Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 6 - Chapter 2: Distractions

Copyright © 2011 Chiichoi. All rights reserved.


“Hatchooo!” Napabahing na napatigil si Ran sa ginagawa. Wala siyang sakit at alam niya iyon pero nakapagtatakang napabahing siya. Napakunot noo tuloy siya at nag-isip na baka may kung sino ang nananalangin na sana magkasakit siya.

Natigil lang ang pag-iisip niya ng masama ng biglang mag-ring ang telepono na nasa gilid ng mesa niya. Nag-drawing kasi siya ng designs para sa mga brilyante na ilalabas nila soon.

“Yes?” Nakakunot paring sagot niya sa telepono.

“Mr. Archuetta, Mr. Rivera is on the line and wanted to speak to you.”

“Ok. Let him through.” Nagtataka man dahil sa pagcontact ng kaibigan niya sa kanya sa linya ng companya niya ay ipinagwalang bahala na lang niya.

“Pare!” Nakakagulat na bati nito sa kanya.

“You seem so excited, what is it? Why did you call to this line?”

“Wala lang, Pare. I got a call for someone special to our hearts. Lowbat ang cellphone ko kaya naman sa landline na lang ako tumawag.”

“So who’s this someone special to our heart, brod?”

“Vega Mae Sandoval, does this name ring a bell?” Natatawang tanong nito sa kanya. Nagimbal siya. Hindi niya inaasahang maririnig pa ang pangalan nito. Ano ang kailangan nito ngayon?

“Sorry. I don’t know her. She’s not even special to my heart. Please, don’t phone me because of the stupid lady.” Pagmamaang niya. Napakunot tuloy lalo ang noo niya dahil tumawa lang ang ka-brod niya. Magaling talaga sa asaran ang mga kaibigan niya.

“What are you laughing at?” Naka-asik na tuloy na tanong ni Ran sa kaibigan.

“Nothing, brod. Relax. You don’t need to pretend na hindi mo siya kilala, I know why you don’t even want to talk to her pero pwede mo bang wag munang isipin ang mga iyon dahil nakaraan na e. Forgive her brod. She needed our help.”

“Kung alam mo naman palang ayaw kong maririnig ang pangalan niya, ang makita siya or makausap man lang ay bakit mo pa sinabi sa akin? Wala akong pakialam kung kailangan niya ng tulong mo or natin. I won’t help her ever if she begged for it. It’s either she kill me or I’ll kill her.”

“You’re too morbid brod. She only needs your mouth and voice. She needs our interview for her promotion.”

Never! “Are you really dense or you just can’t read my emotion when it comes to interviews and that lady. I won’t help.”

“As I and she thought. Ayun, nangulit. Kinuha niya ang cellphone at address mo. I gave it to her.”

“WHAT?!” Napatayo pa siya dahil sa nalaman. “Why did you give her my phone number and address without even asking for my permission.”

“Well, it’s actually my choice to give it to her. Mukha kasing gusto niyang patawarin mo siya e. Both of you should talk, Ran, it’s for your peace of mind too.”

“I will change my phone number and so is my condominium.”

“It’s up to you brod...” Natatawa pa ring sabi nito. Mukhang amuse na amuse ito na naririnig siyang natataranta dahil sa babae. Ginugulo talaga nito ang buhay niyang tahimik na.

“...but I already warned you about this things so expect Vega to all the place you go. Mukhang may powers pa rin siya bilang stalker mo.”

“I hate you for this, Brod.”

“And I love you too, brod. I am sure, you will thank me dahil ako ang nagbigay ng way para magkita ulit kayo ni Vega. Well, I’ll hang up the phone. Still need plenty of things to do. See yah, later brod. Bye!”

Hindi na siya nagpaalam pa at binabaan na lang niya ang kaibigan. Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha. Nagulo ang sistema niya sa sinabi ni Elliot. His nightmares came back. Ang nakaraang ayaw na niyang halungkatin pa at ibinaon na niya sa pinakailalim ng ala-ala niya ay nagbabalik. Lintik talaga yang si Elliot.

Nagulat siya ng mag-ring na ang cellphone niya. It was an unregistered number. Ayaw niyang sagutin ito pero baka kung sino ito. Ran hesitated to answer the phone. There’s plenty of question that occupied his mind. So many what ifs.

“Hello?” Napagpasyahan na niyang sagutin ito. Wala namang mawawala sa kanya.

“Mr... Randolph Archuetta?” Babae ang nagsalita sa kabilang linya. Hindi niya kilala ang boses nito.

“Who’s this? How did you get my number?” Nakaasik na tanong niya.

“Akin na ang phone.” Narinig niyang nagsalita ang isang babae sa background.

“Ingat, friend, mukhang galit e.” Sabi naman ng kinausap niya kanina.

“Hello.” Biglang kumabog ang dibdib niya.

Malilintikan talaga yang si Elliot sa akin! Napapikit siya ng mariin at marahas na iminulat ito.

“Who are you? Why did you call in my private number? Who gave you my number?”

“Ran... S-si... S-si V-vega to.” Narinig niyang nag-stummer ang babae. Mukhang natakot ito sa pag-asik niya. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras.

“Vega who? I dunno who you are but if your just calling to give me a prank call then go ang invent some numbers. I’m gonna block you’re number here. Bye.” Bababaan na sana niya ito ng mapasigaw ito.

“Wait!!! I am Vega Mae Sandoval of Bachelor’s Magazine. Ako rin ang kaibigan mo noong highschool pa tayo.”

“A journalist? Wala akong kakilalang Vega Mae Sandoval. I think you’ve got the wrong number. I am hanging up.” Pagkasabi non ay ini-off na niya ang cellphone. Mag-prepretend na lang siya na naubusan siya ng battery. Napabuntong hininga siya. He can’t help but to remember the last time na nag-usap sila. She broke her trust.

Kadarating lang niya ng eskwelahan. Everymorning ay may mga newspaper na ibinibigay sa mga students. Yun na lagi ang nangyayari sa umaga nila kaya naman hindi na siya nagtataka ng may magbigay sa kanya ng pahayagan. Meron rin naman siyang inaabangan na writer ng newspaper nila. Si Vega Mae Sandoval, very close friend at isa sa mga magagaling sumulat sa school.

Binuklat niya ang pahayagan at isa-isang hinanap ang pangalan ni Vega sa bawat sulok ng new paper. Napangiti siya ng makita ang hinahanap niyang article. Ang article ni Vega lang ang binabasa niya. Wala na siyang pakialam sa ibang writer sa newspaper.

Napakunot ang noo niya nang makita ang title ng isinulat nito. “The Lost Princess” Isa sa mga sikreto ng ka-brod nila at ni Ara ang nakasulat doon. Naging kaibigan ito ni Ara at nasabi na rin nila na hindi ito pwedeng isulat sa newspaper dahil na rin sa circumstances ng dalagitang si Ara.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng building at dumiretso sa Newspaper club. Naandoon nga si Vega at kausap ang pinaka-head nila. Mukhang may away rin pero wala na siyang pakialam doon. Vega broke his trust, not really his but all of them. They trusted Vega so much. Masyado na nga syang komportable sa tabi ng dalaga at super close na rin sila. Ngayon ay nangangamba siyang baka pati ang buhay niyang ikinuwento niya ay masulat na rin nito.

“R-Ran-ran... anong ginagawa mo dito?” Nagulat na tanong nito. Ang nakakunot na noo ng dalagita ay napalitan ng pagkalito at pagkatakot.

“I came to tell you something.” Malamig na sagot niya dito.

“What?”

“Don’t ever get near my friends. Simula ngayon ay wala na akong kilalang Vega. Bye!” Sabi niya dito at tinalikuran na.

“Ran-ran! Sandali!” natatigil siya at lumingon. Nakangiti na siya ng nang-uuyam sa dalagita.

“Oh. I totally forgot, don’t call me by my nicknames. Only my good and trusted friends can me that. By the way, this newspaper sucks. I better ask the principal to stop this club.” Sabi niya pa dito at saka itinapon ang newspaper sa pagmumukha ni Vega bago ito nilayasan. Narinig pa niyang tinatawag siya nito pero hindi na niya iyon pinansin. Masyado siyang nagtitiwala sa mga Journalist. Dapat ay nadala na siya. Ang pinaka-mahalagang babae sa buhay niya ay iniwan siya dahil lang sa propesyon nito. Ang nanay niya. His mother said that she will be back for him kapag natapos na ang trabaho niya sa Paris pero hindi na ito bumalik.

Nabulabog ang pagmumuni-muni niya nang mag-ring ang telepono sa harapan niya. Good thing at hindi sinabi ni Elliot ang linya ng telepono niya at may protocol rin na sinusunod ang mga empleyado niya bago pa man makarating sa kanya ang tawag.

“Yes?”

“Tol! I heard the news!”

“Shut up, brod. I don’t need another redundant bad news today.”

“I am just happy that your first lo—.”

“Don’t even try to finish your sentence or I’ll make your life miserable. It was an ancient history brod, I was stupid and very ignorant that time. I’ve changed.” Pagbabanta niya sa kaibigan pero tumawa lang ito.

“You did change but I hope that Vega will do something to make you change again like you used to be.” Seryoso naman nitong sabi. Tama ito, he did change pero para sa kanya ay maganda ang nangyaring pagbabago niya. Hindi na siya nasasaktan pa. It’s very enjoyable.

“Just stop talking nonsense, Theo and just tell me what you really wanted to tell me in the first place.”

“Well, I just wanna tell you that me, James, Ezekiel, Elliot, Sean agreed to get an interview if...”

“If what?” Napapa-rolleyes na niyang tanong sa kaibigan niya. Sila ang magkasundo nito dahil pareho sila ng likaw ng utak at bituka. Pareho rin kasi sila ng tipo ng babae pero it was a miracle na hindi sila nagkakatalo sa babae.

“We told Vega that we are willing to give her an interview if ever she can make you agree to have an interview with her first.”

Napangisi siya. Kahit na indirect ang pagpapahirap niya ay na-grant kaagad iyon. Nang malaman niyang kukulitin siya ng babae ay napagpasyahan niyang pahirapan niya at saktan niya ang dalaga.

“Thanks, brods. Tell them that I owe all of you’s. I was thinking of making her life miserable if she starts to break my happy and peaceful life. All of you don’t need to prepare for any interviews. Kahit kailan ay hindi ako magpapainterview sa babaeng yun.”

“You’re really harsh pero wag kang magsalita ng tapos. You know Vega more than we know her.”

“Whatever, brod. Stop calling me for stupid things. Vega was in the past and will stay there. Forever.”

“You never know, brod. I am just telling you this to warn you and goodluck.”

“I think you’re talking to the wrong person. I don’t need goodluck.”

“Not literally you but you’re heart. Hinay-hinay baka mamaya niyan ay mainlove ka na naman kay Vega.”

“Mas gusto ko pang pumatol kahit kanino basta wag lang siya. You’re making me puke. Please, let’s stop talking about this rubbish topic.”

“Fine, I gotta go. I need to do some ‘projects’ too. Field Marshall Aragonez called me earlier.”

“I think I need to give your ‘goodluck’ back. I’ll see you when I see you, brod. Bye.” Ibinaba na niya ang telepono ang inumpisahan na ulit niya ang ginagawa niya kanina bago pa siya mabulabog ng nakakagimbal na balita.

Kapag ang tatlong words na: Vega, Mae at Sandoval ang naririnig niya ay iba talaga ang epekto nito sa kanya. He remembered na may mga babae na may apelyidong Sandoval, pangalan na Mae at Vega ay wino-walk out-tan niya. He just can’t be near the people with the names like that attached to them. Hinayaan na lang niya ang sarili niyang maging busy sa kanyang ginagawa. He needed to finish the sketch for the new style of diamonds then let his client see it.

Hindi niya namalayan ang oras. It was already 9 in the evening at nagugutom na rin siya pero wala na siya sa mood kumain. Kakatapos lang niya sa ginagawa niya at nagpasya na ring umuwi. He still needed to go to work tomorrow. Sabi ng mga ka-brod niya ay siya ang pinaka-workaholic na ka-brod nila. He can’t help it, mas gugustuhin niya pang magtrabaho kaysa ang makipagplastikan sa mga babae. Iilan lang ang mga babaeng may tiwala siya at nirerespeto, hindi ito lalagpas sa daliri niya sa dalawang kamay.

Iniligpit niya ang mga gamit at inilagay ito sa attachy case niya. Kinuha niya ito ang cellphone niyang nakapatay pa rin. He won’t open it until tomorrow. Wala siyang pakiaalam kung may tumatawag man sa kanya. Kung family problem or problema sa mga ka-brod ay okay lang dahil alam ng mga ito ang telepono sa opisina niya at sa condo niya. Lumabas na siya sa opisina niya.

Ungrateful staff. Naibulong niya sa sarili. Alam niyang maraming takot sa kanya pero it’s not proper to not tell the boss that they are leaving the building. Ikinibit balikat na lang niya ito at nagsimula nang tahakin ang daan patungo sa kotse niya at magbiyahe pauwi sa kanyang condo.

His whole afternoon was quiet. He needed to thank his brods dahil hindi sinabi kay Vega ang number sa opisina niya. Hindi naman nagtagal at nakarating na siya sa condominium na inuupahan. Kinuha na niya ang attachy case niya at lumabas na ng kotse. Malayo pa lang ay matatanaw mo nang may nakatayong tao sa harapan ng building. Dahil hindi niya mamukhaan at dahil madilim na rin ay binaliwala na lang niya kung sino man iyon. His not even expecting any guest so ipinagpatuloy niya ang paglalakad palapit sa building pero napakunot ang noo niya. Babae ang nakatayo doon. Alam niya dahil mahaba at wavy ang buhok nito, sexy rin ito at perfect ang pigura nito.

Napahinto siya saglit nang malapitan na niya ang pigura. He didn’t expect her to be here right now, matapos niyang baliwalain ang babae kani-kanina lang. Nakikipagtitigan ito sa kanya at seryoso ang mukha. The face that haunts him even if they never saw each other in ages.



ITUTULOY...

No comments: