Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Monday, February 11, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 7: Bonding and Surprises

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Ganon parin sila. Si Mae at siya sa isang sasakyan kasama si Manong June while si Irvin at si Niki ay sa isang sasakyan. Nakalimutan pa nga pala niyang tanungin kung bakit may gamit itong super garang sasakyan. Isang linggo lang silang nagkita ay naka-kotse na agad ito? Wowness! 

“I... I confessed.” Panimulang sabi ni Mae na nakatignin sa may bintana. Tahimik kasi silang dalawa dahil iniisip pa nila ang mga nangyari sa kanila kani-kanina lang. 

“Anong sinabi niya?” Na-curious siya at napabaling ang ulo kay Mae. Nakita niyang may tumulong luha sa mata nito. Hanovey! Lagot sa kanya si Niki! 

“Sabi niya kaibigan at babaeng kapatid lang ang turing nito sa akin. Hindi ko natanggap kaya sinapak ko siya pero bago ako umalis ay binigyan ko siya nang isang halik.” Sabi nito at tumawa nang malungkot. 

“At siguro dahil sa ginawa ko ay ayaw na nito sa akin. Nakita mo reaksiyon niya? Lumayo siya at tumabi siya sa taong ang iniisip niya ay karibal. He hates me that much.” 

“Ai naku! Gusto mo ipa-upak ko na sa mga tambay sa kanto namin si Niki? Ipa-salvage kaya natin? Siraulo talaga yun! Dapat binugbog mo na e.” 

“Baliw ka talaga. Alam mo namang hindi ko magagawa yun kay Niki e. Nasapak ko lang kasi sobrang sakit dito.” Sabi nito at inilagay nito ang kamay sa dibdib at nilamukos ang damit nito. She can feel the hurt dahil na rin sa mga mata nito. Sobrang expressive kasi nito na kitang-kita mo kung masaya ito, malungkot or asar ito. All she can do was to hug the lady next to her nang sobrang higpit. Sana man lang ay makuha niya ang konting sakit na nararamdaman nito para naman makatulong siya. Mali pa yata ang suggestion niya kanina na gawin ang plano. Sobra kasing into Irvin siya kanina e. 

“Sorry ha.” 

“Bakit ka nag-sosorry? Wala ka namang kasalanan?” 

“E kasi ako nagsabing gawin na ang plano natin e. Sobra kasing hindi ako makapag-isip pag andun si Irvin e.” 

“Irvin? Why do I feel like narinig ko na yang pangalan na iyan. Pero wag mo nang isipin iyon. I am not blaming anyone. Kahit nga si Niki hindi e. Wala naman tayong magagawa e kung hindi talaga ako mahal ni Niki at ikaw ang gusto niya.” 

“Sige. Ihahanap kita nang lalakeng para talaga sa iyo. I am sure na may lalakeng mas matalino pa kay Niki.” Hindi na lang ito sumagot at ibinaon ang ulo nito sa leeg niya at umiyak nang umiyak. Hindi nagtagal at nakatulog ito. Hinayaan na lang niya dahil super depressed ang bagong kaibigan niya. Hindi niya namalayang nakatulog na rin siya. 



Good Aftie, Krissy.” Mahinang bulong ni Irvin sa tenga niya. Napakunot noo siya at bumaling sa ibang direksiyon. Pagod siya at kailangan niya pa nang tulog. 

“If you won’t stand up, I’ll carry you inside the hotel kahit na nga ba pagtinginan tayo nang lahat.” Sweet na banta nito sa kanya pero nagmulat na siya. Hindi niya hahayaang mabuhat siya nang lalake. Nakakahiya kaya iyon. 

“No fun. You actually woke up. Nag-warm up na ako para sa pagbuhat sa iyo e.” Sabi nito na ang bumungad sa kanya ay ang perfect white teeth nito. Nag-commercial kaya ito nang close-up? Ang sarap kasing gawing lampara ang ngipin nito. Nasisilaw siya. 

“Baliw! Hindi ako magpapabuhat sa iyo no. Nakakahiya. Nasaan si Mae?” Takang tanong niya nang makitang wala na ang kaibigan. 

“I think Niki and Mae needed to talk pero once na huminto ay tumakbong binuhat ni Mae ang gamit sa kwarto niyo na sinundan naman ni Niki but I doubt na papapasukin yun ni mae. Nakita kong mugto ang mata e. Nag-alala nga si Niki.” 

“E baliw kasi yung isang yun e. Si Mae na nga ang nag-confess!” Sabi niya at akmang kukunin na rin ang bagahe nang hindi siya hinayaan ni Irvin na mahawakan ito. 

“Let me.” Sabi nito at binuhat nang parang wala lang ang bagaheng medyo mabigat para sa kanya. 

“Gentleman naman ni Mr. Gwapo. Hinay hinay lang baka mamaya niyan ma-inlove ako sa iyo. Diyahe yun. Pareho pa naman tayong gwapo.” Sabi niya at nag-gwapo sign pa siya. Natawa naman ang lalake at inakbayan pa siya at iginaya papasok sa hotel. Na-reserve na daw kasi ni Mam Chloe ang mga kwarto para sa kanila so wala na silang proproblemahin. 

“I’m gonna be the happiest man if you did fall in love with me.” Sabi naman nito nang papasok na sila. 

“Aba. English! Nosebleed ako. I are sorry! I no know english! Nose bleed!” Sabi niyang nagkunwaring walang alam sa english at tinakpan pa kunwari ang ilong dahil sa nosebleed. 

“Crazy.” 

“I know! Thanks for the compliment.” 

“Now, you do know english!” 

“Eeeek! Sinapian lang ako nang Alien.” Sabi niya dito at ngumisi. Lumakad na sila sa receptionist upang magtanong kung anong room ang para sa kanila. Sinabi naman nang halatang nagpapa-cute na ilocana sa binatang kasama niya. Sumakay na silang elevator at sinabi nila sa elevator girl kung anong floor. Halatang hindi matiis nang babae ang hindi sumulyap sa katabing lalake na mukha namang hindi pinapansin dahil nakatingin lang ito sa kanya. Kung siguro ay yung dating Irvin ito ay sure na sure siyang kikindatan nito ang dalaga. Flirty kasi ang lalake. 

Nakalabas na sila sa elevator at naglakad na sa hallway nang marinig niya ang malakas na katok. Napakunot noo siya pero feeling niya ay si Niki lang iyon. Tama nga ang hinala nila. Si Niki nga iyon at kinakatok ang kwartong share sila ni Mae. 

“Emae! Mag-usap tayo. Ayaw ko nang ganito ang drama natin! Magkai—.” 

“Hep hep! Wag na wag mong sasabihin yang next na words mo!” Sabi niya nang makalapit siya sa lalake. “Sasapakin kita diyan e.” 

“I suggest not to say that too. It’s gonna get more complicated.” Sabi naman nang sumunod nang si Irvin sa kanya. 

“Pero, tinakbuhan ako ni Pareng Mae e. Nakita ko pang mugto ang mata.” 

“Ai naku! Ako na bahala. Irvin, pakikulong na lang muna yan sa kwarto niyo.” Sabi naman niya at kinatok na ang pintuan. “Mae, andito na ako. Don’t worry hindi ko papapasukin si Niki mo. Ako ang papasukin mo baka masapak ko pa si Niki e.” 

Bigla namang bumukas ang pintuan, akmang susugurin na ni Niki ang babae sa loob nang tignan niya ito nang masama at hinawakan naman ni Irvin ang balikat nito. Huminto na lang si Niki at napabuntong hininga. 

“Sorry na, Pareng Mae. Kausapin kita once na okay na ikaw.” Sabi nito na may pag-aalala sa boses nito. 

“O siya. Siya. Tama na ang pagka-Emo mo diyan, Niki. Irvin. Salamat sa pagdala nang gamit ko.” Sabi niya at inilahad ang kamay. Ayaw sana nitong ilagay kasi gusto nitong ilagay iyon sa kama nila. “Papakawalan mo si Niki? Para mo na ring pinakawalan ang isang asong ulol.” 

Natawa ito at ibinigay na ang gamit niya. “Fine. I’ll take care of this guy.” 

“Thanks.” Sabi niya lang at pumasok na. Andoon na naman si Mae. Trying to fight na hindi umiyak. She knew that this girl’s brave. Napangiti siya. 

“Kaya mo yan. I will be here.” Sabi niya at ngumiti. Napangiti rin ito kahit na nga malungkot ang mga mata nito. 



Nagbihis at nag-ayos siya. She needed to go to the HC para malaman kung anong problema at nang maayos na. Ayaw sumama ni Mae na naiintindihan naman niya. Hinablot na niya ang shoulder bag at lumabas na. Nagkatinginan sila nung lumabas sa kabilang kwarto at napangiti sa isa’t-isa. Ano yun telepathy? Sabay pa silang lumabas ni Irvin. Magkatabi lang pala ang kwarto nila. 

“Hi! Where are you going? Yayayain sana kitang mamasyal e.” Sabi nito sa kanya at lumakad na papalapit sa kanya. 

“I’ve got work to do. Andito ako para magtrabaho e. Pero once I dealt with the problem ay mamamasyal tayo. Ililibre mo pa ako kasi na-promote ka e.” Sabi niya at tumalikod na. Hindi niya alam na sinundan pala siya nang lalake. 

“I’ll go with you.” 

“Pero diba ayaw mo nang trabaho ko kasi boring?” 

“Let’s just say that people do change.” 

“Tomo! At isa ka sa kanila. Halika na nga.” Sabi niya at akmang iaangkla ang kamay nang salubungin siya nang isang halik. 

“You said halikan na.” Nakangising sabi nito. 

“Sige. Try mong pumunta sa PALUSOT.COM, baka andoon na ang pangalan mo sa top 10 na taong mahilig magpalusot.” 

“I will go there. At least medyo lumusot naman diba?” Sabi nito at dumilang nagpa-cute sa kanya. 

“Once na napuntahan mo na try mo rin yung PACUTE.COM, baka top 1 ka doon.” Sabi niya at ngumisi. Tumawa naman ito nang malutong na para namang super sweet na music sa kanyang pandinig. 

Lumabas na sila nang hotel at pumunta na sa branch nila. Kahit na hindi sila artista or mga illegal alien aka taga-ibang bansa ay hakot nila ang mga mata nang mga taong nasa Vigan. Maputi kasi ang lalake at matangkad. May pagkakastila ang features nito while siya ay maputi rin. Naramdaman niyang inakbayan naman siya nito. Ay super haba na nang hair ko! Hahaha! Dapat ay mag-ingat ako at baka matapakan pa nang mga tao dahil sa haba. 

“I better keep you near me.” Bulong nito. 

“Ha?” 

“Ahh. Wala. Let’s go. We still need to finish your ‘problem’.” Sabi nito at inilapit pa siya lalo sa katawan nito. Ay grabe! Hilong-hilo na siya sa kakaamoy sa lalake. Sige! Hiluhin mo ako at adikin sa iyong super masculine scent! 

Naglakad na lang sila papunta dahil nasa Central naman nang Vigan ang branch nang HC. Pumasok sila doon at nakita niyang hakot nila ulit ang mata nang mga dalagang ilocana. Hindi niya nga lang maintindihan ang mga sinasabi dahil hindi naman siya ilocano. Pero halata na naman sa mga mata nito na uhaw ang mga ito sa mala-artistang kasama niya. 

“Ma'am Krissa?” Tanong nang parang pinaka-head nila. Tumungo siya at biglang nagbabaan ang tingin nang mga empleyadong naglalaway na 

“Yes. Sorry sa delay ha. Nasiraan kasi kami papunta dito. So pwede na bang pag-usapan ang major major problem na ito? Kasi may bodyguard ako dito e.” Sabi niya at tinignan si Irvin na parang hindi komportable sa mata nang tao. 

“This way po, Ma'am and Sir.” Sabi naman nang medyo may edad nang babae at nagmamadaling pinapasok sila sa opisina nito. Mukhang naramdaman din nitong hindi na komportable ang kanyang Mr.Gwapo. Isinalaysay sa kanila ang problema at medyo komplikado nga ito. Isa sa mga big client daw nito ang gustong umalis na sa kompanya dahil daw sa tagal nang oras nang hindi pa ito nakakapag-meet up sa mga lalake. Sasabihin mong masyadong mababaw iyon pero ang sabi ni Miss Tapia este ni Miss Sunshine ay ipapakasal daw ang babae sa isang octopus, ay sa isda yata or sa pating. Basta hindi daw type nung babae ang mapapang-asawa. Kung hindi pa daw sila makakahanap nang lalakeng tipo nito ay aalis na lang ito at mamimick-up nang lalake kung saan saan. 

“I’ll handle this. Give me the papers nang mga lalakeng registered sa branch na ito. I’ll try to communicate kay Ate Chloe about this thing too para bigyan niya ako nang mga registered single man sa maynila. Kailan ang taning nito?” 

“Sa makalawa po, Ma'am Krissa.” Sabi naman ni Miss Tapia.. eeek! Miss Sunshine sa kanya at kinuha na ang isang katerbang single man doon. 

“Yung iba po ako na ang bahala. Kulang lang po kami sa staff dito para po makahanap nang lalakeng tipo ni Miss Cynthia.” 

“That many?” Nagulat na tanong ni Irvin. Namimilog din ang mata. Natawa naman siya sa reaksiyon nito. Hindi kasi nito nakita ang mga papel na kailangan niyang gawin lagi sa head quarters kaya gulat ito. 

“Not that many. Yakang yaka nang powers ko ito. Well then, Aalis na kami ni Mr. Gwapo at i’ll give you some papers na pwedeng ipa-meet kay Miss Cynthia. Oh by the way, give me a copy of Miss Cynthia’s application. Baka kung ano makuha ko e.” Ibinigay naman kaagad ni Miss Sunshine ang kopya nang Application ni Miss Cynthia. Lumabas na sila at uumpisahan na nilang dalawa ni Irvin ang pagbabasa nang mga application habang nakain nang Empanada! Hmmm! Sarap! 

“Halika na. Sabi mo ay tutulungan mo ako diba? Kain na rin tayo nang kinaaadikan kong empanada nang Vigan! Sarap!” Sabi niya dito at hinila na niya ito nang mag hati sila nang dadalhin na mga papel. It will indeed be a very amazing night para sa kanya. She hope na mas maging close pa sila nang kanyang Fafable na kaibigan.




ITUTULOY...

No comments: