Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 3 - Chapter 1: My Nightmares


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

I’ve had enough of you, Heather!”
Yan ang galit na sigaw sa kanya ng long-time boyfriend niya na si Gareth. Eto na naman sila. Nag-aaway sa iisang problema ever since their 3rd monthsary. Feeling niya kasi ay nambababae ito. Lagi na lang kasi itong may lakad tuwing magyayaya siyang kumain ulit. She’s being paranoid daw sabi pa ni Gareth sa kanya. Wala naman daw itong proweba at wala dapat daw siyang ikabahala dahil mahal siya nito. Yes, sinabi nito iyon sa kanya. Labas nga lang sa ilong.
“Gareth, I wanna believe you when you always telling me that you love me pero hindi ko yun nararamdaman. Oo, siguro dati, pero since 3rd monthsary hanggang ngayong 3rd year anniversary nating magkasintahan ay lagi na lang ganito ang drama natin.”
“What do you want me to do? I am always busy sa mga meeting namin sa kompanya ni daddy. You don’t expect me to be with you at iparamdam sa iyo na mahal kita. Look, Heather, we had a relationship for over a 3 years already. Ni wala ka ngang nakikitang proweba na nambababae ako. Masyado lang akong busy sa trabaho. You have to think, Heather! Hindi lang yung feelings mo ang iniisip mo. It’s for our future din naman e! God!”
Naasar na litanya ni Gareth sa kanya. Hindi ito ganon dati. Gareth was the sweetest guy and very gentleman guy she had ever met. She felt beautiful and special everytime na magkasama sila. She used to be the whole world to him pero bakit nag-iba? Wala naman siyang ginawang masama dito e.
Napabuntong hininga siya dito at nagsisimula ng umiyak. “I’m sorry if I ever doubt you. I know it’s always like this since na naramdaman kong nagiging cold ka na sa akin. I knew you love me, Gareth. Please, lets make things out?” Nagmamakaawang sabi niya dito.
Naawa naman yata ito sa kanya at lumambot na ang ekspresyon sa mukha nito at niyakap siya. “I’m sorry kung napagtaasan kita ng boses. I love you, Heather.” Sabi nito sa kanya at inihiwalay ulit siya sa katawan nito.
Nakita nya na unti-unti nang lumalapit ang mukha nito sa mukha niya. Gareth gave her a kiss, a kiss that she thought she’s not gonna feel anymore. Tinugon naman niya ang halik ng pinakamamahal niyang si Gareth. Naikawit na niya ang mga kamay niya sa balikat nito at naramdaman niyang humawak ito sa beywang niya at tumataas iyon sa likuran ng dibdib niya. Naitataas na rin nito ang damit niya.
Inihinto niya ang ang paghalik at itinulak nito ang binata. Nakakunot-noong nagtatanong ang mga mata nito sa kanya. “I’m sorry, Gareth. But I think it wasn’t the time for this.”
“When? Antagal ko nang hinintay ito. Sa pagpapakasal din naman ang punta natin ahh.”
“In our honeymoon, sweetheart.” Sabi niya at yumakap ulit dito sa lalake at akmang hahalikan ng may marinig siyang pumalakpak. Ang pinsan niyang maharot, si Amanda.
“How pure of you my cousin, Ilang taon ka na nga ba? 24 pero mag 25? Pero virgin ka parin. Baka mamaya e mapanis na yang sinapupunan mo diyan.” Tumawa pa ito ng nakakaloko.
“Are you stupid or what, Amanda? Kahit nga hindi mo ipagalaw ang virginity mo ay hindi mapapanis ang sinapupunan ng isang babae. Ang mangyayari lang ay menopause ka at wala ka nga lang magiging anak.” Nagtataray na niyang sabi sa pinsan.
Ngayon lang siya nagtaray dito. Bakit nga ba naman hindi? E naudlot ang paghahalikan ulit nila ng kanyang labiduds.
“Ahh. Heather, may lakad nga pala ako ngayon. I’ll just call you.” Biglang sabi nito upang mapatingin siya sa kasintahan.
“I love you, Gareth. Mag-ingat ka ha? Please, text me.” Sabi niya pa at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi. Nakita niyang nakatingin ito sa pinsan niya pero wala lang iyon sa kanya. Medyo naging close ang dalawa at hindi niya alam kung bakit, magkaiba na nga ang ugali ng dalawa ay maldita naman ang pinsan niya. She just shrugged the thoughts out of her head at nag-wave na ng goodbye sa nobyo.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita sa iyo ni Gareth e. Gwapo, simpatiko, gentleman, sweet at matalino. Sabihin mo na ring anak siya ng ,ay-ari ng isang IT Company. Ginayuma mo, Cousin?”
“Hindi. Nakita kasi niya kung gano ka ganda ang puso ko at kung gano rin ako katalino hindi katulad ng iba.” Mapatos niyang tarayan ang pinsan ay umakya na siya sa kwarto niya. Hindi na niya pinansin ang pang-aasar pa ng pinsan niyang maharot.

Lumapit ito sa harap niya. Hindi niya mawari kung nakangiti ba ito o hindi. For some reason ay hindi siya makatingin sa mukha nito. Sa kamay lang nito na may engagement ring na pero magkahawak sila ng kamay, mukhang ayaw magbitaw ng kahit na sino sa kanila. Dahil na rin sa curiosity niya ay tumingin na siya sa mukha ng babae.
Damn! Yan na naman ang napapanaginipan niya. Hindi niya alam pero lagi niyang napapanaginip ang babaeng wala ang mukha. It never creep him out though. Iyon na nga ang mas weird e, kasi dapat sa mga panaginip na ganon ay matatakot siya o magugulat.
“Hey. You alright?” Nagtatakang tanong ng katabi niya sa kama niya. Sino nga ba ito? Ang naaalala niya lang ay nag-iisa siyang nainom sa Senang Hati kagabi nang may lumapit sa kanya. Kilala niya ito. Isa itong model sa isang fashion magazine.
“Yeah. You better go now. I am busy today so I cannot play with your games anymore.” Sabi niya dito at tumayo na. Medyo nabuwal siya dahil masakit ang ulo niya. Medyo naparami yata ang inom niya. Pumunta na siyang banyo para maligo. Medyo hectic talaga ang schedule niya. May meeting pa sila ng mga ka-brod niya mamayang lunch.

I’ve heard you had a good night last night, Brod.” Nang-aasar na turan ng mga ka-brod niya. Mukhang medyo late yata si James sa meeting nila kaya siya ang inaasar ng mga siraulo niyang kaibigan.
“Nope. I had that dream again.” Busangot na sabi niya at umupo na sa single chair.
“Oh that faceless woman again? That really intrigues me, Sean. Kasi sabi mo ay may engagement ring na ang babae pero ang higpit parin ng kapit mo sa kamay niya. Baka maging kabit ka nung babaeng iyon.” Natatawang buska sa kanya ni Theodore.
“Shut up, mate! I shouldn’t have told you about my nightmares. Now I am the only one you sees.” Sabi niya sa maga ito. Ewan niya pero na-save siya ng pagdating ng inlababong si James.
 “Thank God you arrive, James. You just save me for being the center of attention.”
“What do you mean?” Takang tanong ni James pero halatang nagniningning ang mga mata. In love ang loko pero hindi pa alam. Ganon naman talaga si James e, tanga pagdating sa pag-ibig. Kailangan pang asarin para magka-guts na gumalaw.
 “O ano na pare? Kayo na ba nung Cassandra mo?” Tanong ni Ezekiel. “E kasi naman brod, yung pustahan natin. Nabibinbin na. 2 weeks had passed, Pare.” Dagdag pa nito.
“Oo nga Jaq. I really thought na mapapasagot mo yun within 2 weeks. She looks like she has an eye on you anyways.” Dagdag  na pressure ni Theodore kaw James.
“I can’t wait to get a million each on you guys. I wanted to buy the a lot I saw in Pagudpod without using any of my Father’s money but on the second thought, I might buy a car instead. I had been eyeing a car that I fell inlove with. Again.” Sabi naman ni Elliot.
“You think you’re gonna win the bet Elliot? Remember we are seperated in two teams here. So the team that wins should share the price.” Hirit naman niya. “And I’m on your team, that this guy will make that Cassandra fall for him.”
“Shut up, you guys!” rinding sita nito sa kanila. “I never agreed to this bet. So, Dont pressure me. Binubuwag ko muna yung mataas na dipensa ni Cassandra then I’ll make my move.”
“Atta Boy!” Sigaw nang mga  JESTER’s member na pinangunahan na niya. Kahit papaano ay nakakalimutan ng mga ugok ang tungkol sa nightmares niya. Maging siya kasi ay curious kung bakit paulit-ulit ito. 2 years na niya itong napapanaginipan pero mas dumadalas ngayon. Weird pero gusto niyang makilala ang faceless woman niya.
“You don’t have to place a bet. Just do what you want and we will enjoy ourselves betting on what will happen to both of you.” Tatawa-tawang sabi ni Sean.
“Thanks guys. You’re a real friend.” Sarkastikong sabi ni James. “Well gotta go. I need to make my secretary fall for me. Withing a week, I will get her sweetest ‘YES’” at umalis na sa harap nang ka-brod niya. “Crazy Guys...” naibulong na lang ni James bago lumabas ng ‘meeting room’ nila. Located malapit sa mga trabaho ng mga ito. Sa Regency at Salcedo.
“Well, I better go too. I’ve got some appointment with my father.” Sabi niya at nag-roll ng eyes. Alam nito kung ano na naman ang pag-uusapan nilang mag-ama. It’s either the marriage, the business or just checking on him.
“Good luck with your interrogation, I mean, your appointment!” Asar pang sabi ni Theodore sa kanya.

Pasakay na siya sa kotseng naghihintay sa kanya sa tapat ng Regency ng may maramdaman siya. Parang may humaplos sa kanyang puso. Napatayo siya ng tuwid sa kinatatayuan niya at hinawakan ang kanyang dibdib at nilamukos iyon. He wanted it to go away. Parang may bumulong naman sa kanya na tumingin sa paligid niya.
Binibigyan ba ako nito ng instruction? Hindi naman niya maiwasang tumingin-tingin sa paligid. Trying to remember kung ano ang hubog nung nasa panaginip niya pero masyadong marami ang mga taong babaeng naglalakad. Lunch Break kasi e.
Napabuntong hininga na lang siya at lumakad na lang papuntang sasakyan niya.
Papatawid siya papuntang IT Company ni Gareth. Nasa tapat na siya ng Regency At Salcedo ng may dumaang magarang kotse. Nakita niyang customized ang plate number nito sa harap na nakalagay na : 53AN.
Napangiti siya. Naalala niya ang mga araw na nasa kolehiyo sila nila Chloe at KC. Sean kasi ang nakakuha ng atensiyon niya doon pero matagal na kasi iyon at medyo hindi na niya matandaan ang mukha nung nakakuha ng atensiyon niya sa grupo ng mga gwapo. Hindi naman kasi siya mahilig tumingin sa mga magazines. Katabi lang kasi ng Regency ang kompanya nila Gareth. Maliit man ay palaki na rin ang business ng nobyo. Masaya siya para dito.
Nakarating na siya sa opisina ni Gareth pero sabi ng sekretarya nito ay lumabas kasama ang isang babae. Amanda daw ang pangalan. Nagtataka naman siya. Bakit lalabas ang dalawa ng hindi niya alam?
“Miss, alam mo kung saan sila pupunta. Sosorpresahin ko sana ang nobyo ko e?”
“Ahhh, Sabi ni Sir Gareth sa Italian Restaurant daw po na paborito ni Sir.” Madaldal na sabi ng sekretarya nito. Napangiti naman siya at tumungo.
“Maraming salamat ha.” Sabi pa niya bago siya lumabas ulit sa kompanya ni Gareth at nag-commute na pumunta sa Caffe Caruso sa may Bel-Air. Nakarating kaagad siya sa restaurant na madalas nilang puntahan ni Gareth. Hindi kasi nito alam na susurpresahin niya ito at yayayaing makipag-lunch date. Birthday niya kasi ngayon.
“Good Afternoon, Mam Heather. Hinihintay na kayo ni Sir Gareth” Sabi ng waiter na kilala niya. Lagi na kasi siya doon.
 “Andoon po siya oh.” Sabi nito at itinuro ang nobyo niya. Napatingin naman siya sa nobyo. Mag-iisa na itong nakaupo. Nakatingin at nakangiti na ito sa kanya. Siya pala ang nasurprise nito. She’s just so happy.

Siya dapat ang mang-susurprise sa kasintahan pero mukhang siya ang nasorpresa nito. She didn’t know na may naireserve na upuan pala ang lalake sa favourite restaurant nito. Naalala pala nito na birthday niya ngayon. Namiss niya ang kasweetan ng kasintahan niya. Lumapit na siya ditong naluluha. Hindi niya napansin na tumakas na sa gilid ang kinagpo ng kasintahan niya.
“Surprise? I knew your gonna look for me today so I told my secretary about your arrival and where I am. Happy Birthday, Honey!” Masaya pero nanginginig ang boses ng kasintahan nagtaka man ay hindi na lang niya pinansin iyon. She’s so happy to even think of negative things right now.
Nayakap niya tuloy ang kasintahan niya dahil sa sobrang saya. Lumuluha siya pero nakangiti. Tears of joy kumbaga. Narinig niyang may pumapalakpak na tunog happy birthday kaya napalingon siya kung saan iyon nanggagaling.  May dalang birthday cake ang mga waiter at nag-umpisa na silang kumanta. Yung mga nasa paligid ay nakikikanta na rin at nakikipalakpak.
Nang matapos na ang pagkanta ay lumapit na ang waiter na may dala ng cake at pinag-wish siya. Pumikit tuloy siya at medyo tumagal ang kanyang wish. Pagmulat niya ay inihipan na niya ang cake. Nagsipalakpakan tuloy ulit ang mga tao at waiter.
“Thank you so much and I love you, Gareth!” Sabi niya at binigyan ng halik ang nakangiting si Gareth.
“Everything for you, Honey!” Sabi ng Boyfriend niya na lalo pang nagpasaya sa kanya.
Umupo na ulit siya nang umupo na si Gareth na nasa harapan niya. Tinitigan niya ito at tumitig naman ang lalake sa kanya at ngumiti.
“What did you wish for, honey?” Curious na tanong ni Gareth sa kanya.
“Secret.” Sabi niya at nag-belat pa sa harap ni Gareth in a childish way. Natawa na lang ang lalake at pinanggigilang kinurot pisngi niya.
“Baka kasi hindi ma-grant ang wish ko e.” Sabi pa niya sa kasintahan.
“Fine. I won’t ask for it anymore. Let’s just enjoy your special day. Happy Birthday again, honey~”


ITUTULOY...

No comments: