Copyrights © 2012. All Rights Reserved.
NAPABUNTONG hininga siya. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang iisipin. Imbes na dapat siya kasi ang magalit ay mukhang ito pa ang galit sa kanya nung maghiwalay sila ni Ezekiel kanina.
“What I mean was don’t accuse me about things like not being faithful and always hurting my family. You don’t know me well so you cannot just judge me.”
“Ha! Now you talk like you’re a faithful guy. Ikaw kaya ang nagnakaw ng halik ko nung last na kita natin.”
“Look, kung hindi ka naniniwala sa akin, I don’t give a damn but don’t spread rumors na nambababae ako dahil I would never do it again. Ayaw kong nasasaktan ang pamilya ko dahil lang sa isang akusasyon. I better go.”
Yun ang huling napag-usapan nila bago ito nag-walk out. Nakakaasar talaga na parang siya pa ang nagmukhang masama. Hindi ba totoong hinalikan siya nito? Kaya nga na-dyaryo iyon eh.
Ako pa ang inaakusahin niya na naglalabas ng rumors na babaero siya? The nerve! Ako ang hinila nito sa isang gulong ni sa panaginip ay ayaw kong pasukan eh. Arrrg!
Hindi niya tuloy napigilang ibato ang unan niya patungo sa pintuan. Sakto namang papasok ang mama niya.
“Aray ko naman, anak. Ano ba ang problema at kanina ka pa mukhang asar na asar?” nag-aalalang tanong ng mama niya sa kanya.
“Eh paano ba naman kasi nanay, may nakilala akong may sira na yata sa ulo. Siya may kasalanan ng lahat pero the way na magsalita siya ay parang ako pa ang may kasalanan ng lahat. Idinawit niya lang ako sa problemang yun! Nakakaasar talaga.”
“Eh kung kumakalma ka kaya at sabihin mo kung ano ang problemang iyon para maka-comment at like ako sa sinisigaw mong status.”
“Ai, nay? Facebook? Halatang adik ka na doon ah. Palike-like ka pang nalalaman.” natawa naman siya. Kapag talaga ang nanay niya ang kausap ay napapagaan nito ang kalooban niya dahil sa kakengkoyan nito. Hindi niya nga alam kung sino ang mas matanda sa kanila eh. Kasi masyadong in ang mama niya sa mga bagay-bagay while she on the other hand ay nakayuko na sa lahat ng mga paper works na dapat gawin.
“Pinapatawa lang kita anak pero isa lang masasabi ko...”
“Ano yun inay?”
“Mag-update ka na ng status mo and then wag mo nang kausapin pa yung kaaway mo ng hindi ka maloka dyan. O siya at bumaba ka na dahil kakain na tayo. Tinawag lang kita.”
“Sige, nay, susunod na po ako. Maghihilamos lang ako,” yun lang at lumabas na ito sa kwarto niya at siya naman ay nagtuloy-tuloy sa banyo para maghilamos. Biglang sumagi sa isip niya ang halikan nila noon sa mall. Kahit ilang linggo na ang nakakaraan ay hindi mawaglit-waglit sa isip niya ang halikang iyon. Napahawak tuloy siya sa kanyang labi at namula.
Well that was my first kiss that I thought ay isang dream come true but it turns out na nightmare pala.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at napahalukipkip. “Erase. Erase. Erase. Inaagiw na yata ang utak ko! Homay!” nasabi na lang niya sa kanyang sarili bago siya nagtuyo ng mukha at lumabas na ng kwarto. Patungo na siya sa kanilang kusina ng biglang may kumatok sa pintuan.
“Anak, pakitignan kung sino yung kumakatok.” Sigaw ng mama niya na nasa kusina at naririnig mong nag-aayos na ng makakain.
“Opo. Papunta na,” sabi niya at pinuntahan na ang pintuan. She doesn’t know why pero biglang kumabog ang dibdib niya and she always trust her gut feeling. Unti-unti lang niyang binuksan ang pintuan para silipin na rin kung sino ang nasa labas. She gasped.
“Hi, Ayca,” nakangisi ito sa kanya. It’s Ezekiel! Hindi na niya ito sinagot at mabilisang isinara ang pintuan just to hear the guy shout “Aray!”
“Anak! Ano yun?” napahangos na pinuntahan siya ng nanay niya sa pintuan.
“W-wala po, Nay! S-stalker ko po!”
“Ma’am, I am not any kind of stalker. Actually, ako po ay kaibigan ni Ayca. Maniningil lang po sana ako ng utang.”
“Utang?! Hoi, wala akong utang, Mr. Aquino! Ikaw nga ang malaki ang utang sa akin eh dahil sa mga pinaggagagawa mo!”
“Anak... nangutang ka sa tao tapos pagtataguan mo? Pinalaki ba kitang ganyan? Umalis ka dyan at ako mismo ang magpapapasok sa kanya,” seryosong turan ng ina niya.
“Pero Nay—”
“Walang pero-pero! Pagbuksan mo si Mr. Aquino na yan.”
Wala na siyang nagawa kundi ang buksan ang pintuan. Nakangisi ito sa kanya pero nung lumapit ang mama niya ay nag-inarteng nasasaktan. “H-hello po, Ma’am.”
“Ai, Diyos kong mahabagin! Napakagwapo pala nitong inutangan mo. Anak don’t tell me...” tumingin ang nanay niya sa kanya with suspicious look.
“Nay! Ano ka ba naman?! Hindi ako ganoong babae, okay? Wala akong utang sa kanya.”
“O siya. Siya. Joke lang yun anak, adik ka rin no?” Natatawang turan ng nanay niya at binuksang mabuti ang pintuan. Hahakbang na sana ito gamit ang paang ipinangharang nito kanina para hindi niya masyadong masara ang pintuan pero napa-aray ito. Mukha namang geniune ang sakit na nakarehistro sa mukha nito kaya naman inalalayan na lang niya ito.
“Ayan kasi, anak eh. Bakit mo naman kasi pagsasarahan ng pintuan? Yang ganyang gwapong lalaki, pinakakasalan at minamahal. O siya, dumiretso na kayong dalawa sa hapag kainan. Kumain ka na rin dito, hijo, pambawi sa napilayan mo yatang paa,” sabi ng nanay niya at lumayas na sa harapan nila.
“You will pay for this, you little demon!” Naasar na turan nito pero hinigpitan nito ang pagkakakapit sa kanya dahil mukhang natunugan ang plano na niya layuan ito para gumapang ito patungo sa hapagkainan nila.
“Demon? Nakakapagsalita ka ng ganyan? E mas masahol pa nga ginawa mo sa akin.”
“Anong mas masahol? Sinampal sampal mo ako, sinipa mo ako sa junior ko at ngayon babalian mo ako ng paa? No one dared to do all those things to me.”
“Wow! I am so flattered at ako ang nagbigay sa iyo ng first times?” nakakaloko namang turan din niya. Kung ayaw umalis kapag pinapaalis sa physical pain edi gamitin ang words.
“You don’t need to be flattered kasi sooner or later... you will regret it,” yun lang ang sinabi nito at ngumiti na na parang napakabait na anghel sa nanay niya. “Maraming salamat po, Ma’am,” sabi nito at umupo na sa kaliwang bahagi ng lamesa katabi ang nanay niya. While her on the other hand ay sa kanang bahagi naman ng nanay niya.
“Huwag mo na akong, i-Ma’am. Nay Beth na lang para sa iyo.”
“Sige ho, Nay Beth.”
“O siya at kumain ka na,” anyaya ng kanyang mabait na nanay sa may split personality yatang lalaki na ito.
“Ano nga palang pangalan mo, hijo?”
“Ezekiel, Nay,” pagsagot niya. Tinignan niya ang reaksyon nung lalaki pero wala lang itong imik na kumain na lang.
“Ikaw ba yung kinababaliwan nitong anak ko?”
“Nay!” namumula ang mukha niya sa pagkapahiya. Bakit ba siya binubuking ng nanay niya? Homaygawd!
“Kinababaliwan?”
“Oo. Kung pupunta ka sa kwarto niya ngayon, andoon ang mga magazines na featured ka. Marami rin siyang pictures mo na nakapaskil sa dingding. Kaya pala pamilyar ang mukha mo sa akin.”
Hindi na siya makatingin ng maayos sa lalaki. Nay! Pwede ka bang ilagay sa kwarto mo para kumain? Homaygawd!
“Parang hindi naman po, Nay Beth eh. Nakita niyo naman po kung paano po akong itrinato ng anak niyo,” naglulungkot-lungkutang turan nito sa ina niya. Alam niya deep inside na tumatawa at nang-uuyam ito sa kanya.
“Oo...” maya-maya ay turan niya. Alam niyang pulang-pula ang mukha niya pero ayaw naman niyang magmukhang sinungaling ang nanay niya. “...kinababaliwan kita dati, Zeke. Lahat alam ko and it all thanks to the magazines pero hindi naman lahat sinasabi ng magazine eh. Hindi ko alam na maypagka-sira ulo pala si Ezekiel at mukhang may split personality. Nay, tataas na ako sa kwarto ko at nawalan na po ako ng gana,” yun lang at umalis na siya sa harapan ng hapagkainan.
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Zeke.”
“Okay lang po. Mukha namang ginalit ko rin eh.” Nakangiting turan niya sa nanay ni Ayca. “Kayo lang po bang dalawa dito?”
“Oo. Wala na kasi ang hayup na yun.”
“Sino po yun?”
“Yung step father ni Ayca. Namatay na kasi ang totoong ama ni Ayca at dahil sa mahirap lang kami at nag-iisa akong magpapalaki ng anak ko, naghanap ako ng lalaking akala ko ay tutulungan ako ng buong puso. Nakakuha ako ng trabaho ko. Akala ko napaka-swerte ko na nabuo ko ulit ang pamilya ko kahit na nga ba hindi tunay na ama niya ang nag-aalaga sa akin. Then one day, habang nagtratrabaho ako, hindi ako mapakali kaya naman nagpaalam ako na uuwi ng maaga. When it comes to gut feeling kasi, malakas ako doon. Namana nga siguro ng anak ko iyon kaya hindi masyadong pala-kaibigan. Mabibilang mo lang sa sampung daliri niya ang mga kaibigan niya.”
“Ano pong nangyari?” For some strange reason, parang gusto niyang hanapin ang lalaking naging dahilan kung bakit naging aloof si Ayca sa ibang tao. Kahit naman itanong niya ito ay parang alam na niya kung ano ang nangyari kay Ayca.
“Pagdating ko, narinig kong umiiyak ang anak ko. Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang kahoy na lagi kong itinatago in case na may mangyaring sakuna. Dahan-dahan at maingat akong pinuntahan ang kwarto kung saan ko naririnig yung boses ng anak ko at doon ko nakita na hinuhubaran at pinipilit ng kinakasama ko na ihiga ang anak ko.”
“Who’s that jerk?” nanginginig ang kamay niya. Hindi niya alam pero may urge siya na patayin ang lalaking muntikan ng gumahasa sa babae.
“Patay na siya. Ayaw kasing makulong kaya tumakas habang hinahabol ng mga kapitbahay namin. Nasagasaan siya ng truck. Masama mang matuwa na may taong namatay ng ganoon ay nagpasalamat pa rin ako. Dahil atleast, ligtas na ang anak ko at ang iba pang mga batang babae sa hayup na yun. Kaya hindi mo rin masisisi ang anak ko na aloof at takot sa mga tao lalo na sa mga lalaki.”
“Sorry po.”
“Bakit ka naman nag-sosorry? Matagal na yung nangyari... sigurado ako na okay lang ang anak ko. Matapang yun katulad ko eh. Pasensya na nga pala, hijo, at nasabi ko sa iyo ang mga ganitong bagay. Ewan ko ba ang gaan nang loob ko sa iyo.”
“Ako man po. Ahhhm.... Nay Beth, aalis na rin po ako. Sa susunod na pagpunta ko na lang po dito.”
“Sige, bumalik ka na lang dito kahit kailan mo gusto, hijo. Basta mga kaibigan ni Ayca, okay na okay ako. Mag-iingat ka sa daan.”
“Opo. Maraming salamat po ulit, Nay Beth. Nakalimutan ko pong sabihin na...”
“Na ano, Zeke?”
“...na ang sarap po ng niluto niyong pagkain. Minsan na lang ako makatikim ng lutong bahay. Salamat po ulit. Aalis na po ako.” Yun lang at tumayo na siya patungo sa pintuan at lumabas. Now his sure...he needed that lady.
“BAD trip ha! Sinabi nang hindi ako nakikipagkilala kung kanino eh. Lumayas nga kayo sa harap ko!” naasar na siya. Ginabi kasi siya ng uwi at alam na alam niya na kapag gabi dito sa lugar nila maraming mga siraulo at adik na nagkakalat-kalat at nainom kung saan-saan. Hindi kasi siya pala labas ng bahay kaya hindi niya kilala ang mga tao sa lugar nila at masyado na rin kasi siyang busy sa pagtratrabaho para lang makipag-mingle sa mga tmabay sa kanto.
“Sige wag na lang name, miss ganda, tumagay ka na lang!” sabi ng isang hindi rin yata makaintindi ng tagalog. Naasar pinaghahampas niya ng bag ang mga lasinggerong walang magawa sa buhay kundi mamerwisyo.
“Ang babaho niyo! Sorry, di ako nakikipagkilala sa mga mababaho. Tse!” sabi niya at nagmamadaling lumayo sa mga ito pero makukulit talaga ang mga kabaranggay niya at hinila siya ulit. Dahil sa hindi inaasahang paghila ay napaupo siya sa sahig.
“Aray!” naasar na turan niya dahil naglanding ang pang-upo niya sa lansangan. “Sinabi nang bitaw—,” napatigil siya ng biglang may humila sa lalaking nanghila sa kanya at inupakan. Dahil na rin sa lasing na ito ay hindi na rin ito nakalaban agad. Nagsipuntahan at tumulong ang mga lasinggero din pero wala pa rin itong laban sa macho gwapitong nag-rescue sa kanya.
“Okay ka lang, Ayca?” sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya. Si Ezekiel. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng relief ng makita ang binata. Parang may mainit na bagay na yumakap sa kanyang puso. Kinuha niya ang kamay nito at tumayo na.
Nanginginig na yumakap siya ng mahigpit dito. “Maraming salamat,” yun lang at tuluy-tuloy na umagos ang luha niya.
“Shhhh... stop crying. Dapat kasi marunong ka ng self defense eh. Let me help,” sabi nito sa kanya habang hinahagod-hagod ang mahaba niyang buhok.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment