Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 8: The Past

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


SINO ang babaeng ito?!” 

“She’s my guest, Lolo.” Kalmadong tugon ni Ran sa lolo nito at tumabi sa dalagang natulos sa kinatatayuan. Mukhang nagulat sa pagdating at pagmamaliit na tinging ipinukol dito. “She’s here to persuade me for an interview.” 

“Persuade?” Nakakalokong tumingin ulit ang Lolo niya sa dalaga at napatingin sa kanya. “Using her body?” 

“Mawalang galang na po pero nakakabastos na po kayo!” Asik nang dalaga. Nagulat siya dito dahil ang akala niya ay natatakot ang dalaga sa Lolo niya but he was wrong. Nakikipag-away na ito sa lolo niya. 

“Bakit? Hindi ka ba kabastos-bastos? Look at your clothes ni wala ka na ngang pantakit sa dapat takpan e! Use a proper clothes when you know that you’re going to a man’s place.” 

“Proper ito, Mr. Archuetta. As you can see, nakatago naman ang dapat kong itago or takpan. Hindi po ako kabastos-bastos kahit itanong niyo sa apo niyong walang gusto sa babae.” Napaturo pa ang dalaga sa kanya. 

“You’re a liar! Paanong hindi nagkakagusto sa babae ito e lagi ngang nagpapalit nang babae every week!” 

“Stop this childish arguements. Hindi kabastos-bastos si Miss Sandoval, Lolo. Bakit ka nga ba naandito?” 

“I came here to tell you that I made arragements for a blind date. Matanda na ako, RJ. Bigyan mo naman ako nang apo bago man lang ako mamatay.” 

“Hmp! Mamamatay daw.. E ang lakas lakas pa at matagal pang mamatay ang masamang damo...” Bulong nang katabi niya na ikinatawa niya. His very amuse at what he heard. May mga babae palang walang takot sa lolo niya. 

“I don’t like blind date, Lolo. I have a girlfriend.” Sabi niya sabay sulyap sa babaeng halatang nagulat rin sa narinig pero mukhang iba ang naiisip nang lolo niya sa ginawa nilang lihim na sulyapan. 

“To her?! Para kang ama mo! Mahilig sa babaeng ang propesyon ay ang dahilang kung bakit ka nag-iisa ngayon!” 

Doon siya napatiim-bagang. Alam niyang hate na hate nang lolo niya ang Mama niya at galit din siya dito pero ang marinig ito sa bibig nang ibang tao ay nakakagigil. Napatingin siya sa lolo niya. “Don’t talk about that lady in front of me, Lolo. I don’t even want to think about it. I’m sorry, Lolo, pero lalabas kami ni Vega para mag-usap. Kung pwede lang po ay umalis na muna kayo.” 

Napabuntong hininga ang matanda at tumitig sa kanya. “I’ll go but make sure to go for the blind dates. I want you to change your mind about that lady and meet a proper lady that has the same class as you.” Sabi nito at lumakad na palabas. Nakita niyang napasimangot ang dalaga sa pinagsasabi nang lolo niya. Nang masara na ang pintuan ay doon ito naglabas nang sama ng loob. 

“Hindi na ako nagtataka kung saan ka nagmana. You are like your grandfather. Arrogant and very rude! Proper lady? Ano ako hindi proper? Class? Meron din ako nun sa mga taong karapat-dapat pakitaan nang pagka-class. Nakakaasar ang lolo mo, Ran-ran ha!” Dahil siguro sa galit ay nakalimutan nitong tawagin siyang Mr. Archuetta or Boss. 

Tumikhim siya na nagpatingin sa babae. Nagtataka ito nang nakataas ang kilay niya pero nakangiti siya, doon naman ito napasinghap. “What did you just call me?” 

“R-ran-ran, Boss. Sorry ha.” Sabi nito at ngumiting nanghihingi nang tawad. 

“Nevermind that. Let’s go.” Sabi niya at kinuha ang susi sa may drawer at lumakad na patungo sa pintuan pero nang wala siyang marinig na yabag ay lumingon ulit siya sa babaeng nakatanga sa kanya. “What are you doing? Let’s go.” Sinenyasan na niya itong lumapit sa kanya pero di pa rin talaga ito gumagalaw sa kinatatayuan. 

“E hindi ko pa tapos linisin ang kwarto mo e. Diba clean freak ka?” Inosenteng sabi nito sa kanya na nakapagpahalakhak sa kanya. 

“I am not a clean freak and you can forget that job for now. I am telling you what to do first. Let’s go.” Sabi niya dito na nagpagalaw na sa wakas sa dalaga. Tumakbo ito patungo sa bag nito at isinukbit sa balikat at sumunod na sa kanya palabas. 

“Di ka pala clean freak e, Bakit mo gusto super kintab nang banyo niyo?” 

“To bully you...” Sinsero niyang sagot sa babae na nakapagpanganga at nakapagpalingon sa babae sa kanya habang naglalakad sila. Natatawa siya sa reaksyon nito kaya naman hindi na niya sinabi na mababangga ito sa pader. It’s verified, He wanted to bully the lady. 

“Ouch!” Nasaad nito nang tumama ang noo nito. Hinimas-himas nito ang noo na hindi niya napigilan at hinawakan niya ang balikat nang dalaga at sapilitang iniharap sa kanya. Nakita niyang namumula na ang noo nito. “Bakit di mo ka—.” Napahinto ito sa pagsasalita nang haplusin niya ang noo nito. Magkalapit na naman sila. 

“You should always look infront of you... You are really clumsy just like before.” Sabi niya dito na nagpangiti dito. 

“Naaalala mo na ang mga pinagsamahan natin?” 

“Ano ako may amnesia?” 

“E sabi mo kasi di mo ako maaalala e. Nakakatampo ka kaya.” 

“Matagal ko nang inamin na kilala kita ah. Since nung nilinaw mong hindi ikaw ang nagbigay at nagpapublish mismo nang article tungkol kay Ara.” 

“Ai, oo nga pala pero ayaw mo pa ring tawagin kitang Ran-ran.” Inilayo na niya ang kamay at dumistansya na rin. 

“It’s childish and not that unique.” Sabi niya na lang dito at lumakad na patungo sa pinag-park-an nang kotse nito. 

“Unique kaya yun at hindi childish yun no.” Sabi nang nakangusong babae na sumusunod sa kanya. 

“Do whatever you like but when you’re working under me... Call me, Boss or Mr. Archuetta.” 

“So... nagwo-work pa ba tayo ngayon, Mr. Archuetta?” 

“Nope. We are going somewhere...” 



NAGTATAKA man ay sumunod na lang ito at umupo na sa passenger seat nang sasakyan nito atleast kahit papaano ay pwede niya nang tawaging Ran-ran si Randolph pero ang ikinapagtataka niya ay kung bakit nasabi nitong hindi iyon unique? Wala naman tumatawag na Ran-ran dito kundi siya ahh. Unique na nickname iyon para kay Randolph. 

“So narinig mo na sa Lolo Rafael ko ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa inyong mga writer...” pagbasag ni Randolph sa katahimikang namamagitan sa kanila. Narinig niya nga iyon pero hindi na siya mangungulit alamin ito kung ayaw naman nitong pag-usapan. Nagulat na nga lang siya at ito na ang unang nag-open. 

Tumungo siya kahit na hindi nito nakatingin sa kanya. “...pero kung hirap ka talagang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan mo ay ok lang.” 

“It’s fine. Ang ayaw ko lang ay ang maririnig mismo iyon sa bibig nang ibang tao. Tsaka writer ka rin... I guess konektado ito sa iyo kasi nga propesyon nang mama ko ay isang writer.” 

“Sabagay... Sige. Ikwento mo lang. Makikinig ako.” 

“I will. As soon as we get to the place that I will take you.” Sabi nito at nag-drive na palabas nang maynila at patungo sa Tagaytay. Doon ay tumigil ito sa napakagandang resthouse na nakaharap sa Taal Volcano pero di sila pumasok muna doon at naglakad si Ran patungo sa bench na di kalayuan sa resthouse. Umupo si Ran-ran doon at humarap sa Taal. 

“Ang ganda naman nang lugar na ito. Sa inyo ba ito?” 

“It’s my fathers... Dito na naninirahan ang Dad ko dahil sa isang dahilan.” Sabi nito at napabuntong hininga. “This place was my favorite place in the whole place in the Philippines when I was still young. Me, my dad ang my mom used to always come here for vacation. Until one time, I woke up na wala na siya but I was still young to realize things and Dad told me that Mom needs to go back to Manila para sa isang mahalagang project. She told me and my dad that to wait here until she comes back from work but she never returned... I gave up pero Dad can’t dahil mahal na mahal niya si Ma. Lolo Rafael heard about my mom’s disappearance but he was never shock and even told us that she left because her work was more important than me and my dad.” 

Natahimik siya. Ganoon pala ang nakaraan nang lalake at nalaman na niya kung bakit ito galit sa mga babaeng writer. “Baka may dahilan kung bakit siya umalis at di na bumalik...” 

“Bakit may mas importante pa bang dahilan kaysa sa nag-iisa niyang anak?” May hinanakit sa boses at mata nito pero di mo makikita iyon sa mukha niya. Ngumiti siya dito at lumapit sa tabi nang binata. 

“Sa pagkakatanda mo ba ay ganoon ka-iresponsable ang Mama mo noon bata pa kayo? Na-feel mo bang hindi ka importante sa kanya?” 

“Yun na nga e, I felt it. I am so important to her but she broke my trust dahil hindi na siya bumalik noon hanggang ngayon. Ni tawag or paliwanag kung bakit siya umalis ay wala kaming natanggap. Ni si Papa nga ay hindi niya sinabihan or nagpaliwanag man lang.” 

“Babalikan ka rin nun at ipapaliwanag niya ang mga nangyari kung bakit di siya nakapagpailwanag nang umalis siya.” Sabi niya dito at niyakap ito. Nagulat nga ito dahil naramdaman niyang nag-tense bigla ang katawan nito pero unti-unti itong nagrelax at yumakap na rin sa kanya. Hinayaan niyang yakapin siya nito nang mahigpit para naman bigyan ito nang comfort. Gusto niyang kunin lahat ang hinanakit nito sa mama nito, kahit man lang iyon lang ang magawa niya. 

Humiwalay na ito sa kanya tumingin ulit at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga. “It’s the first time, I opened this matter to a woman. Alam lahat nang ka-brod ko ang nangyari sa aking nakaraan. Since then I didn’t like woman with a writer job. Pero dumating ka noong highschool and I just can’t help but to be next to you pero nung lumabas nga ang article na hindi dapat ilabas... My trust was broken twice.” 

“Sorry...” Nasabi na lang niya at napasandal na ring tumingin sa Taal. 

“You don’t need too. Atleast nagpaliwanag ka na at hindi ikaw ang talagang nagpalathala nun. I am fine but still... give me some time to think about getting an interview. Hindi mo pa rin maiaalis sa akin na ayaw ko talaga sa mga writers. 

“Alam mo... Maswerte ka nga e dahil may nanay ka pa at alam mong buhay pa ito.” 

“Ikaw ang mas maswerte. Laging nasa tabi mo ang nanay mo.” 

“Si Mama? Hindi ko siya tunay na ina...” Nagsimula na rin siyang magkwento. Naramdaman niyang napatingin ito sa kanya. 

“Mentor siya nang pinsan kong si Ate Donnie. Si Ate Donnie ang nagpakilala sa akin kay Mama at si Ate din ang nagkwento ng kalagayan ko sa kanya.” 

“Kalagayan?” Nagtatakang tanong nito. 

“Yes. Ang mga magulang ko ay namatay dahil sa isang aksidente. Nalaman iyon nang pamilya ni Ate Donnie at kinupkop ako pero kahit hindi nila sabihin ay hirap silang magpalaki nang dalawang batang nag-aaral. Alam namin iyon ni Ate Donnie and even made a plan para makahanap nang mag-aaruga sa akin. Saktong dumating si Mama at ayun naikwento ni Ate Donnie ang nangyari sa akin. Mama then told me na pwedeng pwede akong tumira sa bahay na inuupuhan nito. Since nung highschool, si Mama na ang naging tatay at nanay ko. So maswerte ka pa rin na buhay ang nanay mo at may oras pa para bumalik sa iyo while my parents cant.” Mahabang kwento niya dito. Ok na sa kanyang ikwento iyon. In the first place, batang-bata pa siya since namatay ang mga magulang sa aksidente at hindi na niya masyadong naaalala pa ang mga mukha nang mga ito. 

“I’m sorry.” Sabi naman nito. Napangiti siya at napatayo. Nag-inat siya at sinamyo ang hangin. Nang matapos ay tinignan niya si Ran na nakatingin sa kanya. 

“Wala na yun. It’s all in the past. Andyan na naman si Mama e. For me, I am not completely alone. Halika, Ran-ran. Ilibot mo ako sa lugar niyo.” 

“Sure... But for now let’s go in and let me introduce you to my father.” Sabi nito at tumayo na rin. 

“Ai masungit ba ang tatay mo?” 

“You will know...” Natatawang turan nito at sinabayan siyang lumakad patungo sa resthouse nito.




ITUTULOY...

No comments: