Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Thursday, January 17, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 6: Every little thing you do


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

“I’ve decided. Hire me.” Ito ang hindi mapaniwalaang narinig ni Chloe sa lalake. Gulat na gulat ang babae sa sinabi ng binata.
“Huh? Nahihibang ka na ba?” Nasho-shock paring tanong ni Chloe sa lalake.
“Nope. I’m positively sure. Just hire me. I will help you do all the things. I’ve known that you and KC was the owner of this small business. And without your partner, your work became much harder. Right?” Sabi pa ni Ezekiel sa babaeng gulat na gulat.
“Well. Partly true... But are you sure? Paano yung business mo? Mas malaki yun di hamak dito sa business ko? Mas mahirap ihandle yun.” Sabi naman ni chloe dito.
“Don’t worry. I’ve got great people around me. And even without me, kayang kaya nilang i-handle yun. Right now, You needed help so I am willing to help you. I can be your... Alalay!” Tuwang tuwang sabi pa ni Ezekiel. It’s gonna be the first time na gagawin iyon ng binata at excited na ito.
“Alalay? I am positive na. You’re out of your mind.” Sabi ni Chloe at natatawa pa.
“Yes. Alalay. And don’t worry about the payment. Just think of it as me being a volunteer. Basta pakainin mo ako ha.” Sabi naman ni Ezekiel at natawa na rin dahil sa pagtawa ni  Chloe.
“Fine. I need your help. I will ‘hire’ you at kakain din tayo.” Sabi na ni Chloe. Kailangan na rin talaga niya ng katulong dito. Dati ay tatawagan na lang niya ang pinsan para sa pagtulong sa pag-match. “I really need help.” Sabi pa ni Chloe.
“Boss. I will be sure to be here early in the morning.” Sabi ni naman ni Ezekiel at sumaludo pa sa kanya.
“Sira. Wag mo akong saluduhan. O sige na nga. Last na itong mga to tapos uwi na tayo.” Sabi ni Chloe at nag-umpisa na ulit sila. The rest of the night was enjoyable for both of them. Parang yung first time nilang nagkakilala. Ezekiel just cannot help but to watched how the lady laugh with his joke.
Sa buong gabi nilang magkasama ng dalaga, Ezekiel cannot help but to gaze or stare at the lady. His actually looking forward for every emotion that the lady will display. It’s entertaining and mesmerizing at the same time. Nalalaman na nga lang niya na nakatunghay na pala siya sa babae at nahuhuli siya ni Chloe. He was staring in those beautiful red lips again.
“Pagod ka na ba? Lagi ka kasing nakatulala e. Patapos na naman tayo. You can go home at tatapusin ko na lang ito.” Sabi ng babae sa kanya na may himig pag-aalala.
“No. I am not tired. I just can’t help but to stare.” At you. Sabi ni Ezekiel at ngumiti. “Well, kung matatapos na pala edi bilisan na natin. Ayaw ko ngang iwan ka dito. Gabing gabi na. Delikado.” Sabi pa nito sa dalaga.
Tumungo na lang ang babae at ngumiti. Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na rin nila. Nag-inat ang dalawa at naghikab na rin ang dalaga.
“Oops. Sorry.” Sabi ni Chloe at medyo nahiya pang ngumiti. “Hindi rin kasi ako nakatulog dahil kahapon e.” Sabi pa nito na natutup ang bibig. Me and my big mouth! Naaasar na sita ni Chloe sa sarili.
“Kahapon? James and KC’s wedding?” Takang tanong ni Ezekiel at iniisip kung ano ang nangyari sa kasal. Medyo napasimangot si Chloe dahil parang balewala iyon sa lalake pero alam na alam ni Ezekiel ang tinutukoy ni Chloe. Hindi lang kasi alam ni Ezekiel kung ano ang sasabihin.
“Right! Alam ko. Hindi rin ako nakatulog e. If you are dead its really hard to sleep at times.” Sabi ni Ezekiel at tumayo na. Sumunod na tumayo rin si  Chloe at halatang dismayado. So he never thought of the kiss after all? Hmp. It made Ezekiel felt guilty but Ezekiel’s too shy to even admit that he didn’t get enough sleep because everytime he close his eyes ay si Chloe ang nakikita niya.
“Lets go.” Sabi ni Chloe at nauna ng pumunta sa pintuan at buksan ito.

Wag ka ngang mag-emote emote diyan. For Ezekiel, yung halik na iyon ay wala lang. Andami na kayang nahalikan ng mokong na yan at lahat nga ay sosyal at magaganda. Sabi ng utak ni Chloe ng hindi pa rin mawala sa isip nito na para kay Ezekiel ay wala lang ang halik na iyon. Napabuntong hininga tuloy si Chloe. Right, I am no special to him.
“Why the long sigh? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah.” Sabi naman ni Ezekiel na nagmamaneho na.
“It’s nothing. I’m just sleepy.” Sabi ni Chloe at humikab pa.
“Then just sleep. I will wake you up.” Sabi ni Ezekiel at tumalima naman si Chloe at pumikit na.
Dumating na ang dalawa sa tapat ng bahay ni Chloe. Medyo mabilis ang naging biyahe dahil medyo late na.
“Chloe, dear, we’ve arrived.” Sabi ni Ezekiel at niyugyog ng kaunti ang dalaga. Nagising naman si Chloe at napangiti.
Must be a dream. Nasabi ni Chloe sa isip at inilagay niya ang kamay sa likod ng leeg ni Ezekiel at hinila ito palapit sa kanya. Everyday, pag nagigising siya at ang unang nakikita nito ay ang picture ng lalake ay hahalikan niya it. Yun na yata ang every morning ritual niya.
“Good Morning.” Sabi pa niya bago niya hinalikan ang lalake sa labi.
It was indeed a great shock for Ezekiel. Hindi niya inaasahan ang gagawin ni Chloe sa kanya. Chloe’s lips touch his for a sweet and dreamy kiss. Hindi muna siya nakagalaw dahil sa pagkamangha pero Ezekiel kissed back.He tasted every corner of her lips, tasted every part of her mouth. He realized Shit! I am taking advantage of the situation!
My dream felt real. Namamanghang sabi ni Chloe sa utak niya dahil tumutugon ng halik si Ezekiel sa panaginip niya. I hope it last. Sana wag muna akong magising sa panaginip na ito at wag muna kaming dumating sa bahay nami...n. Wait! Sabi ni Chloe sa isip at biglang dumilat ito. Nakita niyang nakapikit si Ezekiel at hinahalikan pa siya. Naramdaman ni Chloe na pinapasok na ni Ezekiel ang dila nito sa kanya. Napapapikit tuloy ulit si Chloe at lalo pa nitong kinabig palapit sa kanya ang lalake. Narinig na lang niyang na paungol si Ezekiel sa halik.
Naglayo lang ang dalawa dahil sa wala silang hininga. Humihingal pa ang dalawa ng maglayo sila. Chloe’s hand still on Ezekiel’s neck and Ezekiel’s hand  was on Chloe’s waist.
“A-ah... U-uhmm. T-thank you for taking me home.” Sabi ni Chloe at kumalas na sa lalake. Tinanggal na rin ni Chloe ang kamay ng binata na nakakapit sa bewang niya. Binuksan niya na ang pintuan at bumaba na.
“Maraming salamat ulit sa paghatid, Ezekiel...” sabi niya at nahihiyang ngumiti na sa lalake. “And sorry.” Sabi niya at lumakad na papasok sa bahay. Tulog na ang magulang niya pero nakabukas pa rin ang ilaw sa bahay. Sinusian na niya ang pintuan at pumasok na siya. Hindi na niya hinintay pa ang lalakeng makaalis. Hiyang-hiya siya sa sarili.

Ezekiel didn’t know what just happened. Alam niyang wala pa sa huwisyo ang dalaga ng halikan siya nito at hindi siya nag-take advantage kahit na sinong babae. Kahit kasi na playboy siya ay may respeto siya sa babae.
Hindi na nga niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng bahay niya at safe na nakauwi. Medyo lumulutang kasi ang isip niya habang nagmamaneho. Dirediretso siyang pumunta sa kwarto niya at inihiga ang medyo pagod na katawan at nakatingin lang ito sa kisame ng kwarto niya.
“That was unexpected.” Sabi niya at hinawakan pa ang mga labi niya. “...Unexpectedly great?” Confused struck him. Hindi niya alam kung bakit sobra sobra ang epekto ni Chloe sa kanya. Kinuha niya ang business card na ibinigay ni Chloe sa kanya kaninang nagkapalitan sila ng business card nung kumakain sila sa Taverna.
“Chloe Mitchell Braganza... Intriguingly mesmerizing and captivating.” Umikot siya sa kama at naihilamos ang kamay sa gwapong mukha. “Arrg! I’m sounding like a poet here.” Frustrated na tumayo siya at lumakad na sa kwarto para iligo na lang ang naguguluhan niyang pag-iisip.

Lakad dito, lakad doon, Yun lang ginawa ni Chloe pagpasok niya sa kwarto niya. Yes. Sinabi niya sa sarili na wag na dapat lapitan at kausapin ang lalake pero hindi niya kayang pigilan ang nararamdaman niya para dito. Yes. Tinago na niya noon pa ang paghanga sa lalake pero tama nga ang kasabihang ‘Distance make the heart grew fonder’ dahil sa pagsikil ng nararamdaman niya ay lalo lang napapamahal ang lalake sa kanya. Pano nga ba naman niya hindi  mamahalin ang lalake e lagi siya nitong tinutulungan at ginagabayan.
“ Oh please stop foolish heart!” Naaasar na niyang sita sa puso niyang hindi pa rin matigil ang mabilis na tibok ng puso. Tuwing naaalala niya ang mga tagpo kani-kanina lang ay hindi napapagod ang puso niyang iparamdam sa kanya kung gano ito kasaya sa nangyari.
Ayaw man aminin ay kilig na kilig siya ng maalala nito ang gwapong mukha ng lalake at ang mga mata nitong nakapikit dahil sa feel na feel nito ang paghalik sa kanya.
Kinuha niya ang unan at pinanggigilan niya itong kinagat. Hindi kasi siya makasigaw dahil baka magising ang mga magulang niya at mabulabog pa ang kapitbahay nila.
“Fine! I admit. Super crush ko talaga si Ezekiel!” Sabi niya bago niya kinagat ulit ang unan. Humiga na ito at natulog ng nakangiti. Kung andito lang siguro ang pinsan ay tuwang tuwa siyang magkukuwento dito. Hindi na namalayan ni Chloe na nakatulog na pala ito sa kakaisip kay Ezekiel.
Good Morning!” Maganang bati ni Chloe sa mga empleyado niyang busy sa pagtitipon-tipon sa harap ng opisina niya.
“Hoy!” Sabi ni Chloe at tinapik si Krissy na kinikilig-kilig. “Ano ang problema sa opisina ko?” Nagtatakang tanong niya. Bakit kaya kilig na kilig ang mga to? Nagtatakang usisa niya.
Doon nakaupo sa harap ng table niya ang naka-sandong si Ezekiel. Medyo mainit kasi sa opisina niya. Walang aircon pero may stand fan naman iyon. Nakakunot-noong nakisingit siya para makarating sa opisina niya. Hindi niya nakitang may sasakyan sa harap ng HC kaya hindi niya alam na andoon na ang lalake.
“Ang aga mong ginambala ang opisina ko ah. So, What can I do for you?” Sabi ni Chloe at umupo na sa harap ni Ezekiel.
Nakangiting sumaludo sa kanya si Ezekiel. “Boss. Bago lang ako kaya hindi ko alam ang mga gagawin dito. Dahil bago rin ako ay napaaga ako ng konti.” Sabi pa nito sa kanya.
Bago? Ai! Oo nga pala! Na-hire ko nga pala itong lalakeng ito. “Sorry. Nakalimutan ko. Hindi ko rin kasi nakita ang kotse mo sa labas.” Sabi niya sa binata at tumingin na sa pintuan ng opisina niya. “At kayo, Back to work!” Sabi niya sa mga trabahador niya at pinandilatan pa ng mata ang mga ito.
“I didn’t use any of my car. Nagpahatid lang ako dito. Pag nandito ako, I am not the rich guy you all knew. Isang hamak na trabahador mo lang ako ngayon, Miss Chloe.” Sabi nito na nakangisi pa sa kanya.
“Whew! Kahit na anong gawin mo, ikaw parin si Ezekiel no. Tsaka you told me that your a volunteer.” Sabi niya dito. “Lets go.”
“Huh? Hindi pa tayo dito maglalagi? Akala ko ba magtratrabaho tayo?” Takang tanong ng lalake pero tumayo na rin dahil tumayo siya.
“Yes. We are going to work. Meeting with the peps.” Sabi niya at hinila na si Ezekiel palabas. Lahat ng trabahador niya ay nakatutok sa kanila. May mga nang-aasar pa nga na ‘Bagay~’ sa kanila.
“Magsitahimik nga kayo. Nakakahiya dito kay Ezekiel baka isipin niya na binayaran ko kayo para lang asarin kaming dalawa.” Sabi niya na medyo natawa-tawa pa. “O siya nga pala Krissy, Pag merong tumawag na kailangan ako, pakisabi na busy sa pakikipagmeeting sa labas. If it’s very important, call me.” Sabi niya dito na tumungo naman ang babae.
Lumabas na sila. Sinisilip-silip niya ang lalakeng busy na sa kausap sa telepono. Mukhang ipapakuha ang sasakyan nito. Nahuli siya nito nakatitig dito ng matapos na itong makipag-usap.
Ngumiti ito sa kanya. “I’m sorry. I didn’t know na lalabas tayo. Nagpahatid lang ako ng maayos na damit at yung sasakyan.” Sabi nito sa kanya. Tumungo na lang siya at may hinalungkat sa loob.
“O ilagay mo. Fake yan pero pagtiyagaan mo na. Baka kasi sa atin lang tumingin lahat ng tao sa pupuntahan natin. Nakakadistract kasi ang mukha mo.” Sabi niya dito at ibinigay ang shade na pang-unisex at ngumisi sa lalake. Medyo feminine kasi ang salamin niya at hindi ito babagay sa matchong katawan ng lalake. Medyo naiilang ang lalake pero sinuot na rin nito iyon. Maya maya ay dumating na ang kotse nito at nagpalit ng polo sa opisina niya at umalis na sila.

ITUTULOY...

No comments: