Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, February 12, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 8: Welcome to Vigan!

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Kahit mukhang takang-taka ito ay sumunod ito sa kanya or more like tumabi ito sa kanya habang naglalakad sila patungo sa empanadahan. Madami at siksikan doon dahil sa christmas at masarap talaga ang empanada sa Vigan.

“Dito tayo.” Sabi niya nang malinis na nang mga taga-linis ang isang lamesa. Medyo mausok rin sa empanadahan dahil may barbeque-barbeque pang nakatayo doon. Inilapag niya ang mga papeles at ngumisi.

“Dito ka lang at ako na ang bahalang mag-order. Dapat ay uubusin mo yung empanada ha.” Sabi niya pa at iniwan na ang lalakeng magsasalita pa sana pero tumahimik na lang muna ito at umupo na.

“Nay. Magkano po sa empanada?” Tanong niya sa ilocanang tindera at ngumiti.

“Napinpintas na balasang. Artista ka neng?”

“Ai naku. Super flatter ako ha! Hindi po, Nay. Isang hamak lang po akong magandang babae at mukhang artista pero hindi po ako artista. Sige po, Nay. Mamaya ay bibili ulit ako nang empanada para sa friend ko. Wag na pong mambola.”

“Ai hindi ako nambobola. Akala ko talaga artista kayo nang asawa mo.”

“Ai type kita, Nay! Ipagbalot niyo ako mamaya nang 4 na empanada pero for now po 2 na. Wala nang tanung-tanong nang presyo. Dalawa pong empanada, Nay. Doon po sa lamesa namin nang Darling ko. Magkano po lahat lahat?”

“Sige at ikakalkula ko na lang lahat, Ineng. Umupo na kayo at i-serve na lang namin sa inyo kasama nang bill.” Sabi naman nito at tinunguhan naman nito iyon.

“I hope na magustuhan mo empanada. Binola kasi ako ni manang e. Mag-uuwi ako sa hotel. Apat. Tig-iisa tayo.” Sabi niya at umupo na. Pinagmasdan niya ang medyo hindi komportable na namang si Irvin.

“You okay? Natatae ka?” Natatawang tanong niya. Joke lang para naman ngumiti ang lalake at maging at ease.

“Sira.” Natawa naman ito at ngumisi. “I won’t do that in front of you. Baka maturn-off ka pa. It’s just that, this will be the second time I am going in a public place. Nung una okay pa kasi sikat na fastfood chain iyon but I am not quit sure how to act in this place.”

“Ai naku. Relax lang, huwag masyadong stiff. Mas masaya nga dito kasi mas maraming tao. Try to fit in. Bukas nga kapag natapos natin to agad ay mamamasyal tayo para mas ma-enhance mo pa ang socializing skills mo. Lagi ka kasing nasa-taxi noon e kaya yung mga pasahero mo lang ang nakakausap mo. Tapos super yaman pa nang kaibigan mong anak ni Mr. Romano Imperial kaya sanay ka sa mga mayayamang gatherings.” Doon naman dumating si Manang na na-orderan niya. Ngumiti ito sa kanya tapos sa kanyang kaibigan.

“Bagay na bagay kayo nang asawa niyo, Mam. Eto na po yung empanada at yung bill. Lapitan niyo na lang po ako mamaya para sa take-out niyo.” Sabi nito at inilapag na ang malaking empanada. Sarap.

“Asawa?” Nakangisi na itong nakatitig sa kanya. Hindi naman niya alam kung saan titingin kasi ang daldal pala ni Nanay Empanada. Grabelacious!

“Ha? Naku imagination mo lang yung narinig mo. Grabe! Bibili kita nang cotton buds mamaya.” Sabi niya at kinuha na ang suka at binudburan ang Empanada. Inilapag niya ito at akmang kukunin na ang tinidor nang hawakan nito ang kamay niya. Napatitig tuloy siya dito pero nakangisi pa rin pala ito.

“So, wifey. Patikim naman nang...”

“Nang?” Sabi niya dito at lumunok nang maraming beses. Is this guy seducing me? Kasi kung Oo ay seduced na seduced na siya! Tama na!

“...nang empanada.” Sabi nito at nakangisi pa rin. Napangiti naman siya at inilayo na ang kamay sa lalake.

“Sige. Say... Ahhh.” Sabi niya dito nang kutsarain niya ang empanada at itutuok sa bibig nang lalake.

“Ahhhh.” Sabi nito at inilapit na ang empanada sa bibig nito. Hindi niya alam kung bakit pero parang tumahimik ang lugar. Heto na naman kasi si Irvin sa mabagal na pagnguya nito at parang nilalasap pa ang empanada. Ngumiti naman ito at nag-approve.

“It’s nice! I think I ate something like this in ame—. Wala. Parang natikman ko na ito.” Sabi nito at umingay na naman sa paligid. Meron din siyang narinig na nag-sigh of relief. Napatingin tuloy siya sa paligid. Nakatingin pala sa kanila ang mga tao. Kanina siguro ay naghihintay ang mga ito sa sagot nang lalake.

“Sige, kain lang. Tapos balik na tayong hotel. Baka magpatiwakal na yun si Mae e.” Sabi niya dito at ngumisi.

Binudburan na rin nang lalake ang empanada nang suka at kumain na ito. Para itong bata na nagulat dahil may itlog ang empanada sa loob. Ubos nito ang empanada within 5 minutes. Hindi tuloy nila napigilang mag-dagdag pa nang isang empanadang extra para sa lalake sa take out nila. Ibinigay ni Nay Empanada ang take-out nila na mainit-init pa. Nagmamadali tuloy silang umuwi para makain pa ang empanada habang mainit pa. Naghiwalay na sila nang kwarto dahil hindi pa nga pala pwedeng magkita si Mae at si Irvin. Pumasok na siya gamit ang susi at nakita niyang kalalabas lang nang banyo ni Mae. Naligo ata ito. Pinakita niya ang dala at agad naman itong pumwesto sa kama at ngumisi. Mukhang trip rin nito ang mag ‘comfort food’ ngayon.

Hindi nagtagal ay kumain sila at nag-kwentuhan ni Mae hanggang sa hatakin na ito nang antok. Sabagay siya rin ay inaantok kapag kakatapos lang umiyak nang sobra. Sinumulan na niya ang pagtingin nang mga partner for Cynthia nang may tumawag sa telepono. Feeling niya ay si Mam Chloe.

“Hello, is this Arnold, The Receptionist of the hotel. Is Miss Krissy still awake?” Maganda ang boses nito at malambing.

“Yes, speaking. Is there something wrong?” takang tanong niya habang nagbabasa pa rin nang mga application nang mga lalake. “Arnold Eusebio...” hindi niya namalayang binabasa na niya nang malakas ang pangalan nang nasa application form.

“Po? Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?” Nagtatakang tanong nito sa kanya. Tinitigan niya ang picture. Aba at may itsura! Perfect! Hindi na kami pinahihirapan ni lord! Pwede na kaming mag-date ni fafa Irvin! Wait! Hindi date iyon, isa lang iyong paglilibot sa Vigan. Friendly lang.

“Nothing. I am Krissy of Hearts Connected. Sa Main office ako. I was reading your application. Kailan ang off mo?”

“Ahhh. Miss Krissy, I think it’s inappropriate to talk something unrelated to work right now. I’ve got a connecting call to room 314, Mr. Irvin wanted to talk to you...” sabi nito at ikinonek na siya nang hindi niya alam.

“Wait lang! Itinatanong ko lang naman kung kelan ang off mo para sana mag-set tayo nang date e.”

“Date? With whom? With the receptionist?” Parang galit ang boses nito. Kalorkey! Jealous much?

“Ahhh, Kasi sya na ang napili ko para kay Cynthia e. Tinanong ko kasi kung kelan ang off niya para ma-iset na ang date nilang dalawa, e mukhang na-ilang yata so binabaan ako at ikinonek sa iyo.”

“Ahhhh...” Narinig niya na parang bumuntong hininga ito. “So you're single right?”

“Single and very much available. Nakakaasar nga e. Wala kasi akong time sa paghahanap nang partner ko. Busy sa paghahanap nang partner para sa iba. Kelan ko kaya maririnig ang matamis na—.”

“If so. Can I court you? I wanna be your boyfriend.” Biglang putol nito sa sasabihin niya. Napanganga tuloy siya at speechless siyang tumayo. Lumingon siya sa likuran. Mahaba ba nang sobra ang hair ko? Naglinis ba ako nang tenga? Wait! Check ko nga kung nananaginip lang ako! Over!!!!!!!!!!!

“Krissy? Say something.” Narinig niyang parang desperado ito. Ano kayang nangyari sa kabila at biglang trip na nitong manligaw sa kanya?

Yes!!!!!!!! Yes na YES! “W-why?” Tanong niya. Super kabog naman nang dibdib niya dahil hinihintay niya ang matamis na confession nito! Now Na!

“Because I like you. You're unique. You made me do things that I usually don’t. You made me laugh. You made me think about you all the time. You made me get angry without you even knowing and lastly, you change me for the better and I really do like it. So.... Can I court you?”

“S-super bola yun ha p-pero sige, try mo lang. I-shoot mo lang ang pag-ibig mo sa puso ko baka ma-swak ka at ma-in love-babo ako sa iyo.” Sabi niya at ngumiti na siya nang maluwag.

“Salamat! You just made me happy in an instant. I like you! Bye!” Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Confirmed na! Mahaba nga ang hair ko! Woooooo!

Nakangiti siyang ibinaba ang telepono at naglakad na sa kama niya at nakahigang nakangiti pa rin. She’s just so happy. Super excited na tuloy siya sa ‘date’ nila bukas. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.



Nagising siya at nag-inat! Ang ganda nang gising niya ngayon. Thank you for my sponsors: Mr. Irvin for making my night and day amazing because of your beautiful speech last night! Ano nga ba ang apelyido nang future boyfriend ko? Whatever! Tanungin ko na lang siya mamaya.

Nagmulat na siya nang mata at lumingon na sa katabi niya. Waley na naman ito. Kalorkey! Bakit kaya laging missing itong si Mae? Hmmm. Tumayo na siya sa kama at maliligo na siya. Kailangan niya pang makausap si Arnold nang masinsinan.

Nakatapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin. Lalayas na rin muna siya para makakain sa restaurant nang hotel. Lumabas na siya sa kanyang kwarto nang makita niyang nakatayo sa harapan niya ang lalakeng parang namumukhaan niya.

“Miss Krissy?” Ahhh! Si Arnold pala.

“Sakto ka, Mr. Arnold Eusebio. I wanted to talk about last night.”

“Yun nga po ang sasabihin ko. Kung pwede pong huwag na lang kasi I love somebody.”

“Ai ganon? Sige. Hahanap na lang ulit ako nang perfect partner ni Miss Cynthia Singson. Pasensya na ha. Akala ko ay kailangan mo pa nang kapartner for life e.” Sabi niya at akmang papasok ulit pero napigilan na siya ni Aaron.

“Si Miss Cynthia po? Siya yung babaeng mahal ko e.”

“Weeeeeee! Ang sweet! Sige! Just give me a minute. I’ll call Miss Cynthia.” Sabi niya dito at inilabas na ang telepono. Hindi naman siya pinaghantay kaagad nito.

“Yes?”

“Hello. This is Krissy Mendiola, one of the Matchmaker in Hearts Connected Main branch. Gusto ko lang pong ma-confirm kung kelan kayo pwedeng magkaroon nang date with a special someone?”

“Wow. Nagpadala na pala ang HC nang taga-Main Branch. Sorry sa pag-pressure sa inyo ha. Mas pressured kasi ako sa ama ko e. I am available on Saturday.” Sabi nito sa kanya sa malumanay na boses. Hindi pala ganoong ka-terror ang babae e. Kasi sa description ni Miss Tapia ay masungit ito. Siguro ay pressured lang talaga ito nang tatay nito.

“Saturday then, In Cafe Leona at 1pm. I hope you’ll have fun with your date on Saturday. Thanks.”

“No. Thank you! Matagal ko na itong hinihintay e. Maraming salamat.” Sabi nito at ibinaba na ang telepono. Lumingon naman siya kay Arnold at ngumisi.

“Done. Cafe Leona at 1pm. Saturday. You have to make that day available. I will make reservation under your names. Don’t worry. I will introduce you to each other tapos ay aalis na rin ako agad.”

“M-maraming salamat ha!” Sabi nito at nayakap siya sa sobrang tuwa.

“Ai wala yun. Chever naman ito! Sige at ako ay gutom na.” Sabi niya at tinapik-tapik naman ang likuran nang lalake. May narinig naman siyang nagbukas nang pintuan. Napalingon siya sa pinanggalingan niyon at nakita niyang si Irvin pala. Nakangiti ito noong una pero biglang kunot ang noo nito.

“Maraming salamat talaga, Miss Krissy!”

“Walang anuman yun, Arnold.” Sabi niya nang pakawalan siya nito. Nakita naman ni Arnold si Irvin at napayuko.

“Sige po, Mam. Sir. Aalis na ako.” Sabi nito sa kanila at umalis na. Naka halukipkip kasi si Irvin at nakasimangot.

“Good Aftie, Irvin. Halika kain na tayo. Nagugutom na ako e.” Sabi niya at lumakad na siya palapit sa lalake.

“Arnold again? Hindi pa nga tayo tayo e. Nag-two timing ka na agad.” Sabi nito sa kanya na naka busangot parin ang mukha nito. Natawa naman siya nang malakas.

“Ai sure na ako! Ikaw na talaga ang top 1 sa PACUTE.COM. Cute mo kasing magselos e. Na-confirm ko lang ang date ni Arnold kay Miss Cynthia. His happy na si Miss Cynthia ang ka-date niya kasi love pala niya iyon.”

“Sorry.” Sabi naman nito at ngumiti na parang nahihiya.

“Para saan? Wala ka namang kasalanan ahh.”

“Well, nagselos kasi ako e. I jump into conclussion. Sorry.”

“Ai wala iyon. Mas pinahaba mo nga ang hair ko e. Halika na. Kain muna tayo at baka malamon kita diyan. Hindi pa matuloy ang date natin.”

“Sure. Let’s go and have a nice date.” Sabi nito at inakbayan na siya. Lumakad na sila patungo sa restaurant at nag-light snacks. Nagkasundo kasi silang mag-food trip na lang habang naglalakad-lakad sa may Vigan.

Lumabas na sila nang hotel na tinutuluyan at nagpasya silang mag-picture taking muna sa pinakamalapit na tourist spot sa Vigan. Ang St Paul’s Church or Vigan Cathedral. Napaka-ganda niyon sa loob at sa labas. Hindi naman sila nagtagal at nagmamadali na silang sumakay sa kalesa. First time niya kasing sumakay doon kaya medyo nahirapan pa nga siya. Inalalayan siya ni Irvin na makataas bago ito sumakay. Unang tunay na destinasyon nila ay ang St.Augustine Church. Ang pinaka-matandang simbahan sa buong region 1. Nalaman din nila dahil kay mamang kutchero na doon din daw nag-shooting nang Panday. It is indeed one of the most beautiful scenery na nakita niya sa buong buhay niya.

Next Destination nila ay ang Crisologo Museum. Ancestral house ito nang mga Crisologo. Nalaman din nila kung ano ang nangyari sa very famous na Gobernador nila dati na si Ex-Governor Floro Crisologo. Pinatay daw ito sa loob nang simbahan dahil doon lang daw ito pwedeng patayin nang mga kalaban. Super kilala din daw kasi ito sa buong Vigan at makapangyarihan. Hirap ang mga kalaban nitong makalapit sa kanya. Hindi naman daw naghangad gumanti ang pamilya Crisologo kahit na nga ba hindi na nakita ang pumaslang sa Namayapang lalake.

Next Destination ay ang Pagburnayan Jar Factory. Isa sa mga tourist destination. Gawaan nang jars. Pinanood nila ang isang lalakeng ilocano kung paano at pinatry silang gumawa. Super okay naman sa kanya kaya nagtry na siya. Umupo rin si Irvin sa tabi niya at sabay silang gumawa nang maliit na jar. Matapos nilang gawin iyon ay bigla siya nitong pinahiran nang putik sa mukha. Natatawang ginantihan niya ito. Sinabi nang may-ari na matatagalan daw bago matuyo so balikan na lang daw kinabukasan. Napagdesisyunan naman nila na balikan na nga lang kinabukasan. Sumakay ulit sila sa kalesa at pumunta na sa next destination nila. Hidden Garden.

“Welcome to the not-so Hidden Garden.” Natatawa niyang sabi kay Irvin na ikinatawa rin naman nang kutchero nila.

“Nakita lang natin ang Hidden Garden kasi nawala tayo by chance. Maswerte na tayo nun.” Sabi naman ni Irvin at ngumisi. Pinag-hintay ulit nila ang kutchero nila at pumasok na sila sa Hidden garden. Doon nila nakita ang mga magagandang bulalaklak at mga artistic na paggupit sa mga halaaman. May mga wishing well din doon at may kainan sa loob. There was a man-made falls at ilog din sa loob. May mini-zoo doon at may mini-aviary. Super ganda sa loob. Saktong-sakto at may dala silang camera kaya picture-picture silang dalawa lagi.

Hindi nagtagal at umalis na rin sila sa Hidden Garden at dumayo naman sila sa famous ‘Baluarte ni Chavit Singson’. Kaano-ano kaya ni Miss Cynthia si Chavit? Napakalaki at napakalawak nang Baluarte. May mini-zoo, a caregiver school, its own chapel, man-made decorative falls, and several other buildings. Doon din naninirahan si Gov. Chavit Singson. Tuwang-tuwa sila sa mga hayop doon lalong-lalo na ang mga tigreng natutulog nung dumating sila. Nag-try din silang humawak nang mga ahas at iba pang mga kakaibang hayop sa loob nang Baluarte. Nakakita rin sila nang super cute na mga kabayo pa pwede daw sakyan. Medyo naawa sila sa mga ma-cute na kabayo kaya hindi na lang sila sumakay kahit pa nga libre pa.

Marami pa rin silang napuntahan katulad ng Villa Angela kung saan daw tumuloy si Tom Cruise nung nag-shooting daw ito nang ‘Born on the Fourth of July’. Doon din daw nag-film nang movie na ‘Maruja’. Nakapark din doon ang kalesang ginamit nung ikinasal si Imee Marcos. Nag-picture picture din sila doon.

Nakapunta rin silang Syquia Mansion or mas kilala bilang Quirino Mansion. Hangang-hanga silang dalawa ni Irvin sa sobrang bongga at sobrang historical nang lugar. Nakita nila ang replica nang Spolarium painting na ginawa daw nang assistant ni Juan Luna. Merong nakapagsabi na isa sa mga tao sa loob na ito daw ang ginawang reference nang iprinoseso ang pag-rerestored nang Spolarium painting. Pumunta din sila sa VIP sala nang Quirino Mansion kung saan makikita ang mga oil paintings portraits nang pamilya Quirino. Ayon na rin sa care taker ay tatlo sa malalaking painting ay gawa mismo nang famous painter na si Fernando Amorsola. Meron ding lumang library kung saan ay may nakita siyang mga hardbound books na Spanish. Hindi nga lang ito pwedeng hawakan dahil nasa isang glass bookcase ito. Yung prayer room naman ay sarado dahil daw sa nawalan na daw ito nang dalawang ivory head nang mga santo ninyo. Dinekwat kumbaga. Mahal kasi ang Ivory e!

Matapos makapunta sa mga top tourist spot sa Vigan ay nagpasya na silang bumalik na sa pinaka-city. Yung energy nila kanina ay biglang na-drain. Super kapagod kasi super nagsaya rin sila. Pero kahit na yata pagod silang dalawa nang kanyang fafa Irvin ay oks lang sa kanya dahil magkasama sila. Nagdecided tuloy silang ipagpatuloy ang tour nila sa Vigan. Pumunta silang Calle Crisologo’s Heritage Village. Para silang nakarating nung sinaunang panahon dahil sa lumang bahay na hindi pa rin ginigiba nang mga tao.

Dahil nagutom sila ay nagpasya silang kumain na nang hapunan sa Cafe Leona kung saan ay magtatagpo ang magiging future BF/GF na sila Arnold at Cynthia. Pinatikim niya rin nang famous pagkain sa Vigan! Ang Bagnet! One of the most delicious food in Vigan. Kumain din sila nang mussels. Hindi naman na pumayag si Irvin na siya na lang lagi ang naglalabas nang pera. He took the bill without her knowing kung magkano ang nakain nila.

Matapos makapagpahinga nang kaonti sa loob nang Cafe Leona ay nagpasya na rin silang bumili nang mga souvenir para sa mga kapatid niya at magulang at eto naman ay para daw sa mga kapatid at magulang din nito.

Lumalakad na sila pauwi nang may tumawag sa kanya. It was Mae. Pinahawak muna niya ang mga dala kay Irvin at sinagot ito.

“Hello Mae? Hindi na kita nakita kania kaya hindi na ako nakapagpaalam. I found a partner for Miss Cynthia kaya patapos na ang ating mission dito!”

“Krissy...” Sumisinghot nitong tawag sa kanya. Hala! Umiiyak na naman ito?

“Ano nangyari?”

“Let’s go home.” Sabi nito na napatingin sa kapartner na si Irvin.

“What?!” gulat na sagot niya dito.

“Yes. As soon as possible. Ipa-handle na lang natin ang meet and Greet nung prospect mo paya kay Miss Cynthia sa Head nang HC dito. Kaya na nila iyon.”

“F-fine. I’ll go talk to Miss Sunshine as soon as possible.”

“Thanks.”



ITUTULOY...

No comments: