Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Saturday, January 26, 2013

JESTER Series Special - Chapter 12

Copyrights © 2013. All Rights Reserved.



That day, hindi alam ni Ayca kung paano siyang nakauwi sa bahay nila. Her mom was so shocked that dawn ng maabutan siya nitong nakaupo sa harapan ng bahay nila at umiiyak. She didn’t bother to wake her mother up to open the house, umupo na lang siya doon sa labas and cried her heart out. Her mom was worried about her dahil nilagnat siya ng ilang araw matapos ang gabing iyon. She even got hospitalzed dahil na rin sa hindi siya nakakain ng buong araw that day. 

Now, it’s been a month at nagsisimula na ulit ang school year. She told Evzen na iisipin na lang niyang isang malaking bangungot ang lahat pero hindi niya magawa. As if it’s as easy as that na kalimutan ang lahat pero kahit na nilalagnat siya, sabi ng nanay niya, ay tinatawag niya daw ang pangalang ‘Evzen’. Pathetic right? She just fell in love so hard na kahit na nasaktan siya ng ganoon ay mahal pa rin niya ang binata it’s jus this love’s giving her pain than happiness. 

“Miss Aranda?” 

Oh right! Nasa office nga pala ako ni Mr. Lherino dahil ipinatawag ako about something important. “Sorry, Mr. Lherino, what did you say again?” 

“Mukhang malalim ang iniisip mo ah,” natatawang turan ng mabait na may-ari ng eskwelahan na pinag-aralan niya at ngayon ay pinagtratrabahuhan na niya. “Anyways, I was talking about an offer we received a few weeks ago. Pinag-isipan naming mabuti ang lahat kaya naman ngayon lang namin sasabihin ito sa iyo and we came to this decision. The sister school of Lherino Exclusive School for Music were offering a job for you in France. They said that they were impressed by your performance and the way you taught our students here. Kaya kami natagalan mag-desisyon dahil mawawalan kami ng isang magaling na teacher but I thought that it will be a good opportunity for you at marami ka ring matututuhan sa kanila.” 

“Thank you for the o—,” tatanggihan na sana niya ito but Mr. Lherino spoked again. 

“Don’t decide harshly and think about the offer para naman hindi masabi ng kabila na pinipigilan ka naming dito. There’s still plenty of time dahil they are waiting until the half semester for your reply,” sabi pa nito sa kanya. 

“Thank you, sir, pag-iisipan ko pong mabuti.” 

“That’s a good answer. Now, mukhang naabala ko na ang working schedule mo so Miss Aranda, you can now go.” 

“Thank you again, Sir. I’ll go ahead,” yun lang at lumabas na siya. France? Masyadong malayo yun but maybe it will be a good place to heal my broken heart. A good distance away from…him. 

Dahil sa malalim ang iniisip ay hindi niya nakita na may tao palang makakasalubong niya. Nabunggo niya ang lalaki at napahawak siya sa balikat nito not even looking at the mon, she bowed and said her sorry. “Sorry, sir, pasensya na po at nabangga ko kayo malalim lang po ang iniisip ko.” 

“It’s alright but can I ask kung nasaan ang office ni Mr. Val Lherino?” 

Again, without even looking at the man she bumped into ay tumalikod siya and pointed the door na nilabasan niya kani-kanina lang. “Doon po, sir, sige po at aalis na ako marami pa po akong gagawin. Sorry po ulit,” yun lang at nilagpasan na niya ito.



Okay, freshen up! Let’s go and have some fun, brother!” maingay na sigaw ni Ezekiel sa kwarto ni Evzen as soon as the guy walked in. He turned the lights on na nakasilaw sa mga mata niyang nasanay na sa dilim. It’s been a month since he decided to live with his parents at nagkulong doon. His grandfather’s house seems too big and lonely for him since the day Ayca left the house. Just thinking of that day makes his heart clench. 

“Shut the hell up and go away. Leave me alone! You are ruining my peace!” sigaw niya dito at binato pa niya ito ng unan just to prove his point na ayaw niyang magpaistorbo dito, lalo na ito dahil pinapaalala nito kung gaano siya kagago. 

“I know…kasi he will never be like you. Atleast, Ezekiel didn’t lie to his wife! He is so much better than you!” 

Tama naman ito, it seems na mas ‘better’ ito sa kanya dahil hindi ito nagsinungaling sa asawa nito while him on the other hand didn’t even had the courage to tell Ayca the truth. Somehow, he accepted the fact na magiging ‘mas’ sa kanya ang kapatid dahil kahit ang babaeng pinakamamahal niya ay sinabing mas pa ang kapatid niya. 

“Arrgh! This is frustrating!” pagsinghal ng kambal nito sa kanya which caught his attention. “Sa tingin mo ba gusto kong andito ako at hilain ka palabas sa pinagkakalunggaan mo and looked at my used-to-be proud eldest twin brother looking like that? No! So get the hell out of your bed at lalabas tayo sa ayaw at sa gusto mo,” sabi nito and walked towards his bed at hinatak nito ang kumot na nakadagan sa kanya. Cans of beers and more cans of beers were revealed next to him. 

“Make me!” he challenged at his youngest brother. Without thinking hinila siya nito sa kama but instead of him standing up, Ezekiel was pinned down to bed. He might look like a pathetic loser and a weak man pero hindi siya papatalo dito physically. He saw his brother’s face turning red, choking and coughing at doon niya lang na-realize na medyo napalakas yata ang pagtulak niya ng braso sa leeg nito so he let go. 

“Do you want me to die?” Ezekiel said in between coughs while holding his neck.

“I think so…I don’t know,” pag-amin niya dito. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin or ang dapat isipin. “I just knew na gusto kong maging ikaw for the first time. Na gusto kong maging ‘Ezekiel’ na iniisip ni Ayca, maybe makita niya ako.” 

“Kapag namatay ako at ikaw ang pumalit sa puwesto ko, hindi ka pa rin magiging ako nor will make Ayca look at you properly.” 

“I know…” mahinang sabi niya dito. “I’m pathetic right?” 

“No…you just fell in love. I was like that too pero kahit kelan hindi ako naging insecure at never kong naisip na sana ibang tao na lang ako because I am me,” sabi nito dito. Ito naman ang kinaiinggitan niya sa kapatid niya kahit noon pa man. Matapang ito sa kanya kahit na mas matanda siya dito. “Look, hindi ako marunong mag-advice but the brod might help you so I suggest you come with me,” sabi nito sa kanya. Nag-isip muna siya ng matagal before nodding. 

“Alright, you won. Maliligo at magbibihis na muna ako.” 

“And get some shaver too. You look like a cave man,” sabi nito and grins. Binato niya ulit ito ng unan but Ezekiel just run while laughing. It’s the first time na nagpasalamat siyang may kapatid siyang lalaki para alugin ang utak niya at makapag-isip siya ng matino. Naligo na siya at inayos ang sarili bago bumaba at puntahan ang kambal. Hindi niya inaasahan na andoon din ang mga magulang. 

“It’s a good thing na napalabas ka ng kambal mo. I heard na lalabas kayo to meet his best friends,” masayang sabi ng nanay niya and hugged him. 

“Enjoy and listen to their advice, son, at kung hindi sapat ang advice nila, let me hear your problem. Me and your mom will definitely help you,” sabi naman ng tatay niya sa kanya which made him happier. Noon, kapag may problema siya ay hinahayaan siya ng lolo niya na ayusin itong mag-isa kaya naman hindi siya sanay na mag-open up at humingin ng tulong but getting help for the first time in a very long time felt really great. He nodded telling his dad that he will do what he said. 

“Let’s go? Kakakausap ko lang kay Ran and he said na andoon na daw sila,” sabi ni Ezekiel sa kanya. Yumakap ulit siya sa nanay niya and gave a quick hug to his dad bago sila umalis ni Ezekiel. 



I can’t believe it! Parehong-pareho nga kayo but I can sense that this man is much better than Ezekiel! Saan ka nagtago at ngayon lang kita nakita…I mean, ngayon lang kita nakilala. Nakita is kind of not appropriate kasi lagi kong nakikita ang pasaway mong kambal,” natatawang turan ni Theodore De Guzman sa kanya aka Theo. Napangiti siya. Looks like the friends of his twin wasn't half bad. 

“Hinayaan kong ang kambal kong ito ang mapunta sa limelight kasi baka umiyak yan kung nakiagaw pa ako,” nakisakay na panunukso niya sa kapatid. 

“I called all of you not to bully me but to help my lovesick brother,” sabi naman ng nagkukunwaring badtrip na kapatid pero alam ng mga ito na hindi dahil nakangisi itong umupo sa tabi ni James Cristobal. “I need to seat here dahil baka mapagkamalang ako ikaw and vice versa.” 

Everybody said “Ahh! Another lovesick man!” 

“Yeah, para di na rin kami masyadong malito, baka ma-offend ang kambal mo kapag inakala naming siya ikaw e mas malamang naman na mas matino ang kambal mo sa iyo,"natatawang sabi ni Elliot Rivera sa kambal niya ng sabihin nito na uupo ito sa tabi ni James. "But that aside, Akala ko last na nating makikita nating ang isang lalaking lovesick ay si Ran at di alam ang gagawin like the rest of us pero mukhang pareho ka lang naming! Welcome to the Club!” masayang sabi pa nito sa kanya.

“Hey! Stop that! Bakit ba ako ang nakikita niyo lagi?” angal nan g kambal niya. 

“Malamang! Dalawa na ang nakikita namin eh at dahil mas close kami sa iyo ikaw ang aasarin namin,” sabi naman ni Randolph Archuetta na ikinatawa ng lahat maging siya. 

“Exactly, pero diba hindi ang pang-aasar natin sa ka-brod natin ang ipinunta natin dito?” taking tanong ni Sean McConnel na ikinatungo ng lahat maliban sa kanilang dalawa ng kambal. 

“Well, why don’t we let Evzen talk,” sabi naman ni James at nabaling ang tingin ng mga kalalakihan sa kanya. Nasa loob sila ng kilalang music lounge sa buong pinas at mukhang suki ang mga ito dito dahil kilalang-kilala na ang mga ito dito sa Senang Hati. 

“Let me. Hindi magsasalita yan dahil di niya alam kung saan siya mag-uumpisa,” tulong sa kanya ng kambal niya na ikinangiti niya. 

“How did you know?” taking tanong ni Sean. 

“Try having a twin and you will know the feeling,” nakangising turan nito at proud na may kakambal ito. He felt ashamed, somehow buong buhay niya he was thinking why the hell did God gave him a twin dahil sa galit niya but now nagsisisi siya. He never really knew the wonders of having a twin. 

“Thanks, bro but I think I can handle the explanation,” sabi naman niya. Hindi na siya pwedeng tumakbo na lang lagi sa problema niya. Dahil naduwag siya kaya nawala sa kanya si Ayca and he needed to at least try harder to be brave para kapag hinarap na ulit niya ito ay may maipagmamalaki siya. 

“Suit yourself. The floor is yours…errr, I mean the lime light. Okay, I’ll shut up,” sabi na lang nito na ikinatawa ulit nilang lahat but then he went serious at tumigil na rin ang mga itong tumawa. 

“I messed up because I lied to the woman I fell in love with. You see, I hated my parents and my twin for the longest time in my life at ngayon na lang kami nagkakaroon ng oras para magkaroon ng bonding time and reconciliation. I planned to ruined my brother’s life thinking na dahil sa kanya ay nasira ang buhay ko. Now, I realized na I was just blaming him sa lahat ng hindi ko ginawa at ginawa ko sa buhay ko. Nang malinawan ako and wanted to tell her everything about myself ay natakot ako. Natakot akong mawala siya sa akin and tama nga ang nangyari… nawala siya ng malaman niya ang katotohanan,” mahabang sabi niya dito. 

“Dahil ba sa katotohanan kaya siya lumayo sa iyo or she left you because you lied to her?” basag na tanong ni Ran ng mabalot ang mga ito sa malalim na pag-iisip. 

“S-she left me because I lied to her not because of the truth,” pag-amin niya. 

“Then the answers right in front of you,” sabi naman ni James sa kanya. 

“What do you mean?” 

“Tell her kung bakit ka nagsinungaling and tell her why you didn't tell her the truth as soon as possible,” salo naman ni Theo sa pagsagot. 

“Right, and do it quick. As I heard from your ‘information gatherer’ twin ay ang pangalan ng babaeng minamahal mo ay si Danica Aranda, right?” pagkokompirma ni Sean sa kanya. 

“Yes,” bigla lumakas ang kabog ng dibdib niya. Ganoon ang epekto sa kanya ni Ayca na sa simpleng pagbanggit lang ng pangalan nito ay hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. 

“Oh right! I heard something about her too,” El said. “You see one time dumaan ako sa Lherino Exclusive School for Music and I saw a lady with a name plate: Danica na lumabas sa opisina ni Mr. Val Lherino. I was there to talk about his plans on building another school in a different region and naalala ko na nagtratrabaho nga yung si Danica doon kaya I asked Mr. Lherino about her, mukhang may offer sa France,” mahabang paliwanag nito. 

“Yeah…about that, It was confirmed na pupunta ito sa France. Nang marinig ko kay El ang offer about Danica ay ipina-alert ko sa lahat ng airports ang name niya if ever magpabook siya ng flight,” paliwanag naman ni Sean sa kanya. 

“You heard them, bro, you better move quickly and take your woman back like what everyone of us did,” sabi naman ni Ezekiel. “You see hindi lang ikaw ang naging tanga at naging duwag sa pag-ibig, even me. I think I was the worst dahil nagkaanak pa ako sa ibang babae,” sabi pa nito to console him. 

“I think I was the worst because I deliberately pushed her away by saying mean things dahil naduwag ako,” sabi naman ni Theo. 

“Well, tama na ang pagkumpara kung sino ang worst of not when it comes to love. Right now, our main man has a huge problem but don’t worry, tutulong kami hanggang sa makakaya naming but right now let’s just drink for the reunion of the twins and reunion of JESTER!” sabi naman ni James at nag-cheers sila and did get drunk.



ITUTULOY...

No comments: