Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, January 31, 2013

At Your Service: Miss Inosente [Part 2]


Copyright © 2010. All Rights Reserved.

═══════════════════════

I just can’t help but to always think about what you’re doing and if you’re okay. I guess that’s how I slowly fell in love with you.

═══════════════════════


Nakangiting pinapanood ni Eloisa ang mga kapatid at si Ian. Bakit? Well, lagi kasing nasa tabi niya ang binata at araw-araw siyang hinahatid at sundo nito sa work na madalas nagiging dahilan ng tukso sa kanilang dalawa, which is gusto naman niya. Tinutulungan rin ni Ian ang mga kapatid niya sa homeworks dahil kahit siya ay hirap sa pagtulong dito. Minsan nga ay tinuturuan din siya nito ng English like what boss kuya used to do with her.

“Hello, Kuya Patrick! Turuan mo naman po ako sa science homework namin,” sabi ng kapatid niyang pangatlo na si Elmer. Tumatakbo namang tumalon papunta sa lalaki ang pinakabunso nilang si Ella na 5 years old lang. Yumakap ito sa lalaki.

“Tuya Patrice!” Sabi ng medyo bulol pa niyang kapatid. Hindi niya mapigilang mapabungisngis. Hindi parin kasi talaga nito ma-pronounce ang pangalan ng lalaki. Yumakap naman ang lalaking doctor sa kapatid niyang bunso.

“Hello, princess, may pasalubong si kuya sayo,” sabi nito at inilabas ang doll na kanina pa nito itinatago.

“Ikaw talaga, Ian, hindi mo na dapat ini-spoiled yang si Ella. Naku, hindi ko kayang ibigay ang luho ng mga kapatid ko no kapag nasanay na may pasalubong every night,” sabi niya at umupo sa tapat nito. Full packed na kasi ang upuan sa tabi ng binata. Nakahilera ang mga kapatid niya sa tabi nito.

“Ibinigay lang kasi ito sa akin ng pasyente kong bata. E wala naman bata sa family namin kaya ibinigay ko na lang sa kanya. At saka like ni Princess Ella ang doll na ito diba?” sabi nito at pinisil pa ang pisngi ng kapatid na nakangiti at abala na sa paglalaro ng bagong laruan.

“Thank you daw sabi ni Ella,” sabi na lang niya sa lalaki kasi nga busy na ang kapatid. “Sige tutulungan ko na lang si Mama sa kusina. Mas inaabangan ka nang mga kapatid ko kaysa sa akin e,” Kunwari ay nagtatampong banat nito sa mga kapatid. Lahat naman ay tumayo at yumakap sa kanya.

“Etong si te tampururot! Siyempre thankful kami sayo no! Kung hindi dahil sayo naku baka nag-bobote na lang kami imbes na nag-aaral pero sawa na kami sa fez mo ate eh kaya kay kuya pogi muna kami kakapit,” sabi ng sumunod sa kanyang si Edna at kinindatan pa ang lalaki na ikinatawa ng huli.

“Oo nga, ate, we love you kaya. Nagpapaturo ako ng assignment para na rin sa ating future no. Extra na lang ang kapogian ni kuya,” sabi naman ng bakla niyang kapatid na si Edmond aka Eda.

“O siya siya. Sige na at pinapatawad ko na kayong lahat. Magpaturo na kayo sa kuya niyo at maghahanda na kami ng makakain ni nanay,” sabi niyang ngiting-ngiti. Sobrang sweet talaga ng mga kapatid niya.

Hindi nagtagal at tinulungan na ni Ian ang mga kapatid niya sa homeworks ng msa ito at nakapagluto na rin sila ng pagkain. It was a smooth sailing night at peaceful hanggang sa tawagan si Ian dahil emergency.

“Sorry, hindi na ako pwedeng magtagal may emergency,” sabi nito at tumingin sa lahat ngunit mas matagal ang tingin nito sa kanya. Tumungo siya at tumayo na.

“O yakapin niyo na si Kuya niyo at magpasalamat. Papasok na sa work siya eh,” sabi niya at nagsiyakapan na ang mga ito at nagpasalamat. Lumakad na sila papunta sa pinagparadahan nito ng kotse. Maliit kasi ang eskinita nila kaya hindi makapasok ang kotse nito. Pinapabantay na lang niya ito sa mga kaibigang tambay sa kanto.

“Maraming salamat ulit sa walang sawang pagtulong sa amin ha. Kahit na busy ka ay nagagawa mo paring ihatid ako at turuan ang mga kapatid ko,” sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ng lalaki at pinisil-pisil ito.

“Wag kang mag-alala dahil nag-eenjoy din naman ako. Wala rin naman akong mga batang kapatid at pinapangarap ko ngang magkaroon pero ayaw na daw ng magulang ko ang gumawa ng isa na namang artista sa pamilya e,” birong sabi nito na nakapagpaalala sa unang pagkikita nila na ikinangiti nilang dalawa. Inialis na niya ang kamay at kumaway dito. Ian was about to get inside the car ng magdecide itong lumapit ulit sa kanya and kiss her in her forehead. Nasapo niya tuloy ang noo and gave the man an innocent and shy smile habang nag-init ang dalawang pisngi niya

“I will see you tomorrow, Eloisa. Dream of me,” sabi nito at sumakay na sa sasakya at pinaandar ito. Naiwan siyang kumakaway sa papalayong sasakyan. Napabuntong hininga siya. Hindi niya kasi akalaing ganoon pala kabait ang super preskong si Ian. Yun kasi ang first impression nito sa kanya ng nakawin nito ang unang halik niya. Ni hindi na rin nito inulit ang paghalik sa kanya sa labi gaya ng pangako nito noon kaya naman ngayon ay nagsisisi siya na pinilit ang lalaki na magpromise na wag gawin ito ulit sa kanya.

Hindi naman niya akalaing mapapalapit ito ng husto sa puso niya. Hindi dahil kamukha niya ang super-crush na si Ian Somerhalder pero dahil napakabuti at masayang kasama ang lalaki. Nahulog tuloy ang loob niya dito. Napabuntong hininga ulit siya at naglakad na lang pauwi sa kanila.



Ilang araw ng hindi siya sinusundo at hinahatid ng lalaki. Alam niyang busy ito sa trabaho pero nadidismaya rin siya. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa mga kapatid niya kapag uuwi na siya dahil naghihintay din kasi ang mga ito sa pagdating ng binata. Sumisipol-sipol na dumaan si Boss Kuya Blu niya sa harap niya ng maisipan niyang magtanong dito tungkol kay Ian.

“Boss Kuya Blu! Alam niyo po ba kung saan nagtratrabaho si Ian? Dadalawin ko po sana siya at kakamustahin. Namimiss na rin kasi siya ng mga bata at hindi ko alam kung paano palulusutan ang nga iyon. Ang kukulit kasi e,” sabi niya at ngumiti.

“Sila lang ba ang nakakamiss sa pinsan ko?” Sabi naman nito at ngumiti ng makahulugan.

Nag-blush tuloy siya at napakamot sa batok. “Siyempre ako rin po, nag-aalala rin po kasi ako. Last time na nakita ko siya ay last week pa. Hindi rin naman po tumatawag,” sabi niya dito at ngumiti. Actually, nahihiya siyang aminin na namimiss niya nga ang binata but she can’t lie to her boss, right?

“I smell love,” sabi nito sa kanya. Napansin niyang iba rin ang aura ng boss niya ngayong araw.

“Asus, si Boss Kuya talaga. E mukhang sobrang saya niyo rin naman ngayon ah,” sabi niya dito at ngumiti lang ito ng malapad.

“Well, ganon talaga. Nahanap ko na yata si the one,” at tumawa pa ito. Kumuha ito ng papel at naglabas ng ballpen.

“Malapit lang ito dito. Galvez Medical Center,” sabi nito at ibinigay ang address ng hospital. “Baka hinihintay ka na non at naloloko na sa kakaisip kung kamusta ka na. Mukhang tinamaan ang mokong kong pinsan sa iyo e,”sabi nito sa kanya at tinapik siya sa balikat. “Goodluck sa love life~,” sabi pa nito at lumabas nang sumisipol-sipol.

“Sige, alis na rin ako, Eloisa,” sabi ni Cain na galing sa boys locker room. “Goodluck kung ano man iyon,” sabi nito sa kanya at tinapik rin siya sa balikat. Mukhang pupuntahan nito ang kasintahang si Ma’am Clementine.

“Well, good luck din sayo ha! Sana nga ay si Mr. Ian na rin ang makatuluyan mo,” sabi naman ni Jayne na super blooming pa rin since dumating si Keiji sa buhay nito. Mukhang naghihintay na nga ang binata sa labas. Eto kasi ang mga kasabayan niya pag sinusundo ng mga kasintahan nito kaya medyo napagsasabihan niya ito ng saloobin habang naghihintay ng sundo. Nakangiting kumaway siya dito at pumasok na rin sa Girls locker room.

Nakapagdesisyon siyang bisitahin ngayon si Ian, i-surprise kumbaga. Bibili muna siya ng mga prutas bago niya ito puntahan sa hospital. Nagbihis na siya at lumabas papuntang palengke para makabili pa siya ng mga prutas. Bumaba na siya sa jeepney at pumasok na sa hostipal ng may ngiti sa labi, iniisip lang niyang makikita niya si Ian ay gumaganda ang mood niya.

“Nurse, nasaan si Doctor Ian Patrick Galvez? Kaibigan niya po ako,” sabi niya sa nurse na nakaupo sa reception ng hospital.

“Ahh, si Dr. Galvez ba? Nasa room 306 siya at nagtse-check ng pasyente. Na-hospital din kasi ang isang kaibigan nito,” sabi ng nurse.

“Salamat,” tipid na sabi niya dito at nginitian. Sumakay na siya ng elevator at pinindot ang 3rd floor.

“306. 306. 306. 306.~” bumu-bulong na sabi niya habang naghihintay na makarating ang elevator sa 3rd floor. Nang dumating na ito ay agad siyang lumabas. Narininig na rin niya ng boses ni Ian kaya naman mas nagmadali siyang mapuntahan ito. Nakangiting sinundan niya ang boses ni Ian para makita ito but her smile was away from her face dahil nakita niyang nakikipaghalikan si Ian sa isang babae at sa corridor pa. Matagal iyon, hindi katulad nung nangyari sa kanila and because of that napatulala siya at nabitawan ang dalang prutas na nagging dahilan ng pagtigil ng dalawa sa paghahalikan dahil nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Maganda ang babae at matangkad din ito, mukha itong model ng sikat na magazine. Naka-hospital gown ang babae which means na pasyente ito sa hospital. Kaya naman pala hindi makatawag, binabantayan ang girlfriend.

“E-eloisa.,” sabi ni Ian pero hindi na siya sumagot at tumakbo na lang patungong elevator. Nagmamadali niyang pinindot ang 1st floor at sumara naman ito agad. Nakita niyang humihingal na nakatayo ang lalaki at ang nagsusumamong mga mata nito bago pa man sumara ang pintuan ng elevator.

Tuluyan ng nanlabo ang mga mata niya dahil sa pagluha. Impit ang umiiyak siya habang napaupo siya sa gilid ng elevator. Buti na lang talaga at walang nangailangan ng elevator sa 2nd floor kaya naman nagkaroon siya ng time na umiyak mag-isa. She stood up as soon as the elevator reached 1st floor. Tumakbo siya ulit palabas ng hospital dahil narinig niyang tinatawag siya ni Ian. Dahil she wanted to just stay away from Ian at ayaw niyang makita siya nitong umiiyak ay dire-diretso lang siya na tumawid sa daan ng may marinig siyang malakas na pagbusina ng sasakyan. Lumingon siya doon at ang huling nakita niya ay ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa sasakyan. She her body smashed into the cars front part and the windshield dahil sa malakas na impact at bago pa siya mawalan ng malay ay nakita ulit niya ang walang kulay na mukha ng gwapong si Ian. She closed her eyes and she starts losing consciousness habang naririnig ang papahinang boses ng nagpapanic na si Ian.

“Eloisa! Please don’t die on me!”



Kani-kanina lang ay nakikipagdiskusyon si Ian kay Amy. Matagal na kasi nitong ginugulo ang buhay niya. Nag-attempt pa nga ng suicide dahil hindi daw niya ito kayang mahalin. Hindi rin siya makadalaw kila Eloisa dahil kay Amy because she was black mailing him of suiciding kapag iniwan niya ito. So he has no choice but to wait for Amy to be stable bago siya dumalaw ulit kila Eloisa dahil miss na miss na kasi niya ito at ang mga kapatid nito.

Nang magpaalam naman siya kay Amy ay sinundan pala siya nito palabas at bigla na lang siyang hinalikan. Nagulat siya kaya hindi siya kaagad nakapag-react. Nakarinig na lang siya ng bagay na bumagsak at nakita niya ang shock na shock na si Eloisa. Tinawag niya ito ngunit tumakbo ito. Hindi rin niya ito naabutan pa sa elevator kaya tumakbo siya pababa sa hagdan. Naabutan pa nga niya ito. Halatang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito habang naglalakad.

“Eloisa.” Tawag niya dito pero pagkarinig ng boses niya ay tumakbo ulit ito na nagging dahilan ng paghabol niya sa dalaga. Nakalabas na ito sa hospital at kitang kita niya na dumiretso itong tumakbo sa kalsada.

“ELOISA!!!” Sigaw niya dahil nakita niyang may sasakyang malapit ng bumangga dito pero huli na ang lahat. Kitang-kita niya kung paano nabangga at tumalsik ang babae sa windshield pababa sa kalsada. Marami ang nakasaksi at nakita niya pang lumabas ang driver ng sasakyan na putlang putla.

Patakbo siyang lumapit dito and for the first time in his entire life and career, ngayon lang siya nanginig at nagpanic ng ganito. He can’t even think dahil blangko ang utak niya and all he can think is how to save Eloisa.

“E-eloisa! Don’t die on me, please!” sabi niya dito kahit alam niyang hindi na siya nito naririnig. Hindi rin niya ito maigalaw dahil baka mas lumala pa ang dalaga. He should know what to do but he just can’t think at all. Buti na lang at dumating ang mga nurse na may dalang stretcher. Inilagay na si Eloisa sa bed at nagmamadaling ipinasok sa OR. Masama kasi ang pagkakatama ng dalaga at duguan ito. Hinang-hina na sumunod siya papasok ng OR pero pinigilan siya ng kararating lang na doctor.

“Dr. Galvez, you cannot come in. You’re not in a state to join any operation,” sabi ng kaibigan niyang doctor na si Denise. “Nurse, take Dr. Galvez out and give him some medicine. You have to call her family too,” sabi ni Denise sa kanya. Shock parin siya kaya hindi niya alam ang gagawin.

“Doc, ako na lang po ang tatawag. Akin na po ang telepono at heto po ang gamot, inumin niyo na po muna ito,” sabi ng nurse sa kanya. Tumungo siya at ininom ang gamot. Binigay na rin niya ang cellphone sa nurse.



Everything went back to normal. Okay na ang pakiramdam ni Eloisa at nakalabas na rin siya sa isang buong buwang paglagi sa hospital. Paid na ang bill niya at ayaw pasabi ng ‘good samaritan’ kung sino siya kaya hindi niya alam kung paano makakapagpasalamat dito. Ayaw na rin muna niyang makita si Ian dahil naalala pa rin niya at nararamdaman ang sakit sa pusong naidulot nito.

Alam niyang wala siyang karapatang magalit o magselos man lang pero hindi niya kayang iwasan iyon. Mahal na kasi niya ang binata at sa ngayon ay hindi muna niya kayang harapin ito. Ginalang naman nito ang desisyon niya and to her it was a big help. Ang nanay na nga lang niya ang nagsabing si Ian pala ang nagbabantay sa kanya tuwing gabi at umaalis ito ng sobrang aga para hindi niya ito makita. She can’t help but cry just remembering how nice and sweet Ian is dahil kahit anong gawing sweet move nito ay hindi sila magiging sila dahil meron na itong girlfriend.

Dahil sa nangyari sa kanya ay naghanda ng ‘Welcome’ party sa café na pinapasukan niya and this is the second time na nagsara si Boss Kuya Blu niya for staff. She was supposed to be happy dahil mukhang okay na ang lahat at pwede na ulit siyang magtrabaho pero hindi gaanong nakakapagod dapat but she just misses Ian so much. So much na gusto niyang puntahan na ang binata.

The party was fun until an unexpected guest appeared on the stage na sumama sa bandang iniregalo ni Keiji at Jayne sa kanya. It was Ian, who was holding a flower at mukhang kabado habang tumayo ito sa harapan ng microphone.

“Ahem,” Ian cleared his throat. “Welcome back and thank God na okay ka na, Eloisa. Marami akong dapat sabihin at ipaliwanag sa iyo but you said you wanted time at hindi ko alam kung kelan ko sasabihin sa iyo until Blu called me and told me na may Welcome party ka. Thankful ako sa tulong ng pinsan ko at pag-iimbita sa akin dito. Promise, kung ayaw mo pa rin akong makita once na matapos na itong sasabihin ko ay hindi na talaga ako magpapakita sa iyo,” sabi nito sa kanya habang hindi nito maalis ang pagkakatitig sa mga mata niya.

Habang tinititigan siya nito ay ganoon din ang ginagawa niya. Because she misses him so much, hindi niya mapigilan ang pagmasdan ang gwapo pa ring mukha nito kahit na nga ba nagkaroon na ito ng balbas at medyo pumayat ang katawan nito. It looks like, it’s not only her that felt miserable habang di nila nakikita ang isa’t-isa.

“Noong una tayong magkita, pinatawa mo ako ng malakas dahil akala mo ay may pinsan si Blu na hollywood actor,” nagtawanan ang mga tao at tumingin sa kanya. Nahihiya tuloy siya at naalala ang ka-tangahan niya noon. “Everyone was telling me that already pero annoyed lang ang nararamdaman ko sa kanila but when you innocently told my cousin that you don’t know that he got a hollywood actor cousin, it made me laugh and find you very funny and cute. Hindi ko nga napigilan at nanakaw ko pa ang first kiss mo pero hindi ako nagsisising ninakaw ko iyon and I am sorry if that turns you off,” pagpapatuloy nito. Ian inhaled and exhaled before he continue talking.

“Naging curious ako at nagtanong sa pinsan ko all about you at sa lahat ng nalalaman niya tungkol sa iyo. As I listen to what he was telling me that time, I knew I was captivated by your innocent and generous heart. Nag-sorry ako and ask for friendship pero hindi ko talaga napigilan at nahulog ang loob ko sa iyo everytime we were together pero alam kong friends lang ang tingin mo sa akin, right? For the first time in my entire bachelorhood life, I held back every emotions I got on you. I tried really hard to go against my heart pero talo na ako noon pa man. KO kumbaga in terms of boxing.”

She can’t help but to get teary as Ian said those speeches. It felt na parang sasabog na ang puso niya sa sobrang saya. Gusto na niya itong lapitan at ikulong sa mga yakap niya pero kailangan niyang magtiis ng kaunti para marinig pa ang mga susunood nitong sasabihin.

“Nawala ako ng one week kasi may babaeng baliw na nagsuicide dahil sa akin. Kinailangan kong bantayan siya at maging stable bago ako magpunta sa inyo, I can’t contact you dahil hindi ko dala ang phone ko for security reasons at doon ako sa hospital naglalagi. Nung araw na…maaksidente ka, ay ang araw na pupuntahan na sana kita sa bahay niyo to surprise you pero hindi ko alam na sinundan pala ako ng babaeng yun at pinilit halikan,” andaming nag-violent reaction ang narinig nilang lahat ang sinabi nito, even her.

So hindi pala niya ito girlfriend, thank God for that! May pag-asa pa pala ako!

“Doon mo ako nakita at tumakbo papalayo. Iyon din ang dahilan ng pagkaka-aksidente mo. That time, it was the first time na nablangko ang utak ko. Doctor ako pero ni wala akong nagawa para tulungan ka. Shock, panic, fear struck through me pero mas ang takot. Takot na baka mawala ka sa mundo na may galit sa akin at hindi mo pa nalalaman ang nararamdaman ko,” sabi nito as he went off stage and walk towards her. She stood up crying while waiting for him to walk towards her.

“Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang mawala ka sa akin. Eloisa, mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal ng ganito katindi. Korni na kung korni pero ganito talaga kita kamahal and I will prove to you how much I love you kung pagbibigyan mo lang akong maging boyfriend mo,” there he is, standing in front of her as dashing as always as he gave the flower to her.

Kinuha niya ang mga bulaklak but put it on the table dahil gusto na niyang yakapin ang binata. And she did, niyakap niya ito ng mahigpit and he did the same. Everyone cheered for both of them and shouted ‘kiss’. Hindi naman na kailangan pang sabihin iyon dahil she will definitely have to kiss the loving and sweet man na mahal niya at mahal siya.

At para hindi na mapagod sa kaka-cheer sa kanila ang audience nila, she literally grabbed his nape down to give him a sweet loving kiss. A kiss as innocent as she is as she said, “I love you very much too, Ian.”

She felt a tear ran down his cheeks and towards her cheeks. Naghiwalay sila and stared at each other for a couple of seconds before she wiped Ian’s tears away. Both of them smiled at nagkaintindihan na sila through their eyes na magkakaroon ng kissing lesson after their English lessons.

Thanks name badge for giving me this handsome and loving man! Oh yeaaaaah!




END



~♥~
Next Story: Mr. Arogante

No comments: