Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, February 6, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 2: Target Locked!

Copyright © 2010. All Rights Reserved.




Hinablot na niya ang bag at napkin na hawak-hawak nang mamang gwapong bading na taxi driver na inglisero. Isa-isa niyang inilagay ulit ang gamit doon. Hindi na niya ito pinansin dahil tumahimik na rin naman ito. Na-zip na niya ang bag niya at tumingin na dito. Medyo napataas ang kilay niya. 

Bakit ito nakatingin sa salamin? “Hoy! Pababain mo na ako! Nasa iyo na lahat nang pera ko.” Sabi niya dito at tinignan ulit niya ito nang masama. Late na late na late na siya sa work niya. 

Nagulat siya nang tinignan siya nito nang masama. “Look what you’ve done!” Sabi nito sa kanya at itinuro ang gapiranggot na sugat sa gilid nang labi nito. Napataas naman siya nang kilay. 

“So? Kaliit-liit. Ang arte mo naman!” Sabi niya dito at binalewala lang ang pag-iinarte nang lalake. “Pababain mo na ako!” 

“No! I will sue you! This is physical assult! I’m gonna call my lawyer!” O.A pang sabi nito. Napa-roll eyes na lang siya at natawa. 

“O.A much? Ang liit lang niyan e. Malayo rin yan sa bituka. Echozerang froglet to!” Natatawa pa rin niyang sabi sa lalake. 

“No! You better stay here until the police comes! I will definitely sue you!” O.A na namang sabi nito. 

“Ewan ko sa iyo! Ang liit-liit lang e! Halika nga dito!” sabi naman niya at binuklat ulit ang bag niya. Hinalungkat niya ulit iyon. She’s sure na naroroon lang ang kailangan niya ngayon. Perfect! Ang box ng bandaid niya. In case of emergency niya ito. Binuklat niya at nalantad ang iba’t-ibang sizes nang band-aid na may tazmanian devil na tatak. Kinuha niya ang pinakamaliit doon at tinignan ulit ang lalake. “Halika nga dito!” Utos niya naman ulit dito. Medyo nakakunot ang noo nitong lumapit sa kanya. 

“Ilapit mo ang sugat mo.” Utos ulit niya dito na inilapit naman ang parte kung saan ito nasugatan. Inilagay niya na ang band-aid sa gilid nang labi nito. Medyo naamoy niya ang fresh breath nang lalake. Bigla tuloy kumabog ang kanyang precious heart na virgin pa when it comes to love. 

“O, di ayan solve. Arte-arte nito. So, papababain mo na ba ako at hindi mo na ako i-sue? Hindi naman sinasadya iyon e.” Sabi niya pa at kumuha ulit nang isang maliit na band-aid. 

“Just in case na gusto mo nang palitan. O, eto!” Iniabot niya ito sa lalake. Nakita niyang seryoso na ang mukha nito. Homaygulay! Gwaponess talaga ang lalakeng ito. 

“What’s your name?” 

“I don’t talk to stranger, kuya.” 

“You’re already talking to me for a long period of time. I’m Irvin.” Pagpapakilala nito sa kanya. 

“Nice meeting you Mr. Taxi Driver, Irvin. Palabasin mo na ako.” Sabi niya ulit dito. 

“Your name.” 

“Tse!” 

“Che? Nice meeting you, Che.” 

“Baliw!” 

“Nice meeting you, Che Baliw.” Sabi naman nito at akmang ngingiti pero napangiwi ito. Mukhang nabanat ang sugat nito. 

“Buti nga sa iyo! Now, pababain mo na ako.” 

“Here, Che. I don’t need your money.” Sabi nito at iniabot sa kanya. Kinuha naman niya ito ngunit isa pala iyong trap! Irvin hold her hands at hinila siya palapit sa lalake. Napasubsob tuloy siya sa matigas nitong dibdib. Ang bango! Nasabi niya sa utak. Naamoy niya kasi ang pabango nito. Hindi ito masangsang na katulad nang ibang cheap na pabango. 

“All I need is this.” Sabi ulit nito at iniangat ang mukha niya and gave her a kiss! Dahil sa pagkagulat ay napanganga siya which is a wrong move! The guy kissed her deeply, a very passionate yet gentle kiss. Hindi naman kasi siya marunong humalik so parang naging tood lang siya sa mga halik nito. Natapos na ang halik at nanlalaki pa rin ang mata niyang nakatanga sa lalake. Narinig na niya ang ‘click’ na sounds na nagpabalik nang kanyang katinuan. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. 

“BASTOS!” Yun lang at hinablot na niya ang lahat nang gamit at lumabas na. Nagpupuyos na lumakad na siya papalayo sa lalake. Napagdesisyunan na niya! Kapag naka-ipon na siya ay bibili na siya nang sasakyan! 



Hindi naman siya pinagalitan nang kanyang napakabait at napaka-kwelang boss. Alam naman kasi nitong hindi siya ma-late nang ganoon nang walang dahilan. Sobrang close kasi sila nito at sobrang nag-click ni Bossing Chloe niya kaya naman ay okay lang sa boss niyang medyo mag-lie low daw muna siya. For the past 5 years ay hindi pa siya nagbabakasyon. Okay lang naman sa kanya dahil kailangan rin niyang kumayod para sa magulang at mga kapatid niya. 

Kahit na sobrang close na sila ni Bossing Chloe niya ay hindi naman siya nag-take advantage dito. She’s still doing her job like she used too nung maliit pa at konti pa lang ang kanilang staff at sobrang daming kliyente. 

“Hi, Krissy. Is my wife inside?” nagulat siyang napalingon sa nagtanong. Nakatulala na pala siya sa pagrereminisce. Napangiti siya at tumungo. 

“Good Aftie po, Mister Eze—. Este Kuya Zeke.” Nakatingin ito nang masama sa kanya pero natawa siya imbes na natakot. Galit kasi ito tuwing tinatawag niya itong Mister Ezekiel/Aquino or Bossing Ezekiel/Aquino. Masyado daw kasi siyang pormal dito e parang kapatid na rin naman daw ang turing ni Miss Chloe sa kanya at 5 years lang naman ang taon ang agwat nila. “Churi lang poh, Kuya Zeke. Andiyan po si bossing wifey niyo! Hinihintay na kayo nang tiyan niyan. Ayaw pa po kasing kumain. Mukhang engross na engross pa itong mag pareha nang mga tao. Pag workaholic po yang si Ate Chloe ay napapa-work na rin ako nang super.” 

“Yun talagang asawa ko, ang kulit kulit.” Sabi nito at umiling-iling pa. “Thanks for telling me. I’ll tell Chloe that I send you on a break.” Sabi nito sa kanya pero umiling siya. 

“Naku, Kuya Zeke. Wag po. Late po kasi ako kanina kaya babawi ako ngayong lunch. I’m not gonna take my lunch break po.” Sabi naman niya at nag-peace sign. 

“Nope! Alam kong may dahilan naman kaya ka late e. Break or sesante?” Sabi nito at nakangisi. Napa-sign of the cross siya sa lalake na ikinatawa nito. 

“Ay sabi ko nga po e. Gutom na gutom na nga po ako e na kahit pa nga po pigilan niyo akong mag-break ay mag-break na po ako.” Banat naman niya at hinablot ang kanyang bag. Dahil sa pagbanat na iyon ay tumawa ulit ang lalake. Doon na lumabas ang Bossing niyang super beautiful. 

“I heard your laugh the first time at akala ko ay pinaglalaruan lang ako nang isip ko dahil gutom ako pero narinig ko ulit so I went out. How’s my asawa?” sabi nito at pumulupot na sa kamay nang matchong asawa nito at humalik sa labi. 

“I’m great now that I see you. Hindi ka pa daw kumakain?” Pagkasabi non ay tinignan na ulit sya ni Chloe. Alam na alam nitong siya ang nagsabi sa lalake. Nag-peace sign na lang siya at tumakbo na paalis. 

“Yeah. Hinihintay kasi kita e.” Palusot naman nang bossing niya na narinig niya pa bago sumara ang elevator. 

Those two needed some time alone baka kasi ma-devirginize ang kanyang precious eyes katulad nang kanyang mga labi. Speaking of labi, The nerve of that taxi driver! Ninakawan siya nang halik na mas precious pa sa ibinibigay niyang pera! Wala na siyang pakialam kung manang siya or what pero gusto niyang iaalay sa lalakeng mapupusuan niya ang kanyang super mega duper delicious first kiss niya. Nakabusangot tuloy siyang lumabas nang elevator. 

“Krissa Babes!” Naparoll-eyes kaagad siya nang marinig na may tumawag sa kanya nun. Si Niki, Nicholas for long. Humarap siya dito na may ngiting plastic sa labi. 

“Hi! Not so nice to see you, Niki! Bye!” Sabi niya at tumalikod ulit siya at nagmartsa paalis pero dahil nga makulit ito ay sinundan siya nito. 

“Krissa Babes! Woot! Ang sexy!” Kalorkey pang comment nito. 

“Shattap! Shoo! Shoo!” Sabi niya pa at hindi pa rin ito pinapansin. Mukang napilitan itong tapatan siya sa gilid para lang makaagapay ito sa kanya. 

“Tuwing sinusungitan mo ako mas lalo kita nagugustuhan e. I love you, Krissa Babes!” Sabi pa nito at umakbay na sa kanya. Sakto namang may taxing huminto sa kanila. Lumabas doon ang may secret na gusto kay Niki. Why naman walang magkakagusto sa lalake e gwapo naman ito? Kaya lang ay waley talaga siyang gusto sa lalake e. Mas trip niya yung mukha nung taxi... WAAAAAAH! Erase. Erase. Erase! Na-corrupted ang mind ko! Mukhang binigyan siya nang trojans or cookies or isang malalang bug nung mokong na driver na yun! Computer ba ako? Ahhhh! Basta! Na-corrupt ako! 

“Hi, Niki!” Masayang bati nung babaeng bumaba sa taxi. Magkababata ang mga ito kaya close din yung dalawa. Matapos nitong batiin ang lalake ay tinignan naman siya nang mataray nito. “Hi.” Walang kagana-gana ang bati nito sa kanya. Ano yun split personality? Grabeness ha! 

“Hello, Mae! Ramdam na ramdam ko ang sincerity nong pagbati mo ahh!. Oo nga pala, hinahanap ka nga pala ni Niki. I love you daw.” Sabi niya na ikinapula nung babae at nagningning ang mga matang tumitig ito sa lalake. Napangisi naman ang lalake at nilapitan ang kababata. 

“Uu naman, Mahal kita friend!” Nasaktohan niyang naglalambingan ang dalawang ‘magkaibigan’ at tumakbo na sa Taxi. Palingon-lingon siya sa mga ito dahil baka mapansing tumatakas na siya nang bigla siyang mabungo sa matigas nabagay. 

“Aaaaahhhh!!!!” Nawalan siya nang balanse at matutumba na nang may humablot sa kanya paharap. Nakapikit tuloy siyang napakapit sa leeg nang taong nag-save sa kanya. 

“Okay ka lang, Krissa Babes? Bitiwan mo nga siya!” Narinig niyang sigaw ni Niki sa nakahila sa kanya. Imbes naman na bitawan siya ay lalo pa siyang hinapit nito. “Abat! Gago ka ahh!” sabi ni Niki at hinila ang kamay niya na nagpamulat sa kanya. Naghilahan ang mga ito. Arayness ha! Ang sakit na nang kili-kili ko! 

“Bitiwan mo niyo nga ako! Niki! Kuyang Manong taxi driver.” Sabi niya at nilingon muna si Niki bago ang sumagip sa kanya. Napasinghap siya. 

“Ikaw?!” 

“Bakit Babes? Sino ba tong lalakeng ito? Binabastos ka ba?” Sabi naman ni Niki sa kanya at hindi pa rin siya binibitawan nito. 

“Huwag niyo nga akong hawakan or hilain! Nasasaktan at nangangalay na ang kili-kili ko!” Naaasar niyang sita sa dalawa. Sabay naman siyang binitawan nung dalawa. “Yan! Thanks! Akala ko mapupunit na yung kili-kili ko e.” 

“Sorry, Che.” Sabi ni Irvin sa kanya. 

“Tse! Hindi ako si Che! Aki pangalan ko!” Sabi niya. Hanovey! Bakit pang sosyal ang sinabi kong pangalan ko? 

“Krissa babes? Aki na ang palayaw mo?” 

“Bangengerz! Puntahan mo nga yung best friend mo at nagtampo na. Ako na bahala dito sa baliw na ito.” Turo niya sa lalake at nag-shoo sign na ulit kay Niki. 

“Just call me when you need me, Krissa babes! I’ll be there!” Sabi nito at kumaway pa sa kanya. 

“At ikaw! Bakit ka andito? Akala ko ba hindi mo gusto ang kompanyang ito?” 

“Nothing. I just wanted to see kung magkikita tayo.” Sabi nito at ngumiti na. 

“ Krissy?”Takang tanong nang nagsalita sa likuran niya. Ang bossings niya. Sila Ezekiel at Chloe. 

“Is everything okay?” Nakakunot ang noo ni Ezekiel na nakatingin sa lalake. Naka-cap na kasi ulit ito at naka-shades. Mukhang may gagawing masama. 

“Ai mam! Eto po yung lala—.” Tinakpan ni Irvin ang kanyang bibig. Kinagat naman niya ito. 

“Arrrg! You...!” Sabi nito sa kanya at hinila na. 

“Ma’am! Don’t worry! Hoks lang ako! Bye!” Paalam niya na lang sa Bossings niya at nagpahila na. Kung hindi niya i-eexplain ay baka may mga hellicopter na sumunod sa kanila. Kawawa naman ang lalakeng taxi driver. Baka mawalan ito nang trabaho. 

“Bakit mo ba tinakpan ang bibig ko? Sasabihin ko lang naman sa boss ko na ikaw ang dahilan kung bakit ako na late e.” 

“You don’t need to tell them that...” 

“Ngek! What I wanted to tell them is my business! Sino ka ba para pigilan ako?” 

“Future Boyfriend mo.” 

“Ano?!”




ITUTULOY...

No comments: