Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, February 5, 2013

Dear Mr. Taxi Driver - Chapter 1: Traditions

Copyright © 2010. All Rights Reserved.


Teaser:


        A family with tradition. Iyon ang pamilya ni Irvin Cornelius Imperial. Nag-iisang anak na lalake ni Romano Imperial  ng Imperial Motors, kompanya na puro sa sasakyan. “A male family member should go to this tradition. Ang Mag-umpisa sa pinaka mababang posisyon: Ang maging Taxi Driver”. Dahil daw sa tradisyon na iyon kaya matatag ang Imperial Motors. To hell with traditions! Mawawala lang ang ka-gwapuhan at pagka-matcho ko doon! Yun ang hinaing ni Irvin, The Egoistic Prince nang mga Imperial. Kapatid at ang twin sister nang lalake ang nagbansag sa kanya non. 

         Aerith Krissa Mendiola aka Krissy ang one and only trusted secretary ni Mrs. Chloe Aquino nang Hearts Connected Company. Matulungin, makulit, madaldal at street wise. Paano kaya kung magkita si Mr. Taxi Driver na Hambog at Sarili lang ang iniisip at si Miss HC Secretary?


CHAPTER 1: Traditions


Irvin, anak; me and my other brothers been through this tradition.” Sabi ni Romano Imperial sa nag-iisang anak na lalake. Romano has three offspring; dalawang babae at isang lalake. 

“Pero pwede naman nating ibahin na ang tradition. It’s a very very old tradition, dad! We are in a year were traditions doesn't exist, dad, dapat ay nakikiuso na tayo and not with this tradition crap your talking about.” 

“No, anak. Hindi ko babaliin iyon. Itong tradisyong ito ang nagmulat nang aking isipan. Marami rin akong natutunan dahil din doon. You need to learn from being in the bottom.” 

“It’s so unfair! Bakit kasi sa lalake lang ang tradisyon? I am your only son, dad! Don’t be too harsh and throw me in a cab!” Sabi ni Irvin Cornelius Imperial, The egoistic prince, yun ang tawag sa lalake nang kamag-anak niya. 

“Nope, Son.You had all time nang hinayaan kitang magloko at mag-party all night but you are already 27 years old. Sa tingin ko nga ay masyado na kitang ini-spoil because your my only son but all of it should change. Yun nga ang sabi mo diba? So you will be a taxi driver starting tomorrow and it’s final.” Mahinahong sabi ni Mr. Imperial sa nag-iisang anak na lalake. Pagsinabi na nang ama nang tahanan ang desisyon ay hindi na iyon na puputol. 



Late na naman siya! Homaygulay! Lintik na alarm clock yan! Papagalitan na aketch ni Mrs. Aquino. Kahit kasi nakasal na ang boss niyang si Chloe at si fafa Ezekiel ay hindi pa rin pinapabayaan ni Chloe ang kanyang HC na kompanya. Mas lumaki pa nga ito nung magpakasal ang mga ito and thanks to them ay nakakapag-ipon na siya for her future. 

Ako nga pala ang one and only the best secretary ni Mrs. Aquino, Aerith Krissa Mendiola aka Krissy ng mga katrabaho; Aerith sa bahay at Aki para pampabongga lang ang pangalan. She’s been working to Chloe since matapos siya nang highschool. Wala kasi silang pampa-aral sa kanya noon at dahil mahirap makakuha nang trabaho lalo na at waley siyang college degree ay kung anu-ano na lang ang pinasok niya until na makita niya ang advertisement ni Chloeness sa labas nang opisina nila. Nakakatawa nga e kasi kakaiba ang paghire sa kanya nang makulit niyang amo. 

Wala pa rin siyang mahanap na trabaho. It’s been two months na pero hirap na hirap pa rin siyang makakuha nang trabaho kahit na janitress lang. Napabuntong hininga siya at lumapit sa building para magpahinga at makatago man lang sa nakakalorkey na sinag nang araw. Tanghaling tapat na kasi iyon. Ni pambili nga nang softdrinks ay wala siya. 

Napatalon siya pagilid nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran niya. Naharangan na pala niya ang pintuan nang.... Hinanap niya kung anong pangalan ng kompanya ang naharangan niya. Hearts Connection. 

“Maraming salamat po ulit sa pagsali sa nagsisimula pa lang naming kompanya. We will try our best para po makakita nang perfect guy for you. I’ll call you again, Miss Dalisay.” Sabi nang babaeng super ganda at morena ang kulay; Filipina beauty ika nga. 

“Alam kong kaya niyo akong hanapan nang lalakeng para sa akin. Plus na lang ang pagiging dakota nito, may height na 6’2’’, moreno, at balbon.” Sabi nito at tumawa pa. “Choz! Joke lang. Kahit ano basta nagsisimula sa R ang pangalan nang lalake.” 

Hindi niya napigilang matawa sa request nang nagngangalang Dalisay. Napalingon tuloy ang dalawa sa kanya. Napakaway tuloy siya sa mga ito. 

“Hi!”masayahing bati niya sa dalawa. Nginitian naman siya nung morenang babae while the other one ay tinaasan lang siya nang kilay. 

“Oh, sige na Miss Chloe. I will wait for your call! Bye~.” Sabi ni Dalisay at umeklabu na ito paalis. 

“Hello. Bakit ka nakaupo diyan? Pasok ka.” Sabi nito sa kanya at niluwagan na ang pintuan. Tumayo naman siya at pumasok na. Hindi naman kalakihan ang lugar pero maluwag ito dahil tatlo lang ang desk nito at 9 ang upuan. May nakita siyang isa pang babae na maputi naman at kahawig ni KC Conception, may kausap naman itong isa pang babae. 

“Lika, upo ka muna. Nagsisimula pa lang kasi kami kaya medyo ganito pa lang ang loob nang opisina namin. So andito ka ba para maghanap rin nang partner for life?” Natanong nang dalaga sa kanya at umupo na sa pinakadulong lamesa sa loob. 

“Ai naku hindi po. Nagpapahinga lang po ako sa labas kasi init na init na ako at pagod na pagod. Kalahating araw na kasi akong naghahanap nang trabaho.” Sabi niya at medyo napakamot sa ulo. 

“Ai. Naghahanap ka nang trabaho? Sakto ka! Naghahanap naman kami nang empleyado nang pinsan ko. Marunong ka bang mag-match make?” Tanong nito sa kanya at pinakatitigan siya. Napaisip siya. Marunong nga ba siyang mag-match make? Well nung nasa highschool siya ay mahilig siyang magpare-pareha ng mga kaklase at hokay naman sila hanggang sa ngayon. 

Napatungo siya. “Well, mahilig po akong mag-match ng kaklase ko nung highschool. Ang alam ko ay ang lahat nang mina-match ko ay sila pa rin hanggang ngayon. Bakit po?” 

Ngumisi ang babaeng morena. “You’re hired! Welcome to HC Company! I am gonna be your new boss, Chloe Braganza! I am sure na magiging masaya at matatag ang ating pagsasama dito.” 

Hindi naman nagkamali si Chloe dahil doon. May dumating na isang mayamang babae noon at nagpapahanap nang lalakeng mamahalin habang buhay. It was her first couple at naging successful siya. Yung babaeng yun din ang nag-sponsor nang maraming gamit sa HC Company at dumami na rin ang mga empleyado doon within 4 months. Naging sekretarya siya nito noon. Mga nine years na siguro iyon. 

Natigil na sa pagrereminisce ang utak niya nang may makita siyang taxi na paparating. She waved her hand frantically to get the taxi-drivers attention. Successful naman siya doon. She run towards the passenger seat and grins. Kahit pala late siya ay suwerte parin siya dahil nakakuha kaagad siya nang taxi kahit na nga ba rush hour na. 

“Miss, saan kayo?” Bata pa ang boses nang driver. Siguro nasa edad 25 pataas ito. Nilingon niya ito at nakasumbrelo ito at naka-shades nang black. Aba at fashionable pa pala si Manong taxi driver. Makinis rin ito at maputi. Kung makikita niya lang ang buhok at mata nito ay okay na okay na sana ito para sa kanya. Masyado kasi siyang attracted sa lalakeng maganda ang mata na bumabagay sa buhok at hugis nang mukha nito. 

“Ahhh. Sa may HC lang po, Kuya.” Magalang naman na sabi niya. Hindi naman kasi niya sure kung magkaedad ba sila or mas matanda ito sa kanya. 

“So are you working in that kind of company or you just wanted to sign up para naman makakuha ka nang lalakeng mapapang-asawa mo?” Nakakaloko ang tono nito kaya naman napataas ang kilay niya at binalingan ang lalake. 

Aba! Aba! That kind of company? E ano naman dito kung kukuha man siya nang mapapang-asawa? All of the people who works there are professionals at magaling mag-match nang tao. Sa dinami-dami nang branch nang HC ay kokonti pa lang ang hindi nagiging successful ang pagkakapareha. 

“What do you mean kind of company, Kuya?” Nakataas na ang kilay niya. She cannot just lose her temper sa harap nang lalake. Malay ba niya kung isa ito sa mga unsuccessful na taong hindi nakakuha nang right partner. 

“Well the kind of matching people. I mean, no offense but isn’t it kinda useless job?” 

Useless daw! Aba! Nakaka-strike two na itong nag-eenglish na driver na ito ah! Nag-eenglish? Huwaw! Kung english speaking pala itong mokong ito ay may pinag-aralan ito pero bakit ganito lang ang job nito? 

“Useless?! Aren’t you kind of rude, Mister Taxi Driver?” Diniinan niya talaga ang salitang taxi driver. Hindi naman sa ayaw niya sa mga taxi drivers, para nga sa kanya ay isa sa mga magandang trabaho ang pag-tataxi eh dahil legal ito at malinis na trabaho. 

“Paanong naging walang kwenta ang trabaho ko kung dahil dito ay guminhawa ang buhay ko at nakatulong pa ako sa ibang tao para lumigaya? Tsaka bakit ka nag-eenglish? Kung marunong kang mag-english bakit ganito ang trabaho mo? Ikaw yata itong useless e.” Nagpanting na kasi ang tenga niya sa sinabi nang mahaderong chuva ek-ek na lalakeng ito. 

“Ibaba mo na nga lang ako. Mas masarap pang maglakad patungo sa trabaho kaysa ang makipag-usap sa walang kwentang taong katulad mo! Para na!” Mataas na ang boses niya. Hindi naman natinag ang lalake at nag-drive lang. 

“Hoy! Hindi mo ba ako naririnig? Bababa na ako!” Napapasigaw na niyang sabi dito. Tatawagan na lang niya si Boss Chloe para sabihing hindi na lang muna siya papasok sa umaga at lahat nang kailangan nito ay nasa desk na niya. 

“Yes. I heard you. Will you just stay calm? Ikaw ang una kong pasahero at ayaw kong bumaba ka. Ihahatid kita. So just... calm down.” Mahinahon pa ring sabi nito at nakangisi na. 

“Ano ba?! Kapag sinabi nang pasahero mong baba na ay bababa na ito! Inglisero ka nga hindi ka naman marunong umintindi. Kaya siguro hindi naging successful ang pag-match sa iyo sa kompanya na pinapasukan ko dahil bastos ka, walang modo, hindi marunong umintindi at matigas ang ulo!” Naaasar na niyang niyugyog ang lalake na nasa driver seat! 

“Hey! Stop that! Baka mabangga tayo! Alright! Alright! Ibababa na kita! Just... Just stop shaking me! I’m driving!” Sabi na nang lalake at iginilid na nito ang sasakyan. Tinigil na niya ang pagyugyog dito. She was about to go out when she heard a ‘click’ sound. Hindi siya makalabas! Ano to holdap?! Lagot siya! Ginalit niya pa ang ingliserong holdaper! Homaygulay! Ayaw siyang palabasin nito! Baka barilin siya! Ito na ba ang katapusan nang beauty niya? Paano na ang pangarap niyang mag-asawa? Bata pa siya! Waley pa nga siyang fiance e at lalong lalo nang wala pa siyang nagiging boyfriend dahil puro siya trabaho. 

“K-kuya, wag niyo po akong saktan! Mahal ko pa buhay ko! Hindi ko pa nga po nakikilala si ‘The One’ ko e. Hindi ko pa nga nararanasang magka-boyfriend at mahalikan at magmahal e! Ibibigay ko na sa iyo lahat nang pera ko pero tawagan ko lang ang boss ko para sabihin na okay na ang mga papeles na kailangan niya sa buong araw. Tapos ibibigay ko na rin sa iyo ang cellphone ko basta.. Basta huwag mo lang akong papatayin.” Madaldal niyang turan dito. Ganoon kasi siya kapag nasosobrahan ang emosyon niya. Madaldal. Nakapikit rin siya at nakasalikop ang kanyang kamay. 



Malakas siyang tumawa sa babaeng hindi na yata matapos tapos ang pagsasalita. Sobrang daldal nito. Well, kasalanan rin naman niya kung bakit ito dumaldal nang ganoon. Malay niya bang doon ito nagtratrabaho. Hindi naman talaga useless ang kompanyang yoon. He just wanted to tell something bad about it. Basta lang, gusto lang niyang may sabihing masama sa kompanyang konektado kay Ezekiel. 

Kanina ay medyo naaasar na siya sa kadaldalan nang babae pero ngayon ay amuse na amuse na siya. Aba mapagkamalan ba siyang magnanakaw at mamamatay tao. Sa gwapo niyang yon? Hindi niya tuloy matapos tapos ang pagtawa. Kaya lang naman kasi niya ini-lock ang sasakyan ay para na rin pakiusapan ang babae or mag-sorry man lang. Totoong unang pasahero niya ito at ayaw niyang mag-walk out na lang ito sa kanyang harapan. 

Nakita niyang nagmulat na ito nang mata pero ang kaninang magkasalikop na kamay nang babae ay naka-cross sign na. Ano naman siya ngayon? Halimaw? Amuse na amuse siyang nagtanggal nang cap at sombrelo. 

“Do I look like some monster? Killer or a thief?” Amuse na namang tanong niya. Pinakatitigan naman siya nang babae pero hindi pa rin nito iniaalis ang naka-cross na daliri nito. 

“Looks can be very very deceiving, Manong taxi driver. Yang ganyang ka-gwapong mukha minsan ang ginagamit nilang pamfront. If you like my money eto!” Sinabi nito at inihagis sa kanya ang bag nito. Medyo mabigat iyon. Natatawang binuklat niya iyon. Una niyang nakuha: Sanitary Napkin. Itinaas niya ito at nakita niyang pinamulahan ito nang pisngi. Akmang hahablutin nito iyon kaya mas inilayo pa niya sa babae. 

“A-akin na yan! Hindi mo naman kailangan yan e.! Kahit naman bading ka hindi ka magkaka-regla! Haller! Akin na!” Sabi pa nito sa kanya at talagang iniabot-abot pa nito sa kanya. 

“As far as I know ay ibinigay mo na ang bag sa akin, right? So, pwede ko nang pakialaman ang gamit mo.” 

“Sabi ko pera lang! Bakit pati ang napkin ko pinapakialaman mo? Manyak kang bading ka ah! Manyak! Bading! Many—.” Bigla kasing nag-ring ang telepono nito kaya napatigil ang pang-aasar nito at biglang kinalikot nito ang bag. Maraming laman ang bag na iyon kaya medyo nahihirapan itong hanapin iyon. 

Isa-isang nilabas nito ang mga gamit sa loob. Amuse lang siyang pinapanood ito. Notebook, papel, mga resibo, wallet, ballpen, tissue, flashlight at kung anu-ano pa ang nilabas nito. Sa wakas at nakita na rin nito ang cellphone niya. Nagkalat na kasi halos lahat nang laman nang bag nito sa loob nang taxi. 

“Hello, Mam Chloe? Ai naku mam! Ma-late lang po ako. Nakikipagtalo pa kasi ako dito sa taxi driver e. Opo. Nandiyan po sa desk ko ang lahat nang kailangan niyo ngayong araw. I’ll try to be there as soon as I can po. Opo. Opo. Bye, Mam Chloe, your the best!” sabi pa nito at pinindot na nito ang end button. 

“Your no fun. Why did you took all of your things out? Wala na tuloy thrill ang paghalungkat ko sa bag mo.” Sabi naman niya at iwinagayway na naman ang napkin sa harap nito. Tinitigan siya nito nang masama na nginisian niya lang. 

“Dahil sa iyo tinawagan na ako nang boss ko! Akin na nga yan! Sa iyo na ang wallet ko!” Sabi nito at hinablot ang wallet sa lapag at itinapon sa mukha niya. Dahil siguro sa hindi niya akalaing babatuhin siya nang babae ay hindi siya nakailag at tinamaan siya sa gilid nang labi niya. Medyo matigas at mabigat iyon kaya nagdugo ang gilid nang labi niya. Nabitiwan niya ang hawak na napkin at agad na hinablot ang salamin sa may harapan. 

Ang mukha ko!




ITUTULOY...

No comments: