Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 20, 2013

JESTER Series 4 - Chapter 1: My Hero

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.

Teaser:

Childhood Hero. Yan ang tingin ni Aphrodite sa kababatang lalake na si Theodore. Dahil sa amang si General Aragonez ay lagi na siyang sinusundan ng mga kaguluhan. Death threats, kidnapping at kung anu-ano pang aksidente ang pwedeng mangyari sa isang batang babae. 

Everytime na may mangyayari sa kanya ay andoon ang kanyang Hero na si Theodore. She knew that she’s in love with the young guy the third time na ipinagtanggol siya nito, dati kasi ay crush lang niya ito. So ginawa niya ang lahat para mapaibig at mapalapit ang lalake. Lahat ng kabaliwan pero imbes yata na mapaibig niya ito ay lalo niyang itinulak ang lalake papalayo sa kanya! HELP! Kailangan niya ng miracle!


CHAPTER 1: MY HERO

“Mom! Dad!” 


Maririnig mo ang matinis na boses ng 6 years old na batang babae! Naririnig mo rin ang paghingal nito at may panic na makikita sa mukha ng batang babae. Matangos ang ilong nito, curly ang black nitong buhok, malalim kung makatingin ang mga mata nito, at ang maninipis at mapula paring mga labi nito kahit na hinihingal ito sa kakatakbo at kakasigaw. 

“Hayun siya!” 

Narining nito ang boses ng lalake at napalingon. Nakita nito na armado ang mga lalake at hindi nito kilala. Halatang nagpanic ang batang babae at tumakbo lalo ng matulin. Patay na rin halos ang mga tauhan ng ama niya na nagbabantay sa buong mansion! Naririnig rin nito ang putukan. Nasa panic state ang bata kaya sumisigaw ito ng nanay at tatay sa buong bahay kahit na alam ng bata na wala ang mga magulang sa loob ng mansion. 

“Ara! Here!” 

Narinig ng batang babae ang tawag sa pangalan nito at lumingon sa malapit sa bintana. It was Theodore, ang childhood friend niya. Aphrodite run towards the guy and hugged him. 

“Kuya Theo, may mga bad guy sa labas! Pi-pinatay ang mga tauhan ni daddy! I’m afraid! They’re gonna kill me too!” Nag-hihisteryang sabi ng batang babaeng Aragonez. 

“Don’t worry. I will protect you.” Sabi nito at hinalikan nito ang maganda at curly na buhok ng batang babae. Niyakap rin nito ang bata to give comfort. 

“Theo! Ara! Come on!” Narinig niyang tawag ng ilang kababata niya na sila James, Ezekiel, Elliot, Sean at Randolph. Naramdaman ng batang babae ang paghihiwalay nila ni Theo at hinawakan sa kamay. 

“Don’t let go of my hands, Ara. We will soon be fine.” Sabi nito at tumakbo na silang lahat sa maliit na passage na isa sa mga misteryo ng mansion nila. Obstacle course yata hango ang tema ng bahay ng mga Aragonez at puro mga secret place at mga lagusan ang naroroon. 

Pumasok na ang mga bata sa secret passage at lumabas na ang mga ito sa bakuran ng mga De Guzman, ang mansion ni Theo, kapitbahay nila ito at ng iba pa. Nagtago sila sa lagi nilang pinagtataguan ng mahabang oras hanggang sa marinig nila ang mga sasakya. Aphrodite peeked outside the small window and sighed of relief. It was her dad and his army. They were saved! 

“Dad!” Tawag niya sa pansin ng ama at napalingon naman ito. The stern face of his father soften and smiled to her. Aphrodite knew well what his father just mouthed. My Baby. 

Nakita niya ring dumating na ang sasakyang ginamit ng mommy niya paalis kaninang umaga. She saw her mom running out and hugging her father. Her father hugged the lady back and gave her a kiss. Nakita niyang naghehesteryang kinausap ng mama niya ang papa niya. Arthur, his father, looked up to her and smiles. 

“There she is.” Yun ang naintindihan niyang salita ng papa niya. Napalingon ang mama niya sa kinalalagyan nila at kumaway. Nawala bigla ang panic na nakita ng musmos na mata ni Aphrodite. This was the second attack kasi ng mga taong may galit sa papa niya. 

Yes, Second attack. The first one was last year. She was playing hide and seek with the rest of the boys. Si Theodore ang taya noon at siya ang unang hinuli nito. Nagtatawanan silang bumalik sa base nito nang biglang may puting van na tumigil sa harap nila at bumukas ang pintuan. Una siyang hinablot ng mga ito at tinakpan ang mga labi para hindi siya sumigaw. Tatakbo sana si Theodore at hihingi ng tulong nang mahablot din ito at ipasok sa loob. Naglaban ang 9 years old na lalake ngunit nahampas ito ng malakas sa mukha kaya nakatulog ito. Naramdaman niyang may itinurok na kung ano sa kanyang balat na nakapagpatulog din sa kanya. 

Nagising na lang sila sa isang kwartong punong puno ng kahoy at mga metal. Isa itong warehouse. Magkatabi silang nakaupo sa isang gilid at parehong may tali sa paa at kamay. May busal din silang dalawa kaya hindi sila makapagsalita. Nilingon niya ang lalake. Hindi niya ito makikitaan man lang ng kahit na anong takot or panic. Super kalmado ng gwapo at sugatang mukha nito. Mukhang nanlaban na naman ito nung magising ito. 

Napaiyak siya at napalingon sa kanya ang lalake. Umamo ang matatalim na mga mata nitong kanina ay nakatitig sa mga lalake. Parang pinahihiwatig sa kanya na okay lang ang lahat at ma-save sila ng mga magulang. 

Yes. It did happen. A few more hours ay may narinig silang putukan sa labas na nakapagpapikit sa kanyang mga mata. Naramdaman niyang inilapit ng lalake ang katawan nito palapit sa kanya so she could feel safe and at ease. Maya maya pa ay may humablot sa kanya papalayo sa lalake. Nakita niyang nagpupumiglas ito para sana tulungan siya pero wala itong nagawa. 

Ang sunod na nangyari ay may bumaril sa lalakeng humablot sa kanila at nadaganan siya ng patay na katawan nang lalake at ang dugo nito ay ipinanliligo nito sa kanya. Hindi niya napigilang sumigaw at mahimatay. 





Nagising siyang humihingal ng sobra. Doon nagsimula ang kanyang takot sa dugo. Kahit nga ang sarili niyang dugo ay kinatatakutan niya. Ganoon siya na trauma sa mga nangyari sa kanya. 


It’s been seven years at wala nang sumunod na pagtatangka sa buhay niya. It’s very peaceful and quiet. Quiet dahil, lumipat sila ng bahay. Para daw mas safe siya. Masyado na daw kabisado at alam ng mga taong nagtatangka sa kanyang buhay ang mansion na tinitirahan nila dati. 

Wala naman siyang naging communication sa mga kababata dati, lalong lalo na ang lalakeng laging nadadamay dahil sa kanya. Si Theodore De Guzman, ang ultimate crush niya sa mga kababata. Well, noon wala naman talaga siyang nararamdaman dito kundi tinging pangkapatid lang pero everytime na na-risk ang buhay nito sa pagsagip sakanya ay hindi niya maiwasang mahulog dito ang sobrang bata pa niyang puso. Hanggang ngayon tuloy ay heto na ang ultimate crush niya. 

Aphrodite Rana Aragonez. 13 years old, 1st year Highschool. Sa wakas ay makakasama na niya si Theodore at ang iba pa niyang kababata. Maisasagawa na din niya ang 3 years plan niya para mapasakanya ang pag-ibig ng fafable niyang si Theodore. 

Tumayo na siya, naligo at nag-ayos. Feeling better and very alive siya. Pasukan na at marami pa siyang dapat gawin para mahulog ang loob ng fafable niyang si Theodore. 

Tumakbo na rin siya pababa sa main staircase patungo sa bongang-bonga nilang dining area. Naandoon na ang ever early na daddy niya na si General Arthur Aragonez at ang super beautiful at very friendly niyang mommy na si Deborah Aragonez. 

“Hi, Mom. Hi, Dad. I need to go, Medyo na-late kasi ako ng gising e.” Sabi niya sa magulang. Napaangat tuloy ng tingin ang tatay niya sa binabasa nitong diyaryo. 

“I told you to sleep early so you won’t be late. Ila—.” 

“No, pa. Hindi sa hindi ako natulog ng maaga. I had my nightmares again but It was thanks to them na nagising pa ako on time.”Sabi niya at kumuha na ng isang pisarong tinapay at isinubo iyon sa bibig. 

“Are you okay, honey?” nag-aalalang tanong ng mommy niya sa kanya. Dati ay lagi siyang umiiyak at nag-hihisterya tuwing mapapanaginipan niya ang mga trahedyang nangyari sa kanya pero nagpatingin na rin siya sa doctor at paminsan minsan na lang umatake ang nightmares niya. Hindi na rin siya gaanong naghihisterya. 

“I am fine, Momski. Don’t worry about it. I am a big and brave girl now.” Sabi niya na hinawakan ang tinapay sa bibig bago nagsalita. 

“Your Manners, Princess.” Saway na sabi naman ng tatay niya sa kanya. Ayaw kasi nitong umaasta siyang ganoon sa harap nito. 

Tumayo siya ng tuwid at sumaludo sa harap ng daddy niya. “Yes, Major Superintendent Super Papalicious General Aragonez! Aalis na po ako, MSSPGen Aragonez!” Sabi niya at tumalikod na. Gusto mang tumawa dahil sa ipinangalan sa ama ay pinigilan niya. 

Hindi siya natatakot sa daddy niya dahil nag-iisang anak siya at nakukuha niya ang lahat ng gusto niya paghumiling siya sa daddy niya. Narinig pa niyang napabungisngis ang mommy niya na sinaway ng daddy niya. Narinig niya pa ang daddy niya na nagtanong sa mommy niya kung kanino siya nagmana. 

“Malamang sa iyo at sa akin. Baliw ka + baliw ako = lokaret nga ang anak natin.” Yun ang sagot ng mama niya at tumakbo na siya sa kitchen. Si Manang Cholly, ang favorite chef niya sa buong mundo. Ito na kasi ang chef ng bahay ng daddy niya since nung hindi pa siya pinapanganak at binata pa ang daddy niya. 

“Good Morning, Super Chef Manang Cholly! Na-prepare niyo na po ba ang aking ini-request sa inyo kagabi?” 

“Yes, anak. Eto o. Ang dalawang lunch box na may lamang, sandwiches para sa mga kababata mo.” Sabi nito at ibinigay na ang dalawang mahahaba at malalapad na box. 

“Salamat Super Chef Manang Cholly! I gotta go! First day sa school! Ayaw ko namang mahuli ako sa klase.” Sabi niya at lumabas na at ginamit na ang likod na pintuan malapit sa kitchen. Doon ay dumiretso na siya sa parking ng mga sasakyan ng mga magulang niya. 

“Hello, Kuya Dino! Let’s go sago!” Sabi niya dito sa personal driver niya for 8 years. 20 na ang lalake at anak ito ni Manang Cholly. Sila ang mga matagal nang mga tauhan dito sa pamilya Aragonez 

“Sige, Mam Ara.” Sabi nito sa kanya at binuksan na ang pintuan ng kotse. Antagal na niyang sinabihan ito na wag siyang tatawaging Mam or ate or Miss kasi nga ay mas nakakatanda ito sa kanya. Lagi naman itong natanggi kasi nga boss daw siya nito. Hindi na lang ulit siya nakipagtalo pa dito. 

Pumasok na siya sa loob at halatang super excited na makita ang mga nag-gwagwapuhang mga kababata. 

“Mukhang ang saya mo yata ngayon, Mam Ara.” Maya-maya ay sabi ni Kuya Dino sa kanya. 

“Syempre naman no! Makikita ko na ulit yung mga kababata kong gwapo na hindi ko nakita for 7 years! Lalo na si crushness Theo!” Sabi nya kay Kuya Dino niya pero hindi na ito umimik pa. 

“Gaano na kaya ka-gwapo ang mga iyon? EEEEEEEK! Nae-excite ako.” Sabi niya pa dito na nayakap ang dalang bag ng sobrang higpit. 

“Andito na tayo, Mam Ara.” Sabi nito sa kanya at napatingin na siya sa labas. Pinakamalapit itong school sa bahay nila. Nalaman na lang niya na dito pala nag-aaral ang mga kababata. 

“Salamat, Kuya. I-txt ko na lang kayo kung ano pong oras ako magpapasundo. Bye!” Sabi niya at kumaway pa sa lalakeng pinasibad ang sasakyan palabas ng iskwelahan. Tatalikod na sana siya at lalakad papasok sa school building nang may mahagip ang mata niya sa gilid. 

Ang kanyang Super Crushness na si Theodore De Guzman! Kumaway siya dito at tumakbo na papalapit sa lalake. Nagtataka naman itong lumingon sa likuran dahil hindi yata siya nito nakilala. Malaki na nga naman ang ipinagbago niya. Sa dating iyakin na bata na naging super gandang dalagita! Paglingon nito ay napakurap ito. Malapit na kasi siya dito at yayakapin niya sana ito kung hindi lang siya natalisod at napakapit sa polo shirt nito. 

Ang sunod na narinig niya ay ang sounds ng pagkasira ng damit nito. Nakita niyang nahigit niya pababa ang damit at nakahiga na silang dalawa sa kalsada. 


Nice one Aphrodite Rana Aragonez! Patay tayo sa first impression natin sa super crushness mo! Eeeek! 


“Holy C—.” Hindi na nito tinuloy ang pagmumura at hinablot na lang ang t-shirt nito at tumayo. Pinagpagnito ang pantalo. Narinig niyang andaming nagsigawan sa paligid. Mga kinikilig ang mga hinayupak! Tumayo siya at iniharang ang sarili sa katawan ng lalake. 

“Stop squealing or peeking at his sexy body! Akin lang siya!” Sabi niya sa mga babae at napataas lang ang mga kilay ng mga ito. 

Naramdaman niyang lumakad ang lalakeng tinatakpan niya patungo sa pinaka malapit na basurahan. 

“I am sorry. Babayaran ko na lang it—.” 

“No need. Just be careful next time.” Sabi nito at tumalikod na. Nakita niyang sinuot nito ang dalang extra shirt sa loob at lumakad na papalayo pero huminto ito at lumingon ulit. Doon siya napangiti at lumakad na papunta sa harapan nito. 

“Yes?” Dreamy eyes pang tanong niya dito at ngumiti ng pagkatamis tamis sa lalake. She saw a smirk forming on the guys lovely lips. 

“Miss Disaster, I am not yours. That was what I forgot to say. Ciao!” Sabi nito at mabilis nang iniwan ang napatulalang siya. 

“Feeling kasi ng freshman na ito!” Narinig pa niya ang usiserang frog na babae malapit sa kanya. Lumingon siya at tinignan niya ng masama ang mga ito. 


First Failure: Bad First Impression. 

Second Failure: Hindi niya napakilala ang sarili sa binata. 


Ano kaya ang gagawin niya to win the guy’s attention at love? Nanlulumo siyang naglakad na patungong classroom nila.



ITUTULOY...

No comments: