Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 3: Ignored

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


ILANG oras na siyang naghihintay sa labas ng condo unit ni Ran. Gusto mang tumawag ni Vega kay Elliot ay hindi na niya itinuloy, tama na ang naitulong nito sa kanya. Naibigay na nito ang private number ni Ran at ang address ng Condo nito. Natapos ang trabaho niya ng 5pm at kumain muna siya bago siya dumiretso sa tapat ng condo ni Ran. Hindi niya akalaing ngayon lang uuwi ang lalake. Mukha itong pagod pero naroroon pa rin ang stern look nito. Nakita niyang nalagyan ng pagkagulat ang gwapong mukha ng hinihintay niya. 

Well at least di niya pa ako nakakalimutan diba? Gusto niyang mapangiti sa iniisip pero hindi siya dapat mapangiti. Binabaan siya nito ng telepono kanina at ini-off pa nito ang cellphone niya. 

Hindi nagtagal ang pagkagulat sa mukha ng lalake at nagsimulang lumakad ulit, palapit sa kanya. Nakita niyang iniignore lang siya ng lalake at lagpas sa kanya ang tingin nito. Ran is trying to ignore her big time. Hindi iyon maaari! 

Malapit na ito sa kanya alam na alam niyang lalagpasan siya nito. Iniharang na kaagad niya ang sarili niya sa dadaanan nito. Kahit magmukha na naman siyang stalker nito or kahit mukha na siyang papampam sa lalake. She needed to get his yes! 

“Hep, hep, hep! Dyan ka lang! I know na nakita mo na ako kanina pa but you really tried to ignore me.” 


“Who are you?” Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. Malamig din ang tono na ginamit nito. Kung si Eduardo ang magpapakita sa kanya ng ganyang attitude ay magagalit siya pero kapag si Ran ang nagtaas ng kilay sa kanya ay mas gumagwapo ito sa paningin niya. Masokista ba ako? 

“Who are you ka dyan. Si Vega to. Etong mukhang ito ba madaling kalimutan? Super ka naman.” Kunwari ay nagtatampong turan niya dito pero mukhang wala lang naman ito sa lalake. Napakalamig pa rin kasi ng expresyon nito sa kanya. 

“It’s not just your face... I don’t even know anyone with the name Vega, so if you’ll excuse me, I wanted to rest right now and in peace.” Naiirita nang turan nito sa kanya. 

“Gusto mo nang mamatay?” Kunwari ay gulat na tanong niya pero nakakalokong ngiti ang naka-plaster na yata sa labi niya. 

“Ha.ha.ha. Funny. So, if you’ll excuse me. I don’t wanna waste my time talking to strangers.” 

“Stranger ka naman diyan. Nasasaktan na talaga ako sa iyo, Ran-ran ha.” Ran-ran ang palayaw na ibinigay niya sa lalake noon nung nag-aaral a sila nung highschool. Mukha namang nagulat ito pero napatiim-bagang ito matapos magulat. Tinignan siya nito ng masama. 

“The only person that called me ‘Ran-ran’ died 12 years ago. So please, stop calling me that name. We are not even that close.” 

“Pinatay mo naman kaagad ako sa buhay mo, Ran-ran. Wag ganon, marami pa akong pangarap at isa sa mga iyon ay makuha ang matamis mong oo para sa interview ko. Matalga pa naman iyon kaya makakapag-isip ka pa.” 

“First of all, Stop calling me ‘Ran-ran’. We are not close and I don’t know you. Call me, Mr. Archuetta instead.” Napabuntong hininga siya. Matigas na talaga ang lalake. Mas maganda kung sasang-ayon na lang muna siya dito. 

“Fine. Mr. Archuetta then.” 

“Good. Second, you don’t need to waste mine and you’re time...” Napangiti siya. Mukhang sasang-ayon na agad ang lalake sa kanya. Hindi talaga siya matitiis ng lalake. Lumiwanag tuloy ang expression niya. 

“...because I won’t give you any interview. As you say, you still have plenty of time before this article. I suggest, you go and find another victim that has a lot of time. My brods and I, don’t have time like yours. I hope that it’s all clear now. Have a nice day, Miss.” Sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. Iyon yata ang hinihintay nang lalake at lumagpas na sa kanya. 

Malapit na ito sa elevator bago pa siya makahuma. Masyado siyang nag-expect, hindi na nga pala sila magkaibigan ni Ran-ran. Napabuntong hininga siya pero ngumiti at mabilis itong nilapitan. Walang ‘give up’ sa vocabulary niya. Hindi pa nag-gigive up sa lahat ng pagsubok ang dalagang si Vega. Nang makalapit ay niyakap niya kaagad ito sa likuran nito. Naramdaman niyang nag-tense ito dahil siguro sa pagkagulat. 

“Fine. I will let you rest for now because you look really tired pero wag mong iiexpect na nag-give up na ako. You know me, Ran—, I mean Mr. Archuetta, I never give up turo yan sa akin ng aking mentor. Right now, I am so sorry. Sa lahat ng maiisip mong dapat kong i-sorry sa iyo. Good night, sweetdreams and I do missed you alot. Goodbye for tonight, Mr. Ran-ran Archuetta.” Mahabang pagpapaalam niya dito. Alam niyang magagalit ito at pagsasabihan na naman siya kaya naman siya umalis kaagad, kumbaga nag hug-and-run siya. 



BREAK time na ni Vega sa araw na ito. Minadali niyang tipain ang dapat niyang tipain sa umaga. Dalawang linggo na siyang nagmamadaling umalis sa Bachelors tuwing lunch break. Meron kasi siyang misyon tuwing ganitong oras pati na rin ang oras niya nang uwian hanggang 10pm: Ang mangulit kay Randolph Archuetta. Kilala na rin siya ng mga empleyado sa office ng lalake kaya nakakapasok siya kahit na nga ba hindi dapat siya pwedeng papasukin. 

“Gogora ka na naman ba kay fafa Randolph, sistah?” Nakatingin lang si Eduardo/Edna sa kanya habang nagmamadaling kunin ang mga gamit. For sure, ay iignorahin na naman siya ng lalake kahit na nga ba maglumuhod or sumayaw siya sa harap nito pero napalaki siya ni Mama Janine niya na huwag susuko sa mga ganitong bagay. 

“Yes, girl. I need to convince him kahit na nga ba ang tawag nang tao sa kanya ay ‘heartless man’. Alam ko na deep inside may natatagong kabutihan doon. I knew Ran dati pa.” Sabi niya sa kaibigan at isinukbit na ang bag. 

“Eh kasi naman girl e.” Napabuntong hiningang sabi pa ni Edna sa kanya. “Namimiss ko nang kumain kasama ka at makakulitan.” 

Napahinto siya sa pag-alis sa harapan nito at bumalatay ang lungkot at saya sa mukha ni Vega. “Don’t worry. Next week, pagpapahingahin ko naman ang sarili ko sa paghabol kay Ran, kahit isa or dalawang araw man lang.” Sabi niya dito at ngumiti bago niya niyakap ang bading na kaibigan. 

“Sureness yan ha kundi never ketch magsama sa iyo at jojombagin pa itetchiwa.” Napapa-gay linggo na sabi ni Edna sa kanya. Napatungo-tungo naman siya at humiwalay na dito. 

“I really need to go. Sige, bye muna sisterette!” Sabi niya dito at tumakbo na palayo. Nakaway-kaway pa nga siya dito. Hindi niya namalayang may mababangga na pala siyang tao. Nahulog ang mga folder na dala ng nabunggo niya at nahulog naman ang bag niya. 

“Sorry ha. Nagmamadali lang kasi akong lumabas.” Yuyuko na sana siya at akmang kukunin ang mga gamit niya nang magkabungguan ulit sila nito pero ngayon ay ang ulo naman nila ang nagbunggo. Hindi niya maiwasang hawakan ang nabunggong parte at napatingin sa nabunggo. Nakahawak din ito sa parteng nabunggo pero nakayuko. Nakita niyang naka-suit ito napahawak na rin sa parteng nasaktan dahil sa banggaan. 

“No it’s my fault. Hindi rin kasi ako nakatingin sa dinadaan ko.” Sabi ng baritonong boses nang lalake. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya dahil busy na ito sa pagkuha ng mga gamit nito. Ilang folder lang naman ang meron siya kaya naman madali lang niyang nakuha ang kanyang mga gamit. Nagkalat na rin ang ibang mga papeles na nakalagay sa loob ng ilang folder nang lalake. Nagmamadali man ay tinulungan na niya ito. 

“Here... Sorry ulit ha.” Sabi niya at iniabot na sa lalakeng kukunin pa lang ang huling dadamputin. Doon naman tumingin sa kanya ang lalake. Napasinghap tuloy siya. Kilala niya ang lalake! Ito ang anak ng boss niyana VP din ng kompanya, si Nathaniel Angelo Sebastian o mas kilala bilang si Mr. Tan. 

“S-Sir Tan.” Na-stummer niyang sagot sa boss. Kung ang Bachelors ay inaabangan ng mga kababaihan dahil sa mga covers nilang gwapo at ang mga buhay nito, dito naman sa opisina ng Bachelors ay ang inaabangan ng mga ka-office mate at lahat ng nagtratrabaho sa Bachelors ay ang mga nag-gwagwapuhang mga lalakeng nagtratrabaho dito. Isa na doon ang Editor in Chief nila na magreresign nang si Rodney Logan at ito ngang si Sir Tan. 

“S-sorry t-talaga ha, Sir Tan.” Nag-sstummer pa rin niyang paghingi ng tawad. Nakalimutan na tuloy niya ang pagmamadali niya at kung bakit siya nagmamadali. Crush kasi niya si Tan since nung una niya itong nakita. Mabait na, gwapo, gentleman at super gwapo pa, kumbaga wala ka nang maipipintas pa. 

“It’s okay.... Miss?” Napakunot noo ito. Hindi pa kasi niya ito nakakausap ng personal. 

“Vega Sandoval, Sir Tan.” Pagpapakilala niya dito. 

“Oh! You’re Vega? I’ve heard a lot about you. You’re one of the Bachelor’s top column writer. I am so proud of you kahit na nga ba hindi pa kita kilala ng lubos. I mean, you are on a competition for a promotion right? With you’re Editorial Assistant. I am wishing you, Goodluck. Sorry nga pala sa pagbungo ko sa iyo.” 

“Top Column Writer? Sobra naman yang bola na yan, Sir. Mahirap po ang kompetisyon namin pero meron na po akong plano para doon, matagal din kasing panahon ang ibinibigay sa amin ni Sir Rod e. Maraming salamat po, Sir Tan ha, kasi kailangan ko nga po talaga ng isang malaki at maraming goodluck, magaling din kasi si Mars... este si Miss Arjellyn e.” 

“Well, once in a while ko lang marinig si Mom na pumuri ng isang tao at ikaw ay one of them. I am sure na mahihirapan din si Miss Arjellyn sa iyo. O sige.. Mukha kasing nagmamadali ka na kanina e, baka napipigilan na kitang makaalis dahil dinadaldal kita.” 

“Ai! Oo nga pala! OMG! Maraming salamat sa pag-uusap, Sir Tan, but I really need to go e. Next time na lang po.” Sabi niya at nagmamadaling tumakbo na pero nakaway parin sa lalakeng boss. 

Weeeeeeeeeeee! Ang saya ko! Nakausap ko na ang super crush kong si Sir Tan! Hindi niya maiwasang mapangiti at maging maganda lalo ang mood niya kahit na nga ba ang pupuntahan niya ay ang si Mr. Kunot-noong si Ran-ran at sasalubungin lahat nang galit nito. 



MUKHANG late ngayon ang buwisit sa buhay niya sa nagdaang dalawang linggo. 2 weeks na siyang ginagambala ng babaeng si Vega. Mukhang hindi yata ito titigil sa kakapunta sa kanyang opisina hanggat di siya napayag sa pagpapainterview. 

Well, bahala siya. Hindi talaga ako magpapainterview. I hope that she won’t get her promotion. She hasn’t paid the price she had cost me when we were in highschool. 

Napatingin tuloy siya sa orasan. It’s half past 12 already. I better go grab something to eat. Napag-isip-isip niya nang makita ang oras. Tumayo na siya at kinuha niya ang cellphone at lumabas na. Alam naman niyang umalis na rin ang mga staff niya para kumain. Natigilan lang siya nang makitang nakatingin si Vega sa kanya at nakangiti ng matamis. Mukhang masaya na naman ang mood nito kahit na nga ba late ito sa pang-bubuwiset sa kanya. 

Don’t tell me, hinhintay ko siyang dumating sa opisina ko para mabuwisit ako? Hindi naman ako masokista ah para lang antayin ang mambubuwisit sa akin. Hindi niya tuloy namalayang nakakunot na ang noo niya. 

“Why are you here?” 

“Hai... ang wafu talaga ni Fafa Tan.” Wala sa sariling sambit nito. Lalo lang kumunot ang noo niya. Hindi ko alam kung may diperensya ako sa tenga or what pero magkatunog ba ang pangalan na sinabi nito or ako talaga ang tinatawag nitong ‘fafa’? 

“What are you talking about? Snap out of it, crazy lady!” Medyo naaasar niyang turan dito. Doon naman parang natauhan ang dalaga. 

“Ai sorry, Ran-ran este Mr. Archuetta. Andyan ka na pala. Saan ka pupunta?” May pagtatakang rumehistro sa mukha ng babae. Nasa labas na kasi siya nang opisina niya. Hindi pa rin nawawala ang kunot nang noo niya. Sa tangkad at sa laki kong ito ay di niya ako nakita? 

“It’s none of your business. I’m going.” Naaasar na turan niya dito at lumakad na kung saan naka-parking ang sasakyan niya. Hindi niya alam kung bakit pero naaasar siya pero di niya alam kung bakit siya naaasar.



ITUTULOY...

No comments: