Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, February 2, 2013

At Your Service: Mr. Arogante [Part 2]


Copyright © 2010. All Rights Reserved.

═══════════════════════


Ang kulit mo, mabait ka masyado, maganda ka at pasaway minsan. Hindi tayo bagay pero kahit hindi pa tayo bagay hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Call me selfish or anything pero ngayon lang ako naghangad nang kahit na ano. I want you mine.


═══════════════════════

Napapailing na lang si Seige nang makita na naman niyang pumasok sa loob ng bar si Emmarie Honjo. Hindi niya malaman kung ano talaga ang gustong mangyari nang dalaga at lagi itong bumabalik dito. Alam niyang siya ang pinupuntahan nito dahil lagi niya itong nakikitang nakatingin sa kanya. Kung masaktohan nitong walang nakaupo sa harap nang bar ay doon ito pumupwesto at kinakausap siya pero dahil medyo late na rin ang dating ng dalaga ay wala itong mapuwestuhan sa harapan ng bar which made the lady look disappointed but that didn’t stopped the lady at lumakad pa rin ito patungo sa harap niya. 

“The same again, Seige,” she said in a very nice tone and smiled at him. Kapag nangiti ang dalaga ay animo nakapikit ito dahil ang maliit na nga nitong mga mata ay mas lumuliit pa kapag ngumingiti that made her look cute. 

Ginawa niya ulit yung cocktail na ibinigay niya dito noong unang araw na nagkakilala sila. Naging paborito ito ng dalaga dahil na rin daw na-swak-an sa panlasa niya ang lasa ng Virgin mary, after all, maanghang ang type of food niya. 

“The ‘same again’ is called Virgin Mary. Bagay na bagay sa iyo diba?” Nakangisi niyang turan at ibinigay na ang cocktail drink sa babae. Natawa lang naman ito sa sinabi niya at hindi na nag-comment. Lumakad na ito sa bakanteng upuan sa gilid nang bar. 

“Ako muna diyan,” maya-maya ay sabi ni Cain sa kanya. Nagtataka siya dahil ilang araw na itong on-train sa night shift pero wala siyang sinasabing violent reaction tungkol dito. Mukhang may balitang sasabihin sa kanya si utol mamaya tungkol na rin siguro kay Cain. Tumungo na lang muna siya at lumabas na sa bar. Napasulyap muna siya sa gilid kung saan nakaupo si Emmarie at nakita niyang rumihistro din ang pagtataka sa mukha nito. He walked towards the back door at lumabas para manigarilyo. Hindi naman nagtagal at meron ring lumabas doon and he knew kung sino iyon, it was Blu. 

“Siguro ay may hinala ka na sa sasabihin ko kaya naman didiretsuhin na kita.” 

“Ang ano?” 

“Cain wanted to changed shift with you. Hindi naman ito permanent, mga isa or dalawang linggo lang,” sabi ni Blu na nakatingin sa kalangitan. 

“Ikaw ang bahala. Ikaw ang boss e,” walang emosyon na turan niya sa half-brother niya. 

“Pero ikaw ang nagmamay-ari nang Bar Lounge, Seige, so dapat may say ka dito.” 

“You have the major stock sa ating dalawa, Blu, kaya okay lang sa akin ang kahit na anong desisyun mo, after all, hindi ka naman siguro gagawa ng ikasisira ng business mo,” sabi niya dito at itinapon na ang sigarilyo sa sahig at inapakan ito. “Mabuti na rin siguro sa akin itong pansamantalang pag-lipat nang shift,” pagpapatuloy niya turan sa kapatid. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa nang pantalon at hindi na inantay pa ang kung ano pang sasabihin nito bago pumasok sa loob. 

Hindi na rin niya nakita pa si Emma sa loob at ang walang lamang baso na lang ang nakita niya na nakapatong sa lamesa nito kanina. Kinuha niya ito at inilagay na sa lababo at hinugasan. Naging mabilis na rin ang mga oras para sa kanilang dalawa ni Cain at nagsiuwian na sila. 




Matagal na niyang hindi nakikita si Seige sa Bar Lounge nang Prosopikotita Cafe. Hindi naman niya matanong ang pumalit ditong si Cain dahil di pa naman sila close nito at nahihiya rin naman siyang magtanong dito. Ilang araw na kasi niyang di nakikita ang mukha ng crush niyang si Cain. 


Yes, naging crush na nga niya si Seige. Sabi ni Eingel ay madali daw talaga siyang humanga sa tao pero matagal naman mawala ang paghanga niya sa isang tao. Napabuntong hininga siya nang makitang si Cain na naman ang nasa harapan nang Bar. Lumapit siya sa bar at umupo dito. 

“The same, please,” sabi na lang niya kay Cain. 

“The same?” Nagtatakang tanong nito sa kanya na ikinangiti niya. 

“Ai sorry, nakasanayan lang. Isa ngang Virgin Mary,” nginitian siya nito at tumungo bago nito ginawa ang inuming hiniling. 

“Lagi kitang nakikita dito, Ma’am. Siguro regular customer ka ni Seigefriend no?” sabi nito habang ginagawa ang inumin niya. 

Tumungo siya para sagutin ang tanong nito sa kanya. “So Seigfried pala ang buo niyang pangalan. Seige lang kasi ang sinabi niya sa akin. Naging regular lang simula nung tinulungan niya ako.” 

“Ah! Ikaw ba yung nagpasugod kay Seige sa kabila para kunin si Boss Blu?” 

Napangiti siya. Hindi naman pala mahirap kausapin ang lalaki. Mukha kasi itong suplado katulad ni Seige. “Parang ako nga yun.” 

“Nagulat nga kaming lahat. Nagsasara na kasi kami that time nang biglang humangos si Seige at hilain si Boss Blu papunta dito sabi niya ay may emergency daw. First time kong nakitang nataranta yung si Seige kasi his a very calm and cool person.” 

“He is a very calm and cool person. Yan din naman ang nakikita at nararamdaman ko sa kanya but I know his not all that kasi his helpful and gentleman too,” she said na nagpangiti kay Cain at makahulugang tumingin ito sa kanya. Napakunot noo siya pero may ngiti siya sa labi. “Ai parang nakakaloko ang tingin na ganyan.” 

“Ilang linggo pa lang kasi kayong magkakilala pero andami mo nang alam sa kanya.” 

“Hindi talaga kami ganoon ka-close kasi hindi naman kami madalas mag-usap, mahirap kasi siyang i-approach at kausapin but I always watch him, not in a bad way, plus the fact na tinulungan niya rin ako. Doon ko lang napatunayan na mabait naman siyang tao, its just that he tends to hide that kindness in his arrogant and cool exterior.” 

“So officially ng may stalker si Seige,” natatawang sabi nito sa kanya na ikinailing niya nang sobra. 

“Naku hindi no. I find watching him, fun atsaka, secret lang natin ito ha but I have a tiny bit crush on him,” sabi niya dito with matching action pa na nakapagpatawa dito. 

“Well, goodluck sa tiny bit crush na iyan, Ma’am. If ever boto na ako sa inyo for him,” sabi nito and gave her a wink. “Pasensya na nga pala at ako ang dahilan ng pagkamiss m okay Seige, nakipagpalit lang ako ng shift sa kanya for a couple of weeks. May gumugulo kasi dito,” sabi nito at itinuro ang puso at sentido nito. Napangiti naman siya dito at kinuha ang inabot na inumin nang lalaki. 

“Sa pag-ibig, puso ang ginagamit and hindi ang isip but don’t forget yourself too in case of love. You just need to feel it para makapagdesisyon ka at as long na wala kang masasaktang iba go for it. Happiness mo ang nakataya sa magiging desisyon mo, Cain,” sabi niya at inimon na ang Virgin Mary na kanyang inorder. Nakaplano na ang pagbisita niya sa main café bukas para makita si Seige pagkatapos niyang pumunta sa photoshoot ni Eingel. 

“Maraming salamat sa payo, Miss...” 

“Emma. At walang anuman iyon basta makatulong ako sa iyo. I need to go kasi may appointment pa ako bukas ng maaga. Dumaan lang ako at nagbabakasakali na makita si crush,” ininom na niya ng straight ang cocktail at inilapag na ito sa harapan ni Cain. “Nice meeting you again, Cain, bye!”, yun lang at lumabas na siya ng bar. 




LATE na siya sa ginawa niyang plano para sa araw na ito. Ang kapartner kasi ni Eingel ai isang baguhang model kaya medyo natagalan ang photoshoot na ginagawa nila. Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makarating kaagad sa café and to see Seige. 


Napahinto siya nang marinig niya ang pamilyar na boses at lumingon siya sa may eskinita sa tabi nang Prosopikotita. Napangiti siya dahil mukhang naabutan naman pala niya si Seige kaya nga lang ay paalis na ito. Tatawagin na sana niya si Seige ng makita niyang lumabas sa isang gilid ang dalawang humahabol sa kanya nung isang araw. She felt scared and was about to hide ng makita niyang hampasin ng mga ito si Seige sa likuran gamit ang mga armas na dala ng mga ito. Dahil hindi narinig ni Seige na lumapit ito dahil na rin sa may kausap ito sa telepono ay napadapa ito but it didn’t take long at nakatayo kaagad si Seige. Binigwasan nito ang isang lalaki na nakapagpalayo dito and glare at the other one. 

Parang nanonood siya nang action movie at siya ang babaeng pinagtatanggol nito kaya nga lang ay hindi naman nito alam na andoon siya. Pinagpatuloy niya ang panonood sa maaksyong bakbakan ng mga lalaki nang makita niyang tumayo ang napalipad na lalaki kanina ni Seige at lumapit ito sa likuran ng binata at akmang papaluin sa ulunan but because of instinct she run as fast as she can, wala na siyang pakialam sa poise niya whatsoever basta gusto niyang i-rescue si Seige kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi nito makakaaway ang mga dalawang lalaki. Iniharang niya ang katawan niya kay Seige bago pa man mag-landing ang dos-por-dos sa likuran nito and hit her instead. Dahil sa lakas ng pagkakapalo ay umikot kaagad ang paningin niya kaya naman napakapit siya ng mahigpit dito at napaungol. Nakita niyang napalingon si Seige sa kanya and before everything went black, she gave him a weak smile. 




“Sh*t!” Napamura siya at sinalo ang dalagang bigla na lang sumulpot sa likuran niya. Doon naman dumating si Cain at nakita ang mga pangyayari. Nang makita nang dalawa na dumating si Cain ay doon na nagtakbuhan ang mga iyon. 


“Tawagin mo si Blu. Kailangan ko nang sasakyan niya. Dali!” natataranta niyang sabi kay Cain na agad namang tumalima. Hindi nagtagal at dumating na sila Cain at Blu. 

“What happened?” 

“Tama na muna ang tanong! Kailangan nating isugod itong baliw na ito sa hospital!” sabi niya at walang babalang binuhat ang babae na parang kay gaan nito kung titignan. 

Nagmamadali namang tumakbo si Blu sa sasakyan at binuksan nito ang likurang bahagi para makapasok kaagad siya at ang dalaga. 

“Cain, huwag ka na sumama at buksan mo na lang yung bar, kami na ni Seige ang bahala dito,” sabi ni Blu ng akmang papasok rin si Cain sa sasakyan. Napahinto ito at napatungo na lang sa kanila. Wala na siyang pakialam pa sa pinag-uusapan ng mga ito because his mind went blank at ang gusto na lang niyang mangyari ay maihatid ito sa pinakamalapit na hospital. It was a good thing na nakaalis na kaagad sila sa café at nakarating na kaagad sila sa hospital. 

“You seem to be so attached to that lady,” basag ni Blu sa katahimikang bumalot sa kanila sa loob ng hospital room at binbantayan ang dalagang nakahiga at tulog sa kama nito. 

“What do you mean by that?” nakaasik niyang tanong dito. 

“You don’t need to talk to me in that tone, Seige. Hindi naman masama ang sinabi ko eh. What I mean was it’s the first time na nakita kitang nagpanic over a girl. Oh sige dahil na sa iyo kaya siya nagkaganito pero naaalala ko dati yung kay Tita Ghie when she saved you from that accident.” 

Napaisip siya sa sinabi nito and he realized na tama nga naman ito. When his mom died dahil sa paghila sa kanya nang muntikan na siyang mamatay, alam nang lahat kung paano siya nagdalamhati pero given na iyon dahil nanay niya ang namatay kaya ganoon siya ka-depress pero naalala niyang ganito siya noong na-aksidente ang nanay niya. Bakit nga ba ganito siya maka-react when it comes to this girl. 

“Where’s Emma? What happened?” Nag-aalalang pagpasok nang matangkad at morenang babae sa loob. 

“Iniharang niya ang katawan niya sa dos por dos na pamalo na dapat ay para sa akin. Pakisabihan mo ang kaibigan mo na huwag siyang masiyadong magpaka-martir,” sabi niya at lumabas na. 

“Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. I’m Blu Dela Merced,” yun ang huling narinig niya at lumakad na siya papalayo sa kwarto ng baliw na babae. Umupo siya sa may hagdanan para hintayin ang paglabas ni Blu. Hindi kasi niya dala ang cellphone niya. Hindi niya tuloy matawagan si Vlad para i-drive ang motor dito. Naglabas siya nang sigarilyo at sinindihan ito. Hindi niya tuloy mapigilang mapabuntong hininga. 

“Andami kong nakalimutan dalhin bago ako makarating dito,” nasabi niya sa sarili at napakamot siya nang buhok. Maya-maya ay napangisi siya ng maalala niya ang mga matang nakatitig lagi sa kanya kapag nagtratarabaho siya or nakikita siya ng dalaga. Maamo ito pero mahahalata mong buo ang loob nito at honest. 

“Arrggg! Nababaliw na ako,” maya-maya ay nasabi niya at tumayo na lang. Lakad dito lakad doon ang ginawa niya hanggang sa dumating na si Blu at umalis na sila sa hospital. 




Napapansin ni Seige na pinaaalis lagi siya ni Blu ng maaga. Mukhang alam na nito ang plano niya and he doesn’t mind it at all. Pupuntahan kasi niya si Emma sa hospital kahit patago lang. Tuwing tulog lang ang dalaga siya nadalaw dito para lang bantayan ito kahit saglit lang. Alam na kasi niya ang oras nang pagpapatulog sa dalaga dahil itinanong niya ito sa mga nurse doon. Nakausap na rin kasi niya si Dra. Lovely Autumn Rivera na siyang kinuha ni Eingel para alagaan ang kaibigan. 


Pumasok siya sa loob at nakita niyang nakapikit na ang dalaga at payapang nakahiga lang sa kama. Inilagay niya ang prutas sa lamesa malapit dito at umupo sa upuan na katabi nang kama at tahimik lang na tinitigan ang dalaga. Kahit yata anong gawin niya ay hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa. He gave up thinking of any idea or excuses kung bakit siya lagi nasa tabi ng dalaga at pinagmamasdan lang ito. 

“Baka matunaw ako niyan ha,” sabi nito at nagmulat ng mga mata. Nagulat siya kaya napatayo at akmang aalis na nang magsalita ulit ito. “Don’t go,” nagmamakaawa ang tinig nito na siyang nagpahinto sa kanyang pag-alis. Napabuntong-hininga siya at inalalayang umupo ang dalaga bago siya umupo ulit sa inuupuan kanina. Nagtitigan lang silang dalawa ng ilang minuto bago nagsalita ulit ang dalaga. “How are you?” nag-aalalang tanong nito. 

“Hindi ba dapat ay ako ang magtanong sa iyo niyan?” Nakakunot niyang tanong dito. 

“Alam ko namang lagi kang nadalaw dito. Si Dra. L.A na rin ang nagsabi niyan sa akin. Maraming salamat sa concern mo ha.” 

“You don’t need to say thank you. Ako ang dapat magsabi niyan diba?” sabi niya ulit dito at wala pa ring balak na itigil ang pagtitig sa dalaga, maging ito man. “Hindi mo na sana hinarang ang katawan mo para lang iligtas ako sa pagpalo sa akin. Hindi ako sanay na may nagmamalasakit pa sa akin to this point na ihaharang mo ang sarili mo. Ni hindi nga tayo close or magkaibigan…” napabuntong hininga siya and tried to smile. “Thank you sa pag-save sa akin.” 

“You’re welcome. Close na tayo noon pa kahit na feeling mo hindi tayo close. Talagang hindi tayo magkaibigan kasi mas gusto ko magkasintahan tayo. I saved you kasi ayaw ko pang mabiyuda nang hindi pa tayo nakakasal no.” 

Napatanga lang siyang nakatingin sa babae. Kasintahan? Kasalan? Anong pinagsasabi nang babaeng ito? 

“Nasobrahan ba ang palo sa iyo nang mga lalaking iyon at kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan?” nakakunot ang noong tanong niya dito ng mahimasmasan siya sa sinabi ng dalaga. Nakita niyang gumalaw ito at inilapit nito ang kamay sa mukha niya. Hindi naman siya gumalaw dahil mas mahihirapan ang babaeng maabot siya. Naramdaman niya ang paglapat nang daliri nito sa nakakunot na noo niya at minasahe ito. Hindi nagtagal at nawala na ang kunot noon pero napataas naman ang isa niyang kilay. 

“Hindi kasi bagay sa iyo ang nakakunot e,” sabi nito at ngumisi pa. “And I think, I might thank the guy that hitted me kasi dahil sa kanya ay natauhan din ako. Akala ko kasi ay malakas lang talaga dating mo sa akin at crush lang kita pero sobrang sacrifice naman ang iharang ko ang sarili ko sa panganib para lang sa isang crush diba? I think I love you,” at nag-peace sign pa ito sa kanya 

“You’re crazy.” 

“Thanks and I will make you crazier for me.” 

“Why?” 

“What do you mean ‘why’?” 

“Bakit ako pa? Bakit hindi ang iba na hindi maglalagay sa iyo sa kapahamakan?” 

“Malay ko basta I just knew na ikaw na nga wala nang iba and excuse me, diba ako ang unang hinahabol ng mga lalaking iyon but because of you saving me from them kaya ikaw ang pinuntirya nung mga iyon,” mahabang paliwanag nito. 

“Ang kulit mo, masyado kang mabait, maganda ka pero pasaway minsan, you’re unpredictable and stupid but very loveble. Hindi tayo bagay.” 

“At sino naman nagsabing hindi tayo bagay?” 

“Ako dahil kilala ko ang sarili ko. I will only give people I cherish, sadness.” 

“So you do cherish me,” matamis na ngiti ang namutaw sa labi nito. “Look, I am the happiest dahil sa iyo so mali ang pagkakakilala mo sa sarili mo,” pagpapatuloy nito and then grins. “atsaka kung hindi man tayo bagay, hindi mo ba alam na opposite attracts?” 

“Ano ito science? Hindi ako naniniwala. I gave my family sadness.” 

“Well maniwala ka na. I’ll give you proof. Diba sabi mo hindi tayo bagay, well bakit tayo swak dito?” sabi nito at hinila na siya nito papalapit. Their lips touched. Napatulala siya pero hindi naman nagtagal iyon dahil hinalikan na niya ang babae ng buong puso. Hindi naman masamang sumorender siya sa babaeng ito. He is sure na his life won’t be the same again lalo na kung hindi ito ang kasama niya sa buhay. 


Bahala na si Batman at isama pa niya si Robin, basta ako gusto ko ito!


 END

~♥~
Next Story: Internet Love

No comments: