Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 9: The Revelations

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


BUMALIK na sila sa condo unit ni Ran-ran once na nalibot na nila ang lugar nito sa tagaytay at nang mameet niya ang kwela at palabirong tatay ni Ran-ran. Nakakagulat nga at magkaibang magkaiba ang tatlong generation nang Archuetta or more like ang tatay ni Ran-ran ang naiiba sa Archuetta Generation. Nalaman niyang ang tatay nito ang nagpapatakbo nang branch ng kompanya nang lolo nito sa tagaytay at ang matandang lalake pa rin ang nagpapatakbo sa Main office sa Maynila at pinipilit si Mr. Ricky Jeffrey Archuetta na pumunta nang maynila at pamahalaan ang kanilang kompanya pero matigas ang ulo nang papa ni Ran-ran at hinihintay pa rin ang pagdating nang Mama ni Ran-ran. Napagod siya sa byahe kaya di niya napigilang matulog. Ginising lang siya nang lalake nang makarating na sila sa condo nito. 

“Andito na pala tayo...” Sabi niya at pupungas-pungas na tumingin sa labas nang bintana. 

“Yes... Naghihilik ka pala.” Nakangising banat nang lalake sa kanya. 

Napamulagat siya dito at iningusan. “Hindi ako naghihilik no.” 

“At paano mo nalaman?” 

“Basta! Hindi ako naghihilik.” 

“O sige hindi na pero nairecord ko naman e. You wanna hear?” Nakakalokong ngiti ang naka-plaster sa mga labi nito at inilabas sa bulsa ang cellphone. 

“Waaaaaaaaa! Bakit mo ni-record? Burahin mo yan!” Sabi niya at lumapit dito para agawin ang cellphone nito pero inilalayo lang nang lalake ang cellphone nito. Nang nailabas na ni Ran-ran ang hinanakit sa Nanay nito ay nag-iba na ang ngiti at parang mas naging approachable na rin ito sa paningin niya. His features soften too, hindi na yung parang mananakmal siya everytime na tumitingin sa kanya. 

“Nope. I’ll make it as my ringtone. Ang cute mo palang matulog. Naka-nganga. You wanna see the pictures?” 

“Pictures?! Hala! Ang dami non ah! May S e! Burahin mo yan. Akin na ang phone mo!” Sabi niya dito at pulang-pula na ang mukha niya sa pagkapahiya. Mapapatay niya si Ran-ran kapag nalaman niyang meron ngang record ang pagtulog niya na nakanganga at naghihilik. Itinago nito ang cellphone sa likuran at hinahabol pa rin niya ang kamay nitong may hawak niyon gamit ang kamay niya. Inilusot niya ang dalawang kamay niya sa gilid nito at hinuhuli ang kamay nito. Natatawa ito dahil di niya mahuli-huli ang kamay nito. 

Napasimangot siya at pinanlisikan ito nang tingin. “Akin na yan. Ran-ran... Nakakaasar ka naman e.” Sabi niya dito pero ang kamay ay hindi pa rin natigil sa paghabol sa kamay nito. 

“Buburahin mo kapag ibinigay ko ang mga kuha ko sa iyo e. So I won’t give it to you.” Narinig niyang binuksan na nito ang pintuan nito at mabilis itong umibis palabas nang sasakyan. 

“Ran-ran naman e!” Naaasar na sabi niya at sinundan na ang lalake. Para silang batang paslit na naghahabulan hanggang sa mapunta sila sa tapat nang condo nito. Nakakatuwang isipin na meron siyang power para mapasaya ang binata. 

“Malagyan nga nang password ang folders nang mga picture mo.” Sabi nito at mabilis nitong kinalikot ang cellphone. Naasar na tumayo na lang siyasa harapan nito. 

“Aalis na nga ako. Babalik na lang ako bukas. Pinag-tritripan mo na ako nito, Ran-ran e.” 

“Sige tawagan na lang kita.” Sabi naman ng lalake sa kanya ang ngumisi. “Or more like tawagan mo ako para marinig ko ang hilik mo naringtone ko.” 

“Ewan ko sa iyo! Di na kita tatawagan sa phone ko!” Sabi niya sabay kapa sa bulsa niya. Naalala niyang nakapatay nga pala iyon pero nagulat siya nang wala ito sa bulsa niya kaya naman nagmamadali niyang hinalungkat ang bag nya pero wala doon. “Nasan na nga pala ang phone ko?” 

“Baka nasa loob. Hindi mo ba nadala?” 

“Ai oo nga pala. Naku, akin na. Nakapatay ang phone ko diba? Baka tumatawag na si Mama or si Tan-ta—. Ai! Kaya pala sinabi mo na di unique ang nickname mo. Magkatunog pala ang nickname na ibinigay ko sa inyo ni crush! Tan-tan... Ran-ran. Ai ang cute pakinggan.” Nakita niyang sumimangot si Ran-ran at pumasok na sa loob pero di nagtagal at lumabas ito. Dala na ang cellphone niya. 

“By the way.. I told your Boss to fuck off.” Naka-ngisi na ulit nitong sabi. 

“Sinabi mo yun?!” Nagimbal niyang tanong dito. 

“Yes. Bye” sabi nito at sinarhan na siya nang pintuan. Nagmamadali niyang binuksan ang phone niya at tsineck kung sinagot nga ba ni Ran-ran ang tawag nang Boss. Kompirmado! Hala lagot ako! Tumingin siya sa orasan at nakita niyang late na para tumawag. Napabuntong hininga siya. 

“Asar ka, Ran-ran!” Bulong na lang niya at lumakad na siya palabas ng condo. Papara na sana siya nang taxi ng may humintong magarang sasakyan sa harapan niya. Bumukas ang bintana at naandoon ang lolo ni Ran-ran. 

“Sumakay ka na. Ihahatid na kita sa tinitirahan mo.” Utos ng Lolo ni Ran-ran pero inisnab lang niya to. 

“Hindi na po kailangan. Kaya kong mag-commute.” Sabi lang niya at lumakad na patungo sa waiting shed pero may pagkamakulit din ang lolo ni Ran-ran kaya naman sinundan siya nito. 

“May pag-uusapan tayo na may kinalaman kay RJ at ang Mama Janine mo.” Nakangising turan ng Lolo ni Ran-ran sa kanya. Doon siya napatigil at napatingin sa matandang lalake. 

“Paano niyo nakilala ang Mama Janine ko?” 

“Money does the work, Hija at marami akong koneksyon. Now kung ayaw mong masaktan ang isa sa mga sinabi ko ay sasakay ka sa sasakyan.” Napilitan tuloy siyang sumakay sa tabi nang matanda saka naman pinasibad ng driver ang sasakyan. 

“Ano po bang pag-uusapan natin?” Kinakabahan siya. Ok lang na kantiin or saktan siya nang kahit sino pero wag ang Mama Janine niya at ang Long-time crush niyang si Ran-ran. Wag ang mga taong mahalaga at mahal niya sa buhay. She will do anything to give those two happiness. 

“I am sure you know about RJ’s past about her mom.” 

“Alam ko po iyon. Ano po bang koneksyon nun sa Mama Janine ko?” 

“Did Ran told you his Mom’s name? I bet you don’t kasi kung alam mo ay ikaw na mismo ang hihiyawalay sa apo ko. Janine Apostol Archuetta ang buong pangalan nang mama ni Randolph. Ang ina-inahan mo, kumbaga inagawan mo si Randolph ng nanay at nagpakasasa sa pagmamahal na dapat ay kay Randolph napunta.” Natigalgal siya sa nalaman. Namutla siya at napanganga lang na nakatingin sa matanda. Ano ang sinabi niya? 

“S-sinungaling kayo! Hindi niya nanay si Mama Janine!” 

“At ano ang makukuha ko sa pagsisinungaling? All I want is to make my grandson happy at alam kong sasaya siya kung aalis ka sa buhay niya at ibabalik mo ang ninakaw mong kalinga nang nanay niya.” 

“P-paano niyo nasabing nanay niya si Mama Janine? Anong proof niyo?!” Ayaw niyang maniwala sa mga pinagsasabi ng matanda pero nararamdaman niya na nagsasabi ito nang totoo. Hindi rin kasi pala kwento ang Mama Janine niya when it comes to her past. 

“Proof?” Binuksan nang matanda ang car pocket sa gilid nito at naglabas ng mga album at Marriage certificate nila Ricky at Janine. Ang Birth certificate ni Ran-ran na may pirma ni Mama Janine niya. Napaluha na siya nang tuluyan at binuklat ang album na ibinigay. Ang picture nang cute na cute na si Ran-ran na nakangiti at ang magulang nito sa resthouse nito sa Tagaytay. Hindi niya napigilang mapahikbi kahit na nga ba nakatakip na ang isang kamay niya sa bibig niya. 

“Ikaw ang may kapangyarihan para mapasaya mo ang mag-ina. Paglalapitin mo ang dalawa at lalayo ka sa kanila.” Sabi pa nito sa kanya. “You have to make the right decision, Hija, kung hindi ay mas mapupuot pa ang apo ko sa nanay niya dahil hindi na ito babalik dahil may inaalagaan siyang di niya tunay na anak. Bigyan mo sila ng chance to love each other and care for each other.” 

Wala siyang naisagot sa matanda. Hikbi lang siya nang hikbi habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha nang batang si Ran-ran at ang mga picture nito nang lumaki na. Ibang-iba ang ngiti nito nung naandoon pa ang nanay nito at nawala ang tuwa at pagmamahal sa mga ngiti nito nang lumaki na ito. She needed to do a decision for both the people she love the most. Namalayan na lang niyang nakahinto na pala ang sasakyan sa tapat ng inuupahan niyang bahay. 

“Hija... Please call me once you are ready to make a decision. I will be waiting for a good news.” Sabi nito sa kanya bago pa man siya lumabas nang sasakyan. Tumungo na lang siya dahil wala pa rin siyang maisip sa ngayon. Nablangko ang isipan niya and it’s the first time na naging speechless siya. Lumakad na siya papasok sa maliit na eskinita kung saan matatagpuan ang maliit na kwartong inuupahan niya. 



I guess it’s time for Janine to come back. Mas gusto kong siya nalang ang bumalik kaysa ang mapalapit ang apo ko sa babaeng hindi mo alam kung sino ang nagluwal. Tama na siguro ang ilang taon na hindi ko pinayagan si Janine na makalapit man lang sa Anak at apo ko.” Nakangiting turan ng matandang lalake. Hindi nito maiwasan ang huling pag-uusap nila ni Janine nung araw na umalis ito sa buhay ng mag-ama nito. 

Hindi mapakali si Janine. Pabalik-balik siya sa paglalakad pero hindi naman siya nakakalayo sa pinaglalakaran. Meron kasi siyang nasagap na masamang balita tungkol sa kalagayan ng mga magulang. Janine was from an High class family that has a company that exporting goods from the Philippines to another country. 

Nalaman niya sa magulang na nalulugi na ang kompanya ng mga ito at sinabihan siyang humingi ng saklolo sa biyenan niya. Ang biyenan niyang ayaw na ayaw sa kanya dahil sa propesyon niya. Nasa pulitika daw noon ang Ama ng biyenan at dahil sa mga katulad niyang writer ay nagdusa ang pamilya at naulila ito ng maaga. That time daw ay isinumpa nito na hindi magugustuhan ang mga writer/journalist/reporte or kung anu-ano pang propesyon na malapit doon. 

“Mom!” Masayang tumakbo papunta sa kanya ang makulit at napaka-bibong anak niyang si Randolph at yumakap ito sa bewyang niya. Randolph is 5 years old at that time. Natatawang hinahabol ito ng asawa niyang si Ricky at medyo humihingal pa ang huli. Tatawa-tawang nagtatago si Randolph sa likuran niya habang iniikutan naman ito ni Ricky. Ganoon lagi ang mag-ama niya. Ang laging magkikilitian at maghahabulan. 

“Kutchi-kutchi-koo... Andyan na si Daddy para kilitiin si baby!” Sabi naman ng kengkoy niyang asawa sa nagtatago pa ring anak niya. Kapag nakikita niyang masaya ang mga ito ay nakakalimutan niya pansamantala ang problema. 

“Dad, tama na muna ang harutan. Tignan mo tuloy si Baby Ran, pawis na pawis na.” Sabi niya sa mga ito at hinarap ang anak na pawisan na pero nakangiti pa rin ito. “What do you want for lunch, son? I will ask Nanny Ash to cook something you want.” Tanong niya sa anak habang pinupunasan ang pawis nito sa likuran at pati na rin sa mukha. 

“I wanna eat some pasta, Mom, but I want it to eat outside!” Itinaas pa nito ang dalawang kamay para kurutin ang pisngi niya. Lagi nito iyong ginagawa kapag pinupunasan niya ang anak. 

“Ok. I will tell, Nanny Ash na ipagluto ka ng pasta, if you will go take a bath with daddy at mag-bebehave while in the bathroom.” Pag-uuto pa niya sa anak niya na tumungo-tungo naman at yumakap sa kanya. Very affectionate talaga ang anak niya. Kumalas ang bata sa pagkakayakap nito sa kanya tumakbo na sa asawa. 

“Daddy, let’s go take a bath!” Sabi pa nito at hinihila pa ang asawang di naman matinag sa pagkakatayo. Hinihintay kasi nitong ‘baby-hin’ rin ito. 

“Daddy daw. Maligo na daw kayo.” Sabi naman niya na kunwari ay di niya alam kung ano ang hinihintay nito. 

“Magkakasakit ako kapag di mo tinuyo ang pawis ko at di mo ibinigay ang kailangan ko.” Sabi naman nito at ngumisi sa kanya na nakapagpangiti ulit sa kanya. 

“Ai naku, Ricky Jeffrey Archuetta. Nasa harapan tayo ng bata.” Sabi naman niya at akmang tatalikuran. Lumuhod ang lalake para bulungan si Ran at napangiti naman ang bata at nagtatakbong tumaas sa hagdanan. 

“O ayan na. Wala na si Ran. Don’t I get a reward for being such a good guy and following your orders?” Nagpapa-cute pa nitong sabi sa kanya. Napapa-rolleyes pa nga siya dahil sa ginagawa ng asawa. 

“Fine. Kukuha lang ako ng to—.” Natigilan sya dahil niyakap na siya nito sa likuran at itinuon ang baba nito sa leeg niya. 

“I love you, Janine...” 

“I love you too, Ricky.” Sabi naman niya at humarap na sa asawa at ibinigay na nito ang kinakailangan. Janine kissed Ricky’s lips quickly and gently leans her nose on the tip of the guy’s nose aswell. Nagtitigan sila ng matagal at ng hindi makatiis ang lalake ay hinalikan ulit nito ang asawa. 

“Dad... I am waiting! Let’s go take a bath already!” Tawag ng makulit na anak niyang si Ran. Doon na napilitang maghiwalay ang asawa at lumakad na pataas si Ricky. Napabuntong hininga siya. She needed to talk to his father-in-law for help. Ayaw rin naman niyang masayang sa lahat ang pinaghirapan ng ama ng dahil lang sa aksidente. 

She walked towards the phone and dialled his number. Ilang beses din itong nag-ring bago nito sinagot. “What is it, Janine?” Ma-awtoridad na sagot ng matandang lalake sa kanya. 

“I am sure you’ve heard of what happened to my parent’s business, Dad. I am sincerely asking for your help. Please, save my father’s company.” 

“Yes, I did heard it from your Dad but I am still thinking. You know that I would never risk any money on a losing business, Janine.” Napataas ang kilay niya, kung ayaw ng biyenan sa kanya ay lalo na siya. She hates her father-in-law so much pero pinapakibagayan na lang niya para sa mag-ama niya. 

“Don’t worry, Dad. Hindi ako napatawag dito just to convince you. If you do help my family then I will grant one of your wish. Alam mong may isang salita ako, Dad.” Sabi pa niya dito. 

“Hah! Matapang ka talaga, Janine. Fine, I’ll think about it. Hindi naman kasi porke ayaw ko sa anak ng kumpadre ko ay hindi ko na siya tutulungan. I’ll call you once I’ve decided. Don’t worry... It won’t take long.” Sabi nito at ibinaba na ang telepono. 

Napangiti siya. Sa wakas ay medyo ok na ang lahat. She just hope na pumayag ang biyenan. Pumunta na siya sa kusina para hanapin si Nanny Ash para magpaluto ng Macaroni Pasta with ham and cheese para sa anak. Hindi nagtagal at natapos na ang mag-ama niya sa pagligo at masaya silang nag-picnic sa labas ng resthouse nila sa Tagaytay kung saan doon sila lagi kung summer vacation sa school ni Ran at ni Ricky. 

Mag-aalas singko ng hapon ng dumating ng hindi inaasahan ang biyenan niyang hilaw. Nagulat pa nga sila dito dahil hindi naman napunta iyon ng tagaytay para mag-rest or mag-stay. Sure siyng tungkol iyon sa pinag-usapan nila sa telepono kanina. Dahil nakaluto na ng hapunan ay kumain na muna sila. 

“Hija... I need to talk to you in the study room.” Sabi nito. Iyon na ang hudyat na hinihintay niya kanina pa. She’s sure na tutulungan na sila ng biyenan, kung hindi ay bakit ito pupunta pa mismo sa Tagaytay to just talk? 

“Hon, patulugin mo na si Ran.” Sabi na lang niya sa asawa at hinalikan na ang noo ng anak. “Goodnight, Sweetie. Sleep well and don’t forget to pray at night, Ok?” 

“Yes, Mom...” sabi na rin ng bata at humikab pa. Tumayo na ang asawa niya at binuhat na ang anak. Inihilig nito ang ulo sa balikat nito at nginitian siya nito at hinalikan sa mga labi. 

“Wag kayong magtalo ni Dad... I will wait for you in our room.” Sabi pa nito bago pa ito umalis at umakyat na sa kwarto. Sumunod na siya sa biyenan at pumasok na. Inilock na rin niya ito dahil sinabi na rin ng matandang lalake. 

“I am sure you are not stupid, right? I came here not to just eat and play with my grandson. I came here to tell you that I will help you and your family in one condition...” Seryosong turan nito sa kanya. 

“Maraming Sal—.” 

“Don’t thank me yet. Madaling tulungan kayo pero syempre ay pera ko ang nakataya dito and my condition is not easy for you to do...” 

“Kaya ko lahat as long as you can help my family.” 

“I’ll take your words then... I want you to leave my son and My grandson so I can help your parents. The parents that gave you life, dreams and was the one who made you....” 

Napanganga siya. Minaliit niya masyado ang biyenan. Napakahirap nga ng kondisyon nito. “Nagloloko ba kayo, Dad?!” Napalakas tuloy ang boses niya at gusto niya nang umiyak pero alam niyang masisiyahan ang biyenan kapag nakita siya nitong naiyak. 

“Do I look like I am joking? I won’t come here to joke. Once you decide then call me. Then and there, I will give my money to your family. Yun lang and you may go.” Sabi nito. Nangangatal siyang lumabas. Ni hindi na nga niya natandaan kung paano siya nakarating sa kwarto niya. She is torn and hurting... Masyado niyang mahal ang dalawang kampo... Ayaw niyang pumili pero pinapapili siya. She wanted to cry pero katabi niya ang asawa. Isang text message and natanggap niya. Galing sa Mama niya. Inatake ang ama niya sa puso dahil na rin daw sa stress at pagod. Nakapag desisyon na siya and she needed to do it.






ITUTULOY... 

No comments: