Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Monday, February 4, 2013

At Your Service: Internet Love [Part 2]


Copyright © 2011. All Rights Reserved.

═══════════════════════


Worth it pala ang paghihintay ko sa ‘The One’ ko. I am so happy and content na with my love life and my life with him. I love you, LBM!

═══════════════════════


Free day ni Kana ngayon kaya maaga pa lang ay naligo na siya at nagbihis. Kapag free day niya kasi ay pumupunta siya sa Prosopikotita Cafe na kinahiligan niyang puntahan lagi. Hindi pa siya sikat na romance novel noon ay doon na siya nagkakape at nakiki-bonding sa makukulit na staff nang naturang cafe. 

Lumabas si Kana na bitbit ang buhay niya: ang kanyang netbook. Nagpupunta rin siya sa cafe na iyon para panoorin ang mga magagandang nangyayari sa lahat nang tao sa loob. Nandoon siya nang suntukin ni Cain ang lalaking nagpaselos dito dahil sa babaeng mahal nito. Andoon din siya nang kumanta mismo sa buong staff member ang song writer na si Keiji para kay Jayne at naandoon din siya nang marinig niya ang malutong na tawa nang mala-artistang pinsan nang may-ari ng Cafe. Ang huling napanood niya noon ay ang humahangos na pagkuha ni Seige kay Blu dahil may Emergency daw itong kailangan gawin. 

Nakausap niya lahat ang mga staff nang cafe na nagkaroon nang love life sa loob ng Prosopikotita Cafe para kunin ang permisyon nang mga ito na sulatin niya ang mga love life nang apat. Pumayag naman ang mga ito as long na iibahin daw ang mga pangalan nang mga ito. Because of them and their stories ay mas nakilala siya sa mundo nang mga writers. 

“Good Morning, Guys!” Sabi niya at kumaway sa mga di pa masyadong busy na mga empleyado. Naroroon din ang kapartner nila Cain, Jayne at Eliosa na maagang dumalaw sa mga boyfriend at girlfriend nito. 

“Good Morning, Kana. Andito ka na naman para humanap nang taong maisusulat mo sa bago mong novel?” Nakangiting tanong nang isa sa mga single pa rin na staff doon, si Paige. 

“Well depende kung masaktohan ko na namang may magaganap na maganda sa mga tao sa lugar ko.” 

“Kana babes, kung kailangan mo nang bagong story para sa next mong susulatin pakisulat naman ang kwento ko ha.” Makulit na sabi naman ni Vlad sa kanya. 

“Sure basta ba ang genre ay horror at comedy e.” Natatawang banat niya kay Vlad na ikinatawa nang lahat. 

“Ai bakit horror at comedy? Sa gwapo kong ito pang horror lang ang libro ko?” 

“Alangan namang fantasy, ikaw yung lalaking nakapulot nang bato ni darna at naging si darna rin.” Natawa ulit ang lahat sa pang-aasar sa makulit na si Vlad. 

“E bakit hindi na lang romance at comedy? Mas bagay naman ako doon.” 

“Sige pero wala ka pa namang love life e. Pwede ko bang ipartner sa iyo ang isa sa mga pambansang artista natin?” 

Napangiting tumungo si Vlad at excited talaga ang mokong na tumungo. “Weeeeee! Artista ang partner ko sa novel ni Kana!” 

“Ok. Noted Vlad, ipartner na kita kay Diego, ang pambansang bading,” sabi niya at kinuha ang notebook na nasa loob nang bag niya at nagkunwaring sinusulat ang pangalan ni Vlad at ni Diego. Napahagalpak nang tawa ang lahat dahil sa joke niya. 

“Kana babes naman e... Pang-horror talaga ang ginawa e. Akala ko ba romance at comedy ito.” 

“Oo nga. Romance, Comedy at Horror ang genre mo. Guys, don’t forget to buy Vlad’s story with Diego ha. I am sure papatok yun,” sabi niya pa at tumingin sa mga staff member at iilang mga tao sa loob nang Cafe. 

“Ako ang unang-unang bibili nang novel mo Kana lalo na at si Vlad pala ang bida.” Natatawang turan ni Lilly na nakahawak ang tiyan dahil sa kakatawa. 

“Mukhang alive na alive na naman ang staff ko dahil sa iyo, Kana.” Napalingon siya sa gwapong may-ari nang Cafe na ito na si Blu. 

“Dapat lang. Etong ganda kong ito tutulugan nang staff mo ay naku, ipapasesante ko silang lahat sa iyo,” sabi niya at ngumisi kay Blu. 

“Ai kahit hindi mo pa sila ipasesante sa akin. Bawal ang matulog sa gitna nang shift no,” sabi nito at umupo sa harap niya. 

“Gusto mo nang kape?” Sabi nito ng ilabas na niya ang netbook niya at inilapag na sa lamesa niya. 

“Feeling VIP naman ako.” 

“Tinatanong lang kita. Magpapalibre rin ako e. May nabasa ako na tapos mo na daw ang latest na novel mo.” 

“Ai nagpalibre lang pala. Ewan ko sa iyo Blu. Ikaw kaya itong may-ari nang cafe. Kuripot!” 

“Eto. Joke lang no. Yung unang kape mo on the house na,” sabi ni Blu at ngumiti. 

“Ayun naman pala e. Minsan nga magtampo ulit ako sa iyo para mailibre mo ulit ako.” 

“Wala nang next time,” sabi nito at tumayo na. “O sige may mga paper works pa akong gagawin e. Ipapasabi ko na lang kay Cain na bigyan ka ng usual kape mo on the house.” 

“Salamat!” Masaya niyang turan at pinagmasdan si Blu na kinausap si Cain. Nakita niyang tumungo ang lalaki at nagsimula nang gumawa nang kape. Hindi niya alam pero nakuha nang pansin niya ang tunog nang pintuang bumukas. 

Nakita niyang pumasok ang lalaking may netbook rin at naka-sumbrelo at shades. Umupo ito malapit sa bar. Nakita naman niyang nagtanggal ito nang sumbrelo at shades pero nakatagilid kasi ito sa kanya kaya hindi niya makita nang mabuti ang mukha nito. Nakita niyang nag-uunahang lumapit sila Paige at Lilly sa lalaki. Gwapo nga naman kasi ito kahit na nakatagilid pa ito sa kanya. 

“Kana babes! Eto na ang Macchiato ala Cain.” Nakangiting inilapag ni Vlad ang kape sa tabi nang netbook niya. Hindi na pala niya napansin na nakalapit na si Vlad sa kanya. Nakuha kasi talaga ng lalaki ang atensiyon niya. 

“Ano pong order niyo, Sir?” 

“Isang Caramel Latte, Miss...” Nakita niyang tumingin ito sa babae at ngumiti. “...Miss Paige.” 

“Ok po, Sir. Mag-order lang po ako para sa inyo,” sabi ni Paige na animo kinikilig-kilig pa. Mukhang may bagong nobela na naman siyang dapat pakatutukan. 

“Salamat, Vlad,” sabi niya at nginitian niya ang lalaki ng nagbigay sa kanya nang kape. 

“Mukhang may maititipa ka na namang novel ahh,” sabi nito sa kanya na sinundan pala ang tingin niya kanina. Napangiti siya. 

“Don’t worry, Vlad, dadating din ang time ng one true love mo. Try mo humanap sa internet. Ako nga nakita ko na ang ‘The One’ ko e.” 

“Sa internet? Ma-try nga.” Nakangising sabi nito. 

“Kaya nga lang sa picture ko pa lang siya nakikita. Gusto ko nga na makita na siya nang personal e.” 

“Baka mamaya niyan ibang tao pala ang nasa picture niya ha.” May pag-aalalang sinabi ni Vlad sa kanya. 

“Ngek. Kilala ko naman siya no. Naka-voice at video call ko na siya alam kong siya yung nasa picture.” 

“Ayun naman pala e. Basta mag-ingat ka parin diyan ha.” 

“Ako bahala. Sige na at magtrabaho ka na,” sabi niya dito at itinutok na ang paningin sa netbook niya. May free wi-fi na kasi ang Cafe kaya pwede na niyang dalhin at makapag-net nang libre sa cafe. Agad niyang binuksan ang blog site niya at ang YM. 




Kvaleria is now online. 

Biglang kumabog ang dibdib ni Beau na nakaupo ngayon sa harapan nang cafe na laging pinupuntahan ni Kana. Wala na siyang pakialam kung magmukhang stalker siya or ewan basta ngayon na ang araw na gusto niyang magpakita sa dalaga. 

Kaka-online lang din niya nang mag-ol ang dalaga. Nagpost kasi ang dalaga na pupunta siya sa Prosopikotita Cafe kaya naman nagpasya siyang puntahan din ang cafe. 


BUZZ! 

LarionBM: Psst! Good Morning! 

Kvaleria: :o Wow! Ang aga mong nagising ahh! 

LarionBM: 8-| ngek lagi akong maaga gumising no. Musta? Nasa Cafe Prosopikotita ka na? 

Kvaleria: Yup with my hubby, netbook and baby, Macchiato ala Cain. Yum Yum. 

LarionBM: Akala ko may asawa ka na. Kinabahan ako doon ah. :P 

Kvaleria: 8-| wa na ako ma-say. Kumain ka na nang Bfast? 

LarionBM: Hindi pa e. Sabayan mo ako. Gusto mo Chiffon Cake? 

Kvaleria: Yum Yum! Bigyan mo ako! Now na! =p~ 

LarionBM: Yung layaw mo tumutulo. Dyahe! :P 

Kvaleria: E pinatakam mo ako e! Gimme gimme! :* 

LarionBM: Sige kapag nagkita tayo! 

Kvaleria: :o Now na? Magpapakita ka na now na? 

LarionBM: Hindi ka naman masyadong excited niyan. Baka magulat at mainlove ka sa akin niyan e. 

Kvaleria: Tse! :”> 


Napaangat ang tingin niya nang may ipatong ang na kape sa harapan niya. Ang waitress na nanguha ng order sa kanya. 

“Thanks, Paige,” sabi nya at tinikman ang kape. 

“Ang sarap. Kaya pala laging pumupunta dito si Kana e.” 

“Si Kana? Si Miss Kana Valeria? Yung writer?” 

“Siya nga,” sabi niya at ngumiti. “I am a fan.” 

“Fan ka niya? Ayun siya o!” Sabi niya at tinuro ang babaeng nakasubsob ang mukha sa netbook. Si Kana nga. Nakangiti ito at nagtype. 


Kvaleria: Madaya ka kasi e. Magpakita ka sa akin soon ha! 

“Secret lang natin ha. Gusto ko kasing sorpresahin si Kana e.” 

“Ai! Nice naman! Sige secret lang natin.” Napatawa naman si Paige at ngumiti. 


BUZZ! 

“Sige, sir baka naabala ko na kayo,” sabi ni page at akmang aalis na. 

“Wait. Pwede mo bang bigyan nang chiffon cake si Kana. Pakisabi na may tumawag para bigyan siya nang chiffon cake.” 

“Ang sweet naman ni Sir. Sige akong bahala.” 

“Maraming salamat, Paige. Tawagin mo na lang akong Beau.” 

“Sige, Beau. Ako na bahala sa inyo,” sabi pa nito at kumindat na sa kanya at umalis. Tama nga ang sinabi ni Kana tungkol sa lugar na ito. Maganda at very friendly ang athmosphere dito. Masarap puntahan lagi. 


LarionBM: Ayan tinawagan ko na ang Cafe Prosopikotita at bibigyan ka na nila nang chiffon cake. 

Kvaleria: :o :o :o :o OMG! Really?! Ang sweet naman ni prince ko! :* 

LarionBM: Ikaw nga lang magbabayad niyan. :P 

Kvaleria: Para kang si Blu e. 

Napa-kunot ang noo niya nang magbanggit si Kana ng pangalan na Blu. 

LarionBM: Sino naman si Blu? 

Kvaleria: May-ari ng Prosopikotita Cafe. Ang bait niya. On the house nga ang unang kape ko e. Weeee! =)) 

LarionBM: Close kayo ha. 

Kvaleria: Ofcourse! Ako kaya ang VIP para sa kanya. :P Char! 


“Paige...” Tawag niya sa papadaang si Paige. “Sino si Blu?” 

“Ahhh. Si Boss Blu? Siya yung may-ari nang Cafe na ito. Gwapo at napakabait na tao. Close din sila ni Miss Kana.” 

“Ahhh. Ok. Salamat ha,” sabi niya at ngumiti na sa babae. Lumakad na ito patungo sa lamesa ni Kana. Nakita niyang nagulat pa ito nang may chiffon cake nga na dumating. 


Kvaleria: Weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Nakuha ko na ang iyong chiffon cake! Akala ko nagloloko ka lang e! I love you po! 

LarionBM: :D Wala yun. Enjoy eating ha. 

Kvaleria: Talaga! Masarap kayang kumain lalo na kapag libre. 

LarionBM: 8-| Sino nagsabing libre yan? Ikaw nga magbabayad. 

Kvaleria: Si Paige! Yung waitress na nakakuha nang call mo. 

LarionBM: :P 

Kvaleria: Gusto mo? (inggitin si beau mode) =)) 

LarionBM: Ikaw? Oo gustong-gusto ko. 


Pagkapindot nang enter ay tumingin siya sa gawi nang babae. Napangiti ito habang nagbabasa at tumipa ulit. 


Kvaleria: Weeeeeeee! Sige, banatan mo lang ako nang ganyan baka sunggaban ko yan! Walang bawian. 

LarionBM: Sige pag-iisipan ko kung totohanin ko na. =)) 

Kvaleria: Ai ganon pag-iisipan pa? Tsk >:P I hate chu! 

LarionBM: Whatever. :P Tinulugan mo nga ako kagabi e. 

Kvaleria: Eeeeek! Pagod mode ako kaya. Ikaw lang naman nakakapagpatulog sa akin nang mahimbing e. 

LarionBM: Kaya pala ang lakas nang hilik mo kagabi. 

Kvaleria: Tse! Di ako naghihilik. 

LarionBM: Kahit naman naghihilik ka ikaw lang ang nagiisang prinsesa sa buhay ko. :* 


“Beau, maraming salamat daw nang super super. Kinikilig nang sabihin kong galing sa inyo.” Hindi niya namalayang nakatayo na pala si Paige sa gilid niya. 

Napangiti tuloy siyang napatingin sa babae. “Talaga?” 




Nahulog ang tinidor na ginagamit niya sa pagkain ng cake nang matabig niya ito dahil sa nagmadali siyang ilapag iyon upang magtipa nang isasagot sa ka-sweetan nang ka-chat. Napatingin tuloy siya sa buong Cafe para tumawag ng waitress or waiter pero may kanya-kanyang sine-serve-an ang mga ito. Tumayo na lang tuloy siya at pinulot ang tinidor na nahulog at nagprisinta na siya na lang ang lumapit sa bar at humingi nang kapalit na tinidor. 

“Cain.” Pa-sweet niyang tawag sa kaibigang nasa bar. “Nahulog ko kasi yung tinidor ko e. Pwede bang makahingi ng kapalit?” 

“Ai sige. Wait lang,” sabi naman ni kain at lumabas nang bar para kumuha sa lalagyan nang mga kutsara at tinidor sa Waiter Section. 

“O eto na o,” sabi ni Cain at ngumiti na sa kanya. Kung dati rati ay hindi ito ngumingiti ay pala ngiti na ito dahil nga inlababo ang lalaki. 

“Salamat Cain.~” Sabi niya at tumalikod. Napatayo siya ng tuwid ng makita ang kausap ni Paige. Hindi siya nagkakamali. Si Beau ang lalaking iyon. Yung mata nito at ilong pati na rin ang maangas na look nang lalaki. Eto nga si Beau. 

Nakangiting nakikipag-usap ito kay Paige at halatang masayang-masaya ito. Nawala ang ngiting kanina lamang ay namamahay sa kanyang mga labi. 

Malungkot siyang lumakad na sa upuan niya at nag-invisible mode sa YM. Malungkot na kinain niya ang chiffon cake na ibinigay nang lalaki sa kanya. 



Napalingon si Beau sa netbook niya nang may sound notification na kumuha nang atensyon niya sa netbook. 


Kvaleria is now offline. 

Huh? Anong nangyari? Napatingin siya sa babae at malungkot na itong kinakain ang chiffon cake. Nagbukas tuloy siya nang blog nito para tignan kung may ipinost ito or kung ol ito sa CB. 


BeauMan: Kana!!!!!!!!!!!! Bakit di mo na ako sinagot sa YM? Ok ka lang ba? 

Nakita niyang napatingin ito sa netbook at napabuntong hininga. Hindi naman niya nakitang gumalaw ito para magtipa nang isasagot sa kanya. 


BeauMan: Kana? Ok ka lang ba? May ginawa ba akong masama? 

Nakita niyang pumunta si Paige sa lamesa nang dalaga at nakita niyang dumukot ito sa bag nito. Nagbigay ng pera ito kay Paige na ikinakunot nang noo nang dalaga. Nakita niyang may sinabi si Paige pero umiling ito at hindi na tinaggap ang bayad. 

Malungkot na umalis si Paige sa lamesa ng babae. Hindi niya tuloy mapigilang mapatayo at harangin si Paige. 

“Anong nangyari?” Takang tanong niya kay Paige. 

“Ayun. Bayaran niya daw yung chiffon cake na ibinigay mo. Ayaw niya daw na magpalibre. Nag-iba nga ang mood e at sinabing hindi na niya magagawang isulat ang love story ko kasi broken hearted siya. Tsk! Sila Cain, Jayne at Eliosa lang ang merong story ng love life nila. Nakakalungkot.” 

“Ha?” Nagtatakang napatanga lang si Beau sa harap ng babae. “Pero ako na ang magbabayad nung cake ahh.” 

“Sinabi ko na ngang binayaran mo na pero ang sabi niya na sasabihin niya daw kay Blu na nagsisinungaling ako kaya tinanggap ko na lang. Sige, Beau tanggalin ko na lang sa bill mo yung chiffon cake. Ayaw kong mawalan ng trabaho no.” 

“Ah.. Ok.” Nakatanga parin siyan napaupo na lang ulit sa upuan. 


BeauMan: Kana? Alam kong may problema ka. Sagutin mo naman ako. OL ka dito sa CB e. Nilayasan mo naman ako sa YM. 

KanaV: Ayaw ko sa lahat yung sinungaling. 

BeauMan: Sinungaling? Anong ginawa ko sa iyo? 

KanaV: K Nagsinungaling ka lang naman. Bye na. 

KanaV has logged out. 


Napatingin ulit siya sa gawi ni Kana at nakita niyang isinisilid na nito ang netbook sa malaking bag nito at nakatayo na si Paige sa harapan nito. Nakangiting tumungo si Kana sa babae tapos ay tumingin sa gawi niya. Nagtama ang paningin nila. Napalunok siya dahil Beau can see the pain in Kana’s beautiful eyes. Nakita pala siya nang babae. Nagmamadali itong lumabas. 

Nataranta siyang dumukot ng pera sa pitaka at tiniklop ang netbook. Nagmamadaling nilimas niya ang mga gamit na nakapatong sa lamesa. 

“Paige, eto yung bayad o. Kailangan kong magpaliwanag kay Kana!” Sabi niya at tumakbo na papunta sa pintuan. 

“Pero sobra ito!” 

“Keep the change Wish me luck!” Sabi na lang niya at kumaway. Napalabas siya at lumingon sa kanan niya ngunit wala si Kana doon. Lumingon siya sa kaliwa at medyo malayong bulto na ni Kana ang nakita niya. Napatakbo tuloy siya nang mabilis. Kapag hindi niya ito naabutan at nakapag-paliwanag ay sure siyang hindi na niya masisilayan ang nakangiting mukha nito at ang masayang mga oras na nag-uusap sila sa CB at YM. Hindi niya kakayanin iyon. 

“KANA!!! Wait! Kana!” Sigaw niya. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao. Nakita niyang saglit na napalingon ito sa kanya. Nakita niyang umiiyak ang babae. Shit! 

“Kana! Let me explain,” sabi niya. Malapit na siya sa nagmamadali paring babae. Humihingal siyang hinawakan ang kamay nang babae at napahinto naman ito. 

“I admit! Nagsinungaling ako sa iyo. Nandoon nga ako sa Cafe Prosopikotita. Eto kasi ang araw na pinlano kong magpakita sa iyo. I wanted to talk to you in person at magkwentuhan. I want to know more about you na nanggagaling mismo sa bibig mo. I am your biggest fan, Kana! Hindi ako mahilig sa mga nobela pero na-hook ako sa novels mo. Unti-unti ay nahulog ang loob ko sa iyo.” 

“Nahulog your face! Paano pa ako maniniwala sa iyo? Nagsinungaling ka na sa akin.” 

“ Lahat ng sinasabi ko sa iyo totoo. I fell in love with you the first time na nakita ko ang picture mo. Mas nakilala kita ng magkakwentuhan tayo sa YM at CB. Believe me. I really am In love with you.” 

“Ang sweet sweet mo nga kay Paige e. In love ka pa sa akin. Ano to two timing?” 

“Ha? Siya yung kinuntsaba ko para bigyan ka nang chiffon cake. Sinabi niya na kilig na kilig ka daw dahil sa chiffon cake na ibinigay ko. Syempre tuwang tuwa ako no!” 

“Kung nahulog nga ang loob mo sa akin noon pa bakit hindi ka nagpakita nung EB ng syf? Aber aber?” 

“I was there.” Napakamot tuloy siya sa batok. 

“Kitams! Nagsinungalin ka na naman! Tse!” galit na tinalikuran siya nito. 

“Andoon ako hanggang sa mag-uwian kayo. I was there watching from a far and falling in love with you from a far. Kahit itanong mo pa kay Ken. Na-lovestruck ako sa iyo. Kaya nga hindi ako nakalapit kasi baka maturn off ka sa akin at sabihing manyak ako dahil alam kong ang gagawin ko lang sa buong magdamag ay ang titigan ka. Ayaw kong ma-turn off ka sa akin, Kana. Hindi ko kakayanin iyon at lalong ayaw kong may mis-understanding tayong ganito. Mahal na mahal kita Kana Valeria Apolinario!” Sigaw niya sa medyo malayong bulto ng babae. 

Napahinto ito at napalingon sa kanya. Nakangiti na ito pero naluha pa rin. Tumakbo na ito sa kanya at niyakap siya. 

“Nakakaasar ka! Pinag-emote emote mo pa ako! Hindi kaya bagay sa aking beauty!” 

“I love you... Walang halong biro.” 

“Parang narinig ko na ito sa panaginip ko. I love you too! Major Major!” Narinig niyang nagpalakpakan ang mga nakasaksi sa eklabu nila ng kasintahan niya. 

“Hindi yun panaginip. Lagi kong sinasabi yan sa iyo tuwing tinutulugan mo ako sa voice or video call natin.” 

“Ang sweet mo talaga! I love you to death!” Pagkasabi nito ay hinalikan na siya nito sa labi.





END


No comments: