Message of the Writer:

Gusto niyo bang malaman kung may post na bago dito sa blog ng mabilisang paraan?

Why not follow this blog page and it will automatically sends you an email kapag naka-Public ang pag-follow niyo! Just scroll down to this blog page and you will find the 'Followers' buttons there!

Tuesday, January 22, 2013

JESTER Series 5 - Chapter 7

Copyrights © 2011. All Rights Reserved.


THREE days had passed at busy rin masyado ang hospital. Hindi na rin naman siya ginagambala pa ni Elliot dahil alam nito na busy siya at alam din niyang may tinatapos itong plano. Napagkasunduan nilang magkikita after three days dahil parehong off nila iyon. Siya naman ang magluluto ng lunch nila ngayon. 

Nakasuot siya ng apron at nasa kalagitnaan na ng pag-preprepare ng kakainin nila ng bumukas ang pintuan ng condo niya. 

“Good afternoon sa iyo, DK. Aga mo nagising ah,” sabi nito at inilapag ang ilang na dala nito. Napagkasunduan nilang mag-movie marathon na lang ulit katulad nung isang araw. Relaxing pa at masaya dahil napagkasunduan nila na Romance at comedy ang genre ng papanoorin. 

“Ngek. Morning shift kaya ako kahapon kaya naman nakatulog ako ng mahimbing. Hindi kasi ako tinawagan kaya walang alam ang lolo.” Napa-rolleyes na kinuha niya at inilagay na sa lalagyan ang nilutong niyang pagkain. Pork naman ang natripan niyang lutuin sa hapunan. Pork Steak with lots of onion at para naman sa starter ay isang chicken noodle soup na na-crave niya habang naghihiwa ng pork. 

“Wow. Sarap ng amoy ha. Pwede ka ng mag-asawa, DK. Tanungin mo na lang ako kapag handa ka nang pakasalan ako.” 

“Tse! Ihanda mo na lang ang kakainan natin. Sopas at pork steak ang niluto ko e,” sabi niya at pinapakuluan pa lalo ang chicken noodle soup na niluto. 

“Opo, Miss...is,” sabi nito at lumapit na sa kabinet kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Wala namang napunta sa condo niya kundi si Elliot kaya naman pang dalawang tao lang talaga ang mga gamit niya dito. Hindi naman siya makalat at ayaw niyang may ibang tao na nakakaalam ng condo niya. She’s a very private person kumbaga. 

Hindi nagtagal at kumain sila at nagkulitan na naman. Lumabas sila sa veranda ng condo niya at naupong pinagmasdan na lang muna ang paglubog nang araw. Masyado pa kasing maaga para mag-movie marathon sila. Kwentuhan at asaran ang ginawa nila hanggang sa magpasya na silang mag-movie marathon. 



Ring♫♪♫ Ring ring ♫♪♫. Nasa kalagitnaan na sila ng pangatlong movie nila nang makuha ng cellphone niya ang atensyon. Medyo asar pa nga siyang pinindot ang cellphone at sinagot iyon. 

“Hello?” Malumanay niyang sagot sa cellphone. 

“DK! I need your help! I’ll go to your secret clinic!” Nagpapanic na turan ni Theo. Hindi niya alam ang nangyayari pero it’s the first time na marinig niya ang panic voice ni Theo. Kahit na nasa napaka-panget na sitwasyon na sila sa Army ay hindi niya kinakitaan ng pagkapanic ang lalaki. 

“Shit, DK! She’s dying!” She? Sinong she? Sino ang babaeng nagpapa-panic sa long time love niya? Bilang Doctor ay nag-failed yata siyang tanungin kung ano ang nangyari at bakit mamamatay na ang kasama nito. Mas iniisip niya pa kung sino ang nagpapa-panic sa lalaki kaysa ang alamin ang kalagayan ng pasyente. 

“Who’s that? Naririnig kong nasigaw ah. Is everything alright, DK?” Nakakunot noong nakatingin na si Elliot sa kanya. Naka-pause na rin ang pinapanood nilang movie. 

Natapungo lang siya kay Elliot and mouthed ‘Si Theodore’. Naka-oh lang ang lalaki at tumungo-tungo. Tumayo ito at lumakad sa kusina niya. 

“Okay. Calm down, GT. I’m on my way to the clinic! See you there. Just stay calm and focus on driving.” Nasabi niya dito. Alam niyang nag-drive ito dahil naririnig niyang bumubusina ito. Nagmamadali talaga ang lalaki. Nag-end call na siya para mas focus ang lalaki sa pag-drive. 

“I needed to go, El. Emergency,” sabi niya sa lalaking nakatalikod at nainom ng tubig. Humarap ito at nakita niyang emotionless ang mata ng kaibigan. Ngumiti ito pero feel na feel niya na hindi ito masaya. 

“Go. Emergency, I cannot ask you to stay and watch movie with me.” 

“I’m really sorry, El. I’ll call you and I’ll be back as soon as I can.” Pag-aasure naman niya sa kaibigan. 

“Yes. Call me when you need me.” 

Ngumiti siya at tumungo. “I will. Thanks, El. I really need to go. Bye,” sabi niya dito at tumakbong kinuha ang keywallet niya at lumabas na ng condo niya. Nag-drive na siya sa secret clinic niya kung saan ang mga army lang ang nakakaalam. 

Malapit lang rin ito sa condo niya kaya maaga siyang nakarating. Binuksan na agad niya ang pintuan at ang ilaw ng mini-clinic niya. 



HINDI nagtagal ay narinig niyang may dumating nang sasakyan sa labas ng clinic kaya naman nagmamadali siyang lumabas para salubungin ang lalaki. 

“Ano bang nangyari?” tanong niya nang makitang nagmamadaling lumabas ang lalaki. Naka-tuxedo itong puti ngunit may mantsa na ito ng dugo. Lumakad na rin siya sa passenger seat at binuksan ang pintuan. Medyo natabig nga siya ng lalaki dahil sa pagmamadaling buhatin ang dalaga. 

Nakita niyang punong puno ang dugo ang upuan ng sasakyan nito at pati na rin ang dalaga. Parang wala rin itong narinig na tanong niya dahil nga masyadong okupado ang isip ng lalaki. Napakaswerte naman ng babaeng ito. She wished something like this too. Yung magpapanic at mag-aalala si Theo dahil sa kanya. Yung okupado siya lagi ng isip ng lalaki pero kahit yata anong gawin niya ay hindi talaga siya kayang mahalin nito. 

“Ihiga mo na lang muna siya diyan. Padapa dapat,” sabi niya nang makapasok na sila sa clinic niya. Sumunod naman agad si Theo at inihiga ng dahan-dahan ang dalaga. Gentleness: isa sa mga gusto niyang maramdaman dito. Naghugas na siya ng kamay na gamit ang alcohol. 

“Save her, DK.” Lumingon siya at nakita niyang nakatingin ang lalaki sa kanya ngunit ang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa dalaga. 

“No worries. Just help me here. Mag-isa lang kasi ako.” Ngumiti siya kahit na ang gusto niya ay ang maiyak ng husto. Hindi ito oras para magmukmok at magselos sa sugatang babae. 

“Disinfect all the tools with alcohols, GT.” Utos niya dito at inilagay na ang gloves niya, naglagay na rin siya ng hairnet at gasmask. Tumungo ito at nag-umpisa nang magdisinfect ng mga gamit niya. 

Hindi nagtagal at nag-umpisa na siyang operahan ang babae. Tinamaan ito sa tagiliran kaya naman ang bilis ng agos ng dugo nito. Natamaan din kasi ang veins nito. Isang .357 SIG na bala ang tumama sa babae. It’s a miracle na hindi tumama ang bala sa buto ng dalaga kundi mas delikado ang lagay nito. 

Nang sabihin niyang stable na ang lagay ng dalaga ay saka lang yata ito nakahinga ng maluwag. Nakita niyang napaupo itong nanghihina sa may bench niya. Kumuha siya ng tubig at ibinigay sa lalaking nagpapanic kani-kanina lang. 

“Care to tell me what happened?” Tanong niya. Kanina kasi ay hindi siya nito sinagot. Hindi nga rin niya kilala kung sino ang babaeng tinulungan niya. First time niyang makita ang dalaga. 

“That crazy lady took a bullet that was supposed to be mine! She’s crazy! I was supposed to be the one to look out for her because her father told me to do so but... I failed FM Aragonez.” 

Field Marshall Aragonez? Anak siya ni FM Aragonez? Ang alam niya ay nag-iisa lang ang anak nitong babae at nasa Amerika. Ano nga bang pangalan nun? 

Nilagok nito ang buong tubig sa baso at ipinahawak ulit nito iyon sa kanya. Theo desperately pulled his hair na parang doon kumukuha ito ng lakas. “I need to call her dad.” Napatungo lang siya sa lalaki at inilapag na ang baso sa side table. Lumakad siya palapit dito at hinayaan lang niyang kausapin nito ang ama ng dalaga. 

“Sir. I’ve got bad news. Aphrodite was shot.” Aphrodite? Aphrodite Rana Aragonez short for Ara. Ahhh Siya pala yun. Ang babaeng nagpapasok kay Theo sa Army. Ngumiti siya ngunit makikita mo na imbes na masaya ang ngiti ay nagdudusa siya. 

Narinig niyang napalakas ang sigaw ng dating General. Sinabi nito ang address ng clinic niya at nag-end call na ito. Hindi mapakaling nagpalakad-lakad lang ito sa harapan niya. DK really wanted to cry pero ano naman ang sasabihin niya sa kaibigan at bakit siya naiyak? Baka magpanic pa lalo ang lalaki at akalaing mamamatay ang babaeng mahal nito. 



WHERE’s my baby?” tanong ni Mrs. Aragonez kay Theo pero hindi ito nakasagot at napatungo lang. Mukhang hindi pa rin nito napapatawad ang sarili dahil sa nangyari sa dalaga. 

“Field Marshall. Mrs. Aragonez, dito lang po,” salo na niya sa kaibigan at lumakad na siya papasok sa loob ng clinic niya. Napaiyak ulit ang nanay ni Ara nang makitang namumutla pa ang dalaga. 

“H-how’s my child?” Pumiyok ang boses ng Field Marshall habang nakatingin sa mag-ina nito. Nakita niya ring kumislap ang gilid ng mata ng matandang lalaki. 

“She’s fine. I suggest na kuhanan ko na kayo kaagad ng dugo. Maraming nawalang dugo sa kanya ngunit walang nag-match na dugo sa amin ni Theo. Your blood is our only hope,” sabi niya dito at tinitigan ang matandang lalaki. 

“I’ll give you my blood,” prisinta ng mommy ni Ara. Iba kasi ang dugo ni Theo at ni Ara. 

“Tinamaan ng bala ang tagiliran ng babae at natamaan rin ang isa sa mga vein kaya mas dumami ang dugong lumabas sa kanya. Napagtagpi ko na ang veins ng anak niyo at natanggal ko na rin ang bala. She’s stable for now but I really need your blood.” 

“Lead the way, Doc,” sabi ng ginang sa kanya at iniwan na ang mag-ama nito. Kinuhanan niya ng isang bag ng dugo ang ginang. Sinalinan na niya ng dugo ang dalaga. 

“Sir, kailangan po ng matagalang pagpapahinga ng anak niya. Naikwento rin sa akin ni GT na may nagtatangka sa buhay ng dalaga. Sa tingin ko po ay kailangan niyo pong ilayo muna ang dalaga. Let say... in another country or sa isang isla.” 

“Pwede bang mag-biyahe ang anak ko?” Takang tanong naman ni Mrs. Aragonez sa kanya. 

“Yes, Mam. Sasama rin muna akong magbiyahe para mas mamonitor ko ang lahat.” 

“Okay. Kung ano ang kailangan ng anak ko ay yun ang gagawin natin. I needed to talk to GT.” Maya-maya ay sabi ng matandang lalaki. 

Lumabas na sila ng Clinic at pinuntahan nilang dalawa si Theo. Nagpaiwan na lang ulit ang mama ni Ara para bantayan ito. Tumabi ang Field Marshall sa lalaki at tinapik sa balikat. 

“I don’t blame you, son. You don’t have to blame yourself.” 

“But... I failed my mission. Hindi ko naprotektahan si Ara. Imbes ay ako pa ang prinotektahan niya. She shouldn’t have done it.” 

“Kung ikaw ang natamaan ng bala, will she be alright now? I doubt it but I didn’t want my daughter to be like this but I know my daughter well, Theo. Masyado niyang iniisip ang tao sa paligid niya kaysa ang sarili niya. Don’t worry about your mission. I just want you to stay beside my baby for the mean time.” 

“What do you mean, Field Marshall Aragonez?” 

“You remember the Island you told me about? Yung isla na wala pang pangalan dahil wala ka pang maisip? I suggest you take Ara there. It’s safer that way. Kami na ang bahala sa paghuli kay Edilberto at Rogelio.” 

“Okay lang bang bumyahe si Ara?” 

“Sasama ako sa paghatid sa inyo. I will be there everyweek rin para ma-check nang husto si Ara. Mr. Aragonez talked to me inside. I think it’s the best idea.” Sabat niya sa usapan ng lalaki at ngumiti. 

“I’ll do anything with my power, Sir.” 

“Take care of Ara, hijo.” Hindi nila namalayan na nakalabas na pala ang Misis ni FM. Napatungo naman si GT sa mga ito at tumawag na ng chopper na maghahatid sa kanila sa Isla ni GT. 



UMAGA na nakarating sa isla sila DK at Theo. Sabi ng lalaki na hindi pa daw nito nabibigyan ng pangalan ang Isla dahil wala pang nagugustuhan ang binata. Regalo daw nito iyon para sa magiging pamilya nito. 

May dalawa ring binata ang sumasa sa kanila para naman mabuhat ang dalaga sa second floor ng bahay ni GT. Siya ang umalalay sa dextrose ng dalaga nang buhatin at ilagay ang dalaga sa kwarto. 

Kumuha ulit siya nang tubig para sa kanilang dalawa at nilapitan ang binatang nakatulalang nakaupo sa may sala. Umupo siya sa may tabi nito at doon naman napatingin ang binata sa kanya at ngumiti. Kinuha nito ang isang basong tubig at ininom ulit ito. Inilapag nito ang baso sa lamesa at inihilig ang ulo sa balikat niya. She can feel na pagod na pagod ang binata. 

“She’s gonna be fine. She’s a fighter tsaka sa mga ikinuwento mo mukhang hindi yun susuko hanggat hindi ka nagiging sa kanya.” Pang-aalo niya sa binata kahit na nga ba sinasaksak ang puso niya. 

“Alam ko naman e. Kaya lang masyado niya akong pinagod,” sabi ng binata at napapikit saglit. 

“E masyado kang nag-panic e. Ngayon lang kita nakitang mag-panic ha. Mukhang sobrang mahalaga si Miss Aragonez sa iyo.” Tukso niya dito. 

“Hindi naman. Siguro nag-panic lang ako dahil imbes na ako yung sumalo ng bala para sa kanya siya ang gumawa non. It’s my job to protect her at nagpanic ako dahil nabaril siya. Nagpanic ako kung ano ang sasabihin sa akin ni Field Marshall,” sabi naman nito sa kanya na ikinangiti niya. Hindi niya alam na tanga pala ito when it comes to love. 

“Well, alam naman ni FM na makulit ang anak niya e. You don’t need to worry about her. Naituro ko na rin naman ang paglilinis ng sugat niya at may gamot kung magkalagnant man ang dalaga. Wag mo masyadong binatin.” Inilapag niya ang tubig at tumayo na. Napatingin tuloy ito sa kanya at kumunot ang noo. 

“Saan ka pupunta?” 

“Uuwi na. May duty pa ako mamaya e,” pagsisinungaling niya. Hindi na lang kasi niya talaga kaya na makipagkwentuhan sa binata dahil alam niyang si Ara lang naman ang pag-uusapan nila. 

“Maraming salamat sa iyo ha.” Nakangiti nang paalam nito sa kanya at inihatid na siya sa may chopper. “I’ll see you soon.” 

“Yes. I’ll see you,” sabi niya dito dahil nagpromise na siya na babalikan ang mga ito everytime na off niya. Sumakay na siya sa chopper at hindi nagtagal at lumipad na ito sa ere. Nakita niyang kumakaway sa ibaba si Theo. 

Doon na niya naibuhos ang mga luha. DK silently cried para naman hindi malaman ng lahat ng nasa chopper na heart broken siya. Kung nasa tabi lang sana niya si Elliot.... Elliot? Tama! Siya ang makikiramay sa akin. I better call him. 

She took her phone out at pinindot ang speed dial number one niya. It was Elliot. 

27 Missed Calls Registered. Nakalagay iyon sa screen ng kanyang phone pero pinindot niya lang ang red button key at tinawagan si Elliot. 

“Hello, El? Can I see you?” Sabi niya at sumisinghot singhot pa. 

“Sure... I’m still in your condo. Nakatulog ako e,” sabi nito sa kanya. 

“Okay. I’ll be there in a few hours. Bye..,” sabi niya at nag-end call na siya. Kung kelan talaga kailangan niya si Elliot ay naandoon ito. Swerte niya talaga sa best friend niya.




ITUTULOY...

No comments: