Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Friday, January 18, 2013

JESTER Series 2 - Chapter 11: Forgive and Forget


Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

For 5 years, ngayon lang ulit niya naramdaman ang kakaibang warmth na binibigay ni Ezekiel sa kanya. She misses it so much. Hinagod at tinapik na lang niya ang malapad na likuran ng lalake. Medyo napatagal iyon than usual. Ang nagpahiwalay sa kanila ay ang boses ng batang babae.
“Daddy!” Masayang tawag ng batang babae kay Ezekiel. Hiniwalayan tuloy niya si Ezekiel ng wala sa oras.
“Lauren, meet Tita Chloe.” Pagpapakilala ni Ezekiel sa kanya.
“Hello, beautiful Lauren. I am Tita Chloe!” Masayang bati niya sa batang babae. Nakangiti namang tinanggap nito ang kamay niya.
“Nice meeting you po, Tita Chloe! Dad is she gonna be my new mom?”
“Nooooooo! She’s my mom!” Tumatakbong humangos si Aaron sa tabi niya at niyakap siya.
Natatawa namang niyakap niya ang anak niya. Nagulat na nga lang siya ng yakapin ito ng batang babae. “Your cute! You look like my father! Let’s be siblings for now on!” Sabi nito at niyakap at hinila palayo ang nagpupumiglas na anak niyang lalake. Nakakatawang isipin na magkasundo kaagad ang mga anak ni Ezekiel.
“I should go. I had a ‘date’ with DK.” Sabi naman ni Elliot at makahulugang ngumiti sa kanila. “You two should make up and be more than friends.”
“Sira!” Natatawa niyang turan sa lalake at lumayas na ito.
“But I am planning on doing that. Kahit na pumuti pa ang buhok ko.”
Napalingon siya sa sinabi ng binata sa kanya. Nakita niya ang sincerity nito sa mga mata. Eto na naman siya. Bumabasa ng emosyon ng tao e kung dati ay nag-fail na nga ang kanyang nababasa sa mga mata nito.
“I will make it all up to you sa mga oras na wala ako sa tabi mo ng nagbubuntis ka kay Aaron. Nung iniwan kita dahil kay Cecil at Lauren. Na hindi ko nasabi ang mga katagang matagal ko ng dapat sabihin sa iyo. I will make it all up to you. I promise.”
Natawa siya pero pilit lang iyon at iniiwas ang tingin sa mga mata ni Ezekiel. Natatakot na siyang basahin pa ang mga emosyong nakalagay sa mga mata nito. Takot na ulit siyang mahalin ulit ang lalake.
“Oh! I better go. I am sorry, Ezekiel. I promised KC na dadalhin ko ang anak ko sa kanya at ng madalaw na rin siya.” Sabi niya at tumayo na.
“Aaron! C’mon. We needed to rush. Ninang KC is waiting for us na.” Tawag niya sa anak niya at dali-daling tumakbo papunta sa kanya at yumakap.
“Goodbye, Tito Ezekiel. Thank you rin po sa pagrescue sa akin sa pagka-lost ko. I owe you one.” Sabi pa nito at nag-thumbs up sa lalake. Natatawang niyakap naman nito ang batang lalake.
“No worries, Son. I will always be there to rescue you. Well, Me and lauren should leave aswell. We will see each other soon, Chloe. Just like the old times.” Sabi nito at lumakad na ang mag-ama palayo. Nakita niyang kumaway ang batang babae sa kanya at nag-flying kiss.Hindi pa rin nababawasan ang kakisigan nito.
“Lets go, Honey.” Sabi rin niya at inakay na ang bata papuntang sasakyan.
Hindi nga natapos lang sa isang aksidenteng pagkikita lang ang nangyari sa kanilang dalawa. Laging nagpapadala ng bulalaklak at hatid-sundo ito sa bahay at opisina niya.
Medyo nagtataka nga siya kung bakit alam ng mokong kung saan na siya nakatira. Doon pa nga rin siya namamalagi sa main branch ng HC kaya alam pa rin nito ang opisina niya. Hindi naman niya maitatangging mas naging sweet ito ngayon kaysa dati kahit na nga ba hindi pa rin niya naririnig ang mga katagang gustong-gusto niyang marinig mula dito.
“Ano ba talaga ang balak mo?” Tanong niya dito ng nasa kalagitnaan sila ng dinner nila. Mas gusto niya yung sigurado na kaysa yung nangangapa na naman siya sa dilim dahil sa hindi niya talaga mabasa ang mga nasa isip ng binata.
“What do you mean?” Nagtatakang tanong ng lalake sa kanya. Nakakunot pa nga ang noo nito dahil sa out-of-the-blue na tanong niya sa lalake.
“Why do you need to do all this?
“I just wanted to spent more time with you. I missed you so much.” Sabi nito at tinitigan siya.
“Quit staring at me.” Saway niya dito. Eto kasi ang mga pamatay na moves nito sa kanya e. Ang titigan siya ng nakakatunaw nitong mga mata.
“I just cant. I missed you a lot and I need to explain things from what really happened last 5 years. I needed to tell this to you personally kahit na nga ba sobrang late na ito.”
“Well, why don’t you just tell me now?”
“I will but not when we are in the public. I know a place.”
Matapos silang kumain ay pinuntahan na nila ang lugar na sinasabi nito. Nagulat siya dahil sa libingan sila pumunta. Akala niya ay kung saan romantic na lugar sila pumunta. Huminto sila sa isang puntod at may pangalan itong ‘Cecil Mendez’. Akala ko ba nagpakasal sila?
“I want to tell you everything in front of Cecil. Nakapangako kasi ako sa kanya na makikipagbati at ipapaliwanag ko sayo ang lahat e.”
Tumingin siya dito at nakita niya ang ngiti nito sa labi. Medyo malungkot iyon pero masaya ito.
“Cecil came to me the day that I was thinking of leaving you. Yes, I am a stupid guy who always do things without thinking. I jumped into a relationship without even thinking.” Panimula nito sa kanya. Nasaktan pa siya sa sinabi nito.Alam na niyang nanlalamig na sa kanya ang lalake noon. Pero hindi niya alam na may balak na talaga itong hiwalayan siya. Akala niya ay napipilitan lang ito para sa bata.
“Ako ang nag-umpisa ng ating relation pero napagtanto kong masyadong mabilis ang lahat at natatakot ako sa mga nangyayari. Masyado ka na kasing napapalapit sa akin. I told everyone that I cannot marry yet at takot talaga akong makasal sa isang ‘Chloe’ na nagpapagulo ng magulo ko ng isip.” Bumuntong hininga ito at tumingin sa puntod.
“I was actually relieved when Cecil came and told me that she was pregnant. Ni hindi na nga ako nagpakita sayo at tumawag. Yun naman talaga ang aking isina-plano. But everyday had passed and lalo lang akong naguguluhan. Mas hinahanap kasi kita at mas lalo kitang namimiss but I already promised Cecil na aalagaan ko siya at ang anak namin. She told me that she’s going to die soon. Masyado daw kasing komplikado ang pagbubuntis niya na humantong sa desisyong mamimili siya kung either ipalaglag si Lauren or not. She chose not too.”
Napasinghap siya sa nangyari. All this year pala ay hindi lang siya ang nahihirapan sa nangyari sa kanilang dalawa. Naaawa tuloy siya kay Lauren dahil naulila na ito sa nanay.
“Namatay siya ng maipanganak niya si Lauren.”
“So why didn’t you contact me or even see me for this past few years?”
“Ayaw ko kasing magulo na naman ang organized mo nang buhay. Si Elliot ang naging mata at tenga ko para sa iyo. I don’t even want to interfere ng malaman ko na nahuhulog ang loob ni Elliot sa iyo but I was scared na baka nga mahulog na rin ang loob mo sa kanya but you didn’t. Sinabi sa akin ng ka-brod ko na kapatid/kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. I was very relieved at happy at that time. It means na may pag-asa pa ako sa iyo. I hired man to search for you kasi ayaw akong tulungan ng mga ka-brod ko. They didn’t even told me na may anak na pala tayo until I found a small boy crying in the corner and calling his mommy chloe.”
Natawa siya pagnaaalala niya ang anak niya. The boy was sweet and innocent and she loves him so much.
“Napagtanto kong anak mo siya ng humangos kang umiiyak papunta sa amin na hindi mo na nga ako napansin. It was the most touching part I have ever seen. My son and his mother.”
“Aaron looks a lot like you. Siya ang aking one and only treasure. He reminds me everything about you, our sweet moment. Naalala rin kita.” Sabi niya at hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Akala niya ay tapos na siya sa pag-iyak lalo na kung involve si Ezekiel doon.
Naramdaman niyang pumulupot ang mga kamay ni Ezekiel sa kanya at inihilig nito ang ulo niya sa makisig paring dibdib nito. She felt a small few kisses in her heard and that made her close her eyes and just enjoy the feeling that Ezekiel was giving to him.
“I am sorry for what I did 5 years ago. Pero, I think both of us needed time. I realized na nung mga araw na wala ka sa tabi ko ay mas nafe-feel ko kung gaano ka kahalaga sa akin. Wala akong maipagmamalaki sa iyo si I stay away and watched you from a far. Hoping na sana ay lumigaya ka ng wala ako pero hindi ko pala kayang isipin na hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. So I stepped out of my hiding place and took my chance to find you. Si Aaron pa pala ang maggagabay sa aking towards you.”
“Nung iniwan mo ako, I’ve got this feeling na babalik ka rin sa akin. Ewan ko ba, masyado yata akong bilib sa sarili ko ng mga panahon na iyon. Naghintay ako sayo ng sobrang tagal. Hindi ko na nga ineexpect na babalik ka pa e but then si Aaron lang pala angh hinihintay mo para makabalik ka ulit sa akin.”
Naghiwalay na sila sa yakapan pero magka-holding hands na silang dalawa. Humarap sila sa puntod ni Cecil at pareho ng nakangiti.
“I will take care of your Daughter and Ezekiel. Gabayan mo na lang sana ako sa lahat ng gagawin ko.”
“I won’t let Lauren grew up without a mother. I promised you that she will be love. I won’t let anyone harm or hurt her. I love our daughter, Cecil. Thank you for making me realize how important Chloe to me. I owe you this one.”
Umalis na sila na may unawaan sa isa’t –isa. She felt really happy pero parang may kulang pa. Hindi niya nga lang mapagtanto kung ano pa iyon. Nagpakain tuloy siya at imbitado ang lahat ng JESTER at ang kanilang love interest. Pero siyempre hindi ko muna i-rereveal kung sino-sino sila. Secret muna.
Dumating na ang lahat pwera lang si Ezekiel. Alam kasi niyang medyo may tampuhan pa ang magbest friend dahil sa nangyari sa buhay niya. Sinisisi kasi nito ang sarili dahil hindi siya nito natulungan katulad ng pagtulong niya dati sa mga ito.
“Well, What is the big get-together for, Chloe?” Takang tanong ni Ran na nasa tabi ng ‘date’ nito. Meron kasi itong kasunduan with Miss. Secret about somethings.
“Wait. May hinihintay pa akong mga darating.”
“I am curious. Mukhang may ipapakilala ka sa amin ahh.”
“Actually kilala niyo na siya.” Sabi niya at nakita niyang nakangiti sa kanya si Elliot. Mukhang alam na nito kung sino ang darating. Narinig niya ang katulong na buksan ang pintuan.
May mumunting mga yabag ang mabilis na lumapit sa hapagkainan.
“Tita Chloe!” Masayang bati ni Lauren sa kanya at tumalon pa para mayakap siya.
“Hello, Honey. Where’s your dad?”
“I’m here.” Narinig niyang turan ng lalake na nagpabaling ng atensiyon ng shock na tao sa loob ng hapagkainan.
Lumapit agad siya akay ang anak nito. “Guys. Ezekiel. Matagal din kayong hindi nagkasama-sama.”
“Hey, brod!” Sabi nito at medyo alanganin ang ngiting ipinukol sa mga ka-brod. Unang lumapit dito si Elliot at nagyakapan ang mga ito.
“I think this little princess is kinda out of place here. Lauren, let’s go and meet the kids.” Sabi ni Elliot sa batang babae at tumungo naman ito. Mukhang excited na itong makakilala ng bagong kabataan.
“Sis, Bakit siya nandito?” Nagtatakang tanong ng pinsan niya at medyo kabado sa kung anong gagawin ng asawa.
“We need to tell you our plan. Gusto ko rin sanang magkabati-bati na ang lahat.”
“Musta pare?” Maya-maya ay sabi ni Sean sa lalake. Magaling na itong magtagalog pero may accent pa rin. Salamat sa tutor niya. “We haven’t talked in ages!” Niyakap na rin ni Sean ang lalake. Medyo napapaluha naman si Ezekiel sa warm welcome na ibinibigay ng Brod niya. Sumunod na si Theodore at si Ran kay Sean. Matagal na rin kasi ang mga itong hindi nagkita.
Matapos ang maliit na tanungan ng tatlo ay nakita niyang lumapit si Ezekiel sa bestfriend nito. “James...”
Tumayo si James at humarap dito ng seryoso ang mukha. Pero ngumiti rin ito at medyo naluluha na rin. “Gago ka talaga pare! Antagal na kitang pinapalabas ng lungga mo pero ang tigas ng ulo mo.”
“Sorry na. Gusto ko lang na maayos muna ang buhay ko no. Ayaw ko naman humarap kay Chloe ng hindi pa ako sure.”
“Meron pa bang hindi sure? When I saw you 4 years ago ay miserable ka. Mas misereble ka pa nga kay Chloe na iniwan mo.”
Nagtataka siya sa closeness ng mga ito. “Wait! Hindi na kayo galit sa isa’t-isa?”
“Hindi naman ako galit e. Nagtampo lang ako dito sa mokong na ito dahil si Elliot pa ang sinabihan ng problema. Kung hindi ko nga lang pinabugbog yung si Elliot ay hindi pa ito magsasalita.”
“You did that to Elliot?” Nagulat siya. Naalala niya na dumating ang lalake na may bugbog sa mukha at mga pasa sa katawan. Sabi ng lalake ay napagtripan lang siya ng mga tao sa kanto.
“Well, He don’t want to tell me what’s the real reason about you and Ezekiel breaking up.”
“Sorry, Sis. Alam ko ang lahat ng ito.” Maya-maya ay sabi ni KC at nag-peace sign sa kanya.
“Mas okay na nga ito e. Wala na dapat tayong atupagin na away.” Dumating na rin si elliot na nakangisi.
“Maraming salamat talaga sa pagpapabugbog sa akin noon. Tignan mo at malapit na kami ngayon ni DK.” Sabi nito at kinindatan ang ka-date nito.
“Kung gusto mong magpabugbog, wag mo na lang idamay pa ang iba. Ako mismo ang bubugbog sayo.” Sabi ng maganda pero tomboyish na lalakeng si DK.
Nagsitawanan na ang lahat. Lumapit na rin siya sa tabi ni Ezekiel at automatic na yumakap naman ito sa kanya.
“We decided to get married guys.”
“CHEERS! Sabi ko na nga ba at mauuwi rin kayo sa isa’t-isa e.” Lahat ng mga adults ay nagsitaas na ng mga champagne glasses nila at nag-cheers.



ITUTULOY...

No comments: