Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 5: Reunion

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


MARARAMDAMAN niya ang wagas na pagmamahalan sa loob nang simbahan kung saan ginaganap ang wedding of the year. Magandang i-feature ito pero masasakal siya ni James kung i-feature niya ito nang walang pahintulot. Gusto nang lalake na maging solemn at private ang kasal na nakuha naman nang dalawa, ang mga magbabarkada ay present lahat. Gwapo pa rin at talaga masarap nakawan nang tingin ang mga ito. Alam niyang halos lahat nang kadalagahan sa kasal ay nakatutok sa mga ‘single’ pang JESTER. It’s a very nice thought na kakilala niya ang mga ito ang it all thanks to her bestfriend Ara. 

Matapos ang kasal ay kinawayan niya ang mga kaibigan. Nakita naman kaagad siya ni Ran ngunit inignore siya nito at umarteng di siya nito nakita buti na lang talaga at napatingin din sa gawi niya si Theo at kumaway! Ngising-ngisi itong siniko si Randolph pero inignora lang nito ang kaibigan. 

“Vega!” Masayang bati ni Theo sa kanya at open arms pang lumakad ito sa kanya. Ang haba nang hair ko ha. Naku sure ako na pinapatay na ako sa isip nang mga kababaihang tinatarget ang binata. Nakulong siya nito sa matipunong dibdib nito at hinalikan siya nito sa pisngi. Gumanti naman siya nang yakap dito at nakipag-beso na. Doon na nagsilapitan ang apat na lalakeng di pa naalis nang simbahan. Pinauna na nito sila Ezekiel at James sa reception. 

“Buti at nakarating ka. James told me na wala siyang natatanggap na response mo sa invitation.” Sabi naman ni Elliot na yumakap at nakipagbeso din sa kanya. Kung hindi pa siya sanay sa kagwapuha ng mga ito ay malamang na nahimatay na siya dahil sa severe nosebleeding. Ikaw kaya ang paggitnaan ng naggwagwapuhang lalake, ano ang mangyayari sa iyo? 

“Sa bahay kasi namin sa Batangas ang huling address na alam niyo sa akin e. Kakauwi ko kagabi.” Sabi niya at gumanti nang yakap sa kaibigang si Elliot. Doon naman lumakad palapit sa kanya si Sean at nakipagbeso at yakapan din sa kanya. 

“Aren’t you exhausted? You came all the way here from Batangas right?” 

“It’s fine. I wanna see all of yous anyways. Nagulat nga ako na magpapakasal na si James. His wife sure is a looker, ang ganda ganda niya.” Sabi niya dito na natatawa. 

“She’s beautiful inside and out not like someone I know.” Ang banat naman nang nananahimik na si Ran. Nakatingin ito nang masama sa kanya at ni hindi man lang ito gumalaw para yakapin at besohan siya. 

“Well, I am sure it’s not Vega because look at her...” Sabi ulit ni Theo at hinawakan ang kamay niya at itinaas ito. Theo made her turn around like a ballerina except that she’s not tiptoeing. 

“Model-like height, Kulay-kapeng ang buhok at mahaba at striaght pa, makinis ang balat, mahaba ang pilik-mata, ang nunal niya sa ibaba nang kaliwang mata niya, matangos ang ilong, at higit sa lahat ay kissable ang lips.” Namumula na siya kahit nga ba si Theo ang nagsasabi nang mga words na iyon ay kay Randolph siya nakatingin. Nang kunin kasi ni Theo ang kamay at iikot siya sa harap nang tatlo ay nakatingin na sa kanya si Ran pero di niya alam kung ano ang nararamdaman nito or iniisip nito habang nakatitig sa kanya. 

Titig palang nanghihina na ang tuhod ko, buti na lang at nakaalalay sa akin si Theo kundi kanina pa ako nakalupasay sa sahig nang simbahan. Nang sinasabi kasi ni Theo isa-isa ang mga parte nang buong katawan niya at pinupuri nito ay isa-isa ring tinitignan ito ni Ran. Mula sa height, buhok, mata, pilikmata at nunal niya sa kaliwang mata, ilong at pababa sa labi niya. Nakita niyang gumalaw ang adams apple ni Ran-ran nang mapatingin ito sa labi niya. Naalala ang insidenteng nangyari two months ago dahil doon ay pulang pula din siya. 

“And she’s blushing as I complement her. You’re cute. I like your type.” 

“Sige... Bolahin mo pa ako, Theo, baka maniwala na ako sa iyo niyan.” 

“Don’t. Magmumukha kang tanga if ever patulan mo ang malaking joke ni Theo. I’ll go first.” Paalam ni Ran sa mga kaibigan at umalis na patungo sa kotse nito. Napanguso tuloy siya at napahalukipkip. 

“Don’t mind him. Ganyan lang talaga yan. Magkapareho kami nang tipo nang babae, Vega and I am sure na lahat nang nakikita kong katangian mo ay nakikita nang mokong na yun.” Sabi pa ni Theo at nginitian siya nang nagpapasensya. 

“Theo’s right. We know Ran too well. He didn’t mean to tell you that hurtful things. Just don’t let his words hurt you.” Sabi naman ni Sean sa kanya. 

“Alam ko naman pero minsan below the belt na ang banat niya e. Pati yung pagsasabing tanga kaming mga writer.” 

“Hindi mo rin naman masisisi ang lalakeng yun. Marami nang nangyari sa kanya at dalawang tao nang writer ang nakasakit sa kanya. Ikaw at ang—.” Naputol ang sasabihin ni Elliot nang mapatingin ito sa katabi niyang si Theo. 

“Never mind that. Halika na sa recpetion nang kasalan.” Yaya ni Theo sa kanya. 

“Sige, may dala akong kotse e. See you na lang sa reception.” Sabi ni Elliot sa kanila at nagpaalam na rin. Umalis na rin si Sean para pumunta sa reception. Isinabay na siya ni Theo sa kotse nito para makapunta sa reception. 



CURIOUS man sa sasabihin sana kanina ni Elliot sa kanya ay hinayaan na lang niya. Tama nga naman na pigilan ni Theo ang pagsasalita sana ni Elliot lalo na kung hindi mismo kay Ran nanggaling ang mga katagang iyon. She doesn’t want to break his trust again once na makuha niya ulit ito. Naging masaya naman ang kwentuhan nila ni Theo habang nasa biyahe. Naging Heneral pala ito sa militar, kwela pa rin ito kausap hindi katulad ni Ran na lahat yata nang lumalabas sa bibig ay puro masasakit na salita. 

Hindi niya nga namalayan na nasa parking lot na pala sila nang bahay nila James e. Halos sabay-sabay pa rin silang nakarating na lima. Lumapit ulit ang tatlong lalake sa kanilang dalawa ni Theo at feeling niya ay hindi siya nag-eexcist sa mundo ni Ran. Tsk! Paano ko nga pala maisasakatuparan ito kung hindi ako pinapansin nang mokong? 

“Ran-ran, yung tung—.” 

“How many times do I have to tell you that you have to Call me Mr. Archuetta?” Putol nito sa kanya. Napakalamig nang boses nito at ni hindi man lang ito tumingin sa kanya. 

“Ran... I think your going to far.” Sabi naman ni Elliot dito 

“Shut up, guys. I told you in the first place that I don’t know anyone called Vega.” 

“Ok lang, El.” Kalmadong turan niya dito. Kung gusto nitong tawagin niya itong Mr. Archuetta ay gagawin niya. She really needed to make him agree na makasama sa iinterviewhin niya. 

“I am really sorry, Mr. Archuetta. Hindi na mauulit ang pagtawag ko sa iyo nang Ran-ran. I just wanted to ask you about the inter—.” 

“Don’t you think it’s inaapropriate to discuss business matter in this kind of day specially if there’s an occasion going on. If you’ll excuse me.” Putol ulit nito at lumakad na papalayo sa kanya. Doon siya nagpanic. Mukhang papahirapan na nga talaga siya nito. She knew that Ran is doing it on purpose. Ang pahirapan siya too the max. Lagot siya nito. 

“Paano yan? Ilang linggo na lang at magpapasa na ako nang article sa Batchelors.” Wal sa loob na naisatinig niya ito. 

“I really am sorry. If you want, I’ll give you my interview kahit na nga ba di mo pa nakukuha ang kay Ran. Let’s just pretend na hindi namin ibibigay ang interview sa iyo hanggat di mo nakukuha.” Sabi naman ni Elliot na nakapagpaliwanag sa mukha niya kahit papaano. Iyon din ang isa pa niyang inaalala. Sabi kasi nang mga ito sa kanya na hindi nito ibibigay ang mga interview hanggat di niya nakukuha ang kay Randolph. 

“Talaga? Gagawin niyo yan?” 

“Siyempre no. We are not like Ran, Vega. Hindi naman kami ganoon ka-heartless no. You can call me anytime, nasa saiyo na naman ang number ko e.” Sabi naman ni Theo at inakbayan siya. 

“Salamat sa inyo ha. The best talaga kayo.” Sabi pa niya na gusto niya pang lumuha. Napansin siguro iyon ni Sean ant naglabas ito nang panyo. 

“Here. Call me too, I will clear all my schedule once you asked me for the interview. We might aswell tell it to James and Ezekiel so they can agree about our plan.” 

“Right. Ikaw na ang bahalang makakuha sa isang iyon. Kulitin mo habang kami ay gagatungan namin siya hanggang sa mapa-oo mo.” Sabi pa ni Theo sa kanya. 

“Salamat talaga ha.” Pumasok na sila nang mapagdisisyunan ang mga gagawing pag-korner sa lalake bibigyan daw siya nang signal ni theo at doon dapat siya lalapit dito at kulitin ito. Malaki talaga ang pagpapasalamat niya sa mga ito dahil nag-agree na ang lahat na tumulong sa kanya. She really needed their help badly kaya naman lumayo talaga muna siya sa mga ito at laging tinitignan ang puwesto nang magkakabarkada. Nasabihan na rin nila si Ezekiel at James nang lumapit sila sa mga ito. Nakilala na rin niya ang asawa ni James na si KC at ang pinsan nitong si Chloe. Nag-congratulate na rin siya sa mga ito at ang mga ito naman ay sinabihan siya nang Goodluck. Napakabait nang magpinsan at naging close kaagad niya ang mga ito. 

Kinikilig siya nang tawagin na nang Emcee si Chloe at si Ezekiel sa gitna. Ang dalawang ito kasi ang nakasalo sa boquet at garter kaya ito ang maggagawa nang tradisyon na sa kasal. Ang isuot nang lalake ang garter sa babaeng nakasalo nang bulaklak. Natatawa at kinikilig siyang mag-isa habang hindi niya mapigilang picturan ang dalawa, actually kanina pa siya namimikture sa reception. Mag-isa lang kasi siya at walang kausap so inabala na lang niya ang sarili sa pagkuha nang litrato at para maipakita na rin ito sa Mama Janine niya. 

Naki-cheer din siya nang umpisahan nang mag-asawa ang pang-aasar sa dalawa nang ‘kiss’ for her ay bagay na bagay si Ezekiel at Chloe sa isa’t-isa. Itinapat niya ang camera sa grupo nang JESTER at ni KC, itututok niya sana ang lens sa mag-asawang masayang masaya nang mahagip nang lente niya ang nakangiting mukha ni Ran. A very geniune and soothing smile na hindi mo aakalaing makikita mo sa gwapong pagmumukha ni Ran. Hindi niya alam pero pindot siya nang pindot sa boton para makuha ang picture nito and for some strange ay bumibilis ang tibok nang puso niya habang pinipicturan niya ang lalake. 

Nakaramdam siguro kaya napatingin ito sa gawi niya. Napasinghap pa nga siya nang magkatitigan sila sa mata... actually nakatingin ito sa kanya na parang kitang-kita siya nito at ang kaluluwa niya. Lalo tuloy bumilis ang tibok nang puso niya. Kahit na alam niyang hindi nito nakikita na nakatitig siya dito through the lens of her camera ay kinakabahan siya na ewan. 

Slowly she turned her lens to the loving couple at pinicturan ito. Doon na lang at sa naghahalikang sila Chloe at Ezekiel niya itinutok ang kamera. Baka mapagkamalan pa ulit siyang stalker nito. Ibinaba lang niya ang kamera at pinanood na lang ang dalawang naghahalikan kanina na naghiwalay at tinahak ang magkaibang daan. Si Ezekiel patungo sa mga ka-brod at si Chloe na patungo sa loob nang Mansion nila James. Ang sinundan niya nang tingin ay si Ezekiel dahil kailangan pa rin niyang subaybayan si Theo para sa kanyang ‘GO’ signal. 

Nakita niyang nag-uusap ang mga ito at alam niyang inaasar nang mga ito ang natutulalang si Ezekiel. Nakita niyang napangisi si Ran nang magsalita ito. Hindi niya kasi marinig ang pinag-uusapan dahil nga malayo ang puwesto niya dito. Mukhang ito na ang pinag-tritripan nang mga kabrod nito dahil sumeryoso ito at napasuklay sa buhok gamit ang sarili nitong daliri. Napatingin siya kay Theo at nakita niyang kumindat na ito sa kanya, hudyat na eto na ang oras na pwede na niyang sundan at gambalain si Randolph. Nakita niyang tumayo ito at nag-walk out mukhang pinupuno talaga ito nang mga ka-brod niya. Di niya nga alam kung tama nga ba ang timing na ibinibigay sa kanya ni Theo e but she trust Theo’s instinct. 

Tumungo siya at sinundan niya si Ran. Dumiretso ito sa napakagandang Garden nang Mama ni James. Naabutan niyang nakatayo si Ran sa may tabi nang fountain at nakatingala sa kalangitan. Hindi niya alam kung bakit pero inuusig siya nang isipan niya na kunan ang napakagandang tanawin na iyon. Kinuha niya ang camera at ini-on ang Night mode nang camera at tinanggalan iyon nang flash. She then took five pictures of Ran bago niya ito tinigilan. 

Vega’s first love was photography pero dahil na rin sa kagustuhang mapasaya nang husto ang Mama Janine niya ay nagpursige siyang maging writer. Alam kasi niya na kahit nakangiti na ang Mama Janine niya ay malungkot ito. Kita naman kasi iyon sa mga mata nito kaya para makabayad nang utang ng loob sa Mama Janine ay naging writer nga siya. 

Nilapitan niya ito at tinabihan. Alam niyang naramdaman na siya ni Ran habang papalapit siya pero nanatili lang itong nakatingin sa kalangitan at di siya kinibo. Masyado yatang malalim rin ang iniisip nito. 

“Mr. Archuetta...” 

“You don’t need to say it. Alam ko na ang gusto mong sabihin. You wanted my interview, right? Kung ganon ay magiging alipin kita hanggang sa pumayag na akong magpa-interview. You have no other choice. Kung gusto mo makakuha nang interview sa akin ay susundin mo ang sasabihin ko at magiging alipin ko.”



ITUTULOY...

No comments: