Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Wednesday, January 16, 2013

JESTER Series Special - Chapter 2

Copyrights © 2012. All Rights Reserved.

MR. LHERINO, something came up sa bahay. Hindi po ako makakapasok ngayon. Pasensya na po. Emergency lang po,” pagsisinungaling niya. Hindi siya pinasakay ni Ezekiel sa sasakyan niya dahil na rin sa malalaman nila ang identity niya at pati ang eskwelahan na pinapasukan niya ay madadawit din.

Lord, galit ka ba sa akin dahil sinabi kong magiging sinner na ako? Hindi ko pinangarap na ang pangalang inaalagaan ko ay mawawasak kung makikilala akong kabit ni Ezekiel.
Tumingin siya sa paligid. Hindi niya alam kung saan na sila napunta dahil pinasakay na lang siya nito sa motorcycle nito at pinasuot ang isa pang helmet nito. Mabilis itong magpatakbo kaya naman napapikit siya ng mahigpit at the same time ay napahawak siya ng mahigpit sa yummilicious na katawan nito.

“Ayca, right?”

“Nasaan na tayo?” hindi niya sinagot ang tanong nito. Ni ayaw niya ngang tignan ito sa mga mata. She’s ashamed of herself and her act. Nakaupo siya sa dulo ng kama habang ito ay prenteng nakatayo at nakasandal sa may pintuan.

“Sa bahay ng lolo ko.”

“Kelan mo ako iuuwi? You sure know na this is kidnapping? May trabaho ako. It was the final exam at heto ako ngayon, nagtatago sa bahay ng lolo mo dahil hinila mo ako sa mess na ito. Look, Mr. Aquino, ano ba ang problema mo at pati ako ay gusto mong idamay sa problema mong ito?”

“You talk too much as if you didn’t like what we did back there. I just want you to help me at nagawa mo na yun. Now, if you really want to go back to your school and teach then go. Hindi kita pipigilan but I need to tell you something, what if one of the press saw your face? Nakita ka then na-background check ka then it’s gonna be a huge scandal. Aba, si Ezekiel Aquino na may asawa at sinasabi ng lahat sa magazine na napaka-faithful at stick to one na asawa ay meron palang kabit?”

Napatayo siya. Kumukulo ang dugo niya. So siya pa pala ang may kasalanan ng lahat? In the first place, na-drag lang siya sa lahat ng ito. Hindi niya alam na napaka-sama pala ng ugali ni Ezekiel na dati ay sinasamba-samba pa niya. Hindi niya akalain na maswerte pa pala siya at hindi sila ang nagkatuluyan. Pero as the saying goes: “Maraming namamatay sa maling akala” and right now, she’s on a brink of death or more like his death. Gusto niyang patayin ito dahil sa napakasamang ugali nito.

“So ako pa ang sinisisi mo?! Look, hindi ako ang unang humalik sa atin and I... I.. was forced to kiss you back! Ni hindi mo nga ako pinagsalita!”

“Oh... poor wee soul. Sorry ha? But as far as I can remember, you kissed me back. Hindi iyon forced so don’t lie. Are you really a stage actress? You are not good at lying.” nang-uuyam pang turan nito sa kanya dahil doon ay nagdilim ang paningin niya at hindi na niya napigilan ang sariling sampalin ito.

“That’s for being the biggest jerk I’ve ever met!” sinampal pa niya ulit ito. “That is for ruining my peaceful and ordinary life!” at sasampalin pa sana niya ito ngunit nahawakan na ang kamay niya.

“No one dare to slap me lady! Now you will pay!”

“Pay your ass!” Tinuhuran niya ito sa jun-jun nito at doon ito napayuko at namilipit sa sa sakit. She heard him cursed like there’s no tomorrow. “Yan ay para sa pagsasabing hindi ako magaling umarte at pagsira ng mga pangarap ko!” Ikaw ang pinangarap ko sa inyong lahat na magkakaibigan! Bwiset!

Yun lang at lumabas na siya sa kwarto kung saan siya ‘ikinulong’ pansamantala ni Zeke. Kung alam niya lang na masama pala ang ugali ng Ezekiel na yan ay talagang hindi na niya ito pinangarap pa or tinulungan nung unang beses silang magkita. Kung alam niya lang na ganito kasama ang ugali ni Ezekiel ay sana hindi na lang niya sinayang ang panahon niyang i-admire ang lalaki but it was all too late. Siguro nga ay nakakabulag minsan ang panlabas na anyo ng isang tao. Ngayon ay nagsisisi siya dahil napasok siya sa isang gulo na sisira ng lahat ng pinaghirapan niya.

Lord! Pagbigyan niyo ako last na po ito. I just hope na hindi na mag-krus pa ang landas namin ng herodes na iyon.





ILANG linggo ding na-dyaryo ang pang-two time ni Ezekiel Aquino and she’s still lucky dahil walang nakakuha ni isang picture ng mukha niya. Namatay ang balita dahil nanatiling tahimik lang ang kampo ni Mrs. Chloe Braganza-Aquino at nakikita sila laging magkasama ng asawang si Ezekiel at mukhang happy family pa rin ang mga ito. Naisip niyang masokista nga siguro si Chloe dahil tinatanggap pa rin si Ezekiel kahit na nambababae ito.

Bumalik kaagad siya sa eskwelahan kinabukasan ng makauwi siya ng walang ibang ibinigay na aberya pa si Ezekiel sa kanya para ipagpatuloy ang final exam ng mga estudyante niya. Busy pa rin siya sa eskwelahan dahil pasahan ng mga requirements ng mga studyante.

“Oi, mare, pwede pong mag-break. Sasama ka ba sa amin sa mall? Kakain kami. Hayaan nating paghintayin ang mga estudyanteng pasaway para makapasa ng mga requirements nila,” sabi ng kaibigan niyang si Sabina Gail.

“Ai wait lang at tapusin ko lang to tapos gora na tayo. Nagugutom na nga rin ako eh,” sabi niya at minamadaling tinapos ang ginagawa.

“Buti naman at sumama ka na ulit na mag-mall at kumain sa labas. Ilang linggo ka ring natanggi sa amin ha. Nakakatampo ka na nga minsan eh,” sabi ulit ni Sabina

Simula kasi ng makabanggaan niya si Ezekiel sa mall ng dalawang beses ay nag-try siyang wag munang pumunta sa mall na iyon. Mas maganda ng mag-ingat at baka maka-strike three siya. Siguro naman ay hindi na rin pupunta yun sa mall na iyon kahit na alam niyang ang opisina nito at ang bahay mismo ng mga ito ay malapit rin sa mall na iyon.

“Wala lang. Namiss ko kasing kumain ng lutong bahay kaya nag-try akong magluto at baunin. Nakatipid naman ako pero dahil sa nakasanayan ko na ring bumili sa labas ay ayun. Balik bili sa mall ang lola niyo.”

“O siya. Hindi ka pa ba tapos?”

“Ai tapos na! Let’s go sago! Rampa na!” natatawang turan niya at kinuha na ang bag at sumama na sa paglabas ni Sabina sa Teacher’s Lounge. Doon sa labas ay naghihintay na ang iba nilang kasamahan. Hindi naman nagtagal at nakarating na sila sa kakainan nila. Hindi naman kasi kalayuan sa iskwelahan na pinapasukan niya.

“Ai may naalala ako dito. Famous itong mall na ito dahil dito daw nakita na nag-two time si Mr. Ezekiel Aquino. Sa tingin niyo ba totoo yun?” Nagtatakang turan ni Sabina sa kanila. Natense tuloy siya. Bakit kasi kahit na patay na ang balita ay may mga tao pa ring gustong buhayin ito?

“Huwag na tayong makialam sa ayaw ng mag-asawa. Marami tayong mas dapat pag-ukulan ng pansin kaysa sa buhay ng ibang tao,” nasabi na lang niya at parang dinedma na lang niya ulit ang topic na iyon.

“Nakakagulat yatang di mo na pinagtatanggol si Ezekiel sa amin? Diba ikaw ang mas may interest sa mga nangyayari sa lalaking yun? Mare, umamin ka nga?” Nakatingin sa kanya si Sabina at titig na titig. Napalunok siya. Oh my! Help me, Lord!

“Oh my! Mukha namang hindi totoo ang balita eh. Look! The Aquino family on the left,” sabi ni Lorna na nakapagpatingin sa kanila sa kaliwang bahagi ng mall.

There they are. One big happy family. Lord naman, ayaw niyo na talaga akong pagbigyan? Bakit nakita ko pa ang lalaking yan? Eto na po ba ang tulong na kaya niyong ibigay? Ahhh! Whatever!

“Hala! Papunta yata dito! Waaaaaaa! Napaka-gwapo! Sana talaga isa sa atin ang nakatuluyan niya no? Homay! Napaka-swerte ni Mrs. Aquino.”

“Aaron, wag kang masyadong lumayo,” narinig niya pang turan ni Chloe. Nakita niyang tumatakbo patungo sa kanila ang batang-batang si Aaron na kamukhang-kamukha talaga ng ama nito. Napangiti siya, kahit naman kasi ganoon kasama ang ama nito ay walang kinalaman ang anak nitong super cute. Nakakapang-gigil ang ka-cute-an nito. Nasa tapat na nila ito ng madapa ito at mabilis niya itong nilapitan at inalalayang tumayo.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya dito dahil nasa mukha nito na gusto na nitong umiyak.

“Anak, okay ka lang?” nag-aalalang nilapitan ito ni Chloe at pinaharap dito ang bata. Nakita niyang tsineck nito ang tuhod at braso at biglang napangiti. “Ikaw kasi eh. Sabi ko sa iyo to be always careful. Did you thank the lady for helping you?”

“Hindi pa po,” sabi nito na pinupunasan ang mga mata para hindi tumulo ang luha nito.

“So what are you gonna tell her?” and with that lumingon ang batang lalaki sa kanya at ngumiti.

“Maraming salamat po, tita,” sabi nito at kiniss siya sa pisngi. Bigla namang parang nag-melt ang puso niya sa kabaitan batang ito. Yun lang at tumakbo na ito sa papalapit nitong tatay.

“Maraming salamat, Miss...” turan naman ni Chloe sa kanya. Ayaw niyang tumingin dito ng diretso dahil baka makilala siya. Eeeeek! My lovely long hair! Humanda ka nang masabunutan. “...wait, I think I saw you before.”

“Kilala mo siya Danica?” nagtatakang tanong ni Sabina sa kanya. Thanks Mare! Mas pinadali mong maalala ako ni Chloe! Paktay!

“Ahhh! Oo! Naalala na kita. Ikaw yung nagdala ng wallet sa workplace ni Ezekiel.”

“I heard my name. Are they your acquantance, hon?” napatingin siya sa gwapo pa ring lalaki. Hawak-hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawa nitong anak. Mukha talaga itong loving husband and father. Sana nga totoo.

“Hon, ito si Danica, siya yung taga-Lherino School na sinabi ko nung isang araw. Siya yung nagdala ng wallet.”

“Oh! Ikaw pala yun,” surprised was written on his face.

Napakunot noo siya. Parang hindi siya nito kilala kung umakto ito. Parang sa mga mata nito ay ngayon lang siya nito nakita. Infairness! Palakpakan! Napakagaling palang actor nitong si Ezekiel. Kaya pala napapaikot nito ang asawa nito. Tsk! Napakasamang tao.

Nakita niyang kinuha ni Chloe ang dalawang bata sa kamay ng asawa.

“Mare, mauuna na kami, doon lang kami sa usual place natin ha. Marami kang dapat ikwento sa amin,” nakangising turan ni Sabina sa kanya. Gusto niyang mapa-rolleyes dito dahil sa iniisip nito.

“Miss, can we talk?” Nabaling ulit ang tingin niya sa lalaking kahit anong pilit niya ay hinahangaan pa rin niya. Sayang nga lang at alam na niya ang ugali nito.

“Sige,” matipid na tugon niya. Nakita niyang tumingin muna ulit ang lalaki sa asawa na tumungo naman like giving them permission. Pumunta sila sa isang lugar kung saan hindi masyadong matao pero matatanaw pa rin ito ng asawa nito.

“First of all, Miss Danica, maraming salamat sa pagpapadala ng wallet sa office ko.”

“Wag na tayong masyadong pormal, Zeke. Sinabi ko sa iyo na ayaw na kitang makita dahil ayaw kong masama sa gulong pinasukan mo. Iniwan na kita sa bahay ng lolo mo pero ang kulit mo pa rin and you don’t need to act infront of me dahil alam ko ang true nature mo. Kung ayaw mo talaga sa asawa mo ay makipaghiwalay ka na. Nakakaawa ang pamilya mo sa ugali mo eh. Please don’t talk to me ever again. Ayaw ko ng gulo.”

Sa totoo lang nagagalit siya. Oo nga at gusto niyang huwag na siyang gambalain nito and all pero to think na mag-aarte ito na kunwari ay hindi siya kilala ay nakakagalit talaga.


Ang gulo ng utak mo Danica. Try going to psychiatrist para matignan ang utak mo. 

Eh anong gusto mong gawin ko? This guy took my first kiss na pinakaiingat-ingatan ko for 23 years! And his a cruel man! 

Sows! Na-inlove ka nga sa ‘cruel man’ na yan eh. Diba dati pinapangarap mong mahalikan ka niya? 

Dati yun! Tseeeeeeeeeee....ver!


“Bahay ng Lolo ko?”

“Oo, doon sa Cavite. Bwiset ka nga eh! Bakita napakalayong lugar mo pa ako dinala para itago lang? Ewan ko sa utak mo! Huwag mo na akong kakausapin pa. Please lang, masyado na akong baliw para kausapin pa ang baliw na katulad mo. And please, Zeke, don’t ask me again about acting with you dahil hindi ko dudungisan ang propesyon ko bilang isang isang stage actress at teacher para lang sa kasinungalingan mo. I’ve had enough baka mawalan pa ako lalo ng ganang kumain,.” yun lang at tumalikod na siya palayo dito.

“Wait!”

“Oh! By the way, keep up the good work and next time you see me, please don’t even look at me or even say hi to me. Maawa ka sa asawa at mga anak mo. Please truly love them.”

“Hindi ko alam ang lahat ng sinasabi mo. I love my wife and children more than anything. I would never ever exchange or even leave them dahil they are my life.”

“Huh?” May amnesia ba ito? Or totoong naaaning na ito at may split personality ito?



ITUTULOY...

No comments: