Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series Special - Chapter 6

Copyrights © 2013. All Rights Reserved.



THEY arrived in front of the church of Imus. Nasa harap nito ay ang magandang park na napakaraming taong nagsisiya. Some of them are doing yoga, the kids are running around and playing street games katulad ng maiba-tayo, tagu-taguan or langit-lupa. Sa katabi naman ng church ay isang basketball court na puno rin ng mga tao dahil may mga naglalaro, at mukhang may liga kaya naman maingay dahil sa mga nag-cheer. Sa harapan naman ng basketball court ay ang maliit na playground kung saan ang mga magulang at mga bata nilang anak ay naandoon at doon naglalaro. It seems so peaceful and she loved it. Sayang at hindi niya nadala ang camera niya, she would definitely will capture this peaceful and happy moments. 

She was walking next to Ezekiel at tumitingin-tingin sa mga batang naglalaro sa park ng makita niyang ang mamang sorbetero. She happily went there dahil namiss na niyang maging bata. Since she graduated in Lherino ay nag-umpisa na siyang mag-intern doon at di naman nagtagal ay naging regular siya. Stress na rin siya sa work at for the first time in a long period of time ay ngayong lang ulit siya magsisiya like before. 

“Manong, anong flavour ng ice cream?” 

“Keso, ube at vanilla,” sabi naman ni manong at binuksan pa ang lata kung saan nakalagay ang malalaking tub ng ice cream. 

“May tinapay po kayo? Gusto ko po kasi yung ice cream sa tinapay eh,” 

“Sakto ka, hija, meron ako ngayon,” nakangiting sabi ni Manong sorbetero at kinuha ang dalawang natitira na mukhang para talaga sa kanilang dalawa ni Ezekiel. 

“Ah! Ezekiel, okay ka lang bang kumain ng dirty ice cream?” 

“Yeah. I used to love them too pero ngayon ko lang nalaman na pwede palang kainin ang ice cream na yan sa tinapay. Are you sure it’s delicious?” nakakunot noong tanong nito pero nasa tabi na niya to pick what flavour na kakainin. 

“Super!” sabi niya at tumingin ulit kay Manong sorbetero. “Manong, keso nga po. Ikaw Zeke?” 

“Same,” maikling sagot nito sa kanya. Pinanood naman niyang maglagay si Manong sorbetero ng sorbetes sa tinapay and somehow she was feeling excited na parang bata. As soon as natapos ang isa ay kinuha niya iyon and had a bit ng maalala niyang di nga pala sure ni Zeke kung masarap ang ice cream sa tinapay. 

“Tikman mo muna, Zeke, para kung ayaw mo ako na lang din ang kakain nung isang tinapay with ice cream then let’s ask for another one, yung nasa cone naman,” sabi niya at inilapit ang kinakain. Nakita niyang nag-hesitate si Zeke na tikman ito but decided to be a man at took a bit without even holding it so parang sinusubuan niya si Zeke ng kinakain niya. She blushed at the thought. Masyado na siyang nag-blush when it comes to Zeke and she’s feeling sad at the same time dahil reality does hurt: na may asawa na ito. 

“Hmmm. It’s nice,” sabi nito kaya naman napatingin siya dito and she saw that theres a bit of ice cream sa gilid ng pisngi nito. Instinctively, she moved her ice cream on one hand at ginalaw niya ang free hand niya to wipe the ice cream. Nagulat si Zeke and on reflex ay hinawakan nito ang pulsuhan ng kamay niyang pinangpunas niya ng ice cream. 

“Ahh…ano kasi may ice cream ka sa gilid ng labi mo,” mautal-utal na sabi niya dito at ng maramdaman niyang unti-unti nitong pinakawalan ang kamay ay she felt relief only for a couple of seconds dahil naramdaman niyang dinilaan nito ang ice cream sa kamay niya na nag sanhi ng marahas na pagtingin niya dito. As soon as their eyes met, she was lost on it. Masyadong maganda ang mga mata nito and it penetrates her soul. Both of them seems to agree on one thing at maglalapit na sana ang mukha nila sa isa’t-isa when she heard someone cough. 

“Miss, eto na ang ice cream niyo. Ayaw ko sana kayong gambalain pero matutunaw na kasi eh,” ang mamang sorbetero pala ang tumikhim and she wanted to thank him dahil kung hindi nito kinuha ang atensyon nila ay totoo ngang magkakaroon na naman siya ng pagkakasala sa Panginoon. That was too close. 

“Ahh—. Sorry manong,” sabi niya at akmang kukunin na niya ang isang ice cream when Zeke took it. “Magkano po?” 

“Kinse lang, miss,” sabi nito and she was about to get some payment pero naunahan na naman siya ni Zeke. Doon na niya ito tinignan. 

“My treat,” maikling sabi lang nito and started to walk towards an empty seat on the park. Sinundan naman niya ito at tahimik na umupo sa tabi nito, hindi nga lang talaga magkatabi dahil malaki ang pagitan nila sa isa’t-isa. Mas mabuti ng maging maingat at lumayo sa tukso. 

“So… okay naman ba ang unang lugar na pinagdalhan ko sa iyo?” pagbabasag ng katahimikang bumabalot sa kanila. She nooded and smiles habang ang tingin niya ay sa mga taong nagsasaya sa parke. 

“Sobra! Peaceful kasi ang lugar at lahat ng tao seems to give a positive energy,” sabi niya dito and finished the remaining ice cream na nasa kamay niya. She needed to eat it quickly kasi natutunay na rin ito. 

“Yeah, I feel the same everytime I am here. Dito kasi ako dinadala dati ni Lolo when I was a kid. This place made me feel so free… free from stress and free from comparisons. Kahit maraming tao, this place is one of my favourite place and I usually come here kapag gusto kong makapag-isip ng maayos. I am happy na nagustuhan mo rin ang lugar na ito,” mahabang paliwanag nito sa kanya. 

“Can I ask you something personal?” 

“Just ask but it depends kung sasagutin ko or not,” sabi nito and made her giggle. He has all the right to remain silent kung ayaw nitong sagutin ang tanong niya. 

“I saw a picture of you and your parents at kitang-kita kong close kayo but It seems mas close kayo ng grandparents mo pero never ko namang nabasa sa magazine na close kayo ng Lolo mo.” 

“Where’s the question there?” 

“I am just curious as to why you didn’t even mention him on one of the interview na may kinalaman sa mga taong importante at malalapit sa iyo when obviously, your grandfather’s one of them.” 

“I grew up with him when my parents seems to not care at my welfare and all they care about was to give a stress on the poor me when I was a child,” pag-uumpisa nito after a few minutes of silence. Akala niya nga ay di na ito magsasalita but he didn’t disappoint her. She then tried really hard to hear his life confession. “As you know, it’s traumatic for a child kung bigyan ka ng napakabigat na stress ng magulang mo instead of helping you so nung hindi ko na makaya, I decided to live with Lolo at dahil mukhang tama ang hinala ko na wala silang pakialam sa akin they said yes. So malaki ang utang ng loob ko kay Lolo dahil pinalaki niya ako as I am right now.” 

“Oh! I thought you grew up with your parents?” 

“No.” 

“So mali pala ang sinasabi ng ibang magazine. You should sue them for writing false information,” sabi niya at medyo nairita pa sa mga magazine writers. 

“Never mind those. As long as you know na hindi mo rin dapat pagkatiwalaan ang lahat ng nababasa mo,” sabi nito and stood up. “Wait for me here, may kukunin lang ako sa kotse.” 

“Okay,” she said while nodding at the same time. “Pero pwede bang maghintay sa iyo habang tumitingin ako sa bangketa doon?” turo niya sa bangketa sa gilid ng simbahan. 

“Sure,” sabi nito and gave her a quick smile at naglakad na ito papunta sa kotse. Naglakad na rin siya patungo sa bangketa at doon ay masayang tumitingin-tingin siya ng mga keychains at kung anu-ano pang souvenir na makukuha doon. Nakita niya ang isang keychain na letter E and she wanted to buy it so badly para kay Ezekiel. She smiled and took the keychain. 

“Manang magkano po itong keychain na ito?” 

“Bente na lang sa iyo, neng,” sabi nito habang pumapaypay dahil siguro naiinitan ito sa panahon. 

“Pwede po bang kinse na lang?” 

“Wala pa sa puhunan yan, disi-siete?” 

“Sige po, Manang, pabili po nito,” sabi niya at binuksan ang wallet para kumuha ng beinte pesos. She was happy while holding the keychain at tumayo nang makuha niya ang sukli ni Manang taga-tinda. Tumayo na siya at nagulat ng makita niyang may dala ng camera si Ezekiel at kinukuhanan siya ng picture. “Hala! Bakit naman habang nakikipagtawaran pa ako kay Manang at di ako naka-pose saka ka namimicture?” natatarantang pinuntahan niya ito at tumabi dito para tignan ang picture na kinuha nito. 

“You look cute while smiling silly nung makatawad ka ng tatlong piso,” nakangising sinabi nito at hinayaan siyang tignan ang picture niya. 

“Saan banda ang cute diyan, aber?” nakataas ang kilay na sabi niya dito. 

“Your smile,” sabi nito and took the camera and took a picture of her habang napatanga siya sa sinabi nito. “Another cute pose of yours.” 

“Huwag mo nga akong ini-echoz diyan, Zeke! Burahin mo yan! Mukha akong baliw na nakatingin sa kawalan!” medyo naasar na sabi niya dito. Kung kukuhanan siya nito ng picture it should be with her best seductive smile, para naman ma-seduce niya rin ito dahil siya seduce na seduce na dito. She grabbed his camera and was about to delete it ng magsalita ito. 

“If you delete it, I’ll kiss you. Kung gaano kadami yang picture mo diyan ganoon kadaming beses kitang hahalikan,” pagbabanta nito. It was the sweetest yet wrong type of threat na narinig niya. Ngumisi siya dito at binelatan ito. 

“As if you will kiss me! Kasal ka na po!” sabi niya and deleted the first picture that appeared on the screen. I-delete na dapat niya ang next picture but the camera was not in her hands anymore at nasa kamay na iyon ni Zeke. 

“Wrong move, lady,” sabi nito and kissed her in the middle of the road. She hated PDA’s and what not ng mga taong in love at kung sinu-sino pa but somehow wala siyang maisip nan aka-PDA sila at hinahalikan siya nito sa harap ng maraming tao at na kasal na ito. Natauhan lang siya ng may maghiwayan. She pushed him away at napamulat siyang napatitig dito. “I warned you.” 

“Siraulo ka!” at binayo niya ang dibdib nito at uulitin niya sana ng mahuli nito ang kamay niya. “Kasal ka! Huwag mo akong gawing mistress mo! Hindi porke’t uso ngayon ang mga movie na may Mistress na bida ay makiki-uso ka at ako pa ang gagawin mong mistress mo! Manigas ka diyan! Lumayo-layo ka! Kundi...” i-grab ko yan at tuluyan na tayong magkakasala kay Lord! She turn around at lumakad papalayo dito. She just wanted to get away from him as far as possible habang ang mukha niya ay pulang pula dahil sa kung anu-anong emosyong nararamdaman niya as of the moment. She wanted to hide her face kasi maraming tao ang nakakita ng pangyayari and some of them are too curious kaya naman titig na titig sa kanya. Dire-diretso siya sa lugar kung saan dumaan kanina ang sasakyan. At least she has good memory at naalala niyang may nadaanan silang palengke. Mas maraming sasakyan at maraming tao ay mas mahihirapang masundan siya nito. Bahala na siyang mawala para naman malaman nitong ayaw niyang maging mistress nito dahil kasalanan kay Lord kahit na nga ba her heart says a different thing. 

Nakarating siya sa palengke at pumasok doon. Doon ay tumingin-tingin siya ng mga pwede pang mabili na magagamit niya at murang-mura pa. She then found a store na nagbebenta ng mga second-hand na pocketbook at dahil gustong-gusto niyang magbasa ng pocketbooks ay doon siya nagtagal. Nang lumabas siya ay may dalawang plastic na siya ng pocketbook na nabili. Her mood turned around at masaya na siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan mo, Ayca! Kalowka! 

Lumabas na siya ng palengke at saktong nakita niya si Ezekiel. She was about to go and apologize kasi nag-walk out siya ng biglang may humablot ng pitaka niya. She turned around at nakita niyang tumatakbo ng mabilis ang lalaking kumuha ng pitaka niya. On top of her lungs ay sumigaw siya, “Magnanakaaaaaaw!” she then dropped all of the pocketbook na nabili niya at tumakbo na rin pahabol dito. 

There was one important thing na nasa loob ng pitaka niya and it was her bribe para mapatawad kaagad siya ni Ezekiel. Dahil siguro sa adrenaline rush ay naabutan niya ito at pinagbabayo at dahil nasasaktan ang magnanakaw ay may hinablot ito sa bewang nito at iniamba sa kanya. She stood there like a statue at napa-atras. The thief took the opportunity and was about to run ng biglang may tumama na flying kick dito. It was Ezekiel. 

Oh, how dashing he was habang binubugbog ang magnanakaw with his skilled martial arts technique. Dahil sa nangyari ay marami na ring pumalibot dito at buti na lang ay malapit ito sa Police station kaya naman naka-rescue kaagad ang mga police. Everything went fast, nakuha niya ang pitaka niya habang ang magnanakaw ay kinaladkad ng police man sa presinto para ikulong. She checked the inside of her purse at nakita niyang naandoon pa rin ang importanteng bagay na naging dahilan kung bakit niya ito hinabol. She sighed of relief at ngumiti. 

“Tha—,” Hindi na niya natapos ang sasabihing pag-thank you ng bigla siyang makulong sa matitipunong bisig ni Ezekiel. She can definitely feel the fast thumping of his heart pero di niya lang alam kung dahil iyon sa pagod sa pinakitang mala-Bruce lee na moves or dahil natakot ito sa nangyari kanina. 

“Don’t you ever do that again! Bakit mo ba hinabol pa ang snatcher na iyon? What if you got stabbed by his knife at hindi ko naabutan? You shouldn’t have chase that guy! Dapat ay naghintay ka na lang na may tumulong sa iyo! Damn it, lady! Do you want to give me heart attack?” sumisigaw at pinapagalitan siya nito pero bakit sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya na sinasabayan ang tibok ng puso ng binata habang ang mga sinasabi nito ay parang musika sa tenga niya and was a confession of love? Nasisiraan na ba siya ng bait? 

“M-may importanteng bagay kasi sa loob ng pitaka ko eh.” 

“What is it?” sabi nito at pinakawalan siya. She felt sad and cold ng pakawalan siya nito but she didn’t say a word at binuksan niya ang pitaka and took the keychain na binili niya na letter ‘E’ and smiles to him. “That? I thought it’s a momento of your mom or dad or kung sino pang mahalaga sa iyo pero isang cheap na keychain lang at hinabol mo pa ang snatcher and was about to stab?” 

“I wanted to give this to you and say sorry kasi nag-walk out ako. Sure kasi akong galit ka or nag-aalala sa akin dahil di ko alam masyado ang lugar na ito. Kahit cheap ito, I especially bought it for you. Ikaw ang iniisip ko while buying this keychain,” sabi niya at iniabot ito sa kamay ng binata. The guy was too angry to open her hands kaya siya na ang nagbukas ng kamay nito at inilapad ang keychain sa palad nito. “Sorry at pinakaba kita, Ezekiel.” 

“Stop calling me that.” 

“Ha?”


ITUTULOY...

No comments: