Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 19, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 12: My Happiness (Finale)

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.


Please call off your wedding.” Desperate na ang emosyong nakarehistro sa malinis na nitong mukha. Nag-ahit ito at nagpagupit na rin. The old Sean was back pero baliw na nga yata ito. Matapos ang pagkikita nila sa meeting noon sa pag-aanounce nila Chloe at Ezekiel ng kasal ay nagpapadala ito ng bulaklak sa kanya. Nahihiya na nga siya sa fiance niya dahil ito lagi ang nakakakita sa mga bulaklak.

“What?! Are you out of your mind Sean Micheal McConnel?! I sent you a letter telling you to leave me alone. Na mag-aasawa na ako at masaya na ako sa piling niya. Why don’t you move on, Sean, and be happy for me?”

“I can’t. Hindi ko kayang i-congratulate ka at sabihing best wishes and more love and happiness para sa inyong magkasintahan. I just can’t. Paano ba ako sasaya kung makikita kong mawawala na naman sa akin ang pinakamamahal kong babae?”

“Matagal na akong wala sa iyo, Sean. It’s been 5 years already. Diba naghiwalay tayo dahil sa ‘faceless woman’ mo? She’s your destined partner. Please just leave me alone.”

“Yes. She is my destined partner. Ikaw ang faceless woman ko. You have that ring.”

“This ring?” Napakunot na ang noo niya. Matagal na kasi niyang nakita ang sinasabing ring nito at pinilit niyang kalimutan para hindi siya masaktan. “What do you mean?”

“Nanny Cassie told me the things she knows.” Napalunok siya sa sinabi. Naaalala niya ang pag-uusap nila ng matandang babae.

“Heather...” Tawag sa kanya ni Manang Cassie. Nanny ito ni Sean, well yun ang pagpapakilala sa kanya ni Sean.

“Bakit po?” Hindi niya alam kung bakit siya nito hinahanap kanina. Sinabi sa kanya ng isa sa mga kasambahay na hinahanap siya ng matandang babae.

“Sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi ito ang first time na nakapunta ka dito no?”

Napalunok siya ng ilang beses at hindi makatingin ng diretso sa matanda. Napabuntong hininga ito at napapalatak.

“I will take that as a ‘Yes’. Ikaw yung babaeng nagmamadaling umalis mga ilang buwan na ang nakakalipas. Hindi ako nagkakamali. Ikaw nga. Sa buhok, ayos, galaw at sa bulto mo pa lang. Ikaw na ikaw nga iyon. Hindi ko lang nakita ang mukha mo dahil nakatalikod ka sa akin.”

“Naku, Manang Cassie, huwag niyo pong sasabihin kay Sean. Hayaan niyo po akong magsabi sa kanya when I’m ready po.” Nagmamakaawa niyang sabi sa matanda. Kaya pala nakakunot-noo ito ng araw na dumating siya dito.

Nakita pala siya nito na lumabas ng pintuan ng bahay na ito.

“Siya siya. Sige. Ikaw na ang bahala pero sabihin mo. Antagal na panahon kang hinanap ni, Sir Sean.” Yun lang at umalis na ito.

Hindi na naman niya naitanong kung bakit siya hinahanap ni Sean. Kinakabahan tuloy siya at hindi na niya iyon nasabi pa sa lalake.


“Yun ba yon? It was all an accident, Sean. Lasing tayong pareho noon. Hindi kita sinisising nakuha mo ang virginity ko. Ni hindi nga ako umapila sa iyo or kinompronta e.”

“Yes at yun ang pagkakamali mo. That night, when something happened to us for the first time, I am so sure that the girl I made love with was my faceless girl. Hindi ko alam kung bakit pero the whole time that we are making love ay hindi ko makita ang mukha mo. It was indeed weird dahil hindi ko rin naitanong ang pangalan mo. I tried to look for you kahit nga pinagtatawanan na ako ng mga ka-brod ko.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at medyo nag-back away siya. Natatakot siya na baka pag lumapit ito sa kanya ay hindi na niya mapigilan ang sarili. Kaya pala sobra ang attraction niya sa lalake noon at maging ngayon.

“Naalala ko na rin kung saan ko narinig ang pangalang, Gareth. He was the guy outside na may kasamang babae at nakikipag-halikan. I think it was your birthday. That time, may naramdaman akong weird na feeling dito,” sabi nito at turo sa tapat ng puso.

“That was the second time that day. Nung una ay yung nasa harap ako ng Regency at pasakay na sa sasakyan ko.”

Naalala niya ang araw na iyon. Napadaan siya sa tapat ng Regency at namangha pa nga siya sa plate number ng sasakyan na may 53AN na pangalan. Natutop niya ang bibig. Namangha at nagulat siya sa mga nalaman.

“Pero dahil may meeting ako with my dad sa Caffe Caruso ay sumakay na ako sa sasakyan ko and drove there,” sabi nito at medyo nakangiti na.

“I was in front of Regency when I saw a car with a plate number of 5-3-A-N. Namangha ako sa plate number kasi bihira lang ang merong ganon sa pilipinas. I was going to the building next to Regency. Ang building nila Gareth pero sabi ng sekretarya niya ay pumunta daw ito sa Caffe Caruso so I went there as soon as I can. Oo, birthday ko nga noon iyon,” sabi niya dito to confirm what really happened on her birthday.

“So nung malaman ng father ko na meron akong weird na nararamdaman sa puso ko, He recommended a doctor and it was our friend, DK. Nung araw na nagpa-check up ako ay ang pangatlong araw na maramdaman ko ang weird na feeling na naman na iyon. I ignored it that time kasi ako lang ang mag-isa sa hallway pero nung pumasok ako sa elevator at may lumabas na babae ay may naalala ako sa amoy niya. It was the same as the girl in my dreams. Believe me or not pero bumalik ako at wala na namang tao. Pinagtanong ko pa nga ang description na nahagip ng mata ako. Ang flat shoes at ang mahabang palda nito na kulay yellow.”

Oh my God! Kinikilabutan siya sa mga sinasabi ni Sean. She went to that hospital para dalawin ang ama niya. She is indeed wearing a yellow skirt and a yellow flat shoes. Meron nga rin siyang nakasalubong na lalakeng nakayuko.

“It was you?” Nagugulat pa ring tanong niya sa lalake. “Yung lalakeng nakayuko sa sapatos ko?”

“Yes. It was me. You are the faceless woman that I had been looking for.”

“Pero wala akong engagement ring noon.”

“Yes. Pero meron ka na ngayon and I still have the same weird feeling in my chest.And I know that you still love me.”

“Heather...” Napalingon siya ng marahas sa pinanggalingan ng boses. It was Roger. Mukhang narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Sean. Napasighap tuloy siya at lumapit sa lalake.

“Lahat ba ng narinig ko totoo?” Tanong nito pero mas nakatingin ito kay Sean.

“Yes. She even confirmed it. I knew you were listening.”

“Sean!” saway niyang sabi kay Sean. Nagkibit-balikat lang ito at lumakad na palayo.  “I’m so sorry, Roger. I will sti—.”

“Do you still love your ex?” Putol nito sa sasabihin niya.

“Y-Yes but it doesn’t mat—.”

“No. It is. Kung mahal mo pa siya at para mo na ring sinabing napipilitan kang pakasalan ako.”

“No! I love you!” Mariin niyang sinabi.

“Pero mas mahal mo siya. Alam ko at feel ko naman iyon, Heather. Ever since na natapos ang meeting niyo ay para kang balisa lagi at hindi mapakali. Minsan ay lumilipad ang isip mo at napapabuntong hininga,” sabi nito at ngumiti ito pero pilit lang na ngiti.

“I know tapos nagsimula rin ang pagpapadala ng bulaklak since nung nag-meeting kayo. I saw the card and looked inside to see who was the one who’s sending the flowers. It was named Sean. You told me you’re Ex that you cannot forget was Sean.”

Speechless siya. Kilalang-kilala siya ng lalake. Napaluha siya dahil she’s feeling guilty. Lumapit ito sa kanya at pinahid ang mga luha.

“Shhhhh. Wag ka nang umiyak. Ako naman ay may pakana ng lahat ng ito. Kahit ilang beses mo na ako ni-reject ay sumisige lang ako. Pinasaya mo na ako for this past 5 years no. Kasi alam ko namang minahal mo ako. Hindi nga lang ng katulad ng pagmamahal mo kay Sean pero nag-try ka. Okay na iyon sa akin,” sabi nito at niyakap siya.

“Lagi ka na lang umiiyak. Now it is your time for you to be happy. I will set you free. Mas gusto ko yung super saya ka kaysa yung napipilitan ka lang. I really wanted you to be fully happy and I know na si Sean lang ang makakapagpasaya sayo ng buong-buo.”

Umiiyak siyang yumakap dito. “I’m sorry. I’m really sorry, Roger.” Paulit-ulit niyang sabi dito habang pinapatahan siya nito.

“I know you tried. I will cheer on you on the side. Go follow your heart and capture your happiness.”

Yun lang at tumakbo na siya papunta kay Sean. Naghihintay pala ito sa hindi kalayuan. Alam niyang narinig nito ang pinag-usapan nilang mag-ex fiance.

“I’ve been looking for that faceless woman, on my dream, everywhere and I am stupid not realizing that the one beside me was the one I was looking for. Everytime kasi na naaalala ko siya ay may nararamdaman akong weird na feeling dito. I was stupid to let you go when my heart was calling for your name all this time. I won’t ever let you go! I love you so much, Heather.” Bulong ni Sean sa tenga niya and they sealed there love with a kiss. 


A year and half passed 

“Happy anniversary, guys!!!” Masayang bati mga mga kababaihan at kalalakihang nakatayo sa harap ng pintuan. It was a surprise visit para sa kanilang mag-asawa; Si Sean at siya. Karga-karga niya ang 7months old niyang anak na si Maurice Helena McConnel.

“Wahh! Ang cute naman ng anak mo! Pakarga nga.” Natutuwang turan ni Chloe sa anak niya at kinuha na sa kanya ang anak. “Hindi ko kasi naalagaan si Lauren Artemis nung maliit pa siya e. Si Aaron naman lalake kaya ang kulit. Ang sabi nila na kapag babae daw ay mas madaling alagaan.” Mahabang sabi ni Chloe. Nasa tabi na rin nito ang nanay ng tatlong makukulit na chikiting na si KC.

“Para sa akin, pareho lang ang hirap at sarap ng pag-aalaga ng babae at lalakeng anak. Si Kiel ay maaasahang bata. Mukhang nagmana sa ama e. Super maasikaso at maabilidad. While my twins; Jellie and Jenny ay makukulit na babae.”

“Sorry late kami!” Sabi naman ng asawa ni Theo na kasunod ang mag-ama. “Eto kasing si Fafable Theo e. Nalate ng sundo sa amin ni Skyler. Son, puntahan mo na sila Kiel at ang iba mo pang kalaro,” sabi ulit ng makulit na asawa ni Theo at mabilis namang humiwalay sa ama ang bata at tumakbo na kung saan nakakarinig ito ng tawanan ng mga bata.

“Ok lang yun no. Meron pa rin namang kulang e. Si Elliot pa at ang asawa nito. Si Ran din at ang asawa pa nito,” sabi ni Heather na natulong kay Nanny para maglabas ng mga juice at pagkain. Hindi naman nagtagal at dumating na rin ang mga tinutukoy ni Heather kasama na rin ang mga anak nito. Si Lovely Autumn na anak nila Elliot at ang asawa nito habang si Isaac Victor na anak naman nila Ran at asawa nito.

Sa di kalayuan kung saan nagbabantay ang mga JESTER sa mga anak na naglalaro sa likurang bahagi ng bahay. Hinayaan ang kanya-kanyang mga misis na magtsismisan muna.

“I can’t believe na lahat tayo ay happily married now. Nakakatuwang pala kayong panooring ma-inlove.” Natatawang sabi ni James sa mga ka-brod.

“Hah! Ikaw rin naman nakakatawang panoorin noon e. You totally look miserable.” Asar naman ni Ezekiel sa matalik na kaibigan.

“Well atleast hindi kasing miserable ng nananahimik na Ex-General. Aba kung hindi pa nakausap ni Ran yan ay di pa yan gagalaw at maaagawan na ng iba,” sabi naman ni Elliot na ang tinutukoy ay si Theodore.

“But seriously, brod... Maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako magiging ganitong kasaya sa baliw kong asawa na si Ara,” sabi naman ni Theo at nakatingin sa anak na si Skyler. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang mga nangyari nang magdecide siyang suyuin muli si Ara. 


“H-hi.”

“What are you doing here, Theodore?” Nakakunot ang noong lumapit ito sa gate nang bahay nito. Napasulyap din ito sa bulaklak na dala niya. “As far as I know, wala namang may sakit sa amin dito. If you wanted to talk to my dad, wala siya dito. Call him if you really wanted to know where he is,” sabi pa nito sa kanya. Wala na rin siyang nararamdamang sweetness dito.

“It’s for you, Ara. I wanted to gi—.” Hindi na niya nanatapos pang sasabihin niya. Dahil nagsalita na ito.

“I am not sick and I don’t want that flowers. Bibigyan na ako ni Zach mamaya,” sabi nito at tumalikod na.






-END-



ABANGAN PO ANG MAKULIT NA HABULAN AT SUYUAN NG LOVE STORY NILA APHRODITE RANA ARAGONEZ at THEODORE DE GUZMAN sa JESTER SERIES 4: I Love You, Boss!

No comments: