Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, February 8, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 4: Coincidence or Stalking?

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


She’s been busy for a couple of weeks. May nagkasakit kasing mga Match-makers kaya kailangan nilang kumayod nang double. She had done double job than she used to. Wala na nga siya masyadong pahinga at wala rin siyang masyadong tulog. Checking schedules of both the people who she matched at yung mga place na pwede nilang puntahan.

Kahit naman busy na busy siya ay lagi naman niyang nakikita ang binatang taxi driver sa kahit saang lugar na puntahan niya. Hindi niya tuloy maisip na may gwapo siyang stalker. As far as naaalala niya, hindi naman ito mamamatay tao or holdaper dahil sa first encounter nila. Kahit naman nakikita niya ang lalake ay hindi naman siya inaabala nito. Parang pinagmamasdan lang siya nito or more like binabantayan. She’s kinda happy.

Nag-ring ang cellphone niya at dahil doon ay nawala ang tingin niya sa lalakeng nakaupo lang sa malayo. “Hello, Miss—. Este Ate Chloe. What can I do for you? Last na itong couple na ito for today kung meron pa kayong ipapaasikaso sa aking couple ay okay lang ako.”

“Nope. You’ve done too much for this past two weeks. You can go for an off now. May tawag na kila Caroline at Paulina, they are both coming back tomorrow.” Sabi nito at may saya sa boses nito. Kung super busy na siya ay mas lalo na ito. Hinatak na nga ulit nito ang asawa para gumawa nang ilang match making e. She remembered nang magulat sila isang araw, almost 8 years ago, nag-volunteer itong magtrabaho dahil iniwan ni Mam KC ang posisyon nito para magtrabaho nang full time para sa pamilya.

“Salamat po, Ate. Mabuti na lang po at okay na yung dalawang yun. Pwede na ulit kayo mag-loving-loving ni Kuya Zeke! Woohoo!” Sabi niya dito at ngumisi. She’s so sure na nagblush ang kanyang magandang bossing.

“Shut up, Krissy! Adik ka talaga! Kaw nga ay humanap na nang lovelife nang matahimik ka na at maging masaya. Lagi mo na lang kami nakikita nitong si asawa ko e.” Sabi nito at tumawa pa. Doon naman niya binalingan nang tingin si Irvin. Mukhang nagulat ito sa biglang paglingon niya dito. Kumaway na lang siya at ngumiti ito sa kanya. Huli sa aktong tinititigan siya nito.

“Ai naku, Ate. Malapit na. May gwapo na akong stalker e.” Sabi niya at bumungisngis.

“Stalker? Naalala ko tuloy yung si Ezekiel. Siguraduhin mo lang na mabait yan at hindi nangangain ha.” Natatawang sabi nito sa kanya.

“Ai naku! Baka kamo siya kainin ko. Nahulog yata sa exotic beauty ko e.”

“Gagi! Exotic beauty ka diyan?! Oi! Maganda ka! Nagmana ka kaya sa akin, maputi ka nga lang. Oh, siya sige, ibababa ko na ito andito na si asawa ko e.” Sabi nito sa kanya at ibinaba na. Tumayo na siya at lumapit sa lalake hangga’t hindi pa ito nakakatingin ulit sa gawi niya. Napangisi siya nang magulat ito nang tumabi siya.

“Musta ang pag-stalk sa akin? Okay lang ba?” Nakangisi paring sabi niya dito.

“S-stalking? Not really. It’s just that my passenger are people who goes to the place your going. It’s just plain coincidence.” Sabi nito at ngumiti.

“Sus. Plain coincidence daw e bakit ka nag-sstay sa mga lugar na nandoon ako at maghanap na ulit nang pasahero? Ikaw talaga! Paano ka aasenso niyan?” Sabi niya at kinuha ang iniinom nito at ininuman. Trip lang niya.

“You should have told me you wanted a drink. Hindi mo na sana ininom yung nalawayan ko na.”

“Asus. Ayaw mo nun, indirect kiss.” Nakakaloko siyang ngumiti dito at nag-peace sign.

“Joke lang. Ayaw ko ngang gumastos ka pa para lang sa whims ko. Halika, kain tayo sa mas mura. Mahal dito e.” Sabi niya at inilapag na niya ang baso nito na wala nang laman. Hindi pa siya nakakahakbang nang hilain ulit siya nito pabalik.

“I don’t like indirect kiss. I want the real one.” Pagkasabi nito ay binigyan siya nito nang mabilis na halik sa labi. Ito naman ay tumayo na at hinila na rin siya patayo kahit na nga ba nagulat siya.

“Ikaw ha! Sumosobra ka na! Lagi kang halik nang halik sa akin e hindi pa nga tayo!”

“Then be my girlfriend.”

“Nek nek mo! Ni hindi mo pa nga ako nililigawan e. Sinusundan mo lang ako lagi.”

“I told you, I wasn’t stalking you it’s just p—“

“Plain Coincidence. Ai naku waley akong pakialam kung plain or colorful basta sinusundan mo ako. Tapos.” Sabi niya dito at lumakad na papalabas.

“You... Fine, I’ll tell you the truth. It was indeed a plain coincidence. Promise. Kaya lang tuwing nakikita kita, I had this urge to stay. Kasi mukhang pagod ka na pero trabaho ka pa rin nang trabaho. I just wanted to check if your okay.” Sabi nito at napakamot sa batok.

“Ai naku! Ang sweet mo naman! Kakaasar ka. Lika na nga.” Sabi niya dito at iniangkla na ang kamay niya sa lalake. Hinila na niya ang lalake at sumakay na sa tabi nito.

“Kung kailangan ko na nang tutor kapag bumili na ako nang sasakyan ay i-hire kita. Don’t worry babayaran kita nang mas mataas pa sa kinikita mo. Sabi naman ni kuya Zeke na bibigyan niya ako nang malaking discount e.”

“Bibili ka nang kotse kila Ezekiel? Why don’t you buy cars in Imperial Motors? Mas di hamak naman na kilala iyon. Nagsisimula pa lang ang ZCC ay nasa tuktok na nang tagumpay ang mga Imperial. I am sure na bibigyan ka din nang malaking discount, kilala ko kasi ang may-ari nun e. Actually siya ang nagpa-aral sa akin.” Sabi nito at ngumiti.

“Hmmmm. Sige, try kong mag-browse nang sasakyan doon at kay kuya Ezekiel. Sana nga lang ay bigyan ako nang malaking discount pagbumili ako doon sa Imperial Motors.”

“Sure yun.”

“Ai, hindi ka naman masyadong confident niyan? Paano kung sabihin nung may-ari na waley kang pwedeng ibigay na discount sa akin?”

“Nope. I am sure. Mabait si Da—. Si Mr. Romano. His like a father to me.”

“Ulila ka na ba?” Natanong niya dito at pinagmasdan ito.

“Nope. What I mean is like a second father or more like best buddy.” Sabi nito at nagningning ang mata nang lalake. Mukhang sobrang taas nang tingin nito sa may-ari nang Imperial. Base sa sinabi nito ay napakabait na tao nga siguro ni Mr. Romano Imperial dahil pinag-aral niya ang gwaponess na lalake.

“Parang sila Kuya Zeke at Ate Chloe. They are like my second family. Dahil kasi ako ang panganay ay ako na ang breadwinner sa amin. Highschool lang ang tinapos ko dati nung nag-uumpisa ako kila Ate chloe. Thanks to her ay nakapagpatapos ko ang 2 kong nakababatang kapatid at nakatapos na rin ako nang college while working at her company. I really owed those couple a lot.” Sabi niya at napangiti na parang gustong umiyak.

“Your very admirable... I finished studying for a long time now but this is my first time working. Thanks!”

“Bakit na nag-thank you? Dahil sa pagsasabi ko nang aking mala-Maalala Mo Kaya na story? No problem. Basta maging inspirasyon sa iyo para magtrabahong mabuti at nang umasenso ka.”

“Silly, Missy. I’m not talking about that. I cannot tell you what it is yet but Thank you.”

“You’re welcome, Mr. Gwapo.” Sabi nito at napadilang nagpa-cute dito. Bigla kasi itong napalingon nung tinawag niya itong Mr. Gwapo.

“Wow. Nagulat ako doon ah! Iba pala ang feeling pag-out-of-the-blue kang na-compliment-an. Ang sarap dito.” Sabi nito at itinuro ang dibdib nito.

“Ai.. Ang cheesy! Punta tayong MOA.” Sabi niya dito and grins. “Off kasi ako bukas e. I want to just sit down and look at the sunset tapos ay mamili nang mga pagkain.”

Dumating sila sa MOA. Hapon na rin iyon kaya nagmamadali silang pumunta sa Gerry’s grill at umupo sa labas. Mas maganda kasing kumain sa labas while watching the sunset e.

“Isn’t it nice? Nakaka-relax. At yun ang kailangan ko ngayon.” Sabi niya nang pagmasdan ang sunset habang hinihintay na nila ang pagkain nila.

“Yes. It is indeed amazingly beautiful.”

“Sabi ko sa iy—. Oi! Baka naman matunay na ako niyan!” Sabi niya dito nang mahuli niyang sa kanya pala ito nakatitig.

“Well, I’ve seen so many people and scenery pero mas type ko ang view mo.” Sabi nito at ngumiti.

“Cheesy lines na naman! Banat ka nang banat niyan e. Baka mabanatan na kita.” Sabi niya pero nag-peace sign naman sa lalake. Hindi nagtagal at dumating na ang pagkain nila. Hindi na muna sila masyadong nag-usap dahil nga alam nang lalakeng hindi siya pala salita pagnakain.

Matapos kumain ay naghati na sila nang bayad. Ayaw nga sana nang lalake na pagbayarin siya dahil nagbayad na daw siya dati sa Jolibee. Ayaw naman niya nang ganon no. Mahirap ang buhay ngayon at siya naman ay may kaya na while this guy’s pay isn’t really okay.

Nagpasya silang lumakad patungo sa manila bay at umupo na lang muna doon. Naghikab siya.

“Oops! Sorry.” Sabi naman niya dito at tinakpan ang bibig. Napangiti naman ito at inihilig ang ulo niya sa balikat nito.

“It’s fine. Matulog ka muna diyan basta wag ka lang hihilik ha.” Sabi nito at tumawa nang mahina. Nakurot niya tuloy ito nang mahina sa tagiliran.

“Maghihilik talaga ako. Ang sarap kayang matulog after 2 weeks na walang tulog.” Sabi niya dito na nakapagpalingon sa lalake.

“Pinapagod ka naman yata nila sa trabaho mo e. Are you okay?”May pag-aalala ito sa boses.

“Ai naku. Wag ka masyadong mabait baka mamaya niyan utangan kita.” Sabi niya dito at tumawa.

“Sige. Shoot mo lang.”

“Ano ako basketbolista? Shoot ko saan? Sa ilong mo?”

“Adik. Matulog ka na nga lang baka i-shoot kita dito sa ilong ko e.”

“Yuck! Eewwww! Baka masabit ako sa mga buhok mo sa ilong. Wag na lang.” Sabi niya na lalong nakapagpatawa sa lalake.

“Your crazy.”

“Matagal na. Naumpog na ito nang maraming beses e. Ayaw na ngang ayusin nung nagkukumpini. Madami na daw nawalang turnilyo at out of stock na daw siya. Sa dinami-dami daw nang mga nawawalan nang tornilyo sa utak e.” Sabi niya dito at ngumisi. Ang sarap namang pakinggan nang tawa nitong mokong na ito. Nakakaantok. Pumikit tuloy siya at nagkunwaring humilik.

Natawa ito nang mahina nang maramdaman niyang gumalaw ang ulo nito. Mukhang sinilip pa siya nito. “Paano bang hindi umibig sa iyo?”

Biglang nag-thump ang kanyang precious heart dito. Naramdaman niya ang hininga nito sa noo niya. Nahugot niya tuloy ang hininga. Mukhang hahalikan siya nito. Homaygulay! Medyo nadisappoint nga siya dahil sa noo lang siya nito hinalikan. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog nga siya nang tuluyan.



Nagising siya at nagpunas nang mata. Medyo masakit ang katawan niya. Ang tigas kasi nang hinihigaan niya e. Parang semento. Semento? Homaygulay! Nakatulog nga pala ako! Iminulat niya kaagad ang mga mata at nakitang madilim na ito. Yung kaninang pwesto niyang naka-sandal ang ulo niya sa balikat nang lalake ay ngayon ay napalitan. Nakahiga na siya sa hita nito at medyo naantok na rin ang lalake! Naku! Hindi ito nakapasada! Paano ang kakainin nito?

“Bakit hindi mo ako ginising?” Mahina niyang turan dito na nakapagpamulat sa mata nang lalake.

“Good evening, Krissy.” Sabi nito sa kanya at nginitian siya. Pupungas-pungas din itong tinignan ang relo. It is 8 in the evening. Tatlong oras na siyang nakatulog! Buti at walang nangholdap sa kanila or kung ano pa man.

“Naku, alas-ocho na. Hindi ka man lang nakapasada! Hayaan mo at ipagluluto kita. Let’s go sago!” sabi niya at tumayo na. Kaya lang ay hindi ito tumayo.

“Pssst! Narinig mo po ba ako? Mr. Irvin?” Sabi niya dito at ngumisi. Pinindot-pindot pa nga niya ang braso nitong matigas at ngumisi.

“I... this is embarassing...”

“Baket?” Napakunot-noo naman siyang lumapit dito.

“I.. I can’t stand. Natulog yata ang hita ko e. Nangalay yata sa pagkakaupo nang tatlong oras.” Sabi nito at medyo namumula ang tenga nito. Nahiya naman siya dito.

“Sorry! Nakatulog kasi ako e. Sobrang komportable kasi nang hita mo. Halika tulungan kita. Masahe lang kailangan niyan. At magaling ako diyan”. Sabi niya at minasahe na niya ang hita nito. Napahawak naman ito sa kamay niya nang nasa kalagitnaan na. Napatingin tuloy siya sa mukha nitong sobrang lapit na pala sa mukha niya. Wrong move!

“O-okay na. L-let’s go?” Sabi nito at tumayo na. Medyo nasubsob siya sa damit nito.

“Ahhh. Okay! Let’s go sa pamamalengke! Este grocery!” sabi niya at lumakad na katabi ito. “Okay ka lang?” Nagtatakang tanong niya nang makitang naka-kunot ang noo nung lalake habang naglalakad sila.

“Okay lang. I am just hungry.” Sabi nito at nginitian naman siya.




ITUTULOY...

No comments: