Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 4: Annoyed

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


BAKIT ba ang init ng dugo mo sa akin?” Nahahawa na rin yata siya sa pagkunot ng noo ng lalake dahil napapakunot-noo siya na nakatingin lang sa gilid at hindi na muna niya tinitignan si Ran-ran dahil baka mahawa na rin siya ng pagka-grumpy nito. Nakasakay na sila sa sasakyan nito at nagbibiyahe kung saan man sila pupunta. 

“Mainit ang dugo ko sa babae in general and it all thanks to you and that woman.” 

“So naging bugnutin ka na dahil sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? Yung dahil sa article nang buhay ni Ara? Excuse me ha, pero as far as I remember, nagtanong ako kay Ara kung pwede kong i-publish ang nangyari sa buhay niya at wala naman siyang sinabing hindi pwede.” 

“And Ara didn’t say YES to it too plus the fact that our names are on that stupid school newspaper! All of you writers doesn’t really care about people’s feelings. Basta may article or gossip ay yun na agad ang isusulat niyo at ipupublish. That is why I hate your race.” 

“My race? Hoi! Tao ako no! Alam kong hindi rin um-oo si Ara but it wasn’t really my fault! Misunderstanding ang lahat!” 

“Are you really a human being?” Sarkastiko nitong turan sa kanya. Lalo tuloy siyang napakunot ang noo. “It wasn’t your fault? Your name and your picture was plastered on the corner of that article, it’s your action so take responsibility.” 

“At paano ako mag-take responsibility kung di ko nga action iyon? Hoi, Mr. Randolph John Archuetta. Ako nga ang sumulat ng buong article pero hindi ko iyon pinasa sa presidente ng Newspaper Club! Itinago ko iyon sa bag ko, sa USB ko! Nagpaliwanag sa akin ang presidente ng club at nag-sorry na! Nag-sorry na rin yung presidenteng yun kay Ara at sa iba pa! Ikaw lang ang nag-iinarte dati at ayaw mo pang makinig sa paliwanag namin.” Tinitigan niya nang masama si Ran na nakatingin pa rin sa dinadaanan pero nakakunot pa rin ang noo nito. 

“Galing na rin sa bibig mo! Ikaw nga ang nagsulat nang article na iyon at hindi mo pinasa sa Presidente ng newspaper club!” Natigilan ito saglit at napatingin sa kanya. May pagtataka na rumehistro sa mukha nito. “What did you just said?” 

“I didn’t pass it to the Club President! Ninakaw iyon nung kolokoy na iyon! Nataranta kasi nga sinabi ko na hindi ako magpapasa ng article ko. Ayun nung nakalimutan ko ang bag ko dahil hinila mo ako patungo sa canteen noon ay hinalungkat niya ang bag ko at natagpuan ang USB ko! Nakita niya ang article ko at ayun! Nasa front page pa nang Newspaper!” Nakita niyang ibinalik na nito ang tingin sa dinadaanan at natahimik lang saglit. Parang iniintindi muna nito ang nalaman. 

“Stupid writers...” 

“Hoi! Sumo—” 

“Don’t ‘Hoi’ me. Call me Mr. Archuetta.” 

“Then don’t call writer’s stupid! Bakit kaya mo bang gawin ang ginagawa namin? Ang magsulat in an artistic way, Mr Archuetta??” Nakataas ang kilay na tanong niya dito, may pang-uuyam na rin niyang tinawag ang lalake sa apelyido.. 

“It’s a waste of time. I never like words. Such flattery, boldness and...lies.” 

“I never tell lies! At hindi rin flattery ang tawag sa magagandang salita na nainilalagay namin doon. Iyon ay ang opinyon namin sa isang tao. Titigil ako sa pagsusulat once na naglagay ako nangkasinungalingan sa sinusulat ko or sa sinasabi ko. My mentor stopped writting because of lying as well.” 

“So may mentor ka pa lang sinungaling e. Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.” 

Doon na siya nagalit. Ok lang na lait-laitin siya nito at sabihan ng masasakit na salita pero wag ang Mama Janine niya. Nagpanting ang tenga niya, masakit iying pakinggan. Nagpipigil siyang saktan ang lalake. 

“Ibaba mo ako.” Matigas na sabi ni Vega sa lalake. 

“Sure.” Nakangiting itinigil nito sa gilid ang sasakyan. “Have a nice day, Miss Sandoval. I hope that I won’t see you any more.” 

“Fine! Mas mabuti pang maghanap nang bagong lalakeng ife-feature sa Bachelors kaysa sa katulad mong walang kwentang lalake at kinuha na yata ang lahat nang sama ng loob sa buong mundo. Laitin mo na lahat at pati na rin ako pero wag na wag mong lalaitin ang Mama ko! Ikaw nga ito, lalakeng hindi mahilig sa babae! Oh wait! It’s more like lalakeng mahilig sa lalake! Makaalis na nga!” Naaasar na binuksan niya ang pintuan. Wala na kasi siyang masabing masama dito. Noong close pa sila ni Ran-ran dati ay wala siyang maipintas dito. Naisip niya lang na asarin itong bakla dahil sinabi nito kanina na ‘mainit ang dugo’ nito sa mga babae. Isinukbit na ang bag at ilalabas na sana niya ang kanyang mga paa nang hawakan siya ng mahigpit ni Ran-ran sa braso at pigilan siyang lumabas. 

“Let me go! Nasasaktan ako!” 

“Bawiin mo ang sinabi mo.” 

“No way!” Asik niya dito at inilapit na niya ang isang kamay at pinilit na tanggalin ang kamay na nakakasakit na sa braso niya. “Ano ba?! Ang sakit na nang braso ko!” 

“Then take your words back! Now!” Pag-uutos nito sa kanya. 

“No way! Kung anu-anong sinabi mo sa Mama ko! Hindi ko babawiin yun hanggat di ka nahingi ng sorry!” 

“I said take it back!” Nanlilisik na ang mata nito. Ano ba kasi ang i-take back ko? Chever to! Ang sakit na ng braso ko! 

“Fine! Hindi na ako maghahanap ng bagong ife-feature sa Bachelors! Now get your hands off of me! Magmamarka na ang kamay mo sa braso ko!” 

“Not that! The other one!” 

“Sige! Bitawan mo muna ako.” Napabuntong hininga ito at unti-unting niluwagan ang pagkakakapit sa braso niya at iniaalis na rin ang kamay nito doon. 

“Now say it.” Medyo mahinahon na nitong turan sa kanya pero nanlilisik pa rin ang mga mata nito. Tinaasan lang niya ito nang kilay at tinignan ang braso niya. Ayun pulang-pula at mukhang papasain ako maya-maya lang. Asar tong lalakeng ito! Grrrr! 

“Hindi ko babawiin ang pagsabi ko nang bading sa iyo! Hindi ka pa nag-sosorry sa akin at sa mama ko! And I will find someone more handsome and more manly than you for Bachelors!” Sigaw niya at lumabas na. Nag-uumpisa na siyang maglakad nang mabilis at hindi na lang pinansin pa ang lalake. Wala na siyang pakiaalam kung nakaalis na ba ito or what basta sya naaasar dito. 

“You really are a liar.” Mahinahon pero napakalamig na tinig ang nagpagimbal sa kanya. Lumingon siya at i-check sana kung guni-guni lang niya iyon or what pero totoo. Si Ran nga ito. Glaring at her with the coldest stare she had ever seen. Biglang parang nilamig siya. Tinalikuran niya ang lalake at akmang lalakad ulit ngunit nahablot na siya nito. Kung hindi lang siya nito nasalo sa matipunong bisig nito ay lupasay siya sa kalsada. 


Ang herodes na ito! Parang ginagawa akong laruan! Hahablutin tapos sasaktan! “Ano ba—!” 


Hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa nang lalake. Nakita niyang nakapikit ito at hinahalikan siya. Halik na nagpaparusa, madiin at nakakapanghina ito nang tuhod pero hindi nagtagal ang marubdob at madiin na paraan nito nang panghahalik. Napalitan iyon nang naglalambing at nanunuyong halik, dahil sa paraan ng halik na ginagawa nang lalake ay gusto na niyang tumugon dito at pumikit din. She was about to move her hands on his nape when he stopped the kissed and moved back to look at her. Ano ba yan?! Pipikit na nga ako at nanamnamin ang halikan e! Buwiset! Ang bagal ko kasi e! 

“I am not gay and definitely don’t like men the way you see it. Napatunayan mo yan.” 

Napahalukipkip siya. Ai ganon? Pinatunayan lang na lalake siya kaya niya ako hinalikan? Sige, maasar ka nga lalo na bading! I want second one! “Halata nga... na wala kang practise sa paghalik. You’re a lousy kisser.” Pagkasabi niya at nilayasan na ito. Narinig pa niya ang halakhak nito na parang amuse na amuse. Sana ay good thing ang pagka-amuse nito kundi lagot na naman siya dito sa susunod. 

Huminto siya at humarap ulit sa lalake. Nakita niyang pinagmamasdan na lang siya nito papalayo. Inilagay niya ang hintuturong daliri sa ilalim nang mata niya at hinila iyon pababa habang ang dila niyang kanina ay nakikipagbuno sa lalakeng kahalikan niya ay nakalabas na. Para siyang batang binelatan ang lalake. Napangiti lang ito at ginalaw nito ang kanay kamay. Akala niya ay kakawayan siya nito pero nadismaya siya nang i-shoo siya nito. Ano ako aso? Napakaganda ko namang aso kung gayon.




IYON na ang huli nilang pagkikita ni Randolph dahil naging busy na kasi siya sa December’s Article at ang January’s Article. Kinakabahan nga si Vega dahil hindi niya sure kung mapapakiusapan pa rin niya si Randolph para sa kanyang Valentine’s Article. Nalaman niyang nakausap na ni Donnie ang iinterviwhin nito para sa February’s article. Tagilid siya ngayon. Mukhang delikado siya sa promotion niya. 


Nanghihina tuloy siyang bumaba sa taxi at dumiretso sa bahay nang Mama Janine niya. Minsan na lang siya makadalaw sa nanay-nanayan niya at almost 2 months na ang nakakalipas bago siya ulit nakauwi dito. Inilabas niya ang copya nang susi at isinuksok doon. Malayo kasi ang bahay nila sa pinagtratrabahuhan kaya naman mag-aalas onse na siya nakauwi, maaga pa naman natutulog ang kanyang Mama Janine. 

Madilim na ang buong bahay nang mabuksan niya ang pintuan. Kinapa niya ang switch nang ilaw at nagliwanag ang buong sala. Napalingon siya sa mini-box na sa gilid nang pintuan. Doon inilalagay ni Mama janine niya ang lahat nang sulat niya na natatanggap nito. Iilang tao lang ang nakakaalam nang address nang tinutuluyan niya sa Maynila. Ang Mama Janine niya, si insan Melai niya at mga katrabaho niya sa Bachelors. Mga letter lang tungkol sa trabaho at mga utang ang napupunta sa inuupahan niya sa maynila. 

Kinuha niya ang letter at isa-isa niyang tinignan ang mga iyon. Napakunot noo siya nang makita ang isang wedding invitation. Kelan kaya ito ibinigay? Nagtataka man ay binuklat niya iyon. Wedding invitation ni James at KC. 

“Bukas na ito. Buti na lang pala at nakita ko. Nice! Mukhang binibigyan ako nang isa pang pagkakataon ni Lord para makumbinsi ko si Ran-ran.” Niyakap niya ang wedding invitation at napapangiti habang iniisip ang magandang atake nang mga salita para mapa-OO niya si Ran-ran. 

“Oh. Andito ka na pala. Kamusta ang trabaho?” Napatingin siya sa hagdanan nang bahay. Andoon nakatayo ang kanyang Mama Janine at pupungas pungas. Kahit na nga ba ilang taon na ang nakakaraan since nang ampunin siya nito ay hindi pa rin nagbabago ang itsura nito. Maganda pa rin ito at mukhang bata. Pwede nga silang mapagkamalang mag-ate dahil sa itsura nito. 

“Nagising ba kita, Mama?” Tumayo siya at lumakad papalapit dito para magmano at yakapin nang mahigpit ang matandang babae. 

“Hindi. Nauuhaw kasi ako kaya napatayo ako e bukas ang ilaw. Alam kong ikaw lang naman ang darating nang disoras nang gabi e. So kamusta ang buhay sa maynila?” 

“Eto, ok naman. Na-sstress ako doon sa isang taong i-fefeature ko sa February month. Yun kasi ang basehan nang Bachelors kung sino ang kukunin bilang editor in chief e. Kapag napa-oo ko lang si Ran-ran ay solve na solve ako at alam kong mapapasaakin ang pagiging editor-in-chief, Mama. Matutupad ko din sa wakas ang pangako ko sa iyo.” 

“Yang pangako na naman na yan. Alam mo naman na mas gusto kong stress-free ka kaysa ang matupad ang pangako mo sa akin. For me, you being on one of the famous magazine in the Philippines is enough tapos nababalitaan ko pang isa ka sa mga magagaling na writer doon. Proud na proud na ako sa iyo kahit na nga ba hindi ka maging Editor-in-Chief.” 

“Mama naman e. Gusto ko matupad iyon kahit papaano bilang tanaw nang utang nang loob ko sa iyo. Inalagaan mo kaya ako at minahal na parang sariling anak. I love you, Mama. Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat nang ginagawa ko.” 

“I love you too, anak. Kung may problema ka sa magiging ‘interviewee’ mo ay sabihin mo lang sa akin. Marami pa naman akong koneksyon when it comes to Literature world. Sino nga ba ang iinterviewhin mo? Malay mo kilala ko ang kamag-anak or something.” 

“Kaibigan ko noong highschool, medyo nagkatampuhan kami noon at di na kami nakapag-usap. That guy totally hates the likes of us, yung pagiging manunulat natin.” 

“Sino ba yun at na-cucurious ako?” 

“Si Mr. Archuetta.” Napapa-rolleyes pa siya nang banggitin ang apelyido ni Ran-ran. Narinig naman niyang napasinghap ang Mama Janine niya at namutla. “Bakit Mama? Okay ka lang ba? Namumutla ka ha.” 

“W-wala. S-sino bang Archuetta yan? I think I know someone with that nickname.” 

“Ai. Lagi yang nasa Business magazines at mga fashion magazines. Siya ay isa sa mga kilalang Jewelry Designers. Siya ang may-ari nang R.A Jewelry. Wait kukunin ko lang ang scrapbook ko noong highschool ako.” Sabi niya at napatakbo siya pataas sa kwarto niya para kunin ang treasured scrapbook niya. Nagmamadali siyang bumaba at nakita niyang hawak-hawak na ni Mama Janine niya ang wedding invitation. Nakita niya ring malungkot na napangiti ito habang binabasa iyon. 

“Ma...ma.. Eto na po yung scrapbook ko. Oo nga pala, Mama, pupunta ako sa wedding day ni James. I-congratulate ko na rin siya at kausapin si Ran-ran para mapakiusapan sa interview.” Umupo siya sa tabi nito at inilapag ang scrapbook sa lamesa. “Okay ka lang ba talaga?” 

“Oo naman no. May naalala lang ako. Patingin nga nang scrapbook mo.” Sabi nito at kinuha na ang scrapbook niya. Inisa-isa nito ang mga iyon at nakikita niya ang saya at lungkot na rumehistro sa mga litrato. 

“O sige, Mama. Matutulog na po muna ako. May kasal akong dadaluhan bukas e. Kailangan ko nang beauty rest.” Pagbibiro niya dito. Napatingin naman ito at napangiti rin. 

“Sira ka talaga. Hindi ka naman yung ikakasal e at saka beauty ka na no. Nagmana ka sa akin e. Titignan ko na rin itong mga ito sa kwarto ko.”Sabi nito at iniligpit na ang mga naikalat niyang sulat. 

“Ai oo nga pala. May litrato rin ako nung herodes na iinterviewhin ko. Latest pa!” Sabi niya at minadaling binuksan ang bag niya. “Eto o. Gwapo talaga ang mokong kung hindi lang parang ipinaglihi nang magulang sa sama nang loob. Ok na sana e kung mabait lang at mapagmahal itong lalakeng ito.” 

“Intindihin mo na lang siya, Anak. Malay mo may nangyari sa kanya noong bata palang siya. Wag ka na ngang ma-stress na naman at matulog ka na. Yung eyebags mo baka maging kasing lake na nang maleta kung di ka pa matulog. Ako na bahala dito.” 

“Sige na nga po. O eto, Mama. Ikakabit ko yan sa dulo e. Manghihingi na rin ako nang latest litrato nang iba pang JESTER bukas or more like, picturan ko na lang sila. Na-eexcite na tuloy ako. Makatulog na nga para pagkagising ko e wedding day na. Goodnight, Mama.” Sabay halik sa Mama Janine niya. 

“Good night, Anak.” Sabi rin nito at gumanti nang yakap. ‘Thank you’ ang huling na sinabi nang mama niya pero bakit nga naman ito mag-thank you e wala naman siyang ginawa? Ahh Ewan! Basta itulog ko na lang ito. Makikita ko na ang mga gwapo kong schoolmates!



ITUTULOY...

No comments: