Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 12 (FINALE)


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Naidaos na ang kasal ng dalawa. Mas bongga ito dahil mas mahaba ang time na ibinigay niya sa mga mag-oorganize ng kasal. It was the wedding of the year. Lahat ng mga couples na napagtagpo niya, mga empleyado niya at ni Ezekiel, mga kilalang tao sa lipunan at siyempre ang JESTER.
Nasa reception na sila ng kasal. Napatingin si Chloe sa mga anak nila ni Ezekiel. Hindi pa rin ito masyadong magkasundo pero she knew that both of the kids will start to be concerned with each other. Naramdaman niyang hinapit siya ng asawa niyang si Ezekiel at hinalikan siya sa labi. Kahit nung nagbibigay ito ng vows sa kasal ay hindi pa rin nito sinabi ang pinakagusto niyang marinig mula dito.
She doesn’t care na nga lang kasi wala na namang kawala sa kanya ang asawa e. Maya maya ay tinawag na sila para sa Dance. Pumagitna na sila at sumunod na ang mga tao.
Yakap-yakap siya ni Ezekiel while kissing her hair. Madalas na nitong gawin sa kanya mula nang magkita ulit sila. Napapangiti siya.
“I’m so happy that your mine now.”
“I am always yours. Diba sinabi ko na you only belongs to me.”
“Yes, my love.”
“Love? Hindi ko pa naririnig ang mga katagang iyan sa labi mo.”
“Really?” Natatawang tanong nito sa kanya. “And I thought you hate cheesy words. Kaya nga hindi ko na lang sinasabi at ipinararamdam ko na lang sa iyo e.”
“Bakit? Hindi ba pwedeng magbago?” Sabi naman niya at tumawa. Medyo nakurot kasi niya ang tagiliran ng dalaga.
“Wag kang magsisisi kung magsawa ka sa words na hinihintay mo ha. Ikaw namilit e.”
“Pano akong magsasawa? E yun nga ang pinapangarap kong marinig mula sa iyo. Bilis na.”
Nagulat na lang siya at humiwalay sa kanya ang asawa at tumakbo papuntang emcee stand. Nakita niyang kinausap nito ang emcee at nakita niyang kinilig ito. Aba ang herodes, mukhang nag-flirt pa sa emcee.
Hindi niya inaasahan ang mga susunod nitong gagawin. Kinuha nito ang microphone at pumunta ng stage. Tumayo ito doon at nag-ahem pa nga sa harap ng tao. Yun tuloy, natigil ang sayawan at napunta ang atensyon sa asawa. Natatawa naman siya dahil nakikita niyang nahihiya ito sa gagawin pa lamang.
“Marami na akong nagawang kasalanan sa iyo and I am really thankful na tinanggap mo pa ako sa buhay mo. Buhay ng anak natin at ni Lauren.” Panimulang salaysay nito. Medyo naiiyak na nga siya sa speech na sinabi nito. Kahit pa one sentence lang iyon.
“Nalaman ko kasi sa pinsan mo na you hate cheesy words kaya nung magsimula tayong lumabas at makipag-date ay hindi ko sinabi sayo ang kahit na anong cheesy words. I just made you feel my love. Hindi ko alam na gusto mo palang makarinig ng ganoon sa akin.”
“Timang ka ba? Siyempre gusto kong marinig iyon mula sa iyo. Medyo selfish na ako ngayon no! I don’t just want to feel it. I want to hear it too.” Sigaw niya dito at itinutok na ang spotlight sa kanya. Himalang nag give way ang mga nagsasayawan at nakita niyang tumalon sa stage ang asawa niya at lumapit sa kanya. Narinig niya pinatugtog ng DJ ang ‘Can’t take my eyes off of you.’ Naalala niya tuloy yung pagkanta ni Ezekiel sa kanya pero nahinto ang pagmumuni-muni niya ng mayakap na siya ng asawa at kumanta na.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off you.
You'd be like Heaven to touch.
I wanna hold you so much.
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive.
You're just too good to be true.
Can't take my eyes off you.
Natatawa siyang tumitig sa asawa. Nakikita niyang nag-eenjoy ito sa ginagawa. Naririnig na rin niya ang violent reaksiyon ng mga ka-brod nito. Natatawa ang mga ito at pinapatigil na sa pagkanta ang binata.  Pero mukhang desidido itong tapusin ang kanta.
I love you, baby,
And if it's quite alright,
I need you, baby,
To warm a lonely night.
I love you, baby.
Trust in me when I say:
Oh, pretty baby,
Don't bring me down, I pray.
Oh, pretty baby, now that I found you, stay
And let me love you, baby.
Let me love you.
“I love you too.” Maya-maya ay sabi niya at tinanggal na niya ang microphone sa tapat ng bibig ng asawa. Hinila niya ang damit ng asawa at pinalapit sa kanya. Nagulat ang lalake sa ginawa niya dahil halata ito sa gwapong mukha ng lalake.
Ikinawit na niya ang mga kamay sa batok nito at hinalikan ang asawang halatang gulat parin. She misses the kisses they shared when they were together. Naramdaman niyang tumugon ang asawa niya. Naramdaman na rin niyang nakayakap na ito sa beywang niya and deepen the kiss. Narinig niyang nagpalakpakan ang mga audience pero wala na siyang pakialam.

“Kuya Kiel! Let’s play!” Narinig niyang tawag ng pamangkin niya sa nakatatandang anak ng ka-brod niyang si James. Magkasama kasi ang magka-edad na sila Lauren at Kiel.
“Wait for me Kuya Kiel!” Sabi pa nito at tumakbo patungong kuya Kiel nito. Nagulat na lang siya ng sumigaw ulit ito.
“NOOOOOO!” nakita niya na ginaya na ng dalawa ang ginawa ng newly-wed couple. Hinila kasi ni Lauren ang kwelyo ni Keil at nagdikit ang mga labi ng mga ito. Ang problema nga lang ay dumating na si Aaron para paghiwalayin ang dalawa.
“You’re poisoning my Kuya Kiel! Get away from him!”
“You’re just jealous. Here.” Sabi nito at hinalikan rin si Aaron sa pisngi. Yan tuloy ay natahimik ang batang lalake. Nawala ang paningin niya sa mga bata ng mag-sigawan ulit ang mga tao. Nakita niyang naghalikan ulit ang mga ito.
Doon naman dumaan si Heather sa harap niya. Ang dating tutor niya. Sean cannot help but to stare at the gorgeous lady.
“Bakit kasi pinakawalan mo pa pare? Yan tuloy. Engage na sa damuhong iyon.” Maya-maya ay sita sa kanya ni Theodore.
“Shut up, guys! Just leave me alone.” Sabi niya sa mga ito at inisang lagok ang scotch. Nakita naman niyang umalis ang fiance nito at mukhang pupuntang cr. That’s his signal para lapitan ang dating tutor.
“S-sean...” Nagulat na turan ng dalaga sa kanya ng tumingala ito sa kanya. Kahit na nagulat ito ay hindi pa rin maitatangging sobrang ganda parin ng dati niyang tutor.
“Na-miss kita. Pwede ba tayong mag-usap. In private?”
Tumungo naman ito at tumayo na. Iginaya naman niya ito sa garden ng mansion ni Ezekiel. Nagpatayo pala ito ng mansion, bahay-bakasyonan nila ito.
“Ano yon?” Maya-maya ay tanong nito at tumingin sa kanya. “Bilisan mo kasi naghihintay na ang fiance ko. Baka hanapin na ako noon.”
“Please call off your wedding.”
“What?! Are you out of your mind Sean Micheal McConnel?!”


- END-
Abangan niyo po ang susunod na Istorya at pagmamahalan nila Heather and Sean sa:
JESTER Series: Sean Micheal McConnel – All I need is your Love

No comments: