Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 6: Two-faced guy

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


WHAT?!” Napangangang tanong niya sa lalake. Gulat na gulat siya. Hindi niya akalaing iyon ang hihingiin nang lalake para makakuha siya nang interview. This guy knows her weakness. Alam nitong pressured na pressured na siya. Malapit na ang pasahan nang ‘Promotion Article’. 

“You heard me right or should I get some cotton buds so you can clean you ears to hear me clearly.” 

“Narinig kita—.” 

“Yun naman pala e. Ayaw mong makuha ang interview ko?” 

“Gusto pero—.” 

“Good then, I want you to work for me full time. Wala akong pakialam kung may trabaho ka. Ikaw na ang bahalang dumiskarte.” 

“Pero—.” 

“No buts. It’s either you accept it or not.” 

Napabuntong hininga siya. Kaya ayaw niya ang tawa nito sa huli nilang pagkikita e. Nafeel niya agad na may masama itong binabalak. “Fine. I’ll do it. I will ask for a month’s holid—.” 

“I don’t need to know. Ngayong nasabi ko na ang kondisyon ko, pwede ka nang umalis dahil nasisira ang pagmumuni-muni ko dito. You are a very big distraction.” 

Gusto niyang mapa-rolleyes. Kanina pa siya nito hindi pinapatapos nang salita at binabastos pa siya nito pero kahit yata anong gawin nito sa kanya ay okay lang. “Well, hindi mo pa ako pwedeng utusan ngayon. So I will do what I like.” 

“You like? Like stalking me? Sure ako na pinipicturan mo ako kanina.” 

Pinamulahan siya. Good thing at medyo madilim sa garden at hindi makikitang pinamulahan siya. “Hindi lang naman ikaw ang pinipicturan ko e. I am taking picture of everybody I know.” 

“Excuses...” 

“Whatever. Alam ko namang di mo ako paniniwalaan e. So bakit ka nga pala nag-eemo dito?” 

“Nag-eemo? What do you mean by that?” Napataas ang kilay nito, nakatayo na silang dalawa, side by side, pero di man lang niya nakitang tumingin ito sa kanya. Sa tagal na nilang nakatayo sa garden na iyon ay ngayon lang ito napatingin sa kanya. 

“Nag-eemo ay ang pinaikling salita nang nag-eemote napulot ko lang yan sa mga kabataan sa lugar kung saan ako nangungupahan.” 

“Don’t worry, babayaran kita kapag nagtrabaho ka sa akin. You’re earning free sa holiday mo plus your talent fee bilang alalay-slash-alila ko. As soon as makuha mo ang bayad at interview ko, make sure not to even let me see your face and don’t you ever disturb me again.” 

“Bakit naiba na naman ang timpla mo ngayon? Super moody ka na simula nang huli nating pagkikita. Ano na bang nangyari sa iyo.” 

“You don’t need to know.” Sabi nito at tumalikod na at naglakad palayo. 

“Saan ka pupunta?” 

“Can’t you see? I am going back to the party.” 

“Malay ko ba kung jijingle ka.” Napabulong na lang niyang sabi at lumakad na rin pasunod sa lalakeng pinaglihi nga yata sa sama nang loob. Habang naglalakad naman sila ay binigyan niya nang malaking distansya ang pagitan nilang dalawa kaya naman napagmasdan niya ang likurang bahagi nang lalake. 

Matangkad ang lalake, nasa mga 6 feet to 6 feet 2 inches siguro ang lalake. Kung height ang pag-uusapan, hindi naman siya papatalo sa height dito kaya nga lang ay mas matangkad talaga ito sa kanya. She was 5 feet 10 inches at di na siya lalaki pa but for her, her height is too much already. Malapag ang balikat nito na halata mong alaga sa gym. Fit ang polo shirt nito at hapit ito sa ma-muscles sa na braso nang lalake. Sarap sigurong makulong diyan sa matipunong braso ni Ran-ran... Hala! Ano ba itong iniisip ko? Nababaliw na yata ako at kulang na yata ako sa umpog nang ulo! 

Ipinilig niya ang ulo at tumingin na lang ulit nang direstso but this time ay inilagpas niya ang tingin niya sa lalakeng naglalakad sa harapan niya. Gwapo nga at matipuno pero ubod naman nang suplado at ubod nang sungit plus mo pa na napaka-bossy nitong si Ran-ran. Sayang ang lahi kapag nagpatuloy yan. Walang babaeng tatagal sa mokong na yan pero malay naman ba natin kung gusto niya ngang magkaasawa. Sabi nga nito ay ayaw nito sa mga kababaihan except for some people. Ano ba naman itong iniisip ko? Andami ko pang aayusing problema para makapasok na ako bilang ‘alila’ ni Ran-ran. 

Hindi nagtagal at nagpaalam na siya sa bagong kasal at sa mga lalakeng kaibigan na naggwagwapuhan. Nag-insist si Elliot na ihatid na siya sa kung saan dahil nga uuwi na rin naman ito. Nakita niyang nakamasid lang si Ran sa lahat-lahat nang nagaganap na pag-uusap nilang lahat. Wala itong sinabi sa kanya kahit man lang bye or ingat pero para na rin niyang inasam na pumuti na ang mga uwak. 



NAIPASA na niya ang kanyang holiday form na inapprobahan naman agad nang boss niya dahil sinabi niya na maghahanda siyang mabuti para sa promotion niya kaya kailangan niya nang a month holiday. Nasa tapat na rin siya nang condominium na tinutuluyan nang kolokoy na si Ran-ran. 

Pinapasok na siya nang guwardiya sa labas nang condominuim. Mukhang nasabihan na ito ni Ran-ran bago pa siya makarating. Tinawagan na rin naman kasi niya ito kagabi na inapprobahan na ang kanyang holiday. Sinabi nito na pumunta sa condo nito nang 10am. 

Ding...♫ Dong...♪ Ding...♫ Dong...♪ Ilang minuto siyang nagdoorbell sa labas nang condo nito. Hindi niya alam kung bakit di pa rin nito binubuksan ang pintuan. She was about to leave nang bumukas ang condominium. 

“Oh. You’re here.” 

“Kanina pa kaya ako nag-doorbell. Muntik na akong umalis e.” 

“Well. Seriously, you really did annoy me because of playing with my doorbell. It’s just that I cannot be arsed to stand up and open the door.” 

Kanina mo pa pala naririnig ang doorbell e! Sana kung binuksan mo na kanina hindi mo na sana pinaabot pa sa puntong parang naglalaro ako sa doorbell mo! Arrrg! “Sorry lang.” Sabi na lang niya at sumunod na dito nang hindi na hinihintay ang wala sa loob na paghingi niya nang tawad. 

Pagkapasok niya ay napansin niyang dalawa lang ang kulay sa buong condominium. Black at white. Masyado itong depressing pero bagay ito sa ugali at tingin nang mga tao sa lalake. Ang sarap lagyan nang bulaklak sa table, bumili nang ibang kulay na takip sa unan at kung anu-ano pa para lang mabuhay ang kulay sa condo na ito. 

“Well then, let’s get straight to business.” Sabi nito na hindi man lang siya pinaupo. Inilagay na lang niya ang body bag na dala niya sa isa sa mga upuan at tumayo sa harapan niya. 

“Fine. Ano po ba ang gagawin ko, Boss?” Iniba man niya ang tono niya pagdating sa pagtawag dito ay binalewala lang nito or more like parang sanay na ang lalake na may mga taong ganoon ang pakikitungo dito. 

Ready siya sa kahit anumang kabaliwan na ipapagawa nang lalake sa kanya. Naka maong shorts lang siya at simpleng plain white dress lang, kumbaga pormang bibili lang sa palengke. Mas maganda kasi at komportable kapag may gagawin siyang gawaing bahay. 

“Since I am off today, papanoorin kitang gawin ang mga ipinapagawa ko, kumbaga training mo din iyon just like a normal new employee should do. Now, first of all, make me some breakfast. A decent one. Hindi na kasi ako nakakapagbreakfast sa matagal na panahon e. Bahala ka nang maghalungkat sa loob nang fridge at ikaw na rin bahala kung ano ang ipapakain mo sa akin.” 

“Ok, Boss.” Sabi niya at sumaludo pa sa lalake para ipaalam na Okay talaga siya sa unang ipapagawa nito. Hindi nga lang siya okay magluto e, dahil ito na ang isa sa mga trabahong bahay na magaling siya. Saludo nga sa kanya ang Mama Janine niya e. Favourite na daw siya nitong chef. Tumalikod na siya dito at naglakad na patungo sa kusina nito. Doon ay nakita niya ang isang malaking black refridgerator. Binuksan niya iyon at laking gulat niya na punong-puno ito nang pagkain sa loob. Para sa taong walang oras magluto ay nakakapagtaka talaga na fully stock ang fridge nito. Makikita mo ang prutas, gulay, itlog, hotdog, mga kung anu-ano pang pwedeng ilagay sa ref ay naroroon na. Nag-check siya kung may kanin ba niyang sanggagin. Sakto at may kaning-lamig na nakalagay sa rice-cooker nito. 

Naghugas na siya nang kamay, nagprepare na siya sa lulutuing, Tosilog. Magtatanghali na rin naman kasi kaya kailangan nang medyo heavy na ang brunch. Naghalughog din siya kung saan makikita ang mga gamit sa pagluluto at pagpreprepare. Nagsimula na siyang magprepare nang lahat nang kailangan. Nagtimpla na rin siya nang juice at inilagay ulit sa fridge para kapag oras na nang kainan ay malamig parin ito. Nag-umpisa na siyang magsanggag nang kanin wih garlic, salt at butter. Sa kabilang kalan ay nagluluto siya nang tocino. Kahit siya ay natatakam na sa niluluto niya. Malas kasi niya dahil di pa siya nakain nang agahan. Sana lang ay maawa sa kanya ang amo at pakainin din siya. Hindi nagtagal at matatapos na siyang magluto. Fried egg na lang ang niluluto niya. 

“Hindi pa ba tapos yan? Mas nagugutom na ako e, kasi ang bango nang niluluto mo.” Biglang sulpot nang lalake sa likuran niya. She didn’t expect it. 

“Ai tipaklong na nabuntis!” Nagulat niyang sinabi na ikinatawa nang lalake. Namula tuloy siya dahil sa pagtawa nito. Di niya alam kung dahil ba sa pagkapahiya or dahil sa magkalapit sila at kitang-kita niya ang nakangiting gwapong mukha ni Ran. Bigla tuloy tumibok ang puso niya dahil sobrang gwapo pala nito kapag nakangiti. Nakalimutan niya, Ran used to be the only person that can make her heart skip a beat because of his smile. Paano ba naman niya makakalimutan kung lagi niyang nakikita ang nakasimangot at nakakunot noong expression. “Ginulat mo kasi ako e. Don’t worry, itlog na lang ang kailangan at kakain na tayo. Just seat down at iseserve ko na sa lamesa.” 

“Sinilip ko lang naman kung ano ang niluluto mo kasi nga lalo akong nagutom.. Akala ko naramdaman mo akong palapit e. Sige uupo na lang ako dito.” Sabi nito. Himalang napaka bait nito sa kanya ngayon. Siguro ay ganito lang ito kapag sobrang gutom or nakakaamoy nang masarap na pagkain. Napalingon siya dito na tahimik na nakaupo at medyo napasinghap siya. Ran is staring at her intently. Napabalik tuloy siya nang tingin sa ginagawa. Oh My Gosh! Matutunaw naman ako sa ginagawang pagtitig nang gwapong fafa na ito. 

“O, eto na ang iyong Topsilog. Madaling lutin at mabilisan. Enjoy mo lang, Boss.” Sabi niya at inilapag na ang plato na may kanin, itlog at tocino. “Kung gusto niyo pang kumain, sabihin niyo lang sa akin at bibigyan ko pa po kayo, Boss.” Yun lang at akmang lalayo na siya dito. 

“Just get some food and sit down. I don’t want to see you collapsing because I made you work with your stomach is empty.” Sabi nito at nag-umpisa nang kumain. 

“Sure ka diyan, Boss?” Nakangiti na siya. Akala niya talaga ay hindi siya nito papakainin man lang kahit konti bago pa siya nito ‘pahirapan’. 

“...but if you don’t wanna eat the it’s fine. Go and start cleaning the bathroom, then.” Sabi nito na hindi na siya tinitignan. She grabbed the oppurtunity na kumain na. Lumakad na siya sa kalan para kumuha nang pagkain at naupo katapat nang lalake. She smiled. Naalala kasi niya ang nakaraan. 

“Why are you smilling?” Nagtatakang tanong nang lalakeng nakatingin pala sa kanya. 

“Ai wala, Boss. Naalala ko lang nung highschool tayo. Lagi tayong sabay kumain with the rest of our friend.” Sabi niya na ngumiting nakatingin na rin sa lalake. 

Bigla itong sumeryoso. “I can’t remember a thing and if I do remember, I don’t intend to say it out... I hate my past.” Sabi nito at tahimik na lang na kumain. Hindi naman niya alam kung papaano mag-umpisa ulit dahil nga sumeryoso na ito. Baka kasi kapag kinulit niya ito ay paglinisin din siya sa labas nang condo nito. Natapos na silang dalawa at hindi na ulit sila nagkibuan. Nahihiya na rin kasi siya rito. Tumayo na ito at lumayo at umupo na sa sofa at nagbukas nang T.V. habang siya naman ay nag-umpisa nang maghugas nang pinaglutuan at kinainan. Matapos nun ay dumiretso na siya sa banyo at sinimulan na itong linisan. 

Biglang nagring naman ang telepono niya. Nagtatakang kinuha niya ito. Alam nang lahat na magbabakasyon siya dahil nga sinabi niya ito. They even wish me luck para na rin sa magiging Promotion Article niya. 

Calling... Unregistered. Sino naman kaya ito? “Hello? Sino ito?” Sagot niya sa telepono habang nagkukuskos na siya nang inidoro. 

“Hi Vega, It’s Nathaniel.” 

“Sir Tan?” Napabulaslas niyang sabi at napatayo siya.




ITUTULOY...

No comments: