaling mga bulaklak. Ang panlilibre nito nang dinner paminsan-minsa at sa isang 5 star resto pa iyon. Sa sobrang kasiyahan niya kasi ay hindi na niya iyon naisip. Hindi niya namalayang napahawak na siya sa dibdib. Ouch daw kasi sabi ng kanyang precious heart. Kung kelan naman super inlove na siya sa lalake saka naman niya malalamang two-timer at may sugar mama ang lalake. They needed to talk! Now!

“Halika na, Krissy.” Sabi naman ni Chloe na pumigil sa kanyang sugurin agad si Irvin. Napabuntong hinanga siya at napatingin sa Bossing niya. Galit siya at gusto niya ring maiyak dahil sa sobrang sakit nang puso niya.

“What’s wrong?”

“Kilala niyo po ba yun?” Tinuro niya ang gawi nila Irvin.

“Ahhh. Oo. Anak ni Mr. Romano Imperial. Ang ganda nang lahi no?”

“Imperial...” So ano ito kasal ba ang mga ito? Pinilit ba sila ni Mr. Imperial na ipakasal sa isa’t-isa. Ano yung mahal-mahal na yun? Chever lang? Ang sakit naman sa puso nun!

“Uu. Mga kakompetensiya nang asawa ko.” Sabi naman nito at nagsimula na rin silang maglakad. Sa loob na lang niya ito kakausapin.

Pumasok na sila sa loob nang Hall at nakipag-mingle na. Sinabi niya sa bossing niya na may target na siya sa gabi kaya naman hinayaan na lang nitong dumiskarte sa target niya. Gustong-gusto na talaga nang bossing niyang mag-asawa na siya. Hindi naman niya inaalis ang mga mata sa lalakeng may kasalanan kung bakit sumasakit ang puso niya ngayon.



Hindi niya alam kung sino pero nung pagdating pa lang nila nang kanyang Ate Zette ay may nakatitig na sa kanya tapos super pa ang pag-aalala niya. Hindi niya tuloy alam kung yung twin niya ang nakakaramdam nito at effected lang siya or siya mismo talaga. Naputol lang ang pag-iisip niya nang may tumawag sa cell niya. Ang kanyang twin sister.

“If you’ll excuse me. I need to take this call.” Magalang niyang paalam sa mga kakilala niya sa business industry. Nagmamadali naman siyang pumunta sa labas para mas lalong marinig ang kanyang kapatid. Mukhang ito nga ang nakakaramdam nang mga ganon. Kaya kinabahan naman siya para sa kapatid.

“Hello, Iris?” Nag-aalalang sagot niya sa telepono nang makarating na siya sa labas.

“Hello, Kuya. Okay ka lang ba?”

“Okay lang ako. Diba dapat yang ang itanong ko sa iyo? Are you okay? Is someone watching you intensely? Meron ka bang kakaibang nararamdaman sa paligid mo? Baka isa na naman yan sa stalker mo ha.”

“Hep! Hep! Super ka naman sa daldal. Ikaw ang inaalala ko. Nasa bahay ako, sa kwarto ko. Wala. Ako lang mag-isa. Bigla lang akong kinabahan at parang nabalisa so I called you. Walang nakatingin sa akin kundi sarili ko lang. Nasa harap ako nang salamin ngayon e.”

“So it’s me then? Sino namang titingin sa akin nang gano...on.” Napalingon siya at tumingin sa paligid nang makita na ang salarin. Si Krissy.

“Kuya? Are you okay?” Nag-aalala lalong tanong nang kanyang twin. Ewan niya ba pero tuwing may problema or may masamang kutob ang isa sa kanila ay nararamdaman nilang pareho iyon.

“K-Krissy... You’re here?” Nagsstummer niyang tanong sa babaeng nakatitig lang sa kanya. Ngayon niya lang nakita ang ganoon kalamig na titig ni Krissy sa kanya.

“Ai si Krissy pala. Good luck, Kuya.” Sabi nang kausap niya sa telepono pero hindi na siya sumagot at ini-off na niya ang phone.

“Kanina pa ako andito. Mas nauna nga akong nakarating e. Pero kayo ang unang nakapasok. So how’s your date?” sabi ni Krissy with a very cold voice. Parang gusto niya tuloy yakapin ang sarili dahil parang gininaw siya nang sobra.

“D-date? She’s not my date! She’s my s—.”

“Enough. Wag mo na akong padalhan pa na bulaklak at lalong lalo na ang ilibre mo ako nang pagkain sa mga mamahaling restaurant. I don’t need your money na galing sa Sugar Mama mo! Isaksak mo sa baga mo ang yaman nang Sugar mama mong Imperial! Bagay naman kayo e! Maganda siya, gwapo ka.”

“No! You got it all wr—.”

“Stop, Irvin. Akala mo ba madali sa akin na tanggapin na ganito kang klaseng lalake? Na ibubugaw mo ang sarili mo para lang mabigyan mo ako nang luho? Hindi ko kayang matanggap ang ganitong trabaho mo. I am sorry pero wag mo na rin sanang puntahan pa ang bahay namin. Baka mamaya niyan mag-assume pa ang mga magulang ko na tayo sa huli ang magkatuluyan.”

“No. You listen to me!” Desperate niyang sabi at mabilisan niyang niyakap ang babae. “You’re all wrong. Walang tama sa sinabi mo. Yung utak mo talaga ang gulo e.” Sabi niya na gustong tumawa pero hindi pa pwede iyon kasi may mis-understandin pa sila ni Krissy.

“Ako pa ngayon ang makulit ang ulo e ikaw yung kumapit sa sug—.”

“She’s not my Sugar Mama nor I am not a ‘bugaw’. That lady is my sister. She’s Maria Suzette Imperial, a photographer. Kadugo ko siya at ayaw ko sa blackmailer na babaeng iyon.” Sabi niya at mahigpit lang na niyakap siya.

“What do you mean kadugo? Ampon din siya nang mga Imperial? Diba ampon ka lang nang mga Imperial? Kung magkadugo kayo edi ampon din siya?” Nakakunot ang noong tanong nito sa kanya. Napalunok siya. Paano ba niya sasabihing siya ang nag-iisang anak na lalake ni Mr. Romano Imperial? Na hindi siya ampon?

Napabuntong hininga siya at pinakawalan ang babae sa mahigpit niyang yakap. Medyo kumalma na rin ito at yung kaninang malamig na pagtitig nito ay napalitan nang sweetness at confusion.

“I am not adopted. I am a real Imperial. I am Irvin Cornelius Imperial. I am the only son of Imperial.”

Matagal itong natahimik at nakatanga sa kanya. Kinakabahan siya. Wala siyang mabasang ibang emosyon kundi gulat at hinanakit.

“So... nung. Nung nag-walk out ka dati ay dahil nasapul kita below the belt? Ikaw ba yung sinasabi mong bestfriend mo ang nag-iisang anak na lalake nang Imperial?” Tumawa ito pero dumadaloy ang luha sa magkabilang mata nito. Disappointment and hurt was written all over Krissy’s face.

“K-kaya pala hindi mo nasasabi ang surname mo... So matagal mo na pala akong niloloko. All of this was a lie?”

“No! I love you! It’s true! It’s just that I don’t wanna tell you who I really am hanggat hindi ko pa napapantayan or mas nalalamangan si Ezekiel pagdating sa status. I wanted to stand on my own katulad nang sinasabi mo. I wanted to tell you who I really am kapag naging successful na ako sa buhay ko na walang gamit na kahit na anong pera or kapangyarihan nang ama ko.”

“How can I trust you now? Now that I already knew the truth! Na niloloko mo lang ako sa sobrang habang panahon?!”

“Please.. Krissy, believe me. I do love you.” Nagmamakaawa niyang sabi dito at lalapitan niya na sana pero nag-stop sign ito sa kanya.

“Don’t come near me! I loathe you! Please don’t ever show your face to me.” Sabi nito sa kanya at tumakbo na sa loob. Kinasusuklaman na siya nang dalagang natutunan na niyang mahalin. Yung dalagang nagpabago sa kanyang pananaw at bumago sa kanyang pagkatao. Yung babaeng nagpapatawa sa kanya at nagpa-experience sa kanya nang satisfaction. Hindi niya mapapayagang ganoon na lang matatapos ang kanilang love story! He needed her in his life!




ITUTULOY...

No comments: