Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, February 9, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 5: Moody much?

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


“Let’s go then.” Sabi niya dito at lumakad na sila patungo sa supermarket sa loob nang MOA. Marami pa ring tao dito kahit na nga ba late. Lumakad kaagad sila sa fruits and vergetable section para mabilis silang makauwi at makaluto na rin siya.

Tahimik naman ang lalakeng nasunod lang sa kanya habang siya ay nagdadadada sa kung anu-ano. Oo, hmmm, hindi, baka, oo nga ang mga sinasagot lang nang lalake. Hindi niya tuloy napigilang huminto at huminto rin naman ito sa tapat niya.

“Why?” Nakakunot noong tanong nito sa kanya kahit na nga ba hindi pa ito makatingin sa mga mata niya.

“Ikaw dapat ang tanungin ko e. Bakit hindi ka makatingin sa akin at puro isang words lang ang sinasabi mo? May problema ka ba?”

“Nothing. I’m fine. You don’t need to think about it. Baka napagod lang ako kanina.” Sabi nito at ngumiti sa kanya.

“Ai naku, kung pagod ka na pala ay dapat nagpahinga ka na lang muna doon sa taxi. Ikaw talaga.” Sabi niya dito at nginitian nito. “Hayaan mo at bibigyan kita nang specialty ko at baka makalimutan mo pa ang pangalan mo sa sarap. Temporary amnesia nga kung baga.”

Napatawa na ang lalake at inakbayan na siya. “I am fine, Krissy. I swear. But you definitely made me hungry because you’re always talking about foods.”

“I am so sure na hindi ako mapapahiya! Kasi kapag inayawan mo yung luto ko ipapalapa kita sa mga kapitbahay namin. Ai naku, patok ka doon.” Sabi niya pa at tumawa na rin kasama nito. Hindi naman nagtagal at nakapamili na sila nang iluluto.

Pinakbet at Chosuey ang niluto niya. Hindi niya kasi sure kung mahilig ito sa vegetable o karne basta nagluto na lang siya. Bet na bet naman niya ang luto niya e basta masarap iyon para sa kanya, pinatikim na rin niya sila Ate Chloe niya at Kuya Ezekiel niya at nasarapan naman sila so bet niya ito!

“Here. Pinakbet at Chopsuey ala Krissy.” Naka-upo na ito sa tabi niya, nauna na kasi ang mga kapamilya niya kasi late na silang naka-uwi.

“Oh... Say Ahhh.” Sabi niya nakangisi sa lalake pero gusto nga niya itong subuan. Nakatapat na dito ang kutsarang may kanin at ulam na pinakbet. Ngumanga naman ito kahit na nga ba magkasalubong ang kilay nito. Unti-unti nitong nginuya ang isinubo niya dito at unti-unti ring naghiwalay ang magkasalubong na kilay nito at nilunok na ang pagkain. Nakangiti ito at nagsandok na nang pinakbet.

“This food is nice. I like it.” Sabi nito at naglagay na rin nang kanin doon.

“Wait. Eto pa.” Sabi niya dito at masayang masaya dahil nasarapan ito. Mukha kasing pihikan itong lalake. Nilapit niya ulit ang kutsarang may chopsuey at kanin na isinubo ulit nang lalake. Like the first one ay unti-unti nito iyong nginuya.. blah. Blah. Blah. At nasarapan naman.

Hindi nagtagal ay nagsimula na silang kumain nang masaya. Nagdaldal na rin siya para naman hindi ito ma-out of place sa bahay niya.

“Alam kong masasarapan ka e. Kaya nga iniluto ko ito sa iyo e. Kahit nga mayayaman ay nasasarapan sa luto ko e katulad nung si Kuya Ezekiel at si Ate Chloe. Ang sarap daw nung niluto ko at gusto pa akong i-hire aba sabi ko naman na hindi pwede ang beauty ko sa kusina nila. Dapat sa kusina nang bahay nang mapapang-asawa ko ako nakalagi.”

“Ezekiel, again?” Sabi nito at inilapag na ang kubyertos sa gilid nang plato at inilayo na ito. Nawalan na ba ito nang gana? Whyness?!

“Hindi mo uubusin?”

“Nah. Nawalan na ako nang gana e.” Sabi nito sa kanya at ngumiti nang matipid sa kanya. Kumunot tuloy ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Bakit? Dahil sinabi niya ang pangalan ng mag-asawa? Grabeness ha!

“Ayaw na ayaw mo ba talaga kila Kuya at Ate Chloe?”

“Just Ezekiel... It’s about the rivalry between ZCC and IM. Yung nag-iisang anak na lalake ni Mr. Romano Imperial hates Ezekiel so much and I am that guy’s best friend.”

“Hindi naman masamang tao si Kuya e. His very hard-working at hindi siya nahingi nang tulong sa ama niya. Maybe that son of Mr. Romano is just jealous kasi nga nakakatayo si Mr. Ezekiel kahit na walang tulong ang ama nito. I mean, no offense sa best friend mo ha, but I think it’s a childish thing to hate Mr. Ezekiel kasi magka-rival ang kompanya nila. They should be proud kasi they have a rival like Mr. Ezekiel.” Sabi niya at taas noo pang nakatingin sa kanya.

Wala siyang pakialam sa anak ni Mr. Romano Imperial or kung sino mang Poncio Pilato na yun ang alam niya mabait at maaasahang lalake si Kuya Zeke niya. She needed to at least protect her love ones lalo na at pinagsasalitaan ito through his back.

“I’m going.” Sabi nito at masama na yata ang timpla nito.

“Ai. Ihahatid na ki—.”

“No need. I can atleast walked by myself. I can stand on my own too. You just watched.” Sabi nito at lumayas na sa bahay nila. Narinig niyang nagpaalam ito sa mga magulang niya. Dagdag pogi points at bawas pogi points din iyon. Dagdag pogi points dahil nagpaalam ito at sobrang magalang while bawas pogi points dahil moody masyado ang lalake.

“Ha? Wa—.” Sunod naman niyang sabi at sumilip na sa labas. Wala na ito. Well, magkikita naman sila soon e. So hayaan na lang muna niya.



I’m back.” Walang ganang saad niya nang pumasok siya sa Mansion nang mga Imperial. Tumingin lahat ang kapamilya niya sa kanya at ngumiti.

“Welcome back, Son. Musta ang pasada mo ngayon?”

“I didn’t really went out too much. I needed to take care of that lady who always talks about Ezekiel.” Naaburido niyang sabi habang paakyat siya. Nanlilimahid na siya. Maghapon ba naman siyang magbiyahe sa mausok at matrapik na daan nang pilipinas e.

“Oh! That girl named... Sino nga ba yun?” Tanong naman nang kakambal niyang si Iris Catalina Imperial na nakaupo sa tabi nang magulang habang may nakakabit na Ipod sa isang tenga at nagbabasa nang fashion magazine. Not like him, Catalina likes fashion shows at any kinds of thing na related doon. He stopped being in showbiz while her twin loves it.

“Krissy...” Sagot naman nang kalalabas lang na si Maria Suzette Imperial sa Dark Room. Isa itong Scenery Photographer at single parin. Mukhang ayaw na nitong magkaasawa at magkaanak. Mag-aampon na lang daw ito kung sakaling mag-isa na lang itong mamuhay or kung mag-asawa na daw kaming kambal at madedo na ang magulang.

“Oh right! Nice! Nice! Nice! I love Ezekiel too. Magaling kaya siya at nakaka—.”

“Shut Up!” Sabi niya at lumakad na sa kwarto niya. Parehong-pareho ang kakambal niya kay Krissy. Siguro kaya napalapit sa kanya kaagad si Krissy. Kasing bold kasi ang pagsasalita nito at ni Krissy. Medyo asar pang naligo na siya. Atleast mababawasan ang pagkaasar niya. Madali kasi siyang mabadtrip lalo na kung frustrated siya at inihambing pa sa kinaaasaran niyang tao.

Lumabas na ito at naandoon pa rin ang pamilya niya plus na nga lang ang ate niyang sumulpot lang basta basta kanina. “Back.”

“Wala na yung linya mong ‘I am back. Did you missed my handsome face?’, Nakakapanibago.” May pang-uuyam na sita nang ate niya. Mapang-asar talaga ito.

“I am a changed man now. Hindi ka kasi lumalabas sa kweba mo kaya wala kang alam. Right Mom, Dad at Iris?”

“Yup. Very true. Naging taxi driver lang nag-iba na si Kuya.” Sabi ni Iris na naghahalungkat parin nang ibang mga magazines.

“Dapat talaga ay noon pa lang ay pinag-taxi na kita. You really change in such a short time.”

“Well. Good. Kasi nakakasawang sakyan ang pagka-Egoist mo.”

“Whatever... Old Virgin.”

“Hindi ako Virgin at lalong hindi pa ako matanda. Tignan mo nga ako kung merong kang makikitang katandaan?” Sabi nito at tinaasan pa siya nang kilay. Hindi nga naman ito mukhang bente otcho sa mukha nito. Nagmana ito sa tatay niyang baby face din.

“Well, Thanks to Dad’s genes that you look like that but what If we don’t have a father that has a baby face? Siguro mas mukha ka pang matanda kila Dad and Mom.”

“Do you really wanna get embarrased that badly?” Nakangisi nang tanong nang mala-demonya niyang kapatid na si Suzette. Napalunok siya. Meron nga pala itong mga picture niyang lasing na lasing siya at sumusuka. May video rin ito at kung anu-ano pa.

“Blackmailer!”

“You need that when you are in father’s business. Nagmana lang ako sa the best.” Sabi nito at nilingon ang tatay nitong natatawa lang.

“Whatever...”

“So bakit ka nga pala nabadtrip kanina? Ano naman ba ang sinabi ni Krissy mo?” Tanong nang sobrang dense niyang kambal. Napa-roll eyes tuloy siya at umupo na sa nag-iisang upuan. Kahit na may kanya-kanyang trabaho na ang pamilya ay may oras pa rin ang mga itong makipag-bonding, except again sa demonistic niyang, Ate Zette.

“Nothing...”

“Lemme guess. Because we are twins.. I got this feeling na she praised Ezekiel and made fun of you.” Sabi nito at nakangisi. Isa sa mga ayaw niyang kaaway ay ang kanyang dalawang babaeng kapatid. Nakakatakot kasi ang mga ito dahil kilalang-kilala siya.

Hindi naman siya sumagot pero nag-apir at nagkatawanan ang dalawang babae. Kilalang kilala nga talaga siya nang mga ito. Hindi niya namalayang pinakatititigan na pala siya nang kanyang ama.

“Irvin... I’ll give you a promotion. Pwede ka kang gumamit nang suit mo at maging ‘Sales Person’.” Sabi nito at ngumisi. “I think this will be the easiest job for you. You know how to lure girls and sales talk.”

“When will I start?”

“Tomorrow.”

“That fast?”

“I thought you don’t wanna be outside and get very exhausted. I’m trying to do you a favour, Son. Just accept it.”

“Fine. It’s about time na magpakitang gilas naman ako kay Krissy.”

“So it’s all about Krissy. You liked her that much?”

“No! Gusto ko lang ipakita sa kanya na kaya kong maging mas matagumpay nang mag-isa. I’ll try my best to sell more cars than anyone.”

“Good Luck, Hijo.” Sabi nang nanay niyang nakikinig lang sa kanila. Si Dahlia Imperial, photographer. Dito yata nakuha nang ate niya ang hilig nitong maging photographer.



Akala niya ay magpapakita si Irvin sa mga susunod na araw pero hindi. Nagtext siya, tumawag at nag-text pero wala pa ring reply si Irvin. Medyo nagui-guilty siya at naaasar. Naasar kasi naguiguilty siya kahit na nga ba hindi niya alam kung bakit siya dapat maguilty. Naguilty siya kasi galit itong umalis sa kanila. Hindi tuloy siya masyadong nakakapag-concentrate. She needed to talk to him bago pa siya mabaliw sa kakaisip kung may nagawa ba siyang mali.

“Krissy. I need you to go to Ilocos.” Napataas siya nang tingin sa bossing niya. Meron din kasi silang branch sa Ilocos.

“Bakit Bossing... este ate?”

“Seems like theirs a major problem sa branch na iyon. I need you to go there because I trust you when it comes to fixing problems. Ipapahatid na kita sa driver. Don’t worry. I phoned your parents. Oks naman sila. Kailangang-kailangan ka lang talaga doon.”

“Sige po, Ate. Uuwi lang po ako para mag-impake. Tapos po ay didiretso na ako doon.”

“Thank you talaga, Krissy. I really owe you one. Hindi kasi ako pwedeng mag-stay doon because of Aaron and Artemis tapos yung asawa ko pang pasaway andoon din.”

“Ai naku, Ate Chloe. Oks lang yun. Ako na pong bahala sa problema doon. Siya nga po pala. Tawagan ko na lang po kayo when I needed help.”

“Sige. Ingat ka ha.”

Umuwi na siya nang bahay at nag-empake nang mga dadalhin na niya. Eto na rin siguro ang kailangan niya ngayon. Break sa lahat. Break sa trabaho, sa stress at break sa pag-iisip sa hinayupak na moody na lalakeng si Irvin. Hindi nagtagal at dumating na si Mang Jhun at nagsimula na silang mag-biyahe. She just hope that her stay there will be a blast and relaxing!




ITUTULOY...

1 comment:

nassiruebel said...

How do you gamble online at casinos? - DrmCd
and 양산 출장마사지 the 태백 출장마사지 fact that this page is constantly updated 제주도 출장샵 and 시흥 출장안마 updated with new games are constantly added, and 경상북도 출장안마 players are constantly looking for the best games