Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Sunday, January 27, 2013

JESTER Series Special - Chapter 13

Copyrights © 2013. All Rights Reserved.


It was the day of Ayca’s departure to France. Napabilis ang pag-alis niya dahil tinulungan siya ni Mr. Lherino para sa mga papers niya. She gave her thanks to her old Dean dahil sa tulong na ginawa nito sa kanya. Nasa waiting area na siya at hinihintay na lang ang pag-board niya sa eroplano sa Sean McConnel International Airport. She was tapping her feet habang may pinapakinggan siyang kanta sa IPod niya. Na-delay kasi ang boarding dahil na rin sa maintenance work. 

This time it’s for real, aalis siya sa pinas for her own good: sa work at sa personal man. Isa sa mga dahilan niya ay ang makalimot. She wanted to forget her memories of Evzen dahil imbes na mapasaya siya dahil nainlove siya ay nasasaktan siya. If only hindi ito nagsinungaling sa kanya or kahit na nagsinungaling ito sana man lang ay sinabi nito kaagad sa kanya when their feeling was becoming mutual pero mas pinili nitong magsinungaling at pagmukhain siyang tanga. She sighed dapat ay mag-try siyang tumigil sa pag-iisip dito kahit 30 seconds lang. 

She then looked up ng may kumalabit sa kanya and she was shocked. Mukhang pati sa paningin niya ay hinahabol siya ng gwapong mukha ni Evzen. Her heart started to beat faster than normal and then she took off her head phones. Pumikit siya ng mariin and then opened her eyes again just to make sure na si Evzen nga ang nakikita niya. 

“What are you—,” she got cut ng hilain siya nito patayo sa kinauupuan niya and started walking. “What the hell are you doing? May flight ako! Let me go!” naasar na turan niya dito. Nakakakuha na silang dalawa ng atensyon and it’s good for her. 

“Just come with me, Ayca, I just wanted to talk to you,” sabi naman ni Evzen. Maririnig sa boses nito na nagmamakaawa ito but somehow with it ay malalaman mong matatag ang pagkakasabi nito. 

“Manong guard! Tulungan niyo po ako!” sigaw niya. She doesn’t want to talk to him hindi ngayong masakit pa rin sa puso niya na nagsinungaling ito sa kanya. 

“Miss— Mr. McConnel, good evening, sir!” sabi nito ng biglang may sumulpot na lalaki sa tabi niya. Lumingon siya just to be shocked dahil naandoon si Sean Micheal McConnel! In flesh and blood, isang JESTER na mahirap ng makita sa public eyes simula ng magkaroon ito ng asawa. 

“It’s okay, kaibigan ko siya. They just needed time to talk,” sabi naman nito sa empleyado nito. 

Narinig niyang may nagsigawan at napalingon naman siya. One by one, nakita niyang lumapit sa kanila ang mga hinahangaan niya: James Anthony Cristobal, Ezekiel Martin Aquino, Theodore De Guzman, Elliot Christopher Rivera and Randolph Archuetta. She looked at them confused and then lumingon siya kay Evzen ng maramdaman niyang binitawan na siya dito. 

“Look up, Ayca,” sabi nito sa kanya and so she did. Nakita niya ang isang malaking karatula na nakasabit sa pinakatuktok ng Airport saying: Will you marry me, Danica Aranda? “You might say no, heck, not even might but a big no pero I am willing to hear that than not asking. I know you might see me as a crazy person dahil bakit ako nagpropropose when I knew well na irereject mo ako dahil sa nagsinungaling ako sa iyo but before you say ‘no’ to my proposal, can you at least give me a chance to clear all our misunderstandings?” 

She heard the bystander says: Pagbigyan mo na! Ang swerte mo day! And so on and so fort at doon lang parang nagrelax siya ng kaunti and lowered her defense. “Okay. I’ll give you 10 minutes, masyado ng mahaba iyon for explanation.” 

“Thank you, Ayca!” 

“Time’s ticking, Evzen, imbes na magpasalamat ka why don’t you just say something,” mataray na sabi niya dito. Somehow, the JESTER na hinahangaan niya ay parang wala na sa kanya dahil naka-focus lang siya sa lalaking nasa harapan niya mukhang mahihimatay na dahil sa kaba. She wanted to laugh pero she wanted to know the whole truth. Noon pa niya narealize na hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ng mabuti and that was because she was so angry and hurt. 

“I might look like one of the JESTER that you admire the most but I wasn’t like them, not even close to be like them dahil ako lang ito. I am Evzen Martin Aquino, the eldest twin brother of Ezekiel Martin Aquino and I was blinded by my anger and envy towards my brother. Diba I told you na I grew up with my grandfather at umalis ako sa poder ng mga magulang ko? Did you know why I did that?” he asked at umiling siya dito. 

“I told you that I was pressured and I felt unloved by them. Pressured dahil ako ang panganay na anak and I felt unloved dahil ang atensyon nila ay puro nasa kapatid kong iyon,” he said and pointed at Ezekiel who was now waving at her and giving her a wink. “Then the people around me kept on comparing us: na mas ganito, mas ganyan daw ang kapatid ko at nakisali pa ang parents ko. For me, that was it so I ran away. Hindi ko kinaya at naduwag akong magsalita sa kanila. Akala ko by leaving home and my family ay matatapos na ang pagkukumpara sa akin but I was wrong. When I was in highschool, my brother and his friends were popular as heck na nama-magazine at diyaryo pa sila at that age, at ang mga taong nakakakita at nakakabasa ng mga ganon kept telling me na bakit mas na naman ang kapatid ko sa akin.” 

“Just to let you both know, hindi ko pinlano na maging popular!” sigaw ni Ezekiel sa kanila na ikinalingon nilang dalawa. Nakita niyang pinuntahan ito ni James and shut Ezekiel’s mouth by putting a hand on the guy’s mouth. 

“I’m sorry about the noise, go on,” sabi pa ni James na ikinatawa niya but it was just a couple of seconds dahil nagsalit ulit si Evzen. 

“Oh, how I missed that laugh,” he said and smiled at her. Iningusan niya lang ito and started to tapped her feet na sinasabi na time is running. “So I told myself, kung ayaw akong tantanan ng kapatid ko then I might as well join him. I played around using his name, I even break hearts using his name too. I wanted him to feel what I felt when people thought I was lying about my identity as Ezekiel at ipinangalan ko sa sarili ko ay Evzen.” 

“Just like me?” 

“No! Meeting you was out of my plan, Ayca, and I am thankful that faith brought us in to meet and fall in love. Heck! Dati di ako naniniwala sa mga cheesy words like Faith but I need to think twice and thank God na ibinigay ka niya sa akin then fell in love. Tinanong ko ang sarili ko na kung walang faith then why did I met someone who’s too good to fell in love with me and vice versa?” 

“But you lied to me! At hindi mo nga ako sinundan nung mag-walk out ako sa bahay ng lolo mo eh!” 

“I did lied to you at kung hindi ko ginawa iyon hindi tayo magkakaroon ng chance na makilala ang isa’t-isa or magiging mas close man lang. It’s just that the only fault I did ay natakot akong sabihin sa iyo ang katotohanan. And about not stopping you when you walked away at that time ay dahil nasaktan ako when you said Ezekiel’s better than me. I hurts so much that time that I was numb and dumbfounded for almost and hour before I realize na dapat ay pinigilan kitang makaalis,” mahabang paliwanag nito at hindi niya alam kung namalikmata siya but she saw pain in his eyes pero nawala din ito kaagad. 

“I-I’m sorry for saying hurtful things to you it’s just that I was hurt that time, hindi ko napigilang magsabi ng masasakit na salita kasi gusto kong maramdaman mo kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin. Sinabi sa akin ni Rika na kaya daw kayo naghiwalay dahil na rin sa ikinumpara ka rin niya kay Zeke,” she really felt sorry about it at kung hindi lang niya gustong matapos ang paliwanag nito at maliwanagan siya ay matagal na niyang niyakap ang binata. 

“It’s alright, I think I deserved it at kahit hindi mo iyon sinabi I was still dying inside that time dahil galit na galit ka sa akin. Let’s forget about that issue for now and focus on my explanation. Remember when I asked you about the person who’s so important to you lying?” 

“Yes, I remember that and I thought it’s just about your issues.” 

“You are my issues too and I am the person who’s important to you na nagsinungaling sa iyo and when I heard your answer to my question doon ako natakot so I lied to you again and believe me, it was the lamest lie I ever said just for you not to leave me.” 

“Sana sinabi mo na lang ang katotohanan kaysa nagsinungaling ka pa ulit. Did you know na nagpakatanga ako at pikit-mata kong tinanggap ang pagsisinungaling mo sa akin that time dahil mahal na mahal kita?” 

“I know what you did that time at dahil doon mas minahal pa kita ng sobra at mas natakot akong mawala ka sa akin. I love you so much, Ayca, I know saying that and saying sorry won’t make you come back to me but I just want to tell you the truth kasi ayaw ko nang magsinungaling sa iyo nor hurt you again. Now, if you do want to reject me then you have all the right in the world,” sabi nito at pumikit ng madiin waiting for her to reject him. 

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya hanggang sa makita niyang may inaabot pala ito sa kanya while his eyes were shut: isang panyo. She took it at pinunasan niya ang luha niya. Actually, biglang nawala ang galit niya dito ng aminin nito ang pagkakamali at sabihin nito sa buong mundo na his only a human being na natatakot at naduduwag din. She stepped closer to him and then hugged him. 

“Basta promise me na this will be the last time na magsisinungaling ka specially now that I am accepting your proposal. As your future wife, you cannot lie to me anymore, okay?” sabi niya at nginitian na ito. 

“D-did I hear it right? Na you are saying Yes to my proposal?” 

“Malamang! I love you so much na nagpakatanga at umiyak ako ng balde-balde na inakala ko dugo na ang susunod na lalabas sa mga mata ko! I was broken hearted severely at kahit nga ang ultimate crush kong si Ezekiel, na kamukhang-kamukha mo, ang nakikipag-flirt sa akin noon ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko! Kaya malamang I will say YES!” mahabang paliwanag niya dito. 

All of the sudden namalayan na lang niyang nasa ere na siya dahil binuhat na pala siya ni Evzen and happily said, “Finally, she’s mine!” 

“Ibaba mo ako at nahihilo na ako!” sabi naman niya and was laughing too. Ibinaba naman siya nito. 

“Finally, you are mine too,” sabi niya and her hands automatically went up towards his shoulder straight to the back of his neck at inilapit ang mukha nito sa kanya. 

“I am all yours, love,” sabi nito at ito na mismo ang nag-close ng distansya nila sa isa’t-isa and gave her a kiss. It was a long and very sweet kiss full of passion at narinig niyang humiyaw na ang mga tao sa paligid and said congratulations to them. Naramdaman naman niyang may kamay sa balikat niya kaya naman itinigil nila ang halikan. 

“PDA na masyado! Tama na iyan! And br—ouch! Bakit mo ako sinuntok?” asik ni Ezekiel sa kambal na sumuntok dito.

“That’s for flirting with my wife while I wasn't around,” 

“Maka-wife ka kaagad diyan e wala pa nga kayong engagement ring!” sabi ni Ezekiel dito. “At saka ako nga dapat ang gumawa niyan sa iyo dahil ikaw pala ang may kagagawan why I was hunted by ladies at pinagsasampal ako when I don’t even know them pero dahil it’s your important moment, hindi na kita sinaktan pa,” mahabang pagdagdag pa nito. 

“Well, I think you deserve it that time, brod,” sabi naman ni Theo kay Ezekiel habang nakangising nakamasid sa kanila. 

“Oh right!” sabi naman bigla ni Evzen at tumingin kay Ran. Ibinigay naman ni Ran ang isang maliit na kahita. Nakita niyang lumuhod ito sa harap niya. 

“Thank you for accepting me, love,” yun lang at isinuot nito ang singsing sa daliri niya. “I promise that I won’t lie to you nor hurt you again because I love you so much.” 

“I love you too,” sabi niya dito and was about to kiss him ng may marinig siyang announcement. 

“All Passengers to EK113, please board to gate N34. All Passengers to EK113, please board to gate N34.” 

“Oh! Papunta nga pala akong France! What should I do?” tanong niya while looking at the eyes of the man she loves. Nawala sa isip niyang pupunta nga pala siya doon. 

“I already called Mr. Val Lherino earlier to cancel your trip at iba na lang ang ipadala nila. He agreed so you are staying with me here…forever,” he said and gave her one of the most mouth-watering and knee-melting smiles. She felt so special dahil sa kanya at alam niyang sa kanya lang ang mga ngiting iyon. Wala ng iba. 

“Hmmm…sounds fun, I can’t wait!” sabi niya and hugged him again. “Wait, bakit nga pala andito silang lahat? I thought hindi kayo close?” 

“Well, we weren’t that close like Ezekiel and them but we became close last time na nag-inuman kami. They are here to help me at nag-agree sila na magpakita sa iyo, one of their loyal fan as a group, as one of their wedding gift for us.” 

“Really?” na-excite na turan naman niya at tumingin sa mga kalalakihang nakapalibot sa kanila. 

“Yes, at masasakal kami ng mga asawa naming if hindi kami tumulong. All our wives became friends at ng malaman nila na Chloe and our brod messed up your love story ay nalungkot sila,” El said to her. 

“Chloe was blaming herself at ayaw ng asawa ko na malungkot ang pinsan niya at masira ang love team niyong dalawa. She wanted to meet you soon too,” sabi naman ni James sa kanya. 

“Will you forgive my wife and me for being so stupid? Kami pa tuloy ang nag-reveal sa iyo ng secret ni utol instead of him telling it to you,” sabi naman ni Ezekiel. 

“Tell Chloe I forgave her and so are you,” sabi niya and gave her soon to be brother-in-law. 

“Well, guys, why don’t we leave the Airport now at pumunta na tayo sa bahay nina Mama Estella dahil our wives and children are waiting for their arrival,” sabi naman ni Sean na nagpaalala sa dapat nilang gawin. 

“May handaan?” nagtatakang tanong niya. 

“Yeah, it’s better be ready than to be sorry, right?” natatawang turan ni Evzen sa kanya. 

“And I thought you weren’t confident na mag-Yes ako?” 

“I am kaya lang I want to believe that you are crazily in love with me and you will say yes once I told you the whole truth,” 

“Well, let’s just say that I fell in love crazily to a Crazy liar like you,” she said and gave him a quick kiss. “Pero nagtataka lang ako, kelan ka na-inlove sa akin?” 

“Hmmm,” napag-isip ito saglit and then childishly smiled at her. “Siguro nung hinalikan—,” siniko niya ito habang namumula siya sa sinabi nito. “Joke lang! pero seriously, I think it was the time nung nasampal mo ako. I was shaken by you and your feisty side then nung ikinuwento sa akin ni Nay Beth ang nangyari sa iyo nung childhood ka, nabuo sa isip at puso ko that I need to protect you with all of I have.” 

“Buti pala sinampal kita ano?” 

“Well, yeah at ang sakit ng sampal mo that time pero hindi ko doon narealize na mahal na pala kita.” 

“Kelan?” 

“It was the time na muntikan ka ng masaksak ng magnanakaw. I don’t know how I manage to ran that fast towards you at nasipa ko ang magnanakaw. All I was thinking that time ay ang mailayo ka sa kapahamakan and my mind went blank nung maisip ko na mawawala ka sa akin. I was agitated pero nawala ang galit ko sa iyo nung tumakbo ka para humabol sa kapahamakan when you gave me this keychain,” sabi nito at inilabas ang keychain na ibinili niya for him. Nasa lalaki pa pala ito. She smiled and lightly touched it. 

“I should give you a proper gift.” 

“You gave me what I need and I am already happy.” 

“Ano yun?” 

“You, your love, your trust and your forever.” 

“Mababaw din pala kaligayahan mo ano?” 

“Mababaw ba?” napakamot ito sa ulo. 

“Yes, kasing babaw ng akin kasi ikaw din ang kaligayahan ko,” sabi niya and gave the man another kiss. 




END 

was what I was about to say pero dahil requested ng bida na magkaroon ng epilogue then her wish is my command. And I don’t want to finish this story with 13 chapters only, malas ang number na iyon eh so I’ll add the last one just to finally close this Series. :) Enjoy the Epilogue guys!

No comments: