Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, February 10, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 6: A new Friendship

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Hindi siya pinayagan ni Miss Chloe na mag-isang pupunta sa Ilocos so itinapon rin nang bossing nila si Mae para kasama niya. Nasa Tarlac na sila ngunit hindi pa rin nagsasalita ang katabi niya at hindi siya sanay nang ganoon. Baka mapanis ang laway niya na hintaying magsalita ito. Alam kasi niyang ayaw sa kanya nung babae or more like asar/selos ito sa kanya.

“Mae... Let’s enjoy Ilocos as a friend.”

“Hindi naman ako galit sa iyo ahh pero hindi nga tayo friends.”

“Bitter ka?” Eto na ang simula nang daldalan nila. She knew that ang tuksuhan ang masayang umpisa nang pagkakaibigan.

“Anong bitter pinagsasabi mo?” Nakakunot nang sabi nito sa kanya at nakatingin ito nang matalim.

“Bitter kasi may gusto sa akin si Niki mo.”

“N-niki ko? Magkaibigan lang kami non.” Namumulang sabi nito hanggang tenga yata ang pagkapula nito.

“Sus. Lahat alam nang may gusto ka sa kanya. Siya na lang yata ang hindi nakakaalam. Hindi ko alam kung dense ba yun or insensitive or talagang tanga lang e. Ipagsiksikan daw ba sa akin ang sarili niya while you are willing to give your all to him.”

Natahimik ito at medyo naluluha na ito. Medyo kuminang kasi ang gilid nang mata nang dalaga. “Buti ka pa... Alam at naiintindihan mo ako. Kaasar nga e. Chever yung lalakeng iyon! Kahit anong pagpapa-feel ko na mahal ko siya ang akala lagi kaibigan lang ang gusto ko sa kanya.”

“E kasi diretsuhin mo. Sabihin mo, ‘Niki, Mahal kita hindi bilang kaibigan kundi more than friends. Kung hindi mo pa rin maintindihan edi ipakita ko na lang sa iyo.’ Tapos halikan mo agad sa lips. Yung mga ganong tao dapat laging sinisindak or ginugulat e.” Sabi niya dito na habang sinasabi niya ay may action pang kasama ito. Hinila niya kasi ang dalaga paharap sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi. Sinabi niya rin yung lines na iyon tapos ay inilapit niya ang mukha sa babae.

Napapikit naman si Mae nang mariin. Tinanggal na niya ang kamay sa pisngi nito at pinitik ang dalaga sa noo. “Sira. Hindi ako lesbian pero hindi ko rin type si Niki.”

“Ai uu nga. Mas type mo nga pala yung taxi driver na yun.”

“Sana hindi mo na lang minention. Oks na sana tayo e.” Humalukipkip siya at nag-pout pa. Ano siya bata?

“Bakit?”

“Well, the last time we talk ay nag-walk out siya nang hindi ko naman alam kung ano ang dahilan kung bakit siya galit. Stress na stress ako dahil sa kanya tapos ay hindi niya sinasagot ang tawag ko at ang text messages ko. Kalorkey siya!” Madaldal niyang litanya na hindi mapigilan ni Mae ang matawa nang malakas. Medyo napapangiti din siya dahil sa tawa nito. Nakakahawa kumbaga yung tawa nito.

“E kasi naman baka na-offend mo. Try to think the last conversation you had.”

“Well, marami akong sinabi, Sinubuan ko pa nga siya nang masarap na pagkain at nasarapan naman siya. Tapos nag-usap kami tungkol kila Sir Zeke at Mam Chloe. Sabi niya hate niya daw si Zeke dahil sa bestfriend niyang anak nang may-ari nang Imperial. Tapos ayun pinagtanggol ko siyempre si Bossing Zeke. Tapos nun... Nag... Walk-out siya! Homaygulay! Sinabihan ko nga pala nang medyo masasakit na salita ang bestfriend nung mokong!”

“Ai naku. Ikaw kasi e, minsan hindi iniisip ang mga sinasabi buti nga at ibang-iba ka when your facing the people you were matching. Kokontakin ka rin nung taxi driver na yun once na hindi na siya galit or tampo sa iyo.” Sabi nito at inalo siya nito.

“Sige. Mag-rerelax ako too the max sa Vigan! Ayaw ko munang isipin ang aking fail—. Aray!” Naisigaw niya nang biglang huminto ang sasakyan nila. Buti na nga lang at nasa gilid sila kundi isa silang malaking harang para sa mga sasakyan.

“Manong June, ano pong nangyari?” Takang tanong niya habang sapo niya ang noong nauntog sa uluhan nang upuan sa passenger seat.

“Naku Mam, mukhang pumutok ang isang gulong natin kaya bigla tayong nahinto. Check ko lang po.” Sabi nito at nagmamadaling tinignan ang mga gulong. Lumabas sila ni Mae sa sasakyan at nakitang hindi lang isa ang nabutas na gulong kundi dalawa. Kung sa kinamalas-malasan nga naman nila ay dalawa pang likuran ang nabutas. Homaygulay!

“Naku Mam! Isa lang po ang spare ko at nasa kalagitnaan tayo nang bukirin. Paano na po ito?”

“Siguro naman ay mga sasakyang magdadaan dito.”

“Pero matatagalan, Mam. Madalang ang mga sasakyang napapadpad dito e.”

“E bakit dito pa tayo dumaan? Nabutasan tuloy tayo.”

“E kasi Mam...” Kumamot ito nang ulo at hindi makatingin sa kanya. “...Sabi ni Mam Chloe ay bilisan daw nating makarating sa Vigan kaya po ginamit ko itong short cut na ito. Konti pa lang po nakakaalam dito at panget nga po ang daan. Akala ko naman po ay hindi tayo mahihirapan. Sorry po.”

Napabuntong hininga siya at nag-isip. Kailangan nila nang rescue. Sino ba magaling sa kotse? Si Irvin! Tumakbo siya papasok nang sasakyan at kinuha ang phone! Weee! Buti at malakas ang signal niya. She texted Irvin at sinabing emergency ang gagawin niyang tawag.

Nakita niya rin si Mae na kinuha ang telepono at may tinawagan. Sana ay sagutin ni Irvin ang telepono. Nag-ring ito hanggang lima pero walang nasagot. Nadismaya siya. Galit nga pala ito at hindi ito makakatulong sa kanya. She sighed and was about to end the call nang sinagot na nito iyon.

“What Emergency? Are you okay? Nasaan ka ngayon? May galos ka ba?” Mabilis na tanong nito sa kanya. Mukhang ngayon lang nito nabasa ang message niya.

“Isa-isa lang po ang tanong pero sige at sasagutin ko lahat iyan. Emergency nga, walang halong biro. Yes, we are fine pero may problema. Nasa short cut ek ek kami na ang nakakaalam lang ay si Manong June. Wala po akong galos. Bukol meron. Any question?” Napangiti na siya. Super talaga itong mag-alala at mag-alaga sa kanya. Ang sweet!

“There is. Saang short cut? Saang lugar ba kayo papunta at sino ang kasama mo? May bukol ka? May ice ba diyan? Lagyan mo kaya yung bukol mo.” Sabi nito na may pag-aaalala pa rin.

“Sige sasagutin ko ulit yang redundant mong tanongers. Hindi ko nga po alam kung saan ang short cut, alam ni Manong June. Ipapakausap kita once na sagutin ko ang tanong mo at kung nalaman kong napatawad mo na ako. Sa Ilocos kami papunta at kasama ko ang future gf ni Pareng Niki. May ice? Wala e. Mainit na rin kasi. Yung inumin ko nga wala nang yelo e.” Sabi niya dito at ngumiti. Alam niyang nakakunot na naman ang noo nito pero kahit ano pa siguro ang gawin nito sa mukha nito ay gwapo pa rin ito sa paningin niya.

“Why are you asking for forgiveness? Wala ka namang kasalanan ahh.” Sabi niti na may sweetness na sa boses.

“Well, ilang milliong beses na akong tumawag at nag-text sa iyo. Joke, exaggerated lang ako masyado pero true na nakailang text ako sa iyo. Walang sagot or reply. Kinakabahan tuloy ako. Baka kasi kapag naging super gwapo ka na sa paningin ko hindi mo na marinig iyon.”

Natawa naman ang kausap niya sa kabilang linya at napabuntong hininga. “No. I am not angry. Super busy lang ako. Na-promote kasi ako e, so kailangan kong mag-work nang sobra para naman alam nilang deserving ako.”

“Pak! Congratulations! Libre mo ako once na magkita tayo ha!” Sabi niya dito at tumawa. Wait parang may nakakalimutan siya! Homaygulay! Ang sasakyan.

“Pakausap na kay Manong June.” Sabi nito at mukhang naalala na rin ang problema/emergency niyang sinabi.

“Manong June. Telepono po.” Tumakbo naman ang matandang lalake sa kanya at kinausap ang binata. Medyo matagal at narinig niyang nagbigay nang instruction si Manong June sa lalake. Ibinigay na ni Manong June sa kanya. Wala na ito sa kabilang linya. Kalorkey! Hindi man lang nagpaalam sa akin or sabihan akong ingat ako dito. Haller! Ano ka ba niya at Ano mo ba siya? Nang-aano ka na e! Makulit namang comment nang kanyang kaisipan.

“Dadating na si Niki para magdala nang isang spare na gulong para sa atin. Kalorkey! Kinikilig ako!” Sabi naman nito at halatang kinikilig nga ito.

“Maaasahan talaga ng future boyfriend mo. I wish you luck para makuha yung si Niki!” Sabi naman niya dito at nagyakap sila.

Matagal-tagal rin silang naghintay bago may dumating na magarang sasakyan. Naka-silong sila sa ilalim nang puno at si Mang June na ang sumalubong dito. Iniluwal si Niki sa passenger seat at si Irvin naman sa driver’s seat. Napatayo silang dalawang babae sa kinasisilungan.

“Irvin!”

“Niki!”

Magkasabay nilang tawag kaya naman napalingon ang dalawa sa gawi nila. Ngumiti ang dalawa sa kanila pero mas super ang effect ni Irvin sa kanya. Ang gwapo nito sa suot nitong polo at slacks! Tumakbo silang sabay ni Mae at si Niki naman ay nakabukas kamay na sinalubong sila. Ang akala siguro nito ay magpapayakat siya dito. Imbes na dumiretso siya kay Niki ay kay Irvin siya lumapit.

“Nakakagulat ka naman! Kanina ay kausap lang ki—.” Natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong inilabas ang nakatagong kanang kamay nito sa likuran at inilagay ito sa noo niya. Medyo napapikit siya kasi akala niya ay tatampalin siya nito sa noo yun pala ay may ice pack itong dala.

“You told me you didn’t have any ice so I went and buy one on the way here. Nakita ko rin si Niki on the way kaya sinabay ko na. Mukha namang pupuntahan din kayo kasi may dalang gulong.”

“Salamat! Sweet naman ni Mr. Gwapo.” Sabi niya dito at ngumising hinawakan na ang Ice pack. Nadaganan niya tuloy ang kamay nitong nakahawak parin sa icepack. Nagkatinginan at nagkatitigan naman sila. A sweet sensation crawl down that came from their hands down to her spine that gave her a chill and sweet sensation at the same time.

“Krissa babes! Hindi mo man lang ako pinansin.” Nagmamaktol na putol ni Niki sa moment nila nang kanyang Mr. Gwapo! Kaya ayaw ko dito sa lalakeng ito e. Super Dense! Kalorkey!

“Mae, ikaw na bahala diyan sa kababata mo! Gawin mo na yung na practise natin kanina. I am sure super effective yun.”

“Anong practise? Ano yun? Sasapakin mo ako, Emae?” Narinig pa rin niyang sabi ni Niki bago niya itinuon ang tingin sa lalakeng super gwapo sa paningin niya.

“Tumahimik ka nga diyan, Niki! Halika nga dito!” Maririnig mo ang pagkaasar nang bagong kaibigan. Mukhang may ginawa na naman ang mokong na si Niki habang may moment sila.

“So nasaan na nga ba tayo?” Tanong niya sa lalakeng nakatitig pa rin sa kanya. Isang linggo rin silang hindi nagkita nitong mokong na ito at namiss niya talaga ito. Kasi naman ay akala niya ay galit ito sa kanya. Eto lang tuloy ang laging nasa isip niya. Grabe ha! Para akong in love sa lalakeng itetchiwa!

“We are in this part.” Sabi nito and bend down. Napatingala naman siya at akmang magtatanong kaya medyo buka ang kanyang super natatakam na labing magsalita. Iba pala ang matitikman nito. Ang labing super delicious ni Irvin. Heaven! Kaya lang saglit lang ang heaven na iyon e. Kasi may tumikhim sa likuran niya.

“Sorry po sa pagsira nang... moment niyo pero kailangan ko na pong makuha ang gulong. Papalitan ko na.” Si Manong June pala ang nagsira nang moment nila nang Mr. Gwaponess niya. Napa-diretso ito nang tayo at siya naman ay napayuko at hindi pa rin maka-ikot at tignan si Manong June.

“Oh yeah! Sorry about that Manong June. Andito po.” Sabi nito at narinig at naramdaman niya ang paglayo nang lalake. Nakita niyang sumunod si Manong June dito. Hindi nagtagal at lumakad na si Manong June patungo sa sasakyan.

“I still got a spare tires on the back. Susundan namin kayo ni Niki hanggang sa makarating kayong pupuntahan niyo.”

“Paano ang trabaho mo?”

“Before I left ay kinausap ko muna si Da—. Si Mr, Romano at pinayagan akong mag-off nang ilang araw. So safe naman akong magliwaliw.” Sabi nito at ngumiti. Inakbayan naman siya nito at iniharap sa sasakyan at pinanood na lang nila si Mang June. Nakita naman niyang naglalakad na si Mae papalapit sa kanila.

“Nasaan na si future Bf mo?”

“Nandoon. Nakaupo. Tumba.”

“Bakit?”

“E hindi niya keri yung ginawa ko sa kanya e. Hayaan mo na lang muna yun. Para ma-gets niyang mag-isa ang meaning nung ginawa ko.”

“Ni-rape mo?”

“Sira! Adik! Baliw! Hindi ako ganon no. Pero siguro sa susunod.” Sabi nito at ngumisi.

“That’s my girl! Apir!” Sabi niya at nag-high five sila. Doon naman dumating ang tulaley paring si Niki. Natigilan lang ito nang makita ulit si Mae. Napansin niya ring tumingin ito sa kanya and then kay Mae again tapos ay lumakad na ito at pumuwesto sa tabi ni Irvin. Aba at mukhang magkaibigan na ang dalawang magka-away dati.

“Okay na po ang sasakyan. Pwede na po tayong umalis papuntang Vigan.”



ITUTULOY...

No comments: