Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, February 7, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 3: I'll do anything to get you

Copyright © 2010. All Rights Reserved.




Your crazy! Kahit kailan ay hindi ko ibibigay ang matamis kong ‘oo’ kahit na nga ba ikaw na ang nag-iisang lalakeng nabubuhay sa mundo. I don’t want to associate people na merong major insecurities.” 

“Why don’t you want a handsome boyfriend?” Sabi nito na nakangisi. Hindi siguro nito pinansin ang panlalait niya dito. 

“At ayaw ko rin nung lalakeng super duper hambog.” Sabi niya at tumitig na lang sa may may stop light. Mas okay pang titigan yun kaysa ang kausapin ang kalorkey na Taxi driver. 

“Hindi ako hambog. I am just telling the truth. Sa tingin mo may makikita ka pa bang ganitong ka-gwapong mukha?” 

“Yup! Everyday ko pa ngang nakikita e. Si Kuya Zeke ko pa lang. Oks na oks na ang araw ko. Di hamak namang mas gwapo yun sa iyo. Mas mabait pa at hindi nito sinasabing sobrang gwapo niya. Alam mo yung cool style na tinatawag? Magmana ka minsa doon. His a perfect husb—.” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang takpan nito ang bibig niya for the second time. Pero iba ang pinantakip nito sa bibig niya. Hindi ito kamay na ginamit nito kanina kundi ang kumuha nang virginity nang kanyang precious lips earlier! 

And again and again ay hinalikan siya nito. Hindi nga yata siya nito titigilan kung hindi bumusina ang mga kasunod nilang sasakyan. Nag-go signal na kasi ang ilaw kaya naman hindi makagalaw ang nasa likuran nila. 

“If you don’t stop being so talkative and talks about Ezekiel a lot then I need to give you punishments.” Sabi nito sa kanya habang nagmamaneho ito at nakangisi. Napalunok naman siya nang napalunok. Bakit nga ba niya hindi itinulak ang lalake? Antagal nung halikan na yun ha! Grabeness! Lips your so bad! Bakit ka nasasarapan?! 

“P-pwede namang ibang punishment ahh! Bakit kailangan mo pa akong halikan?!” Kunwari ay galit na turan niya. Humalukipkip pa nga siya para lang ipakita sa lalake na galit siya. 

“Why did you not like it?” Nakangisi pa ring tanong nito sa kanya. 

Hayupness! Nababasa niya ba isipan ko? “You wish that I liked it but I am sure that any other guy can give me more passionate kiss ever!” Anovey sinasabi ko? Akala mo kung sinong magaling humalik e novice nga pagdating doon. Sana lang wag topakin itong si Mr. Taxi Driver. 

Hindi naman na nagsalita ang lalake pero alam niyang nakatiim ang bagang nito. Lihim siyang napabungisngis sa isipan niya. Inihinto siya nito sa isang mamahaling restaurant. 

“Nice. Salamat sa suggestion mo sa restaurant ha pero mahirap lang tayong dalawa so lipat tayo.” Sabi niya at hindi bumaba. Tumingin itong nakakunot ang mata sa kanya. 

“I can treat you here. You don’t need t—.” Napatigil ito sa pagsasalita dahil inilapit na niya ang daliri sa labi nito. 

“Shhhh! Lilibre mo ako? Loko-loko ka ba?! Alam ko namang libre mangarap pero waley tayong ganyang yaman. Let’s go! Jabi tayo!” Sabi niya at ngumiti. Sabi nga sa isang kanta ay “Mas masarap ang fastfood-restaurant na gaya-gaya sa McDonalds.” 

“Jabi?” Sabi nito nang hawakan nito ang pulsuhan niya at ihiwalay ang daliri niya sa labi nito. “Is that a restaurant?” 

“Kind of! Jollibee kaya yun. Doon tayo, I’ll tell you kung saan ang pinakamalapit na branch.” Sabi niya at kinindatan niya ito. Nakita niyang nagkibit balikat ito sa kanya. Werido talaga ang lalake. Gusto pang ‘manlibre’ sa fine restaurant? Adik kaya ito? Baka trip lang nitong maghugas nang maraming plato. Natawa siya sa naisip. 

“Diyan! Diyan tayo kakain.” Masayang sabi niya na tinuro ang malaking bubuyog na pula at may chef hat! Jollibee, ang favorite kainan nang maka-masa! 

“Here?!” Nakangangang sabi nang gwapong taxi driver niya. “ No way! Fastfood restaurant?!” 

“Sarap diyan. Eto parang alien! Sa mga katulad natin ang ganitong kainan! Grabeness! Come on!” Sabi niya at lumabas na sa taxi at lumakad sa taxi driver side at binuksan iyon. Nakita niyang iiling-iling ito at may pandidiring nakatingin dito. 

“What will my friends say if they knew I was here?” Nabulong nitong sinabi na hindi naman niya masyadong marinig. 

“Come on, Irvin! Ililibre kita kasi adik ka e.! 

“Addict? No! Im not!” Mariing tanggi nito na nakakunot parin ang noo. Hindi niya tuloy napigilang ilagay ang daliri niya sa nakakunot nitong noo at haplusin. Nawala naman iyon agad at ngumisi siya. 

“Yan! Mas tatanda kang tignan kung puro kunot nang noo ang gagawin mo. Let’s go, sago!” Sabi niya at hinila ang lalake palabas. Nagpahila naman ito na ikinasaya niya. She hate eating alone kaya eto ang kinukulit niya ngayon. Minsan naman ay yung ibang katrabaho niya kaya lang ang plano niya talaga ay ang hindi mag-break kaya pinaalis na lang niya ang mga iyon para makapag-break. 

Ngayon lang niya napagtantong matangkad pala ang lalake at ang ganda nang tindig nito. Parang model. Maganda rin ang katawan nito at makinis ang mukha. Napangiti siya. 

“Alam mo kung talent scout ako matagal ka nang hindi taxi driver at artista ka na ngayon. Ang ganda pala nang katawan mo at maganda ka tumindig. Nung nakita ko naman ang mukha mo kanina parang pang-artista talaga.” Sabi niya at hinihila pa rin niya ito papasok sa loob. 

She admit, malakas ang dating nang lalake kaya nga nung pagpasok nila sa loob ay sa kanila nakatingin ang lahat. Feeling niya tuloy ay may kasama siyang artista. Andami kasi biglang kinilig at andami ring nagbulungan at nagpa-cute sa lalake. 

Nilingon naman niya ito at feel na feel nito ang attensiyon. Nakangiti na kasi ito nang matamis hindi katulad nung kaninang nalaman nitong dito sila kakain. 

“Naks ha! Feel na feel mo ang pagiging ‘famous’. Sabi ko sa iyo e, pwede kang maging artista!” 

“I used to be one but I stopped. Ayaw ko. Magulo at lagi akong pinapagalitan nang daddy ko.” 

“Ha? Nag-artista ka?” Gulat na tanong niya at pinakatitigan ang lalake. Nakakunot ang noo niya while staring at the guy. Nakatukod nga ang kanang siko niya sa kaliwang kamay niyang nakayakap sa katawan niya ang hinhimas-himas nang kanyang kanang daliri ang baba. 

“Hmmmm. Bakit ganon? Wala akong maalalang kamukha mo? Sabagay hindi nga pala ako mahilig sa mga artista. May artistahin na akong boss at mga kaibigan nito e. So, hanap ka na nang upuan para sa ating dalawa. Hantayin mo na lang ako at ako ay mag-order. You should try the crispy hot chicken here! Yummy!” Sabi niya at nag-approve pa sa lalake. 

“Good! I love spicy food. I’ll go grab a sit.” Sabi nito at luminga para makakita ito nang upuan. “There!” Sabi nito at napangiti. 

“Gora! Mabilis maubusan nang upuan dito.” Sabi niya at mahinang itinulak ang lalake sa likuran. Pinagmasdan niyang lumakad ang lalake patungo sa lamesa. Very confident at sexy ang paglakad nito, hindi malamyang sexy ha! Lalakeng lalakeng ka-sexy-han! Napakagat labi siya nang mapunta ang mata niya sa puwetan nito. Yummy! Ipinilig niya ang nagiging green na naman niyang utak at pumila na nang makita niyang umupo na ang lalake. 



Nakaupo na siya at tinititigan ang likuran nang babae. Kahit na nga ba naka-suit ito ay kitang-kita pa rin ang hubog nang babae. Petit ito at bilugan ang binti nito na weakness niya. Maputi ito at medyo may katangusan ang ilong nito. Mahaba rin ang pilikmata nito na bumagay sa malalalim kung tuminging mata nang dalaga. Yung dalawang beses na niyang hinalikang labi ay very kissable sa lambot at manipis nito which He think ay very sexy. May tatlong nunal naman ito sa mukha, sa taas nang kaliwang kilay, sa ibaba nang labi nito sa left side at meron uling maliit na nunal ito sa gilid nang mata sa kanan. Boyish ang cut nang buhok nito which bumagay sa mukha nitong heart shape. Pinagmamasdan pa niya ang dalaga nang biglang may humarang sa harapan niya. 

Napatingala siya sa humarang na nakakunot ang noo niya. You're ruining my lovely view! Irvin decided his next target will be Che or Krissa or Krissy. He will make the lady fall in love with him na mas may ibubuga siya sa super idol nitong si Ezekiel. 

“Hi, fafable! I’m Enra.” Sabi nito at inilahad ang kamay. Tinignan niya lang iyon. Mukha namang naintindihan nitong He doesn’t talk to stranger. Akala niya ay aalis na ito pero umupo ito sa uupuan ni Krissy. 

“You can’t sit in there. That’s for my wife.” Sabi niya dito na ikinagulat nito. 

“Ai kasal ka na pala? Okay lang. Nasusulot naman kahit na may asawa na e. So... Can I ask for your number?” 

“I don’t have one. Sorry, I better help my wife.” Sabi niya dito at tumayo na. Hinarangan naman siya nito at may kinuhang papel at isinulat ang number nito. 

“If you need someone tuwing malamig ang gabi mo, try calling me here.” Sabi nito at isinuksok ang number sa bulsa nang pantalon niya. Kinuha niya iyon at tinitigan. Ang panget nang sulat and I really hate cheap woman. 

Lumakad siya papalapit sa tabi ni Krissa ngunit bago siya makarating doon ay nilapitan niya muna ang malaking trash can sa loob at itinapon ang papel na isinuksok nang babae sa bulsa niya at saka lumapit sa babaeng nasa harap na nang counter. 

“Lemme take that, wife.” Sabi niya nang akmang kukunin na nito ang tray na naglalaman nang mga pagkain nila. 

“Wife?” Nakangiting bulong nito sa kanya. “At kelan tayo kinasal? Grabe ang pangarap mo ha! Nakasinghot ka nga siguro nang rugby ngayon. Buti at mabait ako at hindi kita ipapahiya sa harap nang maraming tao but don’t call me wife again.” Bulong pa sa kanya nang babae pero nakangiti parin. 

“I understand wife. I’ll just bring this to our new table.” Sabi niya at akmang sasabihin na marami na kasing virus ang dumikit doon dahil may umupong maharot na babae sa upuan nang ‘target’ niya. Umupo nga siya sa malayo sa maharot na babae at doon niya ulit pinagmasdan ang bawat galaw nang babae. 

Maganda sana kung hindi lang mahilig dumaldal. Nakakalokong sabi nang isip niya at napangiti. Eto lang ang nakapakain sa kanya sa isang fastfood at lalong eto lang ang nanlibre sa kanya nang pagkain. He always do the paying when his with a girl pero mukhang hahaba ang sasabihin nito pag nakipag-argue pa siya. 

“Bakit lumipat ka?” Nagtatakang tanong nito pero umupo na sa harap niya. Inilagay nito ang dalawang plato sa lamesa at tinanggal ang tray. Binigyan din siya nang tinidor at kutsara. Halatang pipitsugin lamang ang kobyertos dahil kaya niya nga itong i-bend nang parang wala lang. 

“Kain na.” Sabi nito at kumuha na nang pagkain. Andami ring extra rice na binili nito, mga tatlo. 

Tinignan niya munang kumain ang babae bago siya kumain. Napangiti siya. Masarap ito! Napangiti siya at nag-approve sign sa harap nang babae. Napangiti rin ito sa kanya and mouthed ‘sabi ko sa iyo eh.’ 

“So when you’re eating you’re this quiet?” Nakakalokong tanong niya na nakapagpakunot nang noo nung dalaga. 

“I don’t talk when my mouth is full. Bad yun. Tsaka, gusto ko lang ma-feel ang pagkain ko. Minsan na lang rin kasi ako nakakapunta dito e. Puro lutong bahay na lang ang trip ko. Luto ko or ni Mama.” Sabi nito at sumubo na naman. 

“So you do cook. Like what?” 

“Mechado, Menudo, Adobo, Sinigang na baboy at kung ano-ano pa. I know how to cook kasi tinuruan ako nang mama ko no. Tsaka gusto ko ring matuto para naman malutuan ko ang future boyfriend or future asawa ko.” 

“Oh. You mean me?” Nakangising tanong nang lalake sa kanya. 

“You wish!” 

“Yup. You wish!” At tumawa na ito. Naningkit ang mata nito at itinutok sa kanya ang tinidor. 

“Tse!Kumain ka na lang at baka mawalan pa ako nang gana sa mga pinagsasabi mo.” 

“Asus! Paano ka mawawalan nang gana e kung kaharap mo ako? Sa gwapo kong ito? E sila nga ginagawa na akong ulam e.” 

“Hambog! Buti pa si Boss Ezekiel waley sinasabing ganyan. Ayaw ko pa naman sa mga ganyang lalake. You see, mas maganda kung yung mga tao ang mag-appreciate sa kagwapuhan mo. Let them notice it instead of you telling the whole world. Oo, totoong gwapo ka pero may pagkahambog ka so minus kaagad yun.” Mahabang litanya niya sa lalake. 

Sumeryoso naman ito at parang nag-isip. “So, if I do that... Will I hear the compliment I wanted to hear?” 

“Oo naman! Ako pa, sasabihin ko sa iyo kung gaano ka na kagwapo sa paningin ko once na mawala ang kahambugan mo.” Sabi nito at ngumiti. 

“Promise?” 

“Promise!” 

“Fine, I’ll change that bad attitude of me. I wanna hear it from your lips.” 

“The what?”

“The ‘I love you, Mr. Gwapo.” Sabi nito at ngumisi.





ITUTULOY...

No comments: