Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, February 1, 2013

At Your Service: Mr. Arogante [Part 1]


Copyright © 2010. All Rights Reserved.


═══════════════════════

Dati alam ko kung sino pa ako pero ngayon hindi na. You change me and I actually like it pero huwag mo akong sisihin kung bumalik ako sa dati or worst, if you’re planning to leave me.

═══════════════════════


Black leather jacket, helmet, jeans and a Harleys. Nag-park si Seige sa parking lot ng mga empleyado ng pinagtratrabahuhan niyang Café. Alam na ng mga empleyado kung sino ang dumating kapag nakita na nila ang black Harleys na naka-park doon. Siya lang naman kasi ang nagpapatakbo ng motor dahil masyado daw delikado ito para sa ibang kasamahan. 

Well, dangerous was his second name or more like his a dare-devil. Lagi siyang nakikipag-laro kay kamatayan. Well, everynight ay lagi siyang napapa-away sa mga lasing na tao sa pinapasukan niya. Maangas daw kasi siya at mayabang. Well, parte ito ng trabaho niya kung lalamya-lamya siya ay hindi niya maipagtatanggol ang sarili niya sa mga lasing na tao sa loob at labas ng pinapasukan niya. 

Isa siyang bartender sa Prosopikotita Cafe na pag-aari ng kanyang half-brother na si Blu, at walang nakakaalam na magkamag-anak sila. Sino nga ba naman ang mag-aakalang may gagong half-brother si Blu na sobrang matino? 

Pagkatapos niyang mag-park ay dumiretso na siyang pumasok sa cafe. He waved at Cain na naging ka-close na rin naman niya. Lahat naman kasi sa loob ng Café ay magkakaibigan. Nagbibihis na kasi ito sa locker room para makauwi na rin. 

“Musta pare?” tanong ni Cain sa kanya habang naghuhubad ito. 

“Okay lang. Walang excitement na nakita papunta dito,” bored na sabi niya dito 

“Buti ka pa.” 

“Wag mo sabihing kinukulit ka na naman ni Cle? Baliw talaga yung babaeng iyon,” sabi niya at napatawa. 

"Basta weird siya. Lagi kong tinataboy, laging lumalapit. Lahat ba ng mayayaman may pagka-krung krung, pare?” Naiiritang sabi nito. 

“Yung iba lang pare. Medyo malas ka nga lang kasi lapitin ka ng krung-krung,” natatawang sabi niya at lumapit sa salamin para sa last look. Nang sa tingin niya ay okay na siya ay dumiretso siya ng tayo and tumingin kay Cain. “Sige, ako ay mag-aayos na doon sa puwesto ko,” sabi niya at tinapik ang balikat ng lalaki. 

He left Cain at dumiretso na siya sa isang parte ng café na hindi binubuksan sa umaga. The place he owns. Yup, hindi alam ng mga tao na magka-partner sila ng kapatid sa negosyo at siya mismo ang nagsabi kay Blu na dapat ay 24hours ang service ng café para mas marami ang kita at dahil doon meron silang ‘Bar Lounge’. 

“Oh, andito ka na pala.” Napalingon siya sa nagsalita. Ang half-brother niyang si Blu. Tumungo na lang siya dito para sabihin na nakita niya ito. He walked inside the bar and started cleaning and stocking the bar ng lumapit si Blu. 

“Mukhang kailangan mo nang tulong ko mamaya. Madami kasing tao kanina sa cafe e,” sabi nito at umupo sa stool na nasa harapan ng bar. 

“Bahala ka,” maikling sabi lang niya dito. Simula nung unang ipakilala siya ng tatay ni Blu dito ay aloof pa rin siya dito kahit na nga ba it has been 24 years ago. Hindi naman sa ayaw niyang maging close sila but he choose to be aloof and distance himself to Blu. Hindi nga niya maintindihan kung bakit mabait pa rin ito sa kanya kahit na alam nilang dalawa na ang nanay niya ang kumabit sa tatay nito kahit nabubuhay pa ang mama ni Blu. 

Nakita niyang nagkibit balikat na lang si Blu sa pambabaliwala niya dito. Tumayo na ito at lumakad ulit sa may main Cafe. Alam nitong mas trip niyang mag-ayos nang mag-isa at walang magulo sa paligid. 

Natapos na siya sa pag-aayos sa loob ng bar lounge kaya naman akmang bubuksan na niya ang naka-lock na pinto at ilalagay na ‘open’ na ang bar ng makita niyang may nakaharang sa entrance. It was 2 guys and a lady. Napakunot ang noo niya dahil mukhang hina-harass nang mga lalaki ang babae. Hindi niya tuloy napigilang lumabas na lang bigla na naging dahilan ng pagtigil ng dalawang lalaki at tinapunan siya ng maangas na tingin. 

“Alis. Nakaharang kayo sa entrance ng bar na ito,” walang emosyong sabi niya habang nakipagtagisan siya ng pagtitig sa dalawang lalaki. 

“S-sorry po,” ang hinaharass na babae ang nagsalita at yumuko pa para humingi ng tawad habang ang dalawang lalaki naman ay hindi nagustuhan ang sinabi niya at kunot-noong lumapit ito sa kanya na naging dahilan ng pagdausdos ng dalaga sa daan dahil sa lakas ng pagkakasanggi nito. 

“Ang angas mong lalaki ka! Hindi mo ba kilala kung sino ang pinapaalis mo? Kung ako sa iyo pumasok ka sa loob at magtrabaho ka na imbes na mag-angas ka sa amin at baka magdilim ang paningin ko at makatikim ka pa sa amin!” nakasigaw na sabi nito sa kanya. Naamoy niya ang mabahong hininga ng lalaki na lalong nagpainit ng ulo niya. 

Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong nambabastos sa mga babae and secondly, ayaw niya sa mga unhygienic na tao. Tinignan niya ito nang masama habang ang isang kamay ay nakakuyom na at malapit nang mabanatan ang lalaki. 

“Ano? Anong tinatanga-tanga mo?! Huwag ka kasing sisiga siga kapag andito ako! Gago ka!” sabi pa nito at dinutdot pa ang sentido niya. Mabilis niyang ginalaw ang kamay para mahuli ang maduming kamay nito na nakadikit sa sentido niya at hinawakan ito nang mahigpit. Nakita niyang napangisi ang lalaki at sinubukan nitong alisin ang kamay niya para pakawalan ang kamay nito pero hindi ito nagtagumpay. Napakunot ang noo ng lalaki at akmang susuntukin siya nang ipinaikot niya ang hawak niyang kamay nito at binalian. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig nang mabahong lalaki. 

“Wala akong balak patulan ka at makipagsuntukan pero dahil nabahuan ako sa hininga mo kailangan mo ng leksyon. Sa susunod na makita kitang umaaligid dito sa café na ito, hindi lang iyan ang maabot mo,” sinabi niya sa nakaupong lalaki sa harap niya habang maiyak-iyak ito sa sakit na naidulot niya dito. 

“Ang angas mo talaga ha!” sabi naman nang isa na nanonood lang kanina sa kanila. Ngumisi siya pero walang makikitang kaba sa mukha niya. Hinila niya ang nakaupong lalaki patayo at itinulak ito sa papalapit na lalaking akmang susugurin siya at dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na napigilan nang dalawa ang magsalpukan at parehong tumumba ang mga ito. 

Narinig niyang nagmura ang mga ito bago tumakbo paalis. Narinig niyang sinabi ng mga ito na babalik ito para gantihan siya pero wala siyang pakialam sa mga iyon at pinuntahan ang dalagang nakaupo pa rin sa daan at manghang nanonood pala sa kanya kanina. Inilahad niya na ang kamay para tulungan ang babae , which she did accept, at hinila na niya ito patayo. Pinagpag ng dalaga ang pantalon at damit nito at tumingin ulit sa kanya. Ngayon niya lang napagtanto na half-filipina at half-japanese ang babae. 

“Maraming salamat sa tulong mo pero sana ay hindi mo na lang sila sinaktan.” 

“Sinaktan ba ang tawag doon? I just gave them some warning. Ikaw na nga itong hina-harass ay ikaw pa ang nagtatanggol sa dalawang yon.” 

“Violence won’t solve anything. Naniniwala kasi ako na madadaan ang lahat kapag may magandang communication.” 

“Whatever,” sinabi na lang niya dito para hindi na umabot sa isang diskusyon. He walked towards the door and flipped the door sign to ‘Open’ at pumasok na sa loob. Hindi naman niya alam na sinundan pala siya ng dalaga until he heard a step. 

“I’m Emmarie Honjo,” pagpapakilala ng dalaga sa kanya ng lumingon siya dito but he stared at her for a couple of second at lumakad na siya ulit papunta sa bar at pumwesto sa tapat nito kung saan ito umupo. Nakita niyang tumingin ito sa name-badge niya at ngumiti. 

“Umiinom ka nang Tomato juice?” tanong niya dito na naging dahilan ng pagtingin nito sa kanya. 

“Huh? Ah oo, Siege,” nagtataka man ay sinagot na nito ang katanungan niya. Nag-umpisa na siyang maghalo nang inumin. Tomato Juice, worcester sauce, tobasco sauce, salt at pepper, basil leaves, celery at pickles. Ito ang non-alcoholic version nang Bloody Mary na ang tawag ay ‘Virgin Mary’. Matapos pagandahin ay isinerve na niya ito sa harapan nang babae. 

“On the house na yan dahil ikaw ang unang tao dito sa bar,” turan niya dito at nilinis ang mga kalat sa pag-gawa ng virgin mary. 

“S-salamat. A-ano nga palang full name mo?” tanong nito sa kanya na nagpatigil sa ginagawa niya at tinapunan niya ito ng tingin bago nagsimula ulit sa paglinis. 

“Seige Cortez,” maikling turan niya sa dalaga. Never niyang ginamit ang apelyido ng ama kahit na nga ba gustong-gusto nitong gamitin niya iyon. He refused to used it at ginamit ang apelyido ng ina. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit hindi niya magamit ang apelyido nito: ito ay dahil sa hindi niya mapatawad ang sarili niya. 

“Seige Cortez...” mahina nitong inulit ang sinabi niya. “Ngayon ko lang napasukan ang Cafe/Bar na ito. Hindi ko alam na ganito pala kaganda dito, sa kabila lang kasi ako nalagi eh. So…tuwing gabi lang bukas ang side na ito tapos ay maghapon naman ang kabila?” 

“Oo, may bar rin sa kabila pero mas patok ang kape doon at alak naman dito. We never served coffee here,” na hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang dalaga but in the corner of his eyes nakikita niyang iniinom nito ang juice na ginawa niya and that made him happy inside. As long na nagugustuhan ng mga customer niya ang ginagawa niyang mix ay natutuwa siya. Tumahimik na muna ito at ninamnam ang pag-inom ng mag-ring ang cellphone ng dalaga. 



“Hello?” pagsagot ni Emma sa cellphone matapos magulat. Pinagmamasdan niya kasi ang lalaki bago mag-ring ang cell niya dahil nga curious kasi siya kung bakit aloof, maangas at may pagka-gentleman ang lalaki. She wanted to know him more pero she can feel the presense of the a very thick and tall imaginary wall around the guy at dahil doon ay mas lalo lang siyang na-curious. 

“Emmaaaaa! Nasaan ka na?” malambing na boses nang kaibigan niyang si Eingel ang nagsalita. May photoshoot nga pala ito para sa Magazine cover nang Mega. 

“Sorry, friend, medyo may nangyari lang at nagpapalipas oras lang ako. Daanan mo na lang kaya ako dito sa Prosopikotita Cafe.” 

“Tsk! Kaya sinabi kong padalhan kita nang bodyguards diyan eh. Sila na naman ba yung hina-harass ka?” 

“Yes, the same guys again. Hayaan mo na lang sila dahil umalis na sila sa takot dahil pinagtanggol na ako ni Seige.” 

“Who’s Seige?” May himig pang-iintriga ang boses nito pero alam naman niyang hindi pala-asar ang kaibigan more on curios ang dalaga kaysa mang-asar. 

“Bartender siya dito, he was about to open the bar ng makita niyang hina-harass ako nung mga iyon,” pinagmamasdan niya lang ang binata habang pinag-uusapan nila ng kaibigan niyang si Eingel Brixx “Angel” Sevillejo, isa sa mga model nang De toute Beauté Modeling Agency (DBMA) na pag-aari nang Socialite na si Aphrodite De Guzman, ito. 

“Okay. Basta wag kang aalis diyan hanggat hindi pa ako nakakarating. I’ll See you soon and take care, Emma,” sabi pa nito bago nito pinindot ang end button. 

“K-kaibigan ko. Tinatanong lang kung anong nangyari sa akin kaya naman nasabi ko ang name mo. Susunduin na lang daw niya ako once na matapos na ang photoshoot niya,” paliwanag niya. Hindi niya alam pero gusto lang niyang magpaliwanag dito, after all, ginamit niya ang pangalan nito 

“Hmmm,” yun lang ang sinabi nito bago tuluyang humarap ito sa kanya at tumungo. Hirap din kasi siyang kausapin ito dahil tahimik na nga ito ay kung hindi nakata-gilid ay nakatalikod ito sa kanya. It’s much better to talk to someone kung nakaharap ito sa iyo. “Sorry pero narinig ko ang pag-uusap niyo at nalaman kong lagi ka palang sinusundan nung mga lalaking iyon. Bakit wala ka pang ginagawang aksyon para hindi ka na guluhin nang mga iyon?” 

“Napapakiusapan naman minsan. Ngayon lang medyo nangharass at thankful ako dahil andoon ka,” sabi niya at itinukod ang siko sa may bar top at sinipsip ang cocktail na ibinigay nito sa kanya. Nakita niyang kumunot ang noo nito. Nagulat na lang siya nang hatakin nito ang kaliwang kamay niya at marahang idinampi nito ang isang daliri nito which made her wince in pain. 

“Ouch!” Hindi niya alam na nasugatan na pala siya. Hinila na lang niya ang kamay pabalik at pinagmasdan ang sugat. It was big at dumudugo pa rin ito kaya naman she grabbed her bag at naghanap ng panyo sa loob. Nagmamadali naman itong lumabas sa bar at dumiretso sa kabilang parte nang café. Hindi naman nagtagal at bumalik na si Siege na may dalang lalaki na halos kasing edaran lang nito at ngumiti ito sa kanya. She smiled back to the gentle guy. 

“I’m Blu, owner nitong café. Sige sumunod ka na lang muna kay Seige at siya na ang bahala sa iyo,” sabi nito sa kanya na ikina-tungo niya bago pa siya mahila ni Siege paalis nang upuan niya. Nagtataka man ay nagpatianod na lang siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon. 

Dumating sila sa isang locker room at pinaupo siya nito. Nakita niyang kumuha ito nang first aid kit at naglabas nang betadine at bulak. Binuhusan nito nang betadine ang sugat niya habang ang bulak ay pinangsalo nito sa maari mang tumagos na gamot. Matapos malinis ay nilagyan na siya nang pinaka-malaking band-aid na nakita nito. 

Wala silang imikang dalawa at pinanood niya lang si Siege na gamutin ang sugat niya. Napapangiti at ngiwi siya habang nililinis nito ang sugat niya. Mabait talaga itong lalaking ito kahit na nga ba may pagka-barumbado itong kumilos. 

“Maraming salamat ulit ha. Lagi na lang kitang inaabala.” 

“Wala iyon, desisyon ko naman na pwede mo akong abalahin. Let’s go back,” sabi nito at tumayo. Inilagay nito pabalik ang kit sa tamang lalagyan bago ito lumapit sa kanya na naging hudyat para tumayo siya. Nilampasan lang siya nito at pinagbuksan siya nang pintuan. 

“Salamat.” 

“Walang anuman. Hindi mo na rin kailangan pang magpasalamat dahil trabaho naming alagaan ang mga taong nasugatan sa loob nang café.” 

“I know but I still need to thank you. Wala akong pakialam kung trabaho mo ito basta ang alam ko tinulungan mo na ako nang sobra-sobra, Seige, and that is why I am thankful,” she said and gave the man her most sweetest smile.




ITUTULOY...

No comments: