Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 2: Surprise


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
Natatawa siya sa napapanood na ka-dramahan ng magnobyo. Kung alam lang ng babae kung ano ang nakita niya bago ito dumating. Kitang-kita niya kasi ang mga pangyayari bago siya makapasok ng Caffe Caruso.
Sean arrive at Caffe Caruso earlier than he expected. Wala pa kasi sa Caffe Caruso ang sasakyan ng ama niya. Naninigarilyo siya sa labas dahil non-smoking ang Caffe Caruso. Hindi naman talaga siya mahilig manigarilyo, pag naaasar lang siya ay naninigarilyo siya. Naalala na naman kasi siya ang faceless woman sa panaginip niya.
Inilibot niya ang paningin at nakita niya ang sweet couple na magkayakap malapit sa kanya. Naghalikan ang dalawa ngunit tumigil ito ng mag-ring ang telepono ng lalake. Nakita niyang naasar na sinagot ng lalake ang telepono.
“Hello? Don’t you know that I don’t wanna get any phone calls when I am on my break? What the hell do you wanna tell?!” Asik na sagot ng lalake sa kausap. Mukhang tauhan nito dahil hindi naman nito magaganon ang magulang. Well, Filipino are respectful. Alam niya iyon. Half Filipino and Half British siya kahit na lumaki siya sa London ay hindi naman iyon nahadlangan para maituro sa kanya ng magulang niya ang respeto at tamang asal ng mga filipino.
Nakita niyang namutla ang lalake kaya nag-alala ang babaeng kasama nito. “Okay ka lang, Gareth?” Pagtatanong pa nito sa lalake.
“Your cousin’s gonna be here soon.” Namumutla namang tugon ng lalake. “What should we do? Sabi ng sekretarya ko ay may surprise daw siya para sa akin.” Nagpapanic pang sabi nito sa babaeng namumutla na rin.
“Wait! Birthday ni pinsan! May naisip ako. Magpareserve ka na now na ng table for two sa loob. Bibili lang ako ng cake sa goldillocks.” Sabi ng babae at tumakbo na matapos maghalikan ulit ang dalawa.
Napapailing na lang siya at tumingin na lang ulit sa paligid. Sakto namang dumating ang sasakyan ng daddy niya.
“Hi, son, your smoking. Why are you pissed off?” Takang tanong ng tatay niya sa kanya na full-british pero dual citizen ang passport nito.
“Nothing, dad. Just the same old dream.” Sabi naman niya at iginaya na niya ang ama sa loob. Nakita niyang kumilos na rin ang lalake at nilagpasan pa sila. Nagmamadaling kinausap ang Manager ng Caffe Caruso. Napa-iling-iling siya. Playboy siya pero di siya two-timer.
“The same dream, huh? Why don’t you see a doctor that specializes dreams or is there any?” Natatawang turan ng tatay niya.
“I don’t think it’s gonna be that meaningful anyway.” Sabi niya at tumuloy na sa upuan at nag-order na ng kape.
Nagbalik ang isip niya sa kasalukuyan ng marinig niya ang palakpakan. Naghahalikan na pala ang maarteng magnobyo. Pero infairness, magandang gimmick ang naisip ng dalawa kanina. Ang kawawa ay ang uto-utong babae. Hindi niya nga lang nakita ang mukha ng babae kasi nga ay nakatalikod ito sa gawi nilang mag-ama.
“What a stupid lady. I feel sorry for her though.” Sean murmured and then sighs.
“Did you say something, Sean?” Takang tanong ng tatay niya sa kanya.
“Nothing, Dad. I was just talking to myself. What the guy did to his girlfriend is a good idea. I might do it with my next girlfriend.”
Natawa ang tatay niya sa kanya at umiling-iling. Nawala na ang atensiyon nilang dalawa sa magnobyo. “Girlfriend? Or more like a fling, Son. Why don’t you settle down already and gave us plenty of grandchildren?”
Here we go again. Nasabi na lang niya sa sarili and rolled his eyes. Here comes the non-stop and never ending topic in his family: Getting Married.
“I’m still young, dad. I don’t want to settle down because I am still enjoying my non-married life, dad.” Sabi niya ng bigla na naman niyang naramdaman ang naramdaman niya nung papasok na siya ng sasakyan niya kanina. What the hell am I feeling? Why am I feeling this in the first place?
Inilibot niya ulit ang mata sa loob ng Caffe Caruso katulad ng ginawa niya kanina. Wala naman kasi siyang napansing babaeng pumasok except yung babaeng nobyo nung two-timer pero kanina pa iyon at wala rin namang engagement ring ang daliri ng babae.
“Are you okay, Son? You’re holding your chest tightly.” Nag-aalalang tanong ng ama niya sa kanya. Concern was showing in the old man’s eyes.
“No, Dad. I am totally fine and very healthy. We don’t have any records that we have heart problem in our family.” Sabi naman niya sa tatay niya at ngumiti. Tinanggal na rin niya ang nakahawak na kamay sa dibdib niya.
“I’ll call my friend’s daughter. She’s a great and respectable doctor in the whole Philippines. I don’t want to risk your safety son, please promise me that you’ll be seeing this doctor.”
“Fine, Dad, but don’t expect me to marry right away.”
“Just go to the doctor first and call me if you’re totally fine.” Sabi nito sa kanya at tumungo lang siya sa kanya.

Few weeks later..
“Wala ka namang sakit sa puso or any complication. I checked you’re whole body, Sean. You’re perfectly fit and healthy. Pwede ka na ulit mamababae.” Nakangising sabi ni DK sa kanya. Ito pala ang tinutukoy ng daddy niya last time na mag-usap sila. Pinadalhan siya nito ng address kinabukasan matapos silang mag-usap many weeks ago. Natawa nga siya dahil si DK pala iyon. Ngayon na nga lang siya nakadalaw at nagpacheck-up dahil na rin sa hectic na schedule niya.
“I knew about that. My father just insisted so I just say yes so he won’t be too worried but you see, DK...” Hindi niya alam kung ano or paano sasabihin ang laging nararamdaman. Hinawakan niya tuloy ang dibdib at tumingala sa nakatayong doctor.
“...This always felt really weird. There’s no time pattern when I am feeling this weirdness. I just felt it whenever.” Sabi niya dito na nakapagpakunot ng noo ng magandang doktora.
“Maybe it’s just a heartburn. I really didn’t see anything wrong with your body.” Sabi ng bihasang doctor na si DK. She just shrugged it.
“Well, I better go. I think I bothered you too much.” Sabi niya dito at tumayo na. Niyakap niya at hinalikan sa pisngi si DK. A friendly hug and kiss. Lumabas na siya ng kwarto when it all happened again. The weird feeling in his chest. Tumingin tuloy siya sa kaliwa’t kanan ng hallway. Mabilis at kabado. Baka kasi makilala na niya ang faceless woman sa panaginip niya.
Sean then sighed. Wala naman kasing tao sa hallway. Pinagpatuloy na lang niya ang paglalakad sa elevator. Lahat ng elevator ay may nakagamit kaya naghintay siya sa elevator na pataas. Nakatungo siya while kicking the air with his hands were in his pocket.
The elevator opened. Una niyang nakita ay ang mahabang palda ng babae. Lagpas tuhod ito at flowery pa. Naka-flat shoes din ito na katerno ng kulay ng bestida ng babae. Gusto niya ngang matawa dahil manang na manang ang kulay at fashion ng babae.
Lumakad na siya papasok sa elevator while the manang walked out of the elevator. Sean’s forehead creased when he smelled the ladies’ cologne. Parehong-pareho ng nasa panaginip niya. Weird pero yun ang naalala niya at naamoy sa panaginip niya. Lumingon siya bigla pero it was already too late. Nakasara na ang pintuan ng elevator. Sean sighed and waited for the elevator to stopped. Patiently.

Napalingon naman si Heather sa gawi ng elevator. Nakalakad na siya ng medyo malayo sa elevator. Para kasing may tumawag sa pangalan niya pero she knew no one in the hospital at lalo na ang lalaking pumasok sa elevator. Nagkibit-balikat na lang siya at lumakad na papuntang kwarto ng ama niya.
Nakita naman niyang lumabas ng kwarto si Doktora Daphne Kane aka Doctor DK. Naka-confine kasi ang ama sa hospital dahil sa mild storke nito at si Dra. DK ang naka-assign sa ama niya.
“Hello, Dra. Daphne!” Masayahing tawag niya sa pansin ng doktora.
“Hello, Heather. Your father’s sleeping pa e. Tsine-check ko lang siya.” Sabi nito sa kanya. Medyo nadismaya siya na napansin naman yata ng doktora.
“Let’s go to the cafeteria and talked about his health. Lunch break ko na rin naman kasi e.” Sabi ni DK sa kanya at iniangkla na ang kamay nito sa braso niya at hilain siya papuntang elevator.
Natatawang nagpahila na lang siya sa kwelang Doktora. Naging close na rin kasi siya sa doktora dahil sobrang down-to-earth ang babae kahit na naririnig niya na isa itong anak ng isang general sa militar. She knew that every militar general ay mayayaman na. Well, galing din naman yata sa yaman ang babae e. Mukha namang mamahalin ang babae kahit na tomboyish ang babae.
Bumukas na ang elevator kung saan sila naghihintay at pumasok na sa loob ng elevator. Eksakto namang bumukas ang kabilang elevator ng magsara ang elevator door nila.
Damn it! Naasar na turan sa sarili. Bumalik kasi ulit siya sa floor kung saan niya nakita ang babaeng naka-bestida. Hindi niya kasi nakita ang mukha nito kaya wala siyang alam kundi ang pambaba nitong flowery na bestida at flat shoes. Pumunta na rin siya at nagtanong sa nurse station pero wala daw kasi silang nakikitang naka-bestidang na napadaan sa nurse station. Nagtanong na rin siya sa mga doktor na nakikita pero wala rin daw nakakita na nakabestidang babae.
What the heck? I am so sure that it wasn’t a ghost! Hindi ko lang talaga nakita ang mukha niya. Naasar niyang turan sa sarili. Sean then sighs. He decided to leave the hospital. Meron kasing party sa Marina Club. It was the JESTER’s anniversary party. Mukhang magpropropose na rin si James kay KC. Mukha talagang inlababo na ang lokong ito sa kay KC.

“So, Dra. Daphne, ano na po ang lagay ng tatay ko?” Nag-aalalang tanong niya sa Doktora. Nakakailang balik na rin kasi sila sa hospital e dahil sa ama niya. Medyo nadadalas na kasing inaatake ang tatay niya at nauubos na ang retirement pay na naipon ng mga magulang niya. Hindi rin naman siya makatulong dahil mababa ang sahod ng niya kahit na nga sa private school siya pumapasok. Love lang talaga niya ang pagtuturo. Lalo na sa mga bata.
“Call me DK, Heather. Masyado kang pormal sa akin e. Magkasing tanda lang naman tayo e. Let’s just be friend.” Sabi nito sa kanya at ngumisi. Nakikita tuloy ang magandang mga ngipin ng doktora.
“Sige, DK. Kung yan ang gusto mo.” Sabi naman niya na napangiti na rin. “Pero kamusta nga ang health ni tatay?”
“His doing fine but his heart’s getting weaker. I suggest na wag niyo munang bigyan ng mga news na ayaw niya or try not stressing him too much. Makakasama ito ulit sa puso ng ama mo and you won’t know kung mild stroke pa nga rin ba ang mangyayari sa tatay mo.” Seryosong turan ng doktora sa kanya.
Gusto niyang mapaiyak. Ayaw na ayaw kasi ng tatay niya na teacher siya. Mababa daw ang sweldo at makukunsumi lang ito. Gustong gusto ng tatay niya na maging doktor din siya katulad ni DK.
Ngumiti ang doktora sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Don’t worry. I will do everything to help you.” Sabi naman nito sa kanya.
“Salamat, DK. Kaya lang ay isang problema ako.”
“Ano iyon? Ayaw ni tay ang maging titser ako pero matagal ko nang propesyon ito. Hirap na rin akong magtago sa kanya. I really need to tell it to him.”
“Well, I suggest na wag muna ngayon. Don’t worry. Mabait naman ang tatay mo e. I am sure na mauunawaan ka rin nun.” Sabi nito at ngumiti na.
“Sana nga, DK.”
“No worries, Heather.” Sabi nito at tumingin sa wall clock.
“O sige, aalis na ako. Meron pa akong mga iche-check na mga pasyente. I will see you around soon.” Sabi nito at tumayo na. Tumungo na lang siya sa doktora at tumayo na rin. Ipagpapaliban na lang muna niya ang pagsasabi ng propesyon niya and she hope that when she has the guts to tell it to her father, she really hopes that it will all be alright.


ITUTULOY...

No comments: