Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 7: Slavery

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.



YUP, ako nga.” Sabi nito na natawa pa. “Kagulat-gulat bang tumawag ako sa iyo?” 

“Medyo po, Sir.” 

“Wag mo na akong tawaging Sir. Nabalitaan kong nakabakasyon ka para sa paghahanda sa ‘Promotional Article’. So right now ay hindi mo na ako Boss. I am here as not so close friend.” 

Natawa siya sa sinabi nitong ‘not-so-close-friend’. For two months na naging busy siya at nagpupuyat, Si Sir Tan ang nag-eentertain sa kanya at naghihintay sa kanya hanggang sa makauwi siya. Ito na rin ang nagdadala nang mga pagkain kapag nalilipasan siya nang kain. Naging super close na kasi sila nito, hindi niya nga akalain na sobrang bait talaga ni Sir Tan. Gusto niya nga minsang isipin na nagpapalipad-hangin ito sa kanya pero super naman ang kapal nang face niya kapag nagkaganoon nga. Si Edna kasi e, kung anu-anong pinapasok sa isipan ko. Ang echozerang froglet talaga na iyon. Super intrigera. 

“So kung hindi Boss ang itatawag ko sa iyo e ano? Wait isip lang ako...” sabi niya pa habang nakatingin sa kisame at tina-tap ang baba niya habang nag-iisip. “Tan-tan! Ayan, pwede ka nang maging close friend ko. Nabinyagan na kita nang nickname e, Tan-tan.” Nakangising wika niya sa binata sa kabilang linya. 

“What are you doing?!” Dumadagundong ang boses ni Ran-ran. Napalingon agad siya at nakita niyang nakasimangot ito at masama ang tingin sa kanya. 

“Sino yan? Ok ka lang ba Vega?” Nag-aalalang tanong ni Tan-tan sa kabilang linya. 

“Oo, Tan-tan. Tawagan na lang kita once na matapos ang ginagawa ko. Sige bye na muna.” Nagmamadaling pinindot niya ang end call button. 

“Are you deaf? What are you doing? Aren’t you supposed to be working? Why are you using your phone?” Malamig na turan ni Ran-ran sa kanya. 

“Sorry, Boss. Kasi si Tan-tan e.. I mean si Sir Nathaniel po, tumawag to congratulate me. Hindi na po mauulit.” 

“I don’t care who call you and why did he call but I don’t want to hear or see you flirting while you’re working under me. I might as well confiscate your phone while you’re still working. Give it to me.” Inilahad nito ang kamay. Gusto niyang batuhin ito nang cellphone dahil na rin sa sinabi nito na nakikipag-flirt siya. Never siyang natawag na flirt nang mga tao dahil hindi siya flirt at never niyang gagawin iyon. Pero tama naman ito na kapag nagtratrabaho ay hindi dapat naiistorbo sa ginagawa. Magkabaliktad ang pagiging writer bilang pagiging alila. 

“Tuod ka ba?” Nakakalokong nginitian siya nito at nilapitan. Lumapit ito nang sobrang lapit na feeling niya ay bubunguin siya pero huminto ito nang isang dangkal na lang ang distansya nila. Napatingala tuloy siya dahil nga nakaupo siya habang kinukuskos ang inidoro at ito naman ay nakapamulsa nang naka-yuko sa kanya. 

“Hindi. Nagulat lang ako. This is my private property, Boss. I-silent ko na lang ito para di ko na malaman na may nagtext or tumawag but I cannot give it to you.” 

“Bakit may say ka ba sa rules dito? I am your boss at ang pagkakaalam ko, Alila kita. Ang mga alila, wala dapat say sa lahat at gagawin lahat ang iniuutos ko.” 

Napatayo siya bigla. Iniinis talaga siya nang mokong na ito. Ang sarap kaltusan at sipain sa kung saan. “Pero may human rights ako! Wala kang karapatan na kunin sa akin yun.” 

“Wala nga. Fine. Lumabas ka na dito and don’t expect me to even give you one word for the interview. Goodluck on finding a new subject at this time.” Nakangisi pa ring sabi nito. Dahil nga isang dangkal lang ang pagitan nila ay sobrang lapit na nila sa isa’t-isa nang tumayo siya dahil di man lang ito gumalaw at lumayo. 

Napabuntong hininga siya. Inilahad niya ang cellphone at kinuha ang kamay nitong nakapamulsa pa rin at inilgay ang cellphone sa palad nang lalake. “I can find a new interviewee without any hassle at this time, Boss, pero kapag lumabas ako dito ay meaning na nag-give up na ako at wala sa bokabularyo ko ang mag-give up. I will take your challenges head on!” 

“We will see about that because I caught you doing nothing in working hours, I wanted you to PERFECTLY clean this bathroom. I want it sparkling clean and once you finished this, go to my room. I want it to be dust-free and organized. I’ll check it once your done...” Tumalikod na ito at ibinulsa na rin ang cellphone niya at lumakad na patungo sa pintuan. Kinuha niya ang pangkikiskis at inambahan ang lalake nang bumaling ito sa kanya. She was caught pero ngumisi lang ito. 

“By the way... Goodluck and your zipper’s open.” Yun lang at tumalikod na ito. Pinamulahan siya dahil sa dalawang bagay. Asar dahil sa pang-aalila sa kanya nang lalake at Pagkapahiya dahil nakalimutan pala niyang isara ang zipper nang maong shorts niya nang umihi siya bago magsimulang maglinis. Naaasar na itinaas na sinara niya ang shorts at umupo na ulit. 

“Good luck-in mo mukha mo! Nakakaasar ka! Arrrg!” Impit na sigaw niya at gigil na sinabunutan ang sarili. Nag-inhale at exhale muna siya ng ilang beses bago siya nahimasmasan. “Wag dapat magalit e. Ang beauty nababawasan. Baka pumangit na ako kapag nagkaharap kami ni crush Tan-tan e at baka hindi pa ako matapos kung mag-ngingitngit lang ako dito. Baka isipin nang lalake na nagpapatalo siya sa kung anumang laban nila.” Sabi na lang niya at nagsimula nang maglinis. She will make sure na malinis na malinis ang mga ito para maipamukha niya sa lalake na hindi lang niya kaya, kundi magaling siya! 



NAKAUPO si Ran sa may sofa at tinititigan ang cellphone nang dalaga. Nakailang tawag na ang ‘Sir Tan’ sa phone nang dalaga. Ang sarap burahin nang pangalan pero baka isipin nang dalaga na pinakialaman niya ang cell nito. Napakunot tuloy ulit ang ulo niya nang mag-ring ito. Naasar na hinablot niya ang cellphone at di mapigilang sagutin iyon. 

“Hello?” Nakaasik na sagot sa cellphone nito. 

“This is Vega’s phone right?” 

“What do you think? You are the one who dialled the number, why do you have to ask?” 

“E kasi naman lalake ang sumagot. Malay ko ba kung nagkamali ako nang tawag. Sino ka ba? Bakit mo pinakikialaman ang cellphone ni Vega.” 

“It’s none of your business and don’t ever call her again because she’s mine,” galit na sabi niya dito and ended the call. Pinatay na rin niya ito at iniitsa na naman sa lamesa ang cellphone. Doon naman lumabas nang banyo si Vega. 

“Boss...” tawag nito sa kanya. Lumingon siya and plastered an annoyed expression on his face and raised his eyebrow. 

“What?” 

“May narinig kasi akong kausap mo. Akala ko ay ako ang tinatawag niyo e. Nadito na rin ako para sabihing tapos ko nang linisin ang banyo niyo. Pwede niyo nang i-check at mag-uumpisa na ako sa next work ko.” Nagkibit balikat lang ito at tinignan ang cellphone nito. 

“I turned your phone off. That annoying ‘Sir Tan’ of you calls every second. It irritates me.” 

“Ai ganon po ba, Boss? Sana nag-silent mode na lang ang phone ko para di napatay. Ano Boss? I-check niyo na po ba?” Tanong nito na napapa-rolleyes pa sa kanya. 

He stands up and walk pass the lady until he reaches the door of his own bathroom. Nakita niyang kumikinang nga ang mga muwebles at mga metal sa banyo niya. Napangiti siya. “I thought your only good point is to gossip around and write something flattery.” Sabi niya dito na nakapagpasimangot sa babae. 

“Laki ako sa hirap no. Tsaka mahilig naman ako maglinis. O siya sige, Boss. Sa kwarto niyo naman ako maglilinis.” Sabi nito at tumalikod na. He can’t help but to follow the lady with his eyes. He sighed. Ano nga ba ang sinabi ko kanina sa Sir Tan ni Vega? That she’s mine? Well, tama nga naman. She is mine dahil alila ko siya. 

Sumunod siya dito sa kwarto niya at nakita niyang inaayos na nito ang kama niya. Hindi naman talaga siya makalat na tao, at ni hindi nga niya kailangan nang alila. Hindi niya lang alam kung bakit siya nagsuggest na maging alila ang dalaga. Maybe I am just happy to see her angry and mad. 

Natigilan si Vega sa paglilinis at napangiti. Napakunot noo tuloy siya nang may abutin ito sa gilid nang kama at itinaas ito. Ang tshirt niya iyon. Dahil siguro hindi nito naramdaman ang presensya niya nang sumunod siya dito ay kung anu-ano ang ginawa nito sa Tshirt niya. Ran just amusely watched her. 


NAGAAYOS na siya nang kwarto nito nang magustuhan ni Ran-ran ang paglilinis niya sa banyo. She was in the middle of cleaning and making bed when she saw the tshirt of the guy that she wanted to kill so much because of being too bossy. Pero nang mahawakan niya ito ay hindi niya mapigilang yakapin na lang ito. Nakapagtatakang di ito amoy pawis kahit na nga ba alam niyang nagamit nang damit ito. 

“Tsk! Kung di ka lang suplado at super bossy ay super gwapo ka na sa paningin ko. Naalala ko pa na ikaw talaga ang crush ko sa inyong magkakaibigan kaya lang sobra naman ang pagbabago mo. Alilain mo ba ako at pagsalitaan nang masasakit na salita.” Naaasar tuloy na inilayo niya ulit ang damit nito at inilapag sa kama. Pinakatitigan ito at maya-maya ay sumimangot. 

“Nakakaasar ka talaga, Ran-ran. Nasaan na ba ang mabait ko kahit supladong kaibigan noon?” Sabi niya at pinagsusuntok ang tshirt nito na nakalapag sa kama. Hinablot na rin niya ang unan na gamit nang lalake at pinampalo sa tshirt nito. 

“Is this how you clean my room? Making it messier?” 

Nagulat siyang napalingon sa direksyon nang pintuan habang nakataas pa sa ere ang unan at nasa gitna sana siya nang hahampasin ulit niya ang tshirt nito. Huling-huli siya sa akto nito. Kung bakit kasi di niya ito laging nararamdaman kapag nadating ito? May sa pusa ba ito or may sa magnanakaw? Lagi na lang siya nitong nahuhuli. 

“A-ahh.... U-uhmm. H-hindi po Boss. M-may ipis lang akong nakita..” Pagpapalusot niya na gusto niyang mag-palm face sa harap nito. Paano nga ba magkakaipis sa isang condominium na halatang alaga sa linis? 

“Oh really? As far as I know, walang ipis dito dahil kung meron ay magrereklamo ako sa nagpatayo nang condominium na ito.” 

“Ahhh.. Ehhh.. Wala palang ipis. U-uhmmm... Pinapagpag ko lang ang unan mo.” 

“Sa kama ko? Aren’t you too stupid to do that? Edi nasa kama ko na ang ipinagpag mo? Why don’t you just admit that you were hugging my tshirt and then talking to it. Should I recommend you to a specialist?” 

“K-kanina k-ka pa a-andito? N-nakita mo l-lahat?” 

“Oh. Don’t worry my memory is bad. But It amused me when you hugged my shirt and starts sniffing it. Believe din naman ako sa iyo. You’re still a stalker.” 

“Hindi na ako stalker no!” Sabi niya dito na napatayo na sa kama, inilapag ang unan at hinablot na ang damit nitong nakakalat sa kama at nagmartsa patungo sa harapan nang lalake. 

“Kapal nang mukha mo! Hindi na ako katulad nang dati no!” 

“I know... but still you told me that I am your long time crush. Siguro kaya mo tinanggap ang pag-aalila ko sa iyo just to be close to me? Just confess, Vega.” Napalunok siya nang sabihin nito iyon in a very sensual and husky voice. Aba at mukhang inaakit siya nang loko. Lalayo na sana siya nang gumalaw ang kamay nito at pumaikot sa bewang niya. When their bodies touched, a million voltage of sweet feelings came rushing through her veins that made her speechless and stupid. 

Napatanga siyang nakatingin sa lalakeng ang mukha ay napakalapit na sa kanya. “C-confess w-what?” 

“That you desire me.” Yun lang at tinawid na nang lalake ang kung anumang pagitan nila para hindi na siya makaangal or maka-comment sa sinabi nito. 

Oh My God! Second time na ito ha! Nakakailan na ang mokong na ito! Ipinagtulakan niya ito ngunit mukhang humigpit pa ang pagkakayakap nito. The guy doesn’t care if she’s struggling or not basta gusto nitong hinalikan siya. Napaka-bossy talaga nitong lalakeng ito. Naramdaman na lang niyang ang isang kamay nito ay napunta sa batok niya at lalo pang nilaliman ang paghalik sa kanya. Lalo rin tuloy lumakit ang pagkakamulat niya, tinitignan ang nakatingin ring mga mata sa kanya. 

Tinaliman niya ang pagtitig sa lalake habang ang kamay ay pilit na ipinaglalayo ang mga katawan nila pero mukhang hindi talaga matinag ang lalake dahil hindi siya pinakakawalan sa mahigpit na pagkakayakap at titig na titig ito sa mga mata niya at parang may hinahanap na hindi niya malaman kung ano. 

Nang maghiwalay sila nang mga labi ay akala niya ay pakakawalan na siya nito. Hinahabol ang hiningang sininghalan siya nito. “Bitiwan mo nga ako! Nakakadalawa ka na sa akin ha! This is sexual harrassment! I’ll sue you!” 

“Sexual harrassment? You cannot sue me because of that dahil no one can prove that you didn’t like it.” Sabi nito at inilapit ulit ang mukha nito sa kanya at mahinang kinagat ang ibabang labi niya. Napasinghap siya na naging sanhi para mapabuka ang bibig niya nang konti. Ran took advantage of it and gentle suck her lower lips. “I know you want it too... So just kiss me.” Ran murmured between the sweet gentle kisses he was making. Napaungol siya but she cannot help but to suck the upper lip of the guy. 

Naging hudyat iyon para sa binata na lalo pang laliman ang halikan nilang dalawa. Unti-unti ay itinaas niya ang kamay sa batok nang lalake at ang lalake ay mas naging comportable ang yakap nito. Wala na siyang pakialam kung first time niyang sumuko. Bakit naman siya mangingialam e masarap naman ang ibinigay sa kanyang consequences nang pagsuko niya for the first time. 

Ding...♫ Dong...♪ Ding...♫ Dong...♪ Doon siya napamulat at itinulak ang lalake palayo sa kanya. Pinulot niya ang damit nitong nahulog na pala niya. Ilang segundo pa silang nagtitigan ngunit dahil makulit ang nag-dodoorbell ay napilitan nilang putulin iyon. 

“Tsk!” Narining niyang sabi nang lalake at lumakad na patungo sa pintuan. Hindi naman niya mapigilang sumunod dito at alamin kung sino ang dumating. 

“Lolo...” Gulat na sabi nang lalake sa kaharap na matandang lalake. Nakakaintimidate ang dating nang matandang lalake. Hindi ngumingiti ang matandang lalake at naka-taas ang baba nito na para bang may stiff neck at basta basta na lang pumasok sa loob kahit na nga ba hindi pa ito iniimbitahan ni Ran-ran. 

“Sino ang babaeng ito?!” Dumagundong ang boses nang Lolo ni Ran-ran na nakatingin na parang minamaliit siya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Makikita mo ang pagkadisgusto nito sa kanya dahil sa mga tinging ipinupukol nang matanda.



ITUTULOY...

No comments: